Aionian Verses

Genesis 37:35
(parallel missing)
At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama. (Sheol h7585)
Genesis 42:38
(parallel missing)
At kaniyang sinabi, Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira; kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan. (Sheol h7585)
Genesis 44:29
(parallel missing)
At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan. (Sheol h7585)
Genesis 44:31
(parallel missing)
Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama. (Sheol h7585)
Numbers 16:30 (Mga Bilang 16:30)
(parallel missing)
Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, at sila'y ibabang mga buhay sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon. (Sheol h7585)
Numbers 16:33 (Mga Bilang 16:33)
(parallel missing)
Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buhay sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan. (Sheol h7585)
Deuteronomy 32:22 (Deuteronomio 32:22)
(parallel missing)
Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok. (Sheol h7585)
1 Samuel 2:6
(parallel missing)
Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa. (Sheol h7585)
2 Samuel 22:6
(parallel missing)
Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin. (Sheol h7585)
1 Kings 2:6 (1 Mga Hari 2:6)
(parallel missing)
Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan, at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa Sheol. (Sheol h7585)
1 Kings 2:9 (1 Mga Hari 2:9)
(parallel missing)
Ngayon nga'y huwag mong ariing walang sala, sapagka't ikaw ay lalaking pantas: at iyong maaalaman ang dapat gawin sa kaniya, at iyong ilusong na may dugo ang kaniyang uban sa ulo sa Sheol. (Sheol h7585)
Job 7:9
(parallel missing)
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol h7585)
Job 11:8
(parallel missing)
Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa? Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman? (Sheol h7585)
Job 14:13
(parallel missing)
Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako! (Sheol h7585)
Job 17:13
(parallel missing)
Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: (Sheol h7585)
Job 17:16
(parallel missing)
Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. (Sheol h7585)
Job 21:13
(parallel missing)
Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol. (Sheol h7585)
Job 24:19
(parallel missing)
Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala. (Sheol h7585)
Job 26:6
(parallel missing)
Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. (Sheol h7585)
Psalms 6:5 (Mga Awit 6:5)
(parallel missing)
Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? (Sheol h7585)
Psalms 9:17 (Mga Awit 9:17)
(parallel missing)
Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. (Sheol h7585)
Psalms 16:10 (Mga Awit 16:10)
(parallel missing)
Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. (Sheol h7585)
Psalms 18:5 (Mga Awit 18:5)
(parallel missing)
Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. (Sheol h7585)
Psalms 30:3 (Mga Awit 30:3)
(parallel missing)
Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. (Sheol h7585)
Psalms 31:17 (Mga Awit 31:17)
(parallel missing)
Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa (sila) sa Sheol. (Sheol h7585)
Psalms 49:14 (Mga Awit 49:14)
(parallel missing)
Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan. (Sheol h7585)
Psalms 49:15 (Mga Awit 49:15)
(parallel missing)
Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) (Sheol h7585)
Psalms 55:15 (Mga Awit 55:15)
(parallel missing)
Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila. (Sheol h7585)
Psalms 86:13 (Mga Awit 86:13)
(parallel missing)
Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol. (Sheol h7585)
Psalms 88:3 (Mga Awit 88:3)
(parallel missing)
Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol, (Sheol h7585)
Psalms 89:48 (Mga Awit 89:48)
(parallel missing)
Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah) (Sheol h7585)
Psalms 116:3 (Mga Awit 116:3)
(parallel missing)
Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. (Sheol h7585)
Psalms 139:8 (Mga Awit 139:8)
(parallel missing)
Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. (Sheol h7585)
Psalms 141:7 (Mga Awit 141:7)
(parallel missing)
Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol. (Sheol h7585)
Proverbs 1:12 (Mga Kawikaan 1:12)
