< Êxodo 22 >

1 Se alguém furtar boi ou ovelha, e o degolar ou vender, por um boi pagará cinco bois, e pela ovelha quatro ovelhas.
Kung magnakaw ang isang lalaki ng isang baka o isang tupa at pinatay niya o ipinagbili ito, pagkatapos dapat siyang magbayad ng limang baka para sa isang baka, at apat na tupa para sa isang tupa.
2 Se o ladrão for achado na mina, e for ferido, e morrer, o que o feriu não será culpado do sangue.
Kung ang magnanakaw ay natagpuang naninira, at kung nasaktan at siya ay namatay, sa ganoong kaso walang sinuman ang ituturing na may sala sa kaniyang kamatayan.
3 Se o sol houver saído sobre ele, será culpado do sangue: totalmente o restituirá: e se não tiver com que pagar, será vendido por seu furto.
Pero kung sumikat ang araw bago niya sinira, salang pagpatay ng tao ang ipapataw sa taong pumatay sa kaniya. Ang magnanakaw ay dapat gumawa ng pagbabayad-pinsala. Kung wala siyang pag-aari, pagkatapos dapat siyang ipagbili dahil sa kaniyang pagnanakaw.
4 Se o furto for achado vivo na sua mão, seja boi, ou jumento, ou ovelha, pagará o dobro.
Kung ang ninakaw na hayop ay natagpuang buhay sa kaniyang pag-aari, maging ito ay isang asno, o isang tupa, dapat siyang magbayad ng doble.
5 Se alguém fizer pastar num campo ou numa vinha, e largar a sua besta, para comer no campo de outro, o melhor do seu próprio campo e o melhor da sua própria vinha restituirá.
Kung magpapastol ang isang lalaki ng kaniyang mga baka sa isang bukid o sa ubasan at hinayaang nakakawala ang kaniyang hayop, at kumain ito sa bukid ng ibang tao, dapat siyang gumawa ng pagbabayad-pinsala mula sa pinakamainam sa kaniyang sariling bukid at mula sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan.
6 Se arrebentar um fogo, e prender os espinhos, e abrazar a meda de trigo, ou a seara, ou o campo, aquele que acendeu o fogo totalmente pagará o queimado.
Kung kumalat ang apoy at kumalat sa mga tinik kaya ang mga nakasalansan na butil, o nakatayo na butil, o ang bukid ay natupok, siya na nagsimula ng apoy ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala.
7 Se alguém der prata, os vasos ao seu próximo a guardar, e for furtado da casa daquele homem, se o ladrão se achar, pagará o dobro.
Kung magbibigay ng pera o ari-arian ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para sa ligtas na pag-iingat, at kung ito ay ninakaw mula sa bahay ng lalaki, kung natagpuan ang magnanakaw, ang magnanakaw na iyon ay dapat magbayad ng doble.
8 Se o ladrão não se achar, então o dono da casa será levado diante dos juízes, a ver se não meteu a sua mão na fazenda do seu próximo.
Pero kung ang magnanakaw ay hindi natagpuan, pagkatapos ang may-ari ng bahay ay dapat humarap sa mga hukom para tingnan kung nilagay niya ang kaniyang sariling kamay sa pag-aari ng kaniyang kapitbahay.
9 Sobre todo o negócio de injustiça, sobre boi, sobre jumento, sobre gado miúdo, sobre vestido, sobre toda a coisa perdida, de que alguém disser que é sua a causa de ambos virá perante os juízes, aquele a quem condenarem os juízes o pagará em dobro ao seu próximo.
Sa bawat pagtatalo tungkol sa isang bagay, maging ito ay baka, asno, tupa, damit o anumang nawawalang bagay tungkol sa kung alin ang sinasabi ng isa, “Kabilang ito sa akin,” ang pag-aangkin ng dalawang panig ay kailangang humarap sa mga hukom. Ang taong makitaan ng mga hukom na siyang may sala ay dapat magbayad ng doble sa kaniyang kapitbahay.
10 Se alguém der a seu próximo a guardar um jumento, ou boi, ou ovelha, ou alguma besta, e morrer, ou for dilacerado, ou afugentado, ninguém o vendo,
Kung magbibigay ng isang asno, isang baka, isang tupa o anumang hayop ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para pangalagaan, at kung ito ay namatay o nasaktan o natangay ito nang walang sinumang nakakita,
11 Então haverá juramento do Senhor entre ambos, que não meteu a sua mão na fazenda do seu próximo: e seu dono o aceitará, e o outro não o restituirá.
isang panunumpa kay Yahweh ang dapat nilang gawin, kung walang isang tao na naglagay sa kaniyang kamay sa pagmamay-ari ng kaniyang kapitbahay. Kailangang tanggapin ng may-ari ito at ang isa ay hindi na kailangang gumawa ng pagbabayad-pinsala.
12 Mas se lhe for furtado, o pagará ao seu dono.
Pero kung ninakaw ito mula sa kaniya, ang isa ay dapat gumawa ng pagbabayad-pinsala sa may-ari para dito.
13 Porém se lhe for dilacerado, tra-lo-á em testemunho disso, e não pagará o dilacerado.
Kung ang hayop ay nagkagutay-gutay, hayaan na dalhin ng isang tao ang hayop bilang katibayan. Hindi siya kailangang magbayad kung anuman ang nasira.
