< Rute 4 >
1 E Boaz subiu à porta da cidade e sentou-se ali: e eis que passava aquele parente do qual havia Boaz falado, e disse-lhe: Ei, fulano, vem aqui e senta-te. E ele veio, e sentou-se.
Ngayon umakyat si Boaz sa tarangkahan at umupo roon. Maya-maya, dumaan ang malapit na kamag-anak na nabanggit ni Boaz. Sinabi ni Boaz sa kaniya, “Aking kaibigan, lumapit ka at maupo rito.” Lumapit ang lalaki at umupo.
2 Então ele tomou dez homens dos anciãos da cidade, e disse: Sentai-vos aqui. E eles se sentaram.
Pagkatapos nagdala si Boaz ng sampung lalaki na mga nakatatanda sa lungsod at sinabing, “Umupo kayo rito.” Kaya umupo sila.
3 Logo disse ao parente: Noemi, que voltou do campo de Moabe, vende uma parte das terras que teve nosso irmão Elimeleque;
Sinabi ni Boaz sa malapit na kamag-anak, “Si Naomi, na nagbalik mula sa bansa ng Moab, ay ipinagbibili ang kapiraso ng lupain na noon ay sa ating kapatid na si Elimelek.
4 E eu decidi fazê-lo saber a ti, e dizer-te que a tomes diante dos que estão aqui sentados, e diante dos anciãos de meu povo. Se houveres de redimir, redime; e se não quiseres redimir, declara-o a mim para que eu o saiba: porque não há outro que redima a não ser tu, e eu depois de ti. E ele respondeu: Eu redimirei.
Iniisip kong ipagbigay-alam at sabihin sa iyo, 'Bilhin mo ito sa harapan ng mga nakaupo rito, at sa harapan ng mga nakatatanda ng aking bayan.' Kung nais mong tubusin ito, tubusin mo. Pero kung hindi mo gustong tubusin ito, sabihin mo sa akin para malaman ko, dahil wala ni isang tutubos nito maliban sa iyo, at ako ang kasunod mo.” Pagkatapos, sinabi ng ibang lalaki, “Tutubusin ko ito.”
5 Então replicou Boaz: O mesmo dia que tomares as terras da mão de Noemi, hás de tomar também a Rute moabita, mulher do defunto, para que suscites o nome do morto sobre sua possessão.
Pagkatapos sinabi ni Boaz, “Sa araw na bilhin mo ang bukid mula sa kamay ni Naomi, kailangan mo ring kunin si Ruth na Moabita, ang asawa ng namatay na lalaki, sa utos para maitaas ang pangalan ng namatay sa kaniyang pamana.”
6 E respondeu o parente: Não posso redimir por minha parte, porque lançaria a perder minha propriedade: redime tu usando de meu direito, porque eu não poderei redimir.
Pagkatapos sinabi ng malapit na kamag-anak, “Hindi ko ito matutubos para sa aking sarili nang hindi masisira ang aking sariling pamana. Kunin mo ang aking karapatan ng pagtubos para sa iyong sarili, dahil hindi ko ito matutubos.”
7 Havia já de longo tempo este costume em Israel na remissão ou contrato, que para a confirmação de qualquer negócio, o um se tirava o sapato e o dava a seu companheiro: e este era o testemunho em Israel.
Ngayon ito ang kaugalian sa Israel sa mga naunang panahon patungkol sa pagtubos at pagpalit ng mga ari-arian. Para patunayan ang lahat ng mga bagay, hinuhubad ng isang tao ang kaniyang sapatos at ibinibigay ito sa kaniyang kapitbahay; ito ang paraan sa paggawa ng ayon sa batas na mga kasunduan sa Israel.
8 Então o parente disse a Boaz: Toma-o tu. E descalçou seu sapato.
Kaya sinabi ng malapit na kamag-anak kay Boaz, “Bilhin ito para sa iyong sarili.” At hinubad niya ang kaniyang sapatos.
9 E Boaz disse aos anciãos e a todo aquele povo: Vós sois hoje testemunhas de que tomo todas as coisas que foram de Elimeleque, e tudo o que foi de Quiliom e de Malom, da mão de Noemi.
Pagkatapos sinabi ni Boaz sa mga nakatatanda at sa lahat ng mga tao, “Kayo ang mga saksi sa araw na ito na nabili ko ang lahat ng dating kay Elimelek at lahat ng dating kay Quelion at Mahlon mula sa kamay ni Naomi.