(parallel missing)
Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; (Sheol h7585)
Proverbs 5:5 (Mga Kawikaan 5:5)
(parallel missing)
Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; (Sheol h7585)
Proverbs 7:27 (Mga Kawikaan 7:27)
(parallel missing)
Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol h7585)
Proverbs 9:18 (Mga Kawikaan 9:18)
(parallel missing)
Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol. (Sheol h7585)
Proverbs 15:11 (Mga Kawikaan 15:11)
(parallel missing)
Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao! (Sheol h7585)
Proverbs 15:24 (Mga Kawikaan 15:24)
(parallel missing)
Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba. (Sheol h7585)
Proverbs 23:14 (Mga Kawikaan 23:14)
(parallel missing)
Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. (Sheol h7585)
Proverbs 27:20 (Mga Kawikaan 27:20)
(parallel missing)
Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man. (Sheol h7585)
Proverbs 30:16 (Mga Kawikaan 30:16)
(parallel missing)
Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na. (Sheol h7585)
Ecclesiastes 9:10 (Mangangaral 9:10)
(parallel missing)
Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan. (Sheol h7585)
Song of Solomon 8:6 (Awit ng mga Awit 8:6)
(parallel missing)
Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. (Sheol h7585)
Isaiah 5:14 (Isaias 5:14)
(parallel missing)
Kaya't pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon. (Sheol h7585)
Isaiah 7:11 (Isaias 7:11)
(parallel missing)
Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas. (Sheol h7585)
Isaiah 14:9 (Isaias 14:9)
(parallel missing)
Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa. (Sheol h7585)
Isaiah 14:11 (Isaias 14:11)
(parallel missing)
Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod. (Sheol h7585)
Isaiah 14:15 (Isaias 14:15)
(parallel missing)
Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay. (Sheol h7585)
Isaiah 28:15 (Isaias 28:15)
(parallel missing)
Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo, (Sheol h7585)
Isaiah 28:18 (Isaias 28:18)
(parallel missing)
At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon. (Sheol h7585)
Isaiah 38:10 (Isaias 38:10)
(parallel missing)
Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon. (Sheol h7585)
Isaiah 38:18 (Isaias 38:18)
(parallel missing)
Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan. (Sheol h7585)
Isaiah 57:9 (Isaias 57:9)
(parallel missing)
At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol. (Sheol h7585)
Ezekiel 31:15
(parallel missing)
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na siya'y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako: aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya, at pinigil ko ang mga ilog niya; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano, at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya. (Sheol h7585)
Ezekiel 31:16
(parallel missing)
Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal, nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay; at ang lahat na punong kahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Libano, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa. (Sheol h7585)
Ezekiel 31:17
(parallel missing)
Sila rin nama'y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak; oo, silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa. (Sheol h7585)
Ezekiel 32:21
(parallel missing)
Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya: sila'y nagsibaba, sila'y nangakatigil, sa makatuwid baga'y ang mga hindi tuli, na nangapatay ng tabak. (Sheol h7585)
Ezekiel 32:27
(parallel missing)
At sila'y hindi mangahihiga na kasama ng makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli, na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma, at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo, at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto; sapagka't sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buhay. (Sheol h7585)
Hosea 13:14
(parallel missing)
Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata. (Sheol h7585)
Amos 9:2
(parallel missing)
Bagaman sila'y humukay hanggang sa Sheol, mula roo'y kukunin sila ng aking kamay; at bagaman sila'y sumampa hanggang sa langit, mula roo'y ibababa ko sila. (Sheol h7585)
