< 2 Samuel 11 >

1 E aconteceu à volta de um ano, no tempo que saem os reis à guerra, que Davi enviou a Joabe, e a seus servos com ele, e a todo Israel; e destruíram aos amonitas, e puseram cerco a Rabá: mas Davi se ficou em Jerusalém.
Dumating ang panahon ng tagsibol, ng panahong iyon karaniwang pumupunta ang mga hari sa digmaan, ipinadala ni David si Joab at ang kaniyang mga lingkod, at ang buong hukbo ng Israel. Winasak nila ang hukbo ng Ammon at kinubkob ang Rabba. Pero si David ay nanatili sa Jerusalem.
2 E aconteceu que levantando-se Davi de sua cama à hora da tarde, passeava-se pelo terraço da casa real, quando viu desde o terraço uma mulher que se estava lavando, a qual era muito bela.
Kaya isang gabi nang bumangon si David mula sa kaniyang higaan at naglakad-lakad sa bubong ng kaniyang palasyo. Mula roon nagkataong nakita niya ang isang babaeng naliligo, at sadyang napakagandang pagmasdan.
3 E enviou Davi a preguntar por aquela mulher, e disseram-lhe: Aquela é Bate-Seba filha de Eliã, mulher de Urias Heteu.
Kaya nagpatawag si David ng mga tao at tinanong kung sino ang nakakakilala sa babaeng iyon. May isang nagsabi, “Hindi ba ito si Batsheba, ang anak na babae ni Eliam, hindi ba asawa siya ni Urias na anak na Heteo?”
4 E Davi enviou mensageiros, e tomou-a: e assim que entrou a ele, ele dormiu com ela. Purificou-se logo ela de sua imundícia, e se voltou à sua casa.
Nagpadala si David ng mga sugo at siya ay ipinakuha; nagtungo ang babae sa kaniya, at sinipingan siya ni David (kakatapos lamang niyang gawing dalisay ang kaniyang sarili mula sa pagreregla). Pagkatapos bumalik siya sa kaniyang bahay.
5 E concebeu a mulher, e enviou-o a fazer saber a Davi, dizendo: Eu estou grávida.
Nabuntis ang babae, at pinasabi niya kay David; sinabi niyang, “Buntis ako.”
6 Então Davi enviou a dizer a Joabe: Envia-me a Urias Heteu. E enviou-o Joabe a Davi.
Pagkatapos nagpadala ng liham si David kay Joab, na nagsasabing, “Ipadala si Urias na isang Heteo.” Kaya ipinadala ni Joab si Urias kay David.
7 E quando Urias veio a ele, perguntou-lhe Davi pela saúde de Joabe, e pela saúde do povo, e também da guerra.
Nang dumating si Urias, tinanong siya ni David kung kumusta si Joab, kamusta ang ginagawa ng mga hukbo, at kumusta ang nangyayaring digmaan.
8 Depois disse Davi a Urias: Desce à tua casa, e lava teus pés. E saindo Urias de casa do rei, veio atrás dele um presente real.
Sinabi ni David kay Urias, “Umuwi ka sa iyong bahay, at hugasan mo ang iyong paa.” Kaya umalis si Urias sa palasyo ng hari, at nagpadala ng isang regalo ang hari para kay Urias matapos siyang umalis.
9 Mas Urias dormiu à porta da casa do rei com todos os servos de seu senhor, e não desceu à sua casa.
Pero natulog si Urias sa pintuan ng palasyo ng hari kasama ang lahat ng mga lingkod ng kaniyang amo, at hindi siya umuwi sa kaniyang bahay.
10 E fizeram saber isto a Davi, dizendo: Urias não desceu à sua casa. E disse Davi a Urias: Não vieste de caminho? Por que, pois, não desceste à tua casa?
Nang sinabi nila kay David, “Hindi umuwi si Urias sa kaniyang bahay,” Sinabi ni David kay Urias, “Hindi ba galing ka sa paglalakbay? Bakit hindi ka umuwi sa iyong bahay?
11 E Urias respondeu a Davi: A arca, e Israel e Judá, estão debaixo de tendas; e meu senhor Joabe, e os servos de meu senhor sobre a face do campo: e havia eu de entrar em minha casa para comer e beber, e a dormir com minha mulher? Por vida tua, e pela vida de tua alma, que eu não farei tal coisa.
Sumagot si Urias kay David, “Ang kaban, at ang Israel at Juda ay nananatili sa mga tolda, at nakakampo ang aking amo na si Joab at kaniyang mga lingkod sa isang hayag na bukid. Paano ako mamakapunta sa aking bahay para kumain at uminom at sumiping sa aking asawa? Titiyakin kong habang ikaw ay nabubuhay, hindi ko ito gagawin.”
12 E Davi disse a Urias: Fica-te aqui ainda hoje, e amanhã te despedirei. E ficou Urias em Jerusalém aquele dia e o seguinte.
Kaya sinabi ni David kay Urias, “Manatili ka rin ngayon dito, at bukas hahayaan kitang makaalis.” Kaya nanatili si Urias sa Jerusalem sa araw na iyon at sa sumunod na araw.
13 E Davi o convidou, e fez-lhe comer e beber diante de si, até embriagá-lo. E ele saiu à tarde para dormir em sua cama com os servos de seu senhor; mas não desceu à sua casa.