10 E que também tomo por minha mulher a Rute moabita, mulher de Malom, para suscitar o nome do defunto sobre sua herança, para que o nome do morto não se apague dentre seus irmãos e da porta de seu lugar. Vós sois hoje testemunhas.
Bukod dito tungkol kay Ruth na Moabita, ang asawa ni Mahlon: nakuha ko rin siya na maging aking asawa, sa utos para maitaas ko ang pangalan ng namatay na lalaki sa kaniyang pamana, kaya ang kaniyang pangalan ay hindi mapuputol mula sa gitna ng kaniyang mga kapatid at mula sa tarangkahan ng kaniyang lugar. Kayo ang mga saksi ngayon.”
11 E disseram todos os do povo que estavam à porta com os anciãos: Testemunhas somos. O SENHOR faça à mulher que entra em tua casa como a Raquel e a Lia, as quais duas edificaram a casa de Israel; e tu sejas ilustre em Efrata, e tenhas renome em Belém.
Sinabi ng lahat ng mga tao na nasa tarangkahan at mga nakatatanda, “Kami ang mga saksi. Gawin nawa ni Yahweh ang babae na pumasok sa iyong bahay tulad nina Raquel at Lea, ang dalawa na nagtayo ng bahay sa Israel. Magtagumpay ka nawa sa Efrata at maging kilala sa Betlehem.
12 E da semente que o SENHOR te der desta moça, seja tua casa como a casa de Perez, o que Tamar deu a Judá.
Nawa ang iyong bahay ay maging tulad ng bahay ni Fares, na ipinanganak ni Tamar kay Juda, sa pamamagitan ng anak na ibibigay sa iyo ni Yahweh sa dalagang ito.”
13 Então Boaz tomou a Rute, e ela foi sua mulher; e logo que entrou a ela, o SENHOR lhe deu que concebesse e desse à luz um filho.
Kaya kinuha ni Boaz si Ruth, at siya ay naging asawa niya. Sinipingan niya ito, at pinahintulutan ni Yahweh na mabuntis siya at nagsilang siya ng isang anak na lalaki.
14 E as mulheres diziam a Noemi: Louvado seja o SENHOR, que fez que não te faltasse hoje parente, cujo nome será nomeado em Israel.
Sinabi ng mga babae kay Naomi, “Pagpalain ka nawa ni Yahweh, na hindi ka iniwan sa araw na ito na walang isang malapit na kamag-anak, itong sanggol. Nawa maging kilala ang kaniyang pangalan sa Israel.
15 O qual será restaurador de tua alma, e o que sustentará tua velhice; pois que tua nora, a qual te ama e te vale mais que sete filhos, o fez nascer.
Nawa maging isa siyang tagapagpanumbalik ng buhay, at isang tagapagpalusog sa iyong katandaan, dahil isinilang siya ng iyong manugang, na nagmahal sa iyo, na mas mabuti sa iyo kaysa pitong anak na lalaki.”
16 E tomando Noemi o filho, o pôs em seu colo, e foi-lhe sua ama.
Pagkatapos kinuha ni Naomi ang bata, pinahiga niya siya sa kaniyang dibdib at inalagaan siya.
17 E as vizinhas dizendo, a Noemi nasceu um filho, lhe puseram nome; e chamaram-lhe Obede. Este é pai de Jessé, pai de Davi.
At ang mga babae, kaniyang mga kapitbahay, binigyan siya ng pangalan, sinasabing, “Isang bata ang ipinanganak kay Naomi.” Pinangalanan nila siyang Obed. Naging ama siya ni Jesse, na naging ama ni David.
18 E estas são as gerações de Perez: Perez gerou a Hezrom;
Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Fares: si Fares ang naging ama ni Hezron,
19 E Hezrom gerou a Rão, e Rão gerou a Aminadabe;
si Hezron ang naging ama ni Ram, si Ram ang naging ama ni Aminadab,
20 E Aminadabe gerou a Naassom, e Naassom gerou a Salmom;
si Aminadab ang naging ama ni Naason, si Naason ang naging ama ni Salmon,
21 E Salmom gerou a Boaz, e Boaz gerou a Obede;
si Salmon ang naging ama ni Boaz, si Boaz ang naging ama ni Obed,
22 E Obede gerou a Jessé, e Jessé gerou a Davi.
si Obed ang naging ama ni Jesse, at si Jesse ang naging ama ni David.