< Gênesis 11 >
1 E era toda a terra de uma mesma língua, e de uma mesma fala.
At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.
2 E aconteceu que, partindo eles do Oriente, acharam um vale na terra de Shinar; e habitaram ali.
At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.
3 E disseram uns aos outros: Eia, façamos tijolos, e queimê-mo-los bem. E foi-lhes o tijolo por pedra, e o betume por cal.
At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa.
4 E disseram: Eia, edifiquemos nós uma cidade e uma torre cujo cume toque nos céus, e façamo-nos um nome, para que não sejamos espalhados sobre a face de toda a terra.
At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
5 Então desceu o Senhor para ver a cidade e a torre que os filhos dos homens edificavam;
At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.
6 E disse. Eis que o povo é um, e todos tem uma mesma língua; e isto é o que começam a fazer: e agora, não haverá restrição para tudo o que eles intentarem fazer?
At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.
7 Eia, desçamos, e confundamos ali a sua língua, para que não entenda um a língua do outro.
Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
8 Assim o Senhor os espalhou dali sobre a face de toda a terra: e cessaram de edificar a cidade.
Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
9 Por isso se chamou o seu nome Babel, porquanto ali confundiu o Senhor a língua de toda a terra, e dali os espalhou o Senhor sobre a face de toda a terra.
Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
10 Estas são as gerações de Sem: Sem era da idade de cem anos, e gerou a Arpachshad, dois anos depois do dilúvio.
Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,
11 E viveu Sem, depois que gerou a Arpachshad, quinhentos anos; e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
12 E viveu Arpachshad trinta e cinco anos, e gerou a Selah.
At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.
13 E viveu Arpachshad depois que gerou a Selah, quatrocentos e três anos; e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
14 E viveu Selah, trinta anos, e gerou a Eber:
At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber:
15 E viveu Selah, depois que gerou a Eber, quatrocentos e três anos, e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
16 E viveu Eber trinta e quatro anos e gerou a Peleg:
At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:
17 E viveu Eber, depois que gerou a Peleg, quatrocentos e trinta anos, e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
18 E viveu Peleg trinta anos, e gerou a Rehu:
At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu:
19 E viveu Peleg, depois que gerou a Rehu, duzentos e nove anos, e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
20 E viveu Rehu, trinta e dois anos, e gerou a Serug:
At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug:
21 E viveu Rehu, depois que gerou a Serug, duzentos e sete anos e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
22 E viveu Serug trinta anos, e gerou a Nahor:
At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:
23 E viveu Serug, depois que gerou a Nahor, duzentos anos, e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
24 E viveu Nahor vinte e nove anos, e gerou a Terah:
At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:
25 E viveu Nahor, depois que gerou a Terah, cento e dezenove anos, e gerou filhos e filhas.
At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
26 E viveu Terah, setenta anos, e gerou a Abrão, a Nahor, e a Haran.
At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.
27 E estas são as gerações de Terah: Terah gerou a Abrão, a Nahor, e a Haran: e Haran gerou a Lot
Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.
28 E morreu Haran estando seu pai Terah, ainda vivo, na terra do seu nascimento, em Ur dos caldeus.
At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo.
29 E tomaram Abrão e Nahor mulheres para si: o nome da mulher de Abrão era Sarai, e o nome da mulher de Nahor era Milcah, filha de Haran, pai de Milcah, e pai de Iscah.
At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah.
30 E Sarai foi estéril, e não tinha filhos.
At si Sarai ay baog; siya'y walang anak.
31 E tomou Terah a Abrão seu filho, e a Lot filho de Haran, filho de seu filho, e a Sarai sua nora, mulher de seu filho Abrão, e saiu com eles de Ur dos caldeus, para ir à terra de Canaan; e vieram até Haran, e habitaram ali
At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.
32 E foram os dias de Terah duzentos e cinco anos: e morreu Terah em Haran.
At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.