< Deuteronômio 1 >
1 Estas são as palavras que falou Moisés a todo Israel desta parte do Jordão no deserto, na planície diante do mar Vermelho, entre Parã, e Tofel, e Labã, e Hazerote, e Di-Zaabe.
Ito ang mga salita na sinabi ni Moises sa lahat ng mga Israelita sa ibayo ng Jordan sa ilang, sa patag na lambak ng Ilog Jordan sa tapat ng Suf, sa pagitan ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Di Zahab.
2 Onze jornadas há desde Horebe, caminho do monte de Seir, até Cades-Barneia.
Ito ay labing isang araw na paglalakbay mula sa Horeb sa daanan sa Bundok ng Seir hanggang sa Kades Barnea.
3 E foi, que aos quarenta anos, no mês décimo primeiro, ao primeiro dia do mês, Moisés falou aos filhos de Israel conforme todas as coisas que o SENHOR lhe havia mandado acerca deles;
Nangyari ito nang ikaapatnapung taon, ng ikalabing isang buwan, sa unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa bayan ng Israel, sinasabi sa kanila ang lahat ng iniutos sa kaniya ni Yahweh na ukol sa kanila.
4 Depois que feriu a Seom rei dos amorreus, que habitava em Hesbom, e a Ogue rei de Basã, que habitava em Astarote em Edrei:
Ito ay matapos lusubin ni Yahweh si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at Og na hari ng Bashan, na nakatira sa Astarot at Edrei.
5 Desta parte do Jordão, em terra de Moabe, resolveu Moisés declarar esta lei, dizendo:
Sa ibayo ng Jordan, sa lupain ng Moab, sinimulang ihayag ni Moises ang mga tagubiling ito, na nagsasabing,
6 O SENHOR nosso Deus nos falou em Horebe, dizendo: Demais haveis estado neste monte;
“Nagsalita sa atin si Yahweh na ating Diyos sa Horeb, na nagsasabing, 'Namuhay na kayo ng sapat na haba sa maburol na bansang ito.
7 Voltai-vos, parti-vos e ide ao monte dos amorreus, e a todos seus vizinhos, na planície, no monte, e nos vales, e ao sul, e à costa do mar, à terra dos cananeus, e o Líbano, até o grande rio, o rio Eufrates.
Umikot at maglakbay kayo at pumunta sa maburol na bansa ng mga Amoreo at sa lahat ng mga lugar na malapit doon sa patag na lambak ng Ilog Jordan, sa maburol na bansa, sa mababang lupain, sa Negev at sa baybayin—sa lupain ng mga Cananeo, at sa Lebanon hanggang sa malaking ilog ng Eufrates.
8 Olhai, eu dei a terra em vossa presença; entrai e possuí a terra que o SENHOR jurou a vossos pais Abraão, Isaque, e Jacó, que lhes daria a eles e à sua descendência depois deles.
Masdan ito, inilagay ko ang lupain sa harapan ninyo; pumaroon at angkinin ang lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama—kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob—para ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhang susunod sa kanila.'
9 E eu vos falei então, dizendo: Eu não posso vos levar só:
Nagsalita ako sa inyo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Hindi ko kayang dalhin kayo ng mag-isa.
10 O SENHOR vosso Deus vos multiplicou, e eis que sois hoje vós como as estrelas do céu em abundância.
Pinarami kayo ni Yahweh na inyong Diyos, masdan ninyo, sa araw na ito kayo ay gaya ng mga bituin sa langit sa dami.
11 O SENHOR Deus de vossos pais acrescente sobre vós como sois mil vezes, e vos abençoe, como vos prometeu!
Nawa'y si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ay gawin kayong makalibo pa sa dami ninyo ngayon at pagpalain kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyo!
12 Como levarei eu só vossos problemas, vossas cargas, e vossos pleitos?
Pero paano ko dadalhing mag-isa ang inyong mga pasanin, inyong mga kabigatan at ang inyong mga pagtatalo?