Вов пхэнда: — Ды бида мэ типисилём РАЕСТИ, и Вов задэдуманя мандэ. Мэ затиписилём кола люмлятар мулэндар — тай Ту ушундан муро гласо. (Sheol h7585)
At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. (Sheol h7585)
Habakkuk 2:5 (Habacuc 2:5)
(parallel missing)
Oo, bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan. (Sheol h7585)
Matthew 5:22 (Mateo 5:22)
(parallel missing)
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy. (Geenna g1067)
Matthew 5:29 (Mateo 5:29)
(parallel missing)
At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno. (Geenna g1067)
Matthew 5:30 (Mateo 5:30)
(parallel missing)
At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno. (Geenna g1067)
Matthew 10:28 (Mateo 10:28)
(parallel missing)
At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno. (Geenna g1067)
Matthew 11:23 (Mateo 11:23)
(parallel missing)
At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito. (Hadēs g86)
Matthew 12:32 (Mateo 12:32)
(parallel missing)
At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating. (aiōn g165)
Matthew 13:22 (Mateo 13:22)
(parallel missing)
At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga. (aiōn g165)
Matthew 13:39 (Mateo 13:39)
(parallel missing)
At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: at ang pagaani ay ang katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel. (aiōn g165)
Matthew 13:40 (Mateo 13:40)
(parallel missing)
Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan. (aiōn g165)
Matthew 13:49 (Mateo 13:49)
(parallel missing)
Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, (aiōn g165)
Matthew 16:18 (Mateo 16:18)
(parallel missing)
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. (Hadēs g86)
Matthew 18:8 (Mateo 18:8)
(parallel missing)
At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan. (aiōnios g166)
Matthew 18:9 (Mateo 18:9)
(parallel missing)
At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno. (Geenna g1067)
Matthew 19:16 (Mateo 19:16)
(parallel missing)
At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? (aiōnios g166)
Matthew 19:29 (Mateo 19:29)
(parallel missing)
At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay. (aiōnios g166)
Matthew 21:19 (Mateo 21:19)
(parallel missing)
At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos. (aiōn g165)
Matthew 23:15 (Mateo 23:15)
(parallel missing)
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. (Geenna g1067)
Matthew 23:33 (Mateo 23:33)
(parallel missing)
Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? (Geenna g1067)
Matthew 24:3 (Mateo 24:3)
(parallel missing)
At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan? (aiōn g165)
Matthew 25:41 (Mateo 25:41)
(parallel missing)
Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel: (aiōnios g166)
Matthew 25:46 (Mateo 25:46)
(parallel missing)
At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay. (aiōnios g166)
Matthew 28:20 (Mateo 28:20)
(parallel missing)
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (aiōn g165)
Mark 3:29 (Marcos 3:29)
(parallel missing)
Datapuwa't sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan: (aiōn g165, aiōnios g166)
Mark 4:19 (Marcos 4:19)
(parallel missing)
At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga. (aiōn g165)
Mark 9:43 (Marcos 9:43)
(parallel missing)
At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay. (Geenna g1067)
Mark 9:45 (Marcos 9:45)
(parallel missing)
At kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno. (Geenna g1067)
Mark 9:47 (Marcos 9:47)
(parallel missing)
At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno; (Geenna g1067)
Mark 10:17 (Marcos 10:17)
(parallel missing)
At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan? (aiōnios g166)
Mark 10:30 (Marcos 10:30)
(parallel missing)
Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay. (aiōn g165, aiōnios g166)
Mark 11:14 (Marcos 11:14)
(parallel missing)
At sumagot si Jesus at sinabi rito, Sinomang tao'y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man. At ito'y narinig ng kaniyang mga alagad. (aiōn g165)
И авэла Вов Тхагари дэ родо Иаковохкоро, и Тхагаримо Лэхкоро никала на пэрэачела. (aiōn g165)
At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. (aiōn g165)
сар дэня Вов лав амарэ дадэнди, Авраамости тай лэхкэрэ родости пэ всавири вряма. (aiōn g165)
(Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man. (aiōn g165)
зрицардан Тиро лав, саво Ту пхэнэґас дэ думутни вряма Тирэ свэнтонэ англунаренца, (aiōn g165)
(Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon), (aiōn g165)
Тай мангле Исусо, соб Вов тэ на бичалэл лэн дэ хасютно тхан. (Abyssos g12)
At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman. (Abyssos g12)
И ту, форо Капернаумо, гинисарэх тэ ваздэпэ упрэ? Ту дэ адо тэлэдэґа. (Hadēs g86)
At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades. (Hadēs g86)
Тунчи екх сиклимарендар пав Упхэнима вщиля, соб тэ зумавэ Исусо, тай пхучля: — Сиклимари! Со манди тэ терэ, соб тэ авэл мандэ вечно джювимо? (aiōnios g166)
At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay? (aiōnios g166)
Нэ сикавава тумэнди, кастар трэбуни тэ дара: даран Кодэлэстар, Кастэ исин зор на кици тэ мулярэ, нэ тэ чувэ дэ геенна. Кади, пхэнав тумэнди, Кодэлэстар даран. (Geenna g1067)
Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan. (Geenna g1067)
И ашарда хулай бипативалэ бутярнэ пала кода, сар годяґа выджиля кадэлэ рындостар. Кадэла люмлякэрэ чявэ лиджян рындуря пэхкэрэ амалэнца годявэдэр, сар чявэ Дэвлэхкэрэ, Саво исин Одуд. (aiōn g165)
At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw. (aiōn g165)
Мэ ж пхэнав тумэнди: азбан пэсти амалэн хасютнэ барвалимаґа. И кала тумаро барвалимо проджяла, тумэн прылэна дэ катунэн, савэ авэна тэ аче вечно. (aiōnios g166)
At sinabi ko sa inyo, Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan; upang, kung kayo'y magkulang, ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo. (aiōnios g166)
И кала барвало халас грыжа дэ адо, вов подыкхля упрал и удыкхля дур пэстар Авраамо и Лазаре, саво сля паша лэстэ. (Hadēs g86)
At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. (Hadēs g86)
Екх пхурэдэрэндар пхучля Исусостар: — Сиклимари лачё! Со манди тэ терэ, соб тэ доросав вечно джювимо? (aiōnios g166)
At tinanong siya ng isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay? (aiōnios g166)
лэла будэр дэ кадэлэ джювима, а дэ вряма, сави авэла, — вечно джювимо. (aiōn g165, aiōnios g166)
Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay. (aiōn g165, aiōnios g166)
Исусо пхэнда лэнди: — Мануша дэ кадэва вако лэн пэсти ромнен и джян паларом. (aiōn g165)
At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa: (aiōn g165)
А касти вытэлэдэла патив тэ джювэ дэ авэр вако тай савэ отджювдёна мулэндар, кадэла мануша на лэн пэсти ромнен и паларом на выджян. (aiōn g165)
Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin: (aiōn g165)
John 3:15 (Juan 3:15)
(parallel missing)
Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
John 3:16 (Juan 3:16)
(parallel missing)
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
John 3:36 (Juan 3:36)
(parallel missing)
Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya. (aiōnios g166)
John 4:14 (Juan 4:14)
(parallel missing)
Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan. (aiōn g165, aiōnios g166)
John 4:36 (Juan 4:36)
(parallel missing)
Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa. (aiōnios g166)
John 5:24 (Juan 5:24)
(parallel missing)
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. (aiōnios g166)
John 5:39 (Juan 5:39)
(parallel missing)
Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. (aiōnios g166)
John 6:27 (Juan 6:27)
(parallel missing)
Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios. (aiōnios g166)
John 6:40 (Juan 6:40)
(parallel missing)
Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. (aiōnios g166)
John 6:47 (Juan 6:47)
(parallel missing)
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
John 6:51 (Juan 6:51)
(parallel missing)
Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan. (aiōn g165)
John 6:54 (Juan 6:54)
(parallel missing)
Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. (aiōnios g166)
John 6:58 (Juan 6:58)
(parallel missing)
Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man. (aiōn g165)
John 6:68 (Juan 6:68)
(parallel missing)
Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
John 8:35 (Juan 8:35)
(parallel missing)
At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man. (aiōn g165)
John 8:51 (Juan 8:51)
(parallel missing)
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan. (aiōn g165)
John 8:52 (Juan 8:52)
(parallel missing)
Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan. (aiōn g165)
John 9:32 (Juan 9:32)
(parallel missing)
Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag. (aiōn g165)
John 10:28 (Juan 10:28)
(parallel missing)
At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. (aiōn g165, aiōnios g166)
John 11:26 (Juan 11:26)
(parallel missing)
At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito? (aiōn g165)
John 12:25 (Juan 12:25)
(parallel missing)
Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
John 12:34 (Juan 12:34)
(parallel missing)
Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito? (aiōn g165)
John 12:50 (Juan 12:50)
(parallel missing)
At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita. (aiōnios g166)
John 13:8 (Juan 13:8)
(parallel missing)
Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin. (aiōn g165)
John 14:16 (Juan 14:16)
(parallel missing)
At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man, (aiōn g165)
John 17:2 (Juan 17:2)
(parallel missing)
Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. (aiōnios g166)
John 17:3 (Juan 17:3)
(parallel missing)
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. (aiōnios g166)
Ту ж на ачявэґа муро води дэ адо тай на дэґа, соб свэнто Тиро тэ лэлпэ прахоґа. (Hadēs g86)
Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. (Hadēs g86)
Вов дыкхля англуни вряма и дэдумэлас пала Христохкоро отджюндивимо, со Вов на авэла ачявдо дэ адо, и со Лэхкоро трупо на лэлапэ прахоґа. (Hadēs g86)
Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. (Hadēs g86)
Нэ Исусости трэбуни тэ ачелпэ дэ болыбэн, кала авэла Лэхкири вряма и кала Дэвэл возтховэла вса; вряма, пала сави Вов думут пхэнэлас чэрэз Пэхкэрэн свэнтонэн англунарен. (aiōn g165)
Na siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una. (aiōn g165)
Тунчи Павло тай Варнава пхэндэ лэнди ворта: — Лав Дэвлэхкоро трэбуни сля англал всавэрэстар тэ дэдумэ тумэнди. Нэ кала тумэ отпхэнэнпэ лэстар, тай на бинэн, со вечно джювимо исин важ тумэн, амэ джях наиудеенгэрэ манушэндэ, (aiōnios g166)
At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil. (aiōnios g166)
Кала наиудея шундэ када, вонэ сле лошалэ тай лашарэнас Рае пала Лэхкэрэ лавэ. Тай патине всавэрэ, савэ сле вытидэне вечно джювимастэ. (aiōnios g166)
At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
со джянэл англунимастар». (aiōn g165)
Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una. (aiōn g165)
Romans 1:20 (Mga Roma 1:20)
(parallel missing)
Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: (aïdios g126)
Romans 1:25 (Mga Roma 1:25)
(parallel missing)
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Romans 2:7 (Mga Roma 2:7)
(parallel missing)
Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan: (aiōnios g166)
Romans 5:21 (Mga Roma 5:21)
(parallel missing)
Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. (aiōnios g166)
Romans 6:22 (Mga Roma 6:22)
(parallel missing)
Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Romans 6:23 (Mga Roma 6:23)
(parallel missing)
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. (aiōnios g166)
Romans 9:5 (Mga Roma 9:5)
(parallel missing)
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Romans 10:7 (Mga Roma 10:7)
(parallel missing)
O, Sino ang mananaog sa kalalimlaliman? (sa makatuwid baga'y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.) (Abyssos g12)
Romans 11:32 (Mga Roma 11:32)
(parallel missing)
Sapagka't ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat. (eleēsē g1653)
Romans 11:36 (Mga Roma 11:36)
(parallel missing)
Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Romans 12:2 (Mga Roma 12:2)
(parallel missing)
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. (aiōn g165)
Romans 16:25 (Mga Roma 16:25)
(parallel missing)
At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. (aiōnios g166)
Romans 16:26 (Mga Roma 16:26)
(parallel missing)
Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya: (aiōnios g166)
Romans 16:27 (Mga Roma 16:27)
(parallel missing)
Sa iisang Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
1-Corinthians 1:20 (1 Mga Corinto 1:20)
(parallel missing)
Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan? (aiōn g165)
1-Corinthians 2:6 (1 Mga Corinto 2:6)
(parallel missing)
Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala: (aiōn g165)
