< Deuteronômio 9 >
1 Ouve, Israel: tu estás hoje para passar o Jordão, para entrar a possuir nações mais numerosas e mais fortes que tu, cidades grandes e fortificadas até o céu,
Makinig, Israel; malapit na kayong tumawid sa Jordan sa araw na ito, pasukin para agawin ang mga bansang higit na malaki at higit na malakas kaysa sa inyong sarili, at mga lungsod na pinatibay pataas hanggang sa langit,
2 Um povo grande e alto, filhos de gigantes, dos quais tens tu conhecimento, e ouviste dizer: Quem resistirá diante dos filhos do gigante?
isang malalakas na mga tao at matatangkad, ang mga anak na lalaki ng Anakim, na kilala ninyo, at siyang narinig ninyong sinabi ng mga tao, 'Sino ang makakapanindigan sa harapan ng mga anak na lalaki ni Anak?'
3 Sabe, pois, hoje que o SENHOR teu Deus é o que passa diante de ti, fogo consumidor, que os destruirá e humilhará diante de ti: e tu os expulsarás, e os destruirás logo, como o SENHOR te disse.
Kaya alamin sa araw na ito, na si Yahweh na inyong Diyos ang siyang mangunguna sa harapan ninyo katulad ng isang lumalamong apoy; wawasakin niya sila, at sila ay ibabagsak niya sa inyong harapan; para palayasin ninyo sila palabas at agad silang mamatay, gaya ng sinabi ni Yahweh sa inyo.
4 Não digas em teu coração quando o SENHOR teu Deus os haverá expulsado de diante de ti, dizendo: Por minha justiça me pôs o SENHOR a possuir esta terra; pois pela impiedade destas nações o SENHOR as expulsa de diante de ti.
Huwag sabihin sa inyong puso, matapos silang itulak palabas ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan, 'dahil ako ay matuwid kaya dinala ako ni Yahweh para angkinin ang lupang ito,' dahil ito sa kasamaan nitong mga bansa kaya't pinaaalis sila ni Yahweh palabas mula sa harapan ninyo.
5 Não por tua justiça, nem pela retidão de teu coração entras a possuir a terra deles; mas pela impiedade destas nações o SENHOR teu Deus as expulsa de diante de ti, e para confirmar a palavra que o SENHOR jurou a teus pais Abraão, Isaque, e Jacó.
Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.
6 Portanto, sabe que não por tua justiça o SENHOR teu Deus te dá esta boa terra para possuí-la; que povo duro de cerviz és tu.
Kaya alamin ninyo, na hindi nagbigay si Yahweh na inyong Diyos sa inyo nitong masaganang lupain para angkinin dahil sa inyong pagkamatuwid, sapagkat kayo'y suwail na sangkatauhan.
7 Lembra-te, não te esqueças que provocaste a ira ao SENHOR teu Deus no deserto: desde o dia que saíste da terra do Egito, até que entrastes neste lugar, fostes rebeldes ao SENHOR.
Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.
8 E em Horebe provocastes à ira ao SENHOR, e irou-se o SENHOR contra vós para destruir-vos.
Pati sa Horeb ginalit ninyo si Yahweh, at nagalit si Yahweh sa inyo na sapat para lipulin kayo.
9 Quando eu subi ao monte para receber as tábuas de pedra, as tábuas do pacto que o SENHOR fez convosco, estive então no monte quarenta dias e quarenta noites, sem comer pão nem beber água:
Nang umakyat ako sa bundok para tanggapin ang mga tipak na bato, ang mga tipak ng tipan na ginawa ni Yahweh kasama ninyo, nanatili ako sa bundok ng apatnapung araw at apatnapung gabi; ni hindi ako kumain ng tinapay o uminom ng tubig.
10 E deu-me o SENHOR as duas tábuas de pedra escritas com o dedo de Deus; e nelas estava escrito conforme todas as palavras que vos falou o SENHOR no monte do meio do fogo, no dia da assembleia.
Ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na batong sinulatan gamit ang kaniyang daliri; nasusulat sa mga ito ang lahat ng bagay gaya ng lahat ng mga salitang ipinahayag ni Yahweh sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy noong araw ng pagtitipon.
11 E foi ao fim dos quarenta dias e quarenta noites, que o SENHOR me deu as duas tábuas de pedra, as tábuas do pacto.
Nangyari ito sa matapos ang apatnapung araw at apatnapung gabing iyon ng ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na bato, ang mga tipak ng kautusan.
12 E disse-me o SENHOR: Levanta-te, desce logo daqui; que teu povo que tiraste do Egito se corrompeu: logo se apartaram do caminho que eu lhes mandei: fizeram para si uma efígie de fundição.
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tumayo ka, agad na bumaba mula rito, dahil dinungisan ng iyong mga tao na dinala mo palabas ng Ehipto ang kanilang mga sarili. Agad silang lumihis sa landas na aking iniutos sa kanila. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang hinulmang hugis.'
13 E falou-me o SENHOR, dizendo: Vi esse povo, e eis que ele é povo duro de cerviz:
Dagdag pa rito, nagsalita si Yahweh sa akin at sinabing, 'Nakita ko ang mga taong ito; mga taong matitigas ang ulo.
14 Deixa-me que os destrua, e apague seu nome de debaixo do céu; que eu te porei sobre gente forte e muito mais que eles.