13 Dai-me dentre vós, de vossas tribos, homens sábios e entendidos e experientes, para que eu os ponha por vossos chefes.
Kumuha ng mga lalaking matalino, mapag-unawang mga lalaki at mga lalaking may magandang kalooban mula sa bawat lipi at gagawin ko silang mga pangulo ninyo.'
14 E me respondestes, e dissestes: Bom é fazer o que disseste.
Sinagot ninyo ako at sinabing, 'Ang bagay na iyong sinabi ay mabuti naming gawin.'
15 E tomei os principais de vossas tribos, homens sábios e experientes, e os pus por chefes sobre vós, chefes de milhares, e chefes de centenas, e chefes de cinquenta, e líderes de dez, e governadores a vossas tribos.
Kaya kinuha ko ang mga pinuno ng inyong mga lipi, mga matatalinong lalaki at mga lalaking may magandang kalooban at ginawa silang mga pinuno ninyo, mga punong kawal ng libu-libo, mga punong kawal ng daan-daan, mga punong kawal ng lima-limampu, mga punong kawal ng sampu-sampu at mga pinuno, lipi sa lipi.
16 E então mandei a vossos juízes, dizendo: Ouvi entre vossos irmãos, e julgai justamente entre o homem e seu irmão, e o que lhe é estrangeiro.
Inutusan ko ang inyong mga hukom nang panahong iyon, na nagsasabing, 'pakinggan ninyo ang mga pagtatalo sa pagitan ng inyong mga kapatid, at hatulan ng matuwid ang pagitan ng isang lalaki at kaniyang kapatid, at ang dayuhang kasama niya.
17 Não tenhais acepção de pessoas no juízo: tanto ao pequeno como ao grande ouvireis: não tereis temor de ninguém, porque o juízo é de Deus: e a causa que vos for difícil, a trareis a mim, e eu a ouvirei.
Hindi kayo magpapakita ng pagtatangi sa sinumang nasa isang pagtatalo, maririnig ninyo ng magkatulad ang maliit at malaking bagay. Hindi dapat kayo matakot sa mukha ng tao, dahil ang kahatulan ay sa Diyos. Ang pagtatalo na sobrang mahirap para sa inyo, dadalhin ninyo ito sa akin at pakikinggan ko ito.'
18 Eu vos mandei, pois, naquele tempo tudo o que havíeis de fazer.
Iniutos ko sa inyo ng panahong iyon ang lahat ng mga bagay na dapat ninyong gawin.
19 Então partimos de Horebe, e andamos por todo aquele grande e temível deserto que vistes, pelo caminho montanhoso dos amorreus, como o SENHOR, nosso Deus, havia nos mandado; e chegamos a Cades-Barneia.
Naglakbay tayo palayo mula sa Horeb at dumaan sa malawak at kakila-kilabot na ilang na inyong nakita, sa ating daan patungo sa maburol na bansa ng mga Amoreo, gaya ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos sa atin; at tayo ay dumating sa Kades Barnea.
20 Então eu vos disse: ‘Chegastes à região montanhosa dos amorreus, a qual o SENHOR, nosso Deus, nos dá.
Sinabi ko sa inyo, 'Narating na ninyo ang maburol na bansa ng mga Amoreo, na ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.
21 Eis que o SENHOR, teu Deus, deu diante de ti esta terra; sobe e tomai posse dela, como o SENHOR, o Deus dos teus pais, te disse; não temas nem te apavores.’
Masdan, itinakda ni Yahweh na inyong Diyos ang lupain sa inyong harapan; umakyat kayo, at angkinin ito, gaya ng sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, huwag matakot, ni panghinaan ng loob.'
22 Então todos vós vos aproximastes de mim, e dissestes: ‘Enviemos homens adiante de nós, que nos reconheçam a terra, e nos tragam de volta relato de qual caminho por onde devemos subir, e das cidades aonde devemos ir.’