1-Corinthians 2:7 (1 Mga Corinto 2:7)
(parallel missing)
Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin: (aiōn g165)
1-Corinthians 2:8 (1 Mga Corinto 2:8)
(parallel missing)
Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian: (aiōn g165)
1-Corinthians 3:18 (1 Mga Corinto 3:18)
(parallel missing)
Sinoma'y huwag magdaya sa kaniyang sarili. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong. (aiōn g165)
1-Corinthians 8:13 (1 Mga Corinto 8:13)
(parallel missing)
Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid. (aiōn g165)
1-Corinthians 10:11 (1 Mga Corinto 10:11)
(parallel missing)
Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. (aiōn g165)
1-Corinthians 15:55 (1 Mga Corinto 15:55)
(parallel missing)
Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo? (Hadēs g86)
2-Corinthians 4:4 (2 Mga Corinto 4:4)
(parallel missing)
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios. (aiōn g165)
2-Corinthians 4:17 (2 Mga Corinto 4:17)
(parallel missing)
Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan; (aiōnios g166)
2-Corinthians 4:18 (2 Mga Corinto 4:18)
(parallel missing)
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan. (aiōnios g166)
2-Corinthians 5:1 (2 Mga Corinto 5:1)
(parallel missing)
Sapagka't nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan. (aiōnios g166)
2-Corinthians 9:9 (2 Mga Corinto 9:9)
(parallel missing)
Gaya ng nasusulat, Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. (aiōn g165)
2-Corinthians 11:31 (2 Mga Corinto 11:31)
(parallel missing)
Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling. (aiōn g165)
Galatians 1:4 (Mga Galacia 1:4)
(parallel missing)
Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama: (aiōn g165)
Galatians 1:5 (Mga Galacia 1:5)
(parallel missing)
Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Galatians 6:8 (Mga Galacia 6:8)
(parallel missing)
Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Ephesians 1:21 (Mga Efeso 1:21)
(parallel missing)
Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating: (aiōn g165)
Ephesians 2:2 (Mga Efeso 2:2)
(parallel missing)
Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; (aiōn g165)
Ephesians 2:7 (Mga Efeso 2:7)
(parallel missing)
Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus: (aiōn g165)
Ephesians 3:9 (Mga Efeso 3:9)
(parallel missing)
At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; (aiōn g165)
Ephesians 3:11 (Mga Efeso 3:11)
(parallel missing)
Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin: (aiōn g165)
Ephesians 3:21 (Mga Efeso 3:21)
(parallel missing)
Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Ephesians 6:12 (Mga Efeso 6:12)
(parallel missing)
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. (aiōn g165)
Philippians 4:20 (Mga Filipos 4:20)
(parallel missing)
Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Colossians 1:26 (Mga Colosas 1:26)
(parallel missing)
Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal, (aiōn g165)
2-Thessalonians 1:9 (2 Mga Tesalonica 1:9)
(parallel missing)
Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (aiōnios g166)
2-Thessalonians 2:16 (2 Mga Tesalonica 2:16)
(parallel missing)
Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya, (aiōnios g166)
1-Timothy 1:16 (1 Timoteo 1:16)
(parallel missing)
Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
1-Timothy 1:17 (1 Timoteo 1:17)
(parallel missing)
Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
1-Timothy 6:12 (1 Timoteo 6:12)
(parallel missing)
Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi. (aiōnios g166)
1-Timothy 6:16 (1 Timoteo 6:16)
(parallel missing)
Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa. (aiōnios g166)
1-Timothy 6:17 (1 Timoteo 6:17)
(parallel missing)
Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak; (aiōn g165)
2-Timothy 1:9 (2 Timoteo 1:9)
(parallel missing)
Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan. (aiōnios g166)
2-Timothy 2:10 (2 Timoteo 2:10)
(parallel missing)
Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan. (aiōnios g166)
2-Timothy 4:10 (2 Timoteo 4:10)
(parallel missing)
Sapagka't ako'y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia. (aiōn g165)
2-Timothy 4:18 (2 Timoteo 4:18)
(parallel missing)
Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Titus 1:2 (Tito 1:2)
(parallel missing)
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan; (aiōnios g166)
Titus 2:12 (Tito 2:12)
(parallel missing)
Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito; (aiōn g165)
Titus 3:7 (Tito 3:7)
(parallel missing)
Upang, sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Philemon 1:15 (Filemon 1:15)
(parallel missing)
Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man; (aiōnios g166)
Hebrews 1:2 (Mga Hebreo 1:2)
(parallel missing)
Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; (aiōn g165)
Hebrews 1:8 (Mga Hebreo 1:8)
(parallel missing)
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. (aiōn g165)
Hebrews 5:6 (Mga Hebreo 5:6)
(parallel missing)
Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. (aiōn g165)
Hebrews 5:9 (Mga Hebreo 5:9)
(parallel missing)
At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya; (aiōnios g166)
Hebrews 6:2 (Mga Hebreo 6:2)
(parallel missing)
Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan. (aiōnios g166)
Hebrews 6:5 (Mga Hebreo 6:5)
(parallel missing)
At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, (aiōn g165)
Hebrews 6:20 (Mga Hebreo 6:20)
(parallel missing)
Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. (aiōn g165)
Hebrews 7:17 (Mga Hebreo 7:17)
(parallel missing)
Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. (aiōn g165)
Hebrews 7:21 (Mga Hebreo 7:21)
(parallel missing)
(Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya, Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man); (aiōn g165)
Hebrews 7:24 (Mga Hebreo 7:24)
(parallel missing)
Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. (aiōn g165)
Hebrews 7:28 (Mga Hebreo 7:28)
(parallel missing)
Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man. (aiōn g165)
Hebrews 9:12 (Mga Hebreo 9:12)
(parallel missing)
At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan. (aiōnios g166)
Hebrews 9:14 (Mga Hebreo 9:14)
(parallel missing)
Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay? (aiōnios g166)
Hebrews 9:15 (Mga Hebreo 9:15)
(parallel missing)
At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan. (aiōnios g166)
Hebrews 9:26 (Mga Hebreo 9:26)
(parallel missing)
Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili. (aiōn g165)
Hebrews 11:3 (Mga Hebreo 11:3)
(parallel missing)
Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios, ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita. (aiōn g165)
Hebrews 13:8 (Mga Hebreo 13:8)
(parallel missing)
Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man. (aiōn g165)
Hebrews 13:20 (Mga Hebreo 13:20)
(parallel missing)
Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus, (aiōnios g166)
Hebrews 13:21 (Mga Hebreo 13:21)
(parallel missing)
Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
James 3:6 (Santiago 3:6)
(parallel missing)
At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno. (Geenna g1067)
1-Peter 1:23 (1 Pedro 1:23)
(parallel missing)
Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi. (aiōn g165)
1-Peter 1:25 (1 Pedro 1:25)
(parallel missing)
Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo. (aiōn g165)
1-Peter 4:11 (1 Pedro 4:11)
(parallel missing)
Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
1-Peter 5:10 (1 Pedro 5:10)
(parallel missing)
At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. (aiōnios g166)
1-Peter 5:11 (1 Pedro 5:11)
(parallel missing)
Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
2-Peter 1:11 (2 Pedro 1:11)
(parallel missing)
Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo. (aiōnios g166)
2-Peter 2:4 (2 Pedro 2:4)
(parallel missing)
Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom; (Tartaroō g5020)
2-Peter 3:18 (2 Pedro 3:18)
(parallel missing)
Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
1-John 1:2 (1 Juan 1:2)
(parallel missing)
(At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag); (aiōnios g166)
1-John 2:17 (1 Juan 2:17)
(parallel missing)
At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man. (aiōn g165)
1-John 2:25 (1 Juan 2:25)
(parallel missing)
At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
1-John 3:15 (1 Juan 3:15)
(parallel missing)
Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
1-John 5:11 (1 Juan 5:11)
(parallel missing)