Hayaan mo akong mag-isa, para mawasak ko sila at burahin ang kanilang pangalan mula sa silong ng langit, at gagawin kitang isang bansang higit na malakas at higit na dakila kaysa sa kanila'.
15 E voltei e desci do monte, o qual ardia em fogo, com as tábuas do pacto em minhas duas mãos.
Kaya tumalikod ako at bumaba sa bundok, at ang bundok ay nasusunog. Nasa aking mga kamay ang dalawang tipak ng tipan.
16 E olhei, e eis que havíeis pecado contra o SENHOR vosso Deus: Havíeis feito para vós um bezerro de fundição, desviando-vos logo do caminho que o SENHOR vos havia mandado.
Tumingin ako, at nakitang, nagkasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos. Naghulma kayo para sa inyong sarili ng isang guya. Lumihis kayo mula sa daang iniutos ni Yahweh sa inyo.
17 Então tomei as duas tábuas, e lancei-as de minhas duas mãos, e quebrei-as diante vossos olhos.
Kinuha ko ang dalawang tipak at tinapon ang mga ito mula sa aking mga kamay. Binasag ko ang mga ito sa harapan ng inyong mga mata.
18 E prostrei-me diante do SENHOR, como antes, quarenta dias e quarenta noites: não comi pão nem bebi água, por causa de todo vosso pecado que havíeis cometido fazendo mal aos olhos do SENHOR para irá-lo.
Muli akong nagpatirapa sa harapan ni Yahweh ng apatnapung araw at apatnapung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig, dahil sa lahat kasalanang ginawa ninyo, sa paggawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, para galitin siya.
19 Porque temi por causa do furor e da ira com que o SENHOR estava irritado contra vós para destruir-vos. Porém o SENHOR me ouviu ainda esta vez.
Dahil natakot ako sa galit at sa mainit na pagkayamot na kung saan galit si Yahweh laban sa inyo para wasakin kayo. Pero nakinig din si Yahweh sa akin ng oras na iyon.
20 Contra Arão também se irou o SENHOR em grande maneira para destruí-lo: e também orei por Arão então.
Galit na galit si Yahweh kay Aaron para patayin siya; nanalangin din ako para kay Aaron ng oras na iyon.
21 E tomei vosso pecado, o bezerro que havíeis feito, e queimei no fogo, e o esmigalhei moendo-o muito bem, até que foi reduzido a pó: e lancei o pó dele no ribeiro que descia do monte.
Kinuha ko ang inyong kasalanan, ang guya na ginawa ninyo, at sinunog ito, hinampas ito, at dinurog ito nang napakaliit, hanggang sa naging pino ito tulad ng alikabok. Tinapon ko ang alikabok nito sa tubig na dumadaloy pababa mula sa bundok.
22 Também em Taberá, e em Massá, e em Quibrote-Hataavá, irritastes ao SENHOR.
Sa Tabera, sa Massa, at sa Kibrot Hataava, ginalit ninyo si Yahweh ng matindi.
23 E quando o SENHOR vos enviou desde Cades-Barneia, dizendo: Subi e possuí a terra que eu vos dei; também fostes rebeldes ao dito do SENHOR vosso Deus, e não o crestes, nem obedecestes à sua voz.
Nang ipinadala kayo ni Yahweh mula sa Kades Barnea at sinabing, 'Humayo at angkinin ang lupain na ibinigay ko sa inyo,' pagkatapos naghimagsik kayo laban sa utos ni Yahweh na inyong Diyos, at hindi kayo naniwala o nakinig sa kaniyang boses.
24 Rebeldes fostes ao SENHOR desde o dia que eu vos conheço.
Naging suwail kayo laban kay Yahweh mula sa araw na nakilala ko kayo.
25 Prostrei-me, pois, diante do SENHOR quarenta dias e quarenta noites que estive prostrado; porque o SENHOR disse que vos havia de destruir.
Kaya nagpatirapa ako sa harapan ni Yahweh ng apatnapung wawasakin niya kayo.
26 E orei ao SENHOR, dizendo: Ó Senhor DEUS, não destruas teu povo e tua herança que resgataste com tua grandeza, ao qual tiraste do Egito com mão forte.
Nagdasal ako kay Yahweh at sinabing, 'O Panginoong Yahweh, huwag mong wasakin ang iyong mga tao o ang iyong pamana na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong kadakilaan, na dinala mo palabas ng Ehipto gamit ang isang makapangyarihang kamay.
27 Lembra-te de teus servos Abraão, Isaque, e Jacó; não olhes à dureza deste povo, nem a sua impiedade, nem a seu pecado:
Isipin ang inyong mga lingkod, na sina Abraham, Isaac, at Jacob; huwag tumingin sa katigasan ng ulo mga taong ito, ni sa kanilang kasamaan, ni sa kanilang kasalanan,
28 Porque não digam os da terra de onde nos tiraste: Porquanto não pôde o SENHOR introduzi-los na terra que lhes havia dito, ou porque os aborrecia, os tirou para matá-los no deserto.
para ang lupain mula sa kung saan mo kami dinala ay dapat sabihing, “Dahil hindi sila dadalhin ni Yahweh sa lupang ipinangako niya sa kanila, at dahil kinasuklaman niya sila, dinala niya sila palabas para patayin sila sa ilang.”
29 E eles são teu povo e tua herança, que tiraste com tua grande força e com teu braço estendido.
Gayun pa man sila ay iyong mga tao at iyong pamana, na dinala mo palabas sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong kapangyarihan.'