Lumapit sa akin sa akin ang bawat isa sa inyo at sinabing, 'Magpadala tayo ng mga lalaki na mauna sa atin, para kanilang siyasatin ang lupaing para sa atin, at ipagbigay alam sa atin ang tungkol sa daan na dapat nating lusubin, at ang tungkol sa mga lungsod kung saan tayo pupunta.'
23 E isso me pareceu bem. Então tomei doze homens de vós, um homem de cada tribo.
Ang bagay na labis na nagpalugod sa akin; kumuha ako ng labindalawang mga lalaki sa inyo, isang lalaki sa bawat lipi.
24 Eles se foram, subiram às montanhas, chegaram ao vale de Escol, e o reconheceram.
Umikot at umakyat sila patungo sa maburol na bansa at dumating sa lambak ng Escol at sinuri ito.
25 E tomaram em suas mãos do fruto daquela terra, e o trouxeram a nós, e nos contaram, e disseram: ‘A terra que o SENHOR, nosso Deus, nos dá, é boa.’
Kumuha sila ng ilan sa mga bunga ng lupain sa kanilang mga kamay at ibinaba nila ito sa atin. Dinala din nila sa atin ang salita at sinabing, 'Ito ay isang magandang lupain na ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.'
26 Porém não quisestes subir, mas fostes rebeldes à ordem do SENHOR, vosso Deus;
Pero tumanggi parin kayong lumusob, pero nagrebelde laban sa mga utos ni Yahweh na inyong Diyos.
27 E murmurastes em vossas tendas, dizendo: ‘É porque o SENHOR nos odeia que ele nos tirou da terra do Egito, para nos entregar nas mãos dos amorreus, para nos destruir.
Nagreklamo kayo sa inyong mga tolda at sinabing, “Ito ay dahil napopoot sa atin si Yahweh kaya dinala niya tayo palabas sa lupain ng Ehipto, para talunin tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga Amoreo, at para sirain tayo.
28 Para onde subiremos? Nossos irmãos fizeram derreter o nosso coração, dizendo: Este povo é maior e mais alto que nós, as cidades são grandes e muradas até o céu; e também vimos ali filhos de gigantes.’
Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
29 Então vos disse: Não temais, nem tenhais medo deles.
Pagkatapos sinabi ko sa inyo, 'Huwag matakot, ni matakot sa kanila.
30 O SENHOR vosso Deus, o qual vai diante de vós, ele lutará por vós, conforme todas as coisas que fez por vós no Egito diante vossos olhos;
Si Yahweh na inyong Diyos na nanguna sa inyo, siya ay makikipaglaban para sa inyo, tulad ng lahat ng bagay na ginawa niya sa inyo sa Ehipto sa harap ng inyong mga mata,
31 E no deserto viste que o SENHOR teu Deus te trouxe, como traz o homem a seu filho, por todo o caminho que andastes, até que viestes a este lugar.
at gayundin sa ilang, kung saan nakita ninyo kung paano kayo dinala ni Yahweh na inyong Diyos, na gaya ng isang lalaking na daladala ang kaniyang anak, kahit saan kayo pumunta hanggang sa dumating kayo sa lugar na ito.'
32 E ainda com isto não crestes no SENHOR vosso Deus,
Pero sa bagay na ito hindi kayo naniwala kay Yahweh na inyong Diyos—
33 O qual ia diante de vós pelo caminho, para reconhecer-vos o lugar onde havíeis de assentar o acampamento, com fogo de noite para vos mostrar o caminho por onde andásseis, e com nuvem de dia.
na nanguna sa inyo sa daan para maghanap ng mga lugar para itayo ang inyong tolda, at ng apoy sa gabi at ulap sa umaga, para ituro sa inyo ang landas na dapat ninyong daanan.
