< Números 17 >
1 E falou o SENHOR a Moisés, dizendo:
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
2 Fala aos filhos de Israel, e toma deles uma vara por cada casa dos pais, de todos os príncipes deles, doze varas conforme as casas de seus pais; e escreverás o nome de cada um sobre sua vara.
“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Kumuha ka ng mga tungkod mula sa kanila, isa para sa bawat tribu ng mga ninuno. Kumuha ng labindalawang tungkod, isa mula sa bawat pinunong napili mula sa bawat tribu. Isulat mo ang pangalan ng bawat lalaki sa kaniyang tungkod.
3 E escreverás o nome de Arão sobre a vara de Levi; porque cada cabeça de família de seus pais terá uma vara.
Dapat mong isulat ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi. Kailangang may isang tungkod para sa bawat pinuno mula sa lipi ng kaniyang mga ninuno.
4 E as porás no tabernáculo do testemunho diante do testemunho, onde eu me declararei a vós.
Dapat mong ilagay ang mga tungkod sa tolda ng pagpupulong sa harapan ng tipan ng mga kautusan, kung saan ako nakikipagkita sa iyo.
5 E será, que o homem que eu escolher, sua vara florescerá: e farei cessar de sobre mim as queixas dos filhos de Israel, com que murmuram contra vós.
At mangyayaring ang tungkod ng taong aking pipiliin ay uusbong. Patitigilin ko ang mga reklamo ng mga tao ng Israel, mga sinasabi nila laban sa iyo.”
6 E Moisés falou aos filhos de Israel, e todos os príncipes deles lhe deram varas; cada príncipe pelas casas de seus pais uma vara, em todas doze varas; e a vara de Arão estava entre as varas deles.
Kaya nagsalita si Moises sa mga tao ng Israel. Lahat ng mga katutubong pinuno ay binigyan siya ng mga tungkod, isang tungkod mula sa bawat pinuno, na pinili mula sa bawat isa sa mga ninuno ng tribu, labindalawang tungkod lahat. Kasali na sa mga iyon ang tungkod ni Aaron.
7 E Moisés pôs as varas diante do SENHOR no tabernáculo do testemunho.
Pagkatapos inilagak ni Moises ang mga tungkod sa harap ni Yahweh sa toldang tipanan.
8 E aconteceu que no dia seguinte veio Moisés ao tabernáculo do testemunho; e eis que a vara de Arão da casa de Levi havia brotado, e produzido flores, e lançado renovos, e produzido amêndoas.
Sa sumunod na araw, pumunta si Moises sa toldang tipanan at, pagmasdan, ang tungkod ni Aaron para sa mga tribu ni Levi ay umusbong. Tumubo ang mga usbong at naglabas ng mga bulaklak at hinog na almonte!
9 Então tirou Moisés todas as varas de diante do SENHOR a todos os filhos de Israel; e eles o viram, e tomaram cada um sua vara.
Inilabas ni Moises ang lahat ng mga tungkod mula sa harap ni Yahweh patungo sa lahat ng mga tao ng Israel. Hinanap ng bawat tao ang kaniyang tungkod at kinuha ito.
10 E o SENHOR disse a Moisés: Volta a vara de Arão diante do testemunho, para que se guarde por sinal aos filhos rebeldes; e farás cessar suas queixas de sobre mim, para que não morram.
Sinabi ni Yawheh kay Moises, “Ilagay mo ang tungkod ni Aaron sa harapan ng mga toldang tipanan. Panatilihin mo ito bilang isang palatandaan ng kasalanan laban sa mga taong nag-aklas upang mawakasan mo ang mga reklamo laban sa akin, o sila ay mamamatay.”
11 E o fez Moisés: como lhe mandou o SENHOR, assim fez.
Ginawa ni Moises ang iniutos ni Yahweh sa kaniya.
12 Então os filhos de Israel falaram a Moisés, dizendo: Eis que nós somos mortos, perdidos somos, todos nós somos perdidos.
Nagsalita ang mga tao ng Israel kay Moises at sinabi, “Mamamatay kami rito. Malilipol kaming lahat!
13 Qualquer um que se chegar, o que se aproximar ao tabernáculo do SENHOR morrerá: Acabaremos de perecer todos?
Mamamatay ang bawat isang umaakyat, na lumalapit sa tabernakulo ni Yahweh. Dapat ba kaming mamatay lahat?”