< Números 31 >

1 E falou o Senhor a Moisés, dizendo:
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
2 Vinga os filhos de Israel dos midianitas: depois recolhido serás aos teus povos.
“Ipaghiganti mo ang mga tao ng Israel laban sa mga Midianita. Matapos mong gawin iyon, mamamatay ka at maititipon sa iyong mga tao.”
3 Falou pois Moisés ao povo, dizendo: Armem-se alguns de vós para a guerra, e saiam contra os midianitas, para fazerem a vingança do Senhor nos midianitas.
Kaya nagsalita si Moises sa mga tao. Sinabi niya, “Bigyan ng sandata ang ilan sa inyong kalalakihan para sa digmaan upang lumaban sa Midian at ipatupad ang paghihiganti ni Yahweh rito.
4 Mil de cada tribo entre todas as tribos de Israel enviareis à guerra.
Dapat magpadala ang bawat tribu sa buong Israel ng isang libong kawal sa digmaan.”
5 Assim foram dados dos milhares de Israel mil de cada tribo: doze mil armados para a peleja.
Kaya mula sa libu-libong kalalakihan ng Israel, nagpadala ng isang libo mula sa bawat tribu para sa digmaan, labindalawang libong kalalakihan lahat.
6 E Moisés os mandou à guerra de cada tribo mil, a eles e a Phineas, filho de Eleazar sacerdote, à guerra com os vasos santos, e com as trombetas do alarido na sua mão.
Pagkatapos, ipinadala sila ni Moises sa labanan, isang libo mula sa bawat tribu, kasama si Finehas na anak ni Eleazar na pari, at ilang kagamitan mula sa banal na lugar at mga trumpetang pag-aari niya para sa pagpapatunog ng mga hudyat.
7 E pelejaram contra os midianitas, como o Senhor ordenara a Moisés: e mataram a todo o macho.
Nakipaglaban sila sa Midian, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises. Pinatay nila ang bawat lalaki.
8 Mataram mais, além dos que já foram mortos, os reis dos midianitas, Evi, e a requém, e a Zur, e a Hur, e a Reba, cinco reis dos midianitas: também a Balaão filho de Beor mataram à espada.
Pinatay nila ang mga hari ng Midian kasama ng ibang mga napatay nila: sina Evi, Rekem, Zur, Hur, at Reba, ang limang hari ng Midian. Pinatay rin nila si Balaam na anak ni Beor, sa pamamagitan ng espada.
9 Porém os filhos de Israel levaram presas as mulheres dos midianitas, e as suas crianças: também roubaram todos os seus animais, e todo o seu gado, e toda a sua fazenda.
Binihag ng hukbo ng Israel ang mga kababaihan ng Midian, kasama ang kanilang mga anak, lahat ng baka, lahat ng kawan, at lahat ng kanilang mga kagamitan. Kinuha nila ang mga ito bilang pandarambong.
10 E queimaram a fogo todas as suas cidades com todas as suas habitações, e todos os seus acampamentos.
Sinunog nila ang lahat nilang lungsod kung saan sila nanirahan at lahat ng kanilang kampo.
11 E tomaram todo o despojo e toda a presa de homens e de animais.
Dinala nila lahat ng kanilang nadambong at mga bihag, kapwa mga tao at mga hayop.
12 E trouxeram a Moisés e a Eleazar o sacerdote e à congregação dos filhos de Israel os cativeiros, e a presa, e o despojo para o arraial, nas campinas de Moab, que estão junto do Jordão de Jericó.
Dinala nila ang mga bilanggo, ang dambong, at ang mga nakuhang bagay kay Moises, kay Eleazer na pari, at sa sambayanan ng mga tao ng Israel. Dinala nila ang mga ito sa kampo sa kapatagan ng Moab, sa bandang Jordan malapit sa Jerico.
13 Porém Moisés e Eleazar, o sacerdote, e todos os maiorais da congregação sairam a recebe-los até fora do arraial.
Sinalubong sila nina Moises, Eleazar na pari at ng lahat ng mga pinuno ng sambayanan sa labas ng kampo.
14 E indignou-se Moisés grandemente contra os oficiais do exército, capitães dos milhares e capitães das centenas, que vinham do serviço daquela guerra.
Subalit nagalit si Moises sa mga opisyal ng hukbo at sa mga mga pinuno ng libu-libo at kapitan ng daan-daan, na nanggaling sa labanan.
15 E Moisés disse-lhes: Deixastes viver todas as mulheres?
Sinabi ni Moises sa kanila, “Hinayaan ba ninyong mabuhay ang mga babae?
16 Eis que estas foram as que por conselho de Balaão deram ocasião aos filhos de Israel de traspassar contra o Senhor, no negócio de Peor: pelo que aquela praga houve entre a congregação do Senhor.
Masdan ninyo, ang mga babaeng ito, sa pamamagitan ng payo ni Balaam, ang nagdulot sa mga tao ng Israel na magkasala laban kay Yahweh sa usapin ng Peor, nang lumaganap ang salot sa sambayanan ni Yahweh.
17 Agora pois matai todo o macho entre as crianças; e matai toda a mulher, que conheceu algum homem, deitando-se com ele.