Nang pinatawag siya ni David, kumain siya at uminom kasama niya, at nilasing siya ni David. Kinagabihan lumabas si Urias para matulog sa kaniyang higaan kasama ang mga lingkod ng kaniyang amo; hindi siya umuwi sa kaniyang bahay.
14 Vinda a manhã, escreveu Davi a Joabe uma carta, a qual enviou por mão de Urias.
Kaya kinabukasan sumulat si David ng isang liham kay Joab, at pinadala ito sa kamay ni Urias.
15 E escreveu na carta, dizendo: Ponde a Urias diante da força da batalha, e desamparai-o, para que seja ferido e morra.
Sumulat si David ng liham na nagsasabing, “Ilagay si Urias sa pinaka harap ng matinding labanan, at pagkatapos pabayaan siya, para matamaan at mamatay.”
16 Assim foi que quando Joabe cercou a cidade, pôs a Urias no lugar de onde sabia que estavam os homens mais valentes.
Kaya habang pinapanood ni Joab ang paglusob sa lungsod, itinalaga niya si Urias sa lugar na kung saan alam niyang malalakas ang mga sundalong kaaway na kaniyang masasagupa.
17 E saindo logo os da cidade, lutaram com Joabe, e caíram alguns do povo dos servos de Davi; e morreu também Urias Heteu.
Nang lumabas ang mga kalalakihan sa lungsod at nakipaglaban sa hukbo ni Joab, napatumba ang ilan sa mga sundalo ni David, at namatay rin doon si Urias na isang Heteo.
18 Então enviou Joabe, e fez saber a Davi todos os negócios da guerra.
Nang nagpadala ng liham si Joab kay David tungkol sa lahat ng bagay na nauukol sa digmaan,
19 E mandou ao mensageiro, dizendo: Quando acabares de contar ao rei todos os negócios da guerra,
inutusan niya ang sugo, sa pagsasabing, “Kapag matapos mong sabihin ang lahat ng mga bagay tungkol sa digmaan sa hari,
20 Se o rei começar a irar-se, e te disser: Por que vos aproximastes à cidade lutando? Não sabíeis que eles costumam atirar do muro?
mangyayari na magalit ang hari, at sasabihin niya sa iyo, 'Bakit kayo lumapit nang husto sa lungsod para lumaban? Hindi ninyo ba alam na nagpapatama sila ng palaso mula sa pader?
21 Quem feriu a Abimeleque filho de Jerubusete? Não lançou uma mulher do muro um pedaço de uma roda de moinho, e morreu em Tebes? Por que vos aproximastes ao muro? Então tu lhe dirás: Também teu servo Urias Heteu é morto.
Sino ang pumatay kay Abimelec anak na lalaki Jerubeset? Hindi ba isang babae ang naghagis ng isang gilingang pang-ibabaw sa kaniya mula sa pader, kaya namatay siya sa Tebez? Bakit kayo lumapit ng husto sa pader?' Kung gayon ang dapat mong isagot, 'Ang lingkod mong si Urias na isa Heteo ay patay na rin.'”
22 E foi o mensageiro, e chegando, contou a Davi todas as coisas a que Joabe lhe havia enviado.
Kaya umalis ang ipinadalang mensahero at nagtungo kay David at sinabi sa kaniya ang lahat ng bagay na ipinasasabi ni Joab sa kaniya.
23 E disse o mensageiro a Davi: Prevaleceram contra nós os homens, que saíram a nós ao campo, bem que nós lhes fizemos retroceder até a entrada da porta;
At sinabi ng mensahero kay David, “Higit na malakas ang mga kaaway kaysa sa amin sa simula pa lang; kami ay sinalakay nila sa bukid, pero napaatras namin sila sa pasukan ng tarangkahan.
24 Porém os flecheiros atiraram contra teus servos desde o muro, e morreram alguns dos servos do rei; e morreu também teu servo Urias Heteu.
At tinamaan ng kanilang mga tagapana ang inyong mga sundalo mula sa pader, at ilan sa mga lingkod ng hari ay napatay, at napatay rin ang iyong lingkod na si Urias na isang Heteo.”
25 E Davi disse ao mensageiro: Dirás assim a Joabe: Não tenhas pesar disto, que de igual e semelhante maneira costuma consumir a espada: esforça a batalha contra a cidade, até que a rendas. E tu conforta-o.
Pagkatapos sinabi rin ni David sa mensahero, “Sabihin mo ito kay Joab, 'Huwag mo itong ikalungkot, dahil nasasakmal ng espada ang kahit sino. Gawin mong higit na mas malakas ang iyong pakikipagdigmaan laban sa lungsod, at pabagsakin ito.' At palakasin mo ang loob ni Joab.”
26 E ouvindo a mulher de Urias que seu marido Urias era morto, fez luto por seu marido.
Kaya nang marinig ng asawa ni Urias na patay na ang kaniyang asawa, siya ay lubos na nanangis para sa kaniyang asawa.
27 E passado o luto, enviou Davi e recolheu-a à sua casa: e foi ela sua mulher, e deu-lhe à luz um filho. Mas isto que Davi havia feito, foi desagradável aos olhos do SENHOR.
Nang lumipas ang kaniyang kalungkutan, ipinakuha siya ni David at dinala siya sa kaniyang palasyo, at naging asawa niya ito at nagkaroon sila ng anak na lalaki. Pero ang ginawa ni David ay hindi kalugud-lugod kay Yahweh.

< 2 Samuel 11 >