< Salmos 135 >
1 Aleluia! Louvai o nome do SENHOR; louvai [-o] vós, servos do SENHOR,
Purihin si Yahweh. Purihin ang pangalan ni Yahweh, Purihin siya, kayong mga lingkod ni Yahweh,
2 Que prestais serviço na Casa do SENHOR, nos pátios da Casa do nosso Deus.
kayong mga nakatayo sa tahanan ni Yahweh, sa mga patyo ng tahanan ng ating Diyos.
3 Louvai ao SENHOR, porque o SENHOR é bom; cantai louvores ao seu nome, porque é agradável;
Purihin si Yahweh, dahil siya ay mabuti; umawit ng mga papuri sa kaniyang pangalan, dahil ito ay nakalulugod na gawin.
4 Porque o SENHOR escolheu para si a Jacó, a Israel como propriedade sua;
Dahil pinili ni Yahweh si Jacob para sa kaniyang sarili, ang Israel bilang kaniyang pag-aari.
5 Porque eu sei que o SENHOR é grande, e nosso Senhor está acima de todos os deuses.
Alam kong si Yahweh ay dakila, na ang ating Panginoon ay mataas sa lahat ng diyos.
6 O SENHOR faz tudo o que quer, nos céus, na terra, nos mares, e [em] todos os abismos.
Kahit na anong naisin ni Yahweh, ginagawa niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman ng karagatan.
7 Ele faz as nuvens subirem desde os confins da terra, faz os relâmpagos com a chuva; ele produz os ventos de seus tesouros.
Inilagay niya ang mga ulap mula sa malayo, na gumagawa ng lumiliwanag na kidlat kasama ng ulan at nagdadala ng hangin mula sa kaniyang imbakan.
8 Ele feriu os primogênitos do Egito, desde os homens até os animais.
Pinatay niya ang panganay na anak ng Ehipto, maging tao at mga hayop.
9 Ele enviou sinais e prodígios no meio de ti, Egito; contra Faraó, e contra todos os seus servos.
Nagpadala siya ng mga tanda at mga kababalaghan sa inyong kalagitnaan, Ehipto, laban sa Paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
10 Ele feriu muitas nações, e matou reis poderosos:
Maraming bansa ang nilusob niya at pinatay ang malalakas na hari,
11 Seom, rei dos amorreus, e Ogue, rei de Basã; e todos os reinos de Canaã.
sina Sihon hari ng Amoreo at Og hari ng Bashan at lahat ng kaharian sa Canaan.
12 E deu a terra deles como herança; como herança a Israel, seu povo.
Ibinigay niya ang kanilang mga lupain para ipamana, isang pamana sa kaniyang bayang Israel.
13 Ó SENHOR, teu nome [dura] para sempre; [e] tua memória, SENHOR, de geração em geração.
Yahweh, ang iyong pangalan ay mananatili magpakailanman; Yahweh, ang iyong katanyagan ay mananatili sa lahat ng henerasyon.
14 Porque o SENHOR julgará a seu povo; e terá compaixão de seus servos.
Dahil ipinagtatanggol ni Yahweh ang kaniyang bayan at may habag siya sa kaniyang mga lingkod.
15 Os ídolos das nações [são] prata e ouro; [são] obra de mãos humanas.
Ang mga bansa ng mga diyos-diyosan ay pilak at ginto, gawa sa kamay ng mga tao.
16 Têm boca, mas não falam; têm olhos, mas não veem.
Ang mga diyos-diyosan ay may mga bibig, pero hindi (sila) nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi nakakikita;
17 Têm ouvidos, mas não ouvem; não têm respiração em sua boca.
mayroon silang mga tainga, pero hindi nakaririnig, ni hininga ay wala sa kanilang mga bibig.
18 Tornem-se como eles os que os fazem, [e] todos os que confiam neles.
Ang mga gumagawa sa kanila ay tulad din nila, gaya ng lahat ng nagtitiwala sa kanila.
19 Casa de Israel, bendizei ao SENHOR! Casa de Arão, bendizei ao SENHOR!
Mga kaapu-apuhan ng Israel, purihin ninyo si Yahweh; mga kaapu-apuhan ni Aaron, purihin ninyo si Yahweh.
20 Casa de Levi, bendizei ao SENHOR! Vós que temeis ao SENHOR, bendizei ao SENHOR.
Mga kaapu-apuhan ni Levi, purihin ninyo si Yahweh; kayong nagpaparangal kay Yahweh, purihin ninyo si Yahweh.
21 Bendito seja o SENHOR desde Sião, ele que habita em Jerusalém. Aleluia!
Purihin ninyo si Yahweh sa Sion, siyang naninirahan sa Jerusalem. Purihin si Yahweh.