Kaya ngayon, patayin ninyo ang mga batang lalaki, at patayin ang bawat babaeng nakipagtalik na sa isang lalaki.
18 Porém todas as crianças fêmeas, que não conheceram algum homem deitando-se com ele, para vós deixai viver.
Ngunit kunin para sa inyong sarili ang mga dalagang hindi pa nakipagtalik sa isang lalaki.
19 E vós alojai-vos sete dias fora do arraial: qualquer que tiver matado alguma pessoa, e qualquer que tiver tocado algum morto, ao terceiro dia, e ao sétimo dia vos purificareis, a vós e a vossos cativos.
Dapat kayong magkampo sa labas ng kampo ng Israel sa loob ng pitong araw. Lahat kayong nakapatay ng sinuman o nakahawak ng anumang patay na tao—dapat gawing dalisay ang inyong sarili sa ikatlo at ikapitong araw—kayo at ang mga bihag ninyo.
20 Também purificareis todo o vestido, e toda a obra de peles, e toda a obra de pelos de cabras, e todo o vaso de madeira.
At gawing dalisay para sa inyong sarili ang bawat kasuotan, lahat ng bagay na gawa sa balat ng hayop at balahibo ng kambing, at lahat ng bagay na gawa sa kahoy.”
21 E disse Eleazar, o sacerdote, aos homens da guerra, que partiram à peleja: Este é o estatuto da lei que o Senhor ordenou a Moisés.
Pagkatapos sinabi ni Eleazar na pari sa mga kawal na nagpunta sa digmaan, “Ito ang mga batas na ibinigay ni Yahweh kay Moises:
22 Contudo o ouro, e a prata, o cobre, o ferro, o estanho, e o chumbo;
Ang ginto, pilak, tanso, bakal, lata, at tingga,
23 Toda a cousa que pode suportar o fogo, para que fique limpo: todavia se expiará com a água da separação: mas tudo que não pode suportar o fogo, o fareis passar pela água.
at lahat ng bagay na hindi nasusunog sa apoy, dapat ninyong padaanin sa apoy, at magiging mailinis ito. Dapat ninyong gawing dalisay ang mga ito sa tubig na panlinis. Anumang hindi makakaraan sa apoy ay dapat ninyong linisin sa pamamagitan ng tubig na iyon.
24 Também lavareis os vossos vestidos ao sétimo dia, para que fiqueis limpos: e depois entrareis no arraial.
At dapat ninyong labhan ang inyong mga damit sa ikapitong araw at sa gayon magiging malinis kayo. Pagkatapos nito, maaari na kayong pumasok sa kampo ng Israel.”
25 Falou mais o Senhor a Moisés dizendo:
Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
26 Toma a soma da presa dos prisioneiros, de homens, e de animais, tu e Eleazar, o sacerdote, e os Cabeças das casas dos pais da congregação;
“Bilangin mo ang lahat ng kinuhang bagay na dinambong, kapwa mga tao at mga hayop. Ikaw, si Eleazar na pari, at ang mga pinuno ng sambayanan ng mga angkan ng mga ninuno
27 E divide a presa em duas metades, entre os que acometeram a peleja, e sairam à guerra, e toda a congregação.
dapat ninyong hatiin ang mga dinambong sa dalawang bahagi. Hatiin ang mga iyon sa pagitan ng mga kawal na pumunta sa labanan at sa buong sambayanan.
28 Então para o Senhor tomará o tributo dos homens de guerra, que sairam a esta guerra, de cada quinhentos uma alma, dos homens, e dos bois, e dos jumentos e das ovelhas.
At magpataw ng buwis para ibigay sa akin mula sa mga kawal na nagpunta sa labanan. Ang buwis na ito ay dapat isa sa bawat limandaan, maging mga tao, baka, asno, tupa o kambing.
29 Da sua a metade o tomareis, e o dareis ao sacerdote, Eleazar, para a oferta alçada do Senhor.
Kunin ang buwis na ito mula sa kanilang bahagi at ibigay ito kay Eleazar na pari bilang isang handog na idudulog sa akin.
30 Mas da metade dos filhos de Israel tomarás de cada cincoênta um, dos homens, dos bois, dos jumentos, e das ovelhas, de todos os animais; e os darás aos levitas que tem cuidado da guarda do tabernáculo do Senhor.
Gayundin mula sa bahagi ng mga tao ng Israel, dapat kayong kumuha ng isa sa bawat limampu—mula sa mga tao, baka, asno, tupa, at kambing. Ibigay ninyo ang mga ito sa mga Levitang nangangalaga ng aking tabernakulo.”
31 E fizeram Moisés e Eleazar, o sacerdote, como o Senhor ordenara a Moisés.
Kaya ginawa nina Moises at Eleazar ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
32 Foi pois a presa, o restante do despojo, que tomaram os homens de guerra, seiscentas e setenta e cinco mil ovelhas;
Ngayon, ang natirang dambong na kinuha ng mga kawal ay 675, 000 na tupa,
33 E setenta e dois mil bois;
72, 000 na lalaking baka,
34 E sessenta e um mil jumentos;
61, 000 na asno, at
35 E, das mulheres que não conheceram homem algum deitando-se com ele, todas as almas foram trinta e duas mil.
32, 000 na kababaihang hindi pa kailanman nakipagtalik sa sinumang lalaki.