14 E se alguém a seu próximo pedir alguma coisa, e for danificada ou morta, não estando presente o seu dono, certamente a restituirá.
Kung hihiram ang isang tao ng anumang hayop mula sa kaniyang kapitbahay at ang hayop ay nasaktan o namatay na hindi ito kasama ng may-ari, ang ibang tao ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala.
15 Se o seu dono esteve presente, não a restituirá: se foi alugada, será pelo seu aluguel.
Pero kung ang may-ari ay kasama nito, ang ibang tao ay hindi na kailangan magbayad; kung inupahan ang hayop, ito ay babayaran sa pamamagitan ng kaniyang bayad paupahan.
16 Se alguém enganar alguma virgem, que não for desposada, e se deitar com ela, certamente a dotará por sua mulher.
Kung inaakit ng isang lalaki ang isang babaeng birhen na wala pang kasunduang magpakasal at kung siya ay kaniyang sinipingan, dapat siguraduhin niyang gawing asawa ang babae sa pamamagitan ng pagbabayad ng kasal-kayamanan na kinakailangan para dito.
17 Se seu pai inteiramente recusar dar-lha, dará dinheiro conforme ao dote das virgens.
Kung ang kaniyang ama ay ganap na tumangging ibigay siya sa lalaki, ang lalaki ay dapat magbayad ng pera katumbas sa bayad-kayamanan ng mga birhen.
18 A feiticeira não deixarás viver.
Hindi ninyo dapat hayaang mabuhay ang isang babaeng mangkukulam.
19 Todo aquele que se deitar com animal, certamente morrerá.
Sinumang sumiping sa isang hayop ay dapat siguradong malalagay sa kamatayan.
20 O que sacrificar aos deuses, e não só ao Senhor, será morto.
Sinumang magsasakripisyo sa anumang diyos maliban kay Yahweh ay dapat ganap na wasakin.
21 O estrangeiro não afligirás, nem o oprimirás; pois estrangeiros fostes na terra do Egito.
Huwag dapat ninyong gawan ng masama ang isang dayuhan o pagmalupitan siya, dahil naging mga dayuhan din kayo sa lupain ng Ehipto.
22 A nenhuma viúva nem órfão afligireis.
Huwag dapat ninyong apihin ang sinumang balo o mga batang ulila sa ama.
23 Se de alguma maneira os afligires, e eles clamarem a mim, eu certamente ouvirei o seu clamor,
Kung sasaktan ninyo sila, at kung tumawag sila sa akin, na si Yahweh, siguradong pakikinggan ko ang kanilang tawag.
24 E a minha ira se acenderá, e vos matarei à espada; e vossas mulheres ficarão viúvas, e vossos filhos órfãos.
Magliliyab ang aking galit, at papatayin ko kayo sa pamamagitan ng espada; ang inyong mga asawa ay magiging balo, at ang inyong mga anak ay magiging ulila sa ama.
25 Se emprestares dinheiro ao meu povo, ao pobre que está contigo, não te haverás com ele como um usurário; não lhe imporeis usura.
Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking mga tao sa gitna ninyo na mga mahihirap, hindi kayo dapat matulad sa isang nagpapatubo sa kaniya o singilin siya ng may tubo.
26 Se tomares em penhor o vestido do teu próximo, lho restituirás antes do pôr do sol,
Kung kukunin ninyo ang damit ng inyong kapitbahay bilang pangako, dapat ninyong isauli ito sa kaniya bago lumubog ang araw,
27 Porque aquela é a sua cobertura, e o vestido da sua pele; em que se deitaria? será pois que, quando clamar a mim, eu o ouvirei, porque sou misericordioso.
dahil iyon lamang ang kaniyang tanging pantakip; ito ay ang kaniyang damit para sa kaniyang katawan. Ano pa ang kaniyang ipangtutulog? Kapag tumawag siya sa akin, pakikinggan ko siya, dahil ako ay mahabagin.
28 Os juízes não amaldiçoarás, e o príncipe dentre o teu povo não maldirás.
Hindi dapat ninyo ako nilalapastangan, ako na inyong Diyos, ni sumpain ang namumuno sa inyong bayan.
29 As tuas primícias, e os teus licores não dilatarás: o primogênito de teus filhos me darás.
Hindi dapat ninyo ipagkait ang inyong mga handog mula sa inyong ani o sa inyong pisaan ng ubas. Dapat ninyong ibigay sa akin ang panganay ng inyong mga anak na lalaki.
30 Assim farás dos teus bois e das tuas ovelhas: sete dias estarão com sua mãe, e ao oitavo dia mos darás.
Dapat din ninyong gawin sa inyong mga baka at sa inyong tupa. Dahil sa loob ng pitong araw mananatili sila sa kanilang mga ina, pero sa loob ng ikawalong araw dapat ninyong ibigay sila sa akin.
31 E ser-me-eis homens santos; portanto não comereis carne despedaçada no campo: aos cães a lançareis.
Kayo ay magiging bayan na ibubukod para sa akin. Kaya huwag dapat kayong kumain ng anumang karne na ginutay-gutay ng mga hayop sa bukid. Sa halip, dapat ninyong itapon ito sa mga aso.

< Êxodo 22 >