34 E ouviu o SENHOR a voz de vossas palavras, e irou-se, e jurou dizendo:
Narinig ni Yahweh ang tinig ng inyong mga salita at ito ay galit, nangako siya at sinabi,
35 Não verá homem algum destes desta má geração, a boa terra que jurei havia de dar a vossos pais,
'Tunay na walang isa sa mga taong ito ang masamang salinlahing ito na makakakita ng magandang lupain na aking ipinangako na ibibigay sa inyong mga ninuno,
36 Exceto Calebe filho de Jefoné: ele a verá, e a ele lhe darei a terra que pisou, e a seus filhos; porque cumpriu em seguir ao SENHOR.
maliban kay Caleb na anak na lalaki ni Jefune; makikita niya ito. Sa kanya ko ibibigay ang lupain na kanyang tinungtungan at sa kanyang mga anak, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh.'
37 E também contra mim se irou o SENHOR por vós, dizendo: Tampouco tu entrarás ali:
Gayundin si Yahweh ay galit sa akin para sa inyong mga kapakanan, na nagsasabing, 'Ikaw man ay hindi papasok doon;
38 Josué filho de Num, que está diante de ti, ele entrará ali: anima-o; porque ele a fará herdar a Israel.
si Josue na anak na lalaki ni Nun, na nakatayo sa harap mo bilang iyong lingkod, ay siyang makakapasok doon; palakasin ang kaniyang kalooban, sapagkat pamumunuan niya ang Israel at mamanahin ito.
39 E vossas crianças, das quais dissestes serão por presa, e vossos filhos que não sabem hoje bem nem mal, eles entrarão ali, e a eles a darei, e eles a herdarão.
Bukod dito, ang inyong mga maliliit na bata, na inyong sinasabing magiging mga biktima, na sa araw na ito ay walang kaalaman sa kung ano ang mabuti at masama—sila ay makakapasok doon. Ibibigay ko ito sa kanila at sila ang aangkin nito.
40 E vós voltai-vos, e parti-vos ao deserto caminho do mar Vermelho.
Pero para sa inyo, bumalik at maglakbay kayo sa ilang na patungo sa Dagat ng mga Tambo.'
41 Então respondestes e me dissestes: Pecado temos contra o SENHOR; nós subiremos e lutaremos, conforme tudo o que o SENHOR nosso Deus nos mandou. E vos armastes cada um de suas armas de guerra, e vos preparastes para subir ao monte.
Pagkatapos kayo ay sumagot at sinabi sa akin, 'Nagkasala tayo laban kay Yahweh; aakyat tayo at makipaglaban at susundin natin ang lahat ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos.' Bawat lalaki sa inyo ay ilagay ang kaniyang mga sandatang pandigma at tayo'y handa para lusubin ang maburol na bansa.
42 E o SENHOR me disse: Dize-lhes: Não subais, nem luteis, pois não estou entre vós; para que não sejais feridos diante de vossos inimigos.
Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Sabihin sa kanila, “Huwag lumusob at huwag makipaglaban, dahil hindi ninyo ako makakasama at kayo ay matatalo ng inyong mga kaaway.'
43 E vos falei, e não destes ouvido; antes fostes rebeldes ao dito do SENHOR, e persistindo com altivez, subistes ao monte.
Nagsalita ako sa inyo sa ganitong paraan, pero hindi kayo nakinig. Kayo ay sumuway laban sa mga utos ni Yahweh; kayo ay mayabang at nilusob ang maburol na bansa.
44 E saíram os amorreus, que habitavam naquele monte, a vosso encontro, e vos perseguiram, como fazem as vespas, e vos derrotaram em Seir, perseguindo-vos até Hormá.
Pero ang mga Amoreo, na nakatira sa maburol na bansa ay dumating laban sa inyo at hinabol kayo tulad ng mga bubuyog at tinalo kayo sa Seir, hanggang sa Horma.
45 E voltastes, e chorastes diante do SENHOR; mas o SENHOR não escutou vossa voz, nem vos prestou ouvido.
Bumalik kayo at umiyak sa harapan ni Yahweh; pero hindi dininig ni Yahweh ang inyong tinig, ni hindi niya kayo binigyang pansin.
46 E estivestes em Cades por muitos dias, como nos dias que estivestes.
Kaya nanirahan kayo ng maraming araw sa Kadesh, ang lahat ng mga araw na kayo ay nanatili doon.