36 E a metade, a parte dos que sairam à guerra, foi em número de trezentas e trinta e sete mil e quinhentas ovelhas.
Ang hating itinabi para sa mga sundalo ay may bilang na 337, 000 na tupa.
37 E das ovelhas foi o tributo para o Senhor seiscentas e setenta e cinco.
Ang bahagi ng tupa para kay Yahweh ay 675.
38 E foram os bois trinta e seis mil: e o seu tributo para o Senhor setenta e dois.
Talumpu't anim na libo ang lalaking baka kung saan 72 ang buwis ni Yahweh.
39 E foram os jumentos trinta mil e quinhentos: e o seu tributo para o Senhor sessenta e um.
Ang mga asno ay 30, 500 mula sa 61 na bahagi ni Yahweh.
40 E houve das almas humanas dezeseis mil: e o seu tributo para o Senhor trinta e duas almas.
Ang mga tao ay labing-anim na libong kababaihan kung saan 32 ang buwis ni Yahweh.
41 E deu Moisés a Eleazar, o sacerdote, o tributo da oferta alçada do Senhor, como o Senhor ordenara a Moisés.
Kinuha ni Moises ang buwis na magiging handog na idudulog kay Yahweh. Ibinigay niya ito kay Eleazar na pari, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
42 E da metade dos filhos de Israel que Moisés partira da dos homens que pelejaram.
Para sa hati ng mga tao ng Israel na kinuha ni Moises mula sa mga kawal na nakapunta sa digmaan—
43 (A metade para a congregação foi, das ovelhas, trezentas e trinta e sete mil e quinhentas;
ang hati ng sambayanan ay 337, 500 na tupa,
44 E dos bois trinta e seis mil;
talumpu't anim na libong lalaking baka,
45 E dos jumentos trinta mil e quinhentos;
30, 500 na asno,
46 E das almas humanas dezeseis mil),
at labing-anim na libong kababaihan.
47 Desta metade dos filhos de Israel, Moisés tomou um de cada cincoênta, de homens e de animais, e os deu aos levitas, que tinham cuidado da guarda do tabernáculo do Senhor, como o Senhor ordenara a Moisés.
Mula sa hati ng mga tao ng Israel, kumuha si Moises ng isa sa bawat limampu, kapwa mga tao at mga hayop. Ibinigay niya ang mga iyon sa mga Levitang nangangalaga sa tabernakulo ni Yahweh, gaya ng inutos ni Yahweh na gawin niya.
48 Então chegaram-se a Moisés os capitães que estavam sobre os milhares do exército, os tribunos e os centuriões;
Pagkatapos, lumapit kay Moises ang mga opisyal ng hukbo, mga pinuno ng libu-libo at mga kapitan ng daan-daan.
49 E disseram a Moisés: Teus servos tomaram a soma dos homens de guerra que estiveram sob a nossa mão; e nenhum falta de nós.
Sinabi nila sa kaniya, “Binilang ng iyong mga lingkod ang mga kawal na nasa ilalim ng aming pamumuno, at walang isa mang nawawala.
50 Pelo que trouxemos uma oferta ao Senhor, cada um o que achou, vasos de ouro, cadeias, ou manilhas, anéis, arrecadas, e colares, para fazer propiciação pelas nossas almas perante o Senhor.
Dinala namin ang mga handog ni Yahweh, kung ano ang natagpuan ng bawat lalaki, mga ginintuang bagay, mga pansuot sa braso, mga pulseras, mga singsing na may selyo, mga hikaw at mga kuwintas, upang gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa aming sarili sa harapan ni Yahweh.”
51 Assim Moisés e Eleazar o sacerdote tomaram deles o ouro; sendo todos os vasos bem obrados.
Tinanggap ni Moises at ni Eleazar na pari mula sa kanila ang ginto at mga binuong bagay.
52 E foi todo o ouro da oferta alçada, que ofereceram ao Senhor, dezeseis mil e setecentos e cincoênta siclos, dos tribunos e dos centuriões.
Lahat ng ginto sa handog na ibinigay nila kay Yahweh—ang mga handog mula sa mga pinuno ng libu-libo, at mula sa mga kapitan ng daan-daan—ay tumitimbang ng 16, 750 siklo.
53 (Pois os homens de guerra, cada um tinha tomado presa para si).
Kumuha ng dambong ang bawat kawal, ang bawat lalaki para sa kaniyang sarili.
54 Tomaram pois Moisés e Eleazar o sacerdote o ouro dos tribunos e dos centuriões, e o trouxeram à tenda da congregação por lembrança para os filhos de Israel perante o Senhor.
Kinuha ni Moises at ni Eleazar na pari ang ginto mula sa mga pinuno ng libu-libo at mga kapitan ng daan-daan. Dinala nila ito sa tolda ng pagpupulong bilang paalala sa mga tao ng Israel para kay Yahweh.

< Números 31 >