At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. (aiōnios g166)
1-John 5:13 (1 Juan 5:13)
(parallel missing)
Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. (aiōnios g166)
1-John 5:20 (1 Juan 5:20)
(parallel missing)
At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
2-John 1:2 (2 Juan 1:2)
(parallel missing)
Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man: (aiōn g165)
Jude 1:6 (Judas 1:6)
(parallel missing)
At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw. (aïdios g126)
Jude 1:7 (Judas 1:7)
(parallel missing)
Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan. (aiōnios g166)
Jude 1:13 (Judas 1:13)
(parallel missing)
Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man. (aiōn g165)
Jude 1:21 (Judas 1:21)
(parallel missing)
Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Jude 1:25 (Judas 1:25)
(parallel missing)
Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Revelation 1:6 (Pahayag 1:6)
(parallel missing)
At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Revelation 1:18 (Pahayag 1:18)
(parallel missing)
At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. (aiōn g165, Hadēs g86)
Revelation 4:9 (Pahayag 4:9)
(parallel missing)
At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, (aiōn g165)
Revelation 4:10 (Pahayag 4:10)
(parallel missing)
Ang dalawangpu't apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi, (aiōn g165)
Revelation 5:13 (Pahayag 5:13)
(parallel missing)
At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man. (aiōn g165)
Revelation 6:8 (Pahayag 6:8)
(parallel missing)
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa. (Hadēs g86)
Revelation 7:12 (Pahayag 7:12)
(parallel missing)
Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
Revelation 9:1 (Pahayag 9:1)
(parallel missing)
At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman. (Abyssos g12)
Revelation 9:2 (Pahayag 9:2)
(parallel missing)
At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay. (Abyssos g12)
Revelation 9:11 (Pahayag 9:11)
(parallel missing)
Sila'y may pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon. (Abyssos g12)
Revelation 10:6 (Pahayag 10:6)
(parallel missing)
At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon: (aiōn g165)
Revelation 11:7 (Pahayag 11:7)
(parallel missing)
At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin. (Abyssos g12)
Revelation 11:15 (Pahayag 11:15)
(parallel missing)
At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man. (aiōn g165)
Revelation 14:6 (Pahayag 14:6)
(parallel missing)
At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; (aiōnios g166)
Revelation 14:11 (Pahayag 14:11)
(parallel missing)
At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. (aiōn g165)
Revelation 15:7 (Pahayag 15:7)
(parallel missing)
At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man. (aiōn g165)
Revelation 17:8 (Pahayag 17:8)
(parallel missing)
At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. (Abyssos g12)
Revelation 19:3 (Pahayag 19:3)
(parallel missing)
At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man. (aiōn g165)
Revelation 19:20 (Pahayag 19:20)
(parallel missing)
At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre: (Limnē Pyr g3041 g4442)
Revelation 20:1 (Pahayag 20:1)
(parallel missing)
At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos g12)
Revelation 20:3 (Pahayag 20:3)
(parallel missing)
At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. (Abyssos g12)
Revelation 20:10 (Pahayag 20:10)
(parallel missing)
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. (aiōn g165, Limnē Pyr g3041 g4442)
Revelation 20:13 (Pahayag 20:13)
(parallel missing)
At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. (Hadēs g86)
Revelation 20:14 (Pahayag 20:14)
(parallel missing)
At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. (Hadēs g86, Limnē Pyr g3041 g4442)
Revelation 20:15 (Pahayag 20:15)
(parallel missing)
At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Limnē Pyr g3041 g4442)
Revelation 21:8 (Pahayag 21:8)
(parallel missing)
Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. (Limnē Pyr g3041 g4442)
Revelation 22:5 (Pahayag 22:5)
(parallel missing)
At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man. (aiōn g165)

RSB > Aionian Verses: 21
TG5 > Aionian Verses: 264