< Josué 3 >

1 Levantou-se pois Josué de madrugada, e partiram de Sittim, e vieram até ao Jordão, ele e todos os filhos de Israel: e pousaram ali, antes que passassem.
Maagang bumangon si Josue, at umalis sila mula sa Sittim. Dumating sila sa Jordan, siya at ang lahat ng bayan ng Israel, at nagkampo sila roon bago sila tumawid.
2 E sucedeu, ao fim de três dias, que os príncipes passaram pelo meio do arraial;
Pagkaraan ng tatlong araw, naglibot ang mga opisyales sa gitna ng kampo;
3 E ordenaram ao povo, dizendo: Quando virdes a arca do concerto do Senhor vosso Deus, e que os sacerdotes levitas a levam, parti vós também do vosso lugar, e segui-a.
inutusan nila ang mga tao, “Kapag nakita ninyo ang kaban ng tipan ni Yahweh na inyong Diyos, at ang mga Levitang paring binubuhat ito, dapat kayong umalis sa lugar na ito at sundan iyon.
4 Haja contudo distância entre vós e ela, como da medida de dois mil côvados: e não vos chegueis a ela, para que saibais o caminho pelo qual haveis de ir; porquanto por este caminho nunca passastes antes.
Dapat may pagitan ito ng dalawang libong kubit sa inyo. Huwag kayong lalapit dito, para makita ninyo kung alin ang daraanan, dahil hindi pa ninyo dinaanan ang daang ito dati.”
5 Disse Josué também ao povo: santificai-vos, porque amanhã fará o Senhor maravilhas no meio de vós
Sinabi ni Josue sa mga tao, “Ihandog ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas, dahil gagawa si Yahweh ng mga kababalaghan sa inyo.”
6 E falou Josué aos sacerdotes, dizendo: levantai a arca do concerto, e passai adiante deste povo. Levantaram pois a arca do concerto, e foram andando adiante do povo.
Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga pari, “Buhatin ang kaban ng tipan, at dumaan sa harapan ng mga tao.” Kaya binuhat nila ang kaban ng tipan at pumunta sa harapan ng mga tao.
7 E o Senhor disse a Josué: Este dia começarei a engrandecer-te perante os olhos de todo o Israel, para que saibam, que assim como fui com Moisés assim serei contigo.
Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Sa araw na ito gagawin kitang dakila sa mga mata ng buong Israel. Malalaman nila na gaya ng ako ay kasama ni Moises, ako ay makakasama mo.
8 Tu pois ordenarás aos sacerdotes que levam a arca do concerto, dizendo: Quando vierdes até à borda das águas do Jordão, parareis no Jordão.
Utusan mo ang mga pari na nagdala ng kaban ng tipan, 'Kapag nakarating na kayo sa gilid ng tubig ng Jordan, dapat muna kayong huminto sa Ilog Jordan.'”
9 Então disse Josué aos filhos de Israel: chegai-vos para cá, e ouvi as palavras do Senhor vosso Deus.
Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Pumarito kayo, at pakinggan ang mga salita ni Yahweh na inyong Diyos.
10 Disse mais Josué: nisto conhecereis que o Deus vivo está no meio de vós: e que de todo lançará de diante de vós aos cananeus, e aos heteus, e aos heveus, e aos phereseus, e aos girgaseus, e aos amorreus, e aos jebuseus.
Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na kasama ninyo ang buhay na Diyos at paaalisin mula sa inyong harapan ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo.
11 Eis que a arca do concerto do Senhor de toda a terra passa o Jordão diante de vós.
Tingnan ninyo! Ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong mundo ay mauunang itatawid sa inyo sa Jordan.
12 Tomai-vos pois agora doze homens das tribos de Israel, de cada tribo um homem;
Ngayon pumili ng labindalawang kalalakihan mula sa mga lipi ng Israel, isang lalaki sa bawat isa.
13 Porque há de acontecer que, assim que as plantas dos pés dos sacerdotes que levam a arca do Senhor, o Senhor de toda a terra, repousem nas águas do Jordão, se separarão as águas do Jordão, e as águas que de cima descem pararão num montão.
Kapag nakaapak na sa tubig ng Jordan ang mga talampakan ng mga paring may dala ng kaban ng tipan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo, mahahati ang tubig ng Jordan, at kahit na ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay hihinto sa pagdaloy at mananatili sila sa isang tambakan.
14 E aconteceu que, partindo o povo das suas tendas, para passar o Jordão, levavam os sacerdotes a arca do concerto diante do povo.
Kaya nang umalis ang mga tao para tumawid sa Jordan, ang mga pari na may dala ng kaban ng tipan ay pinangunahan ang bayan.
15 E os que levavam a arca, quando chegaram até ao Jordão, e os pés dos sacerdotes que levavam a arca, se molharam na borda das águas, (porque o Jordão trasbordava sobre todas as suas ribanceiras, todos os dias da sega),
Sa sandaling sumapit na sa Jordan ang may dala ng kaban, at ang paa ng mga iyon na may dala ng kaban ay lumubog sa gilid ng tubig (ngayon umaapaw ang Jordan sa lahat ng pangpang sa buong panahon ng pag-ani),
16 Pararam-se as águas, que vinham de cima; levantaram-se num montão, mui longe da cidade de Adam, que está da banda de Santan; e as que desciam ao mar das campinas, que é o mar salgado, faltavam de todo e separaram-se: então passou o povo defronte de Jericó.
ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.
17 Porém os sacerdotes, que levavam a arca do concerto do Senhor, pararam firmes em seco no meio do Jordão: e todo o Israel passou em seco, até que todo o povo acabou de passar o Jordão.
Nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ang mga paring nagbuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh hanggang nakatawid na ang lahat ng bayan ng Israel sa tuyong lupa.

< Josué 3 >