< Ester 2 >
1 Passadas estas coisas, e apaziguado já o furor do rei Assuero, lembrou-se de Vasthi, e do que fizera, e do que se tinha decretado a seu respeito.
Pagkatapos ng mga bagay na ito, nang humupa ang galit ni Haring Assuero, naisip niya si Vashti at kung ano ang ginawa niya. Inisip din niya ang tungkol sa kautusang ginawa niya laban kay Vashti.
2 Então disseram os mancebos do rei, que lhe serviam: Busquem-se para o rei moças virgens, formosas à vista.
Pagkatapos ay sinabi ng mga binatang tauhan ng Hari na naglilingkod sa kanya, “Hayaang magsagawa ng paghahanap sa ngalan ng hari para sa mga magagandang dalagang birhen
3 E ponha o rei comissários em todas as províncias do seu reino, que ajuntem a todas as moças virgens, formosas à vista, na fortaleza de Susan, na casa das mulheres, debaixo da mão de Hegai, eunuco do rei, guarda das mulheres, e dêem-se-lhes os seus enfeites.
Hayaang humirang ang hari ng mga opisyal sa lahat ng mga lalawigan ng kanyang kaharian, upang pagsama-samahin ang lahat ng magagandang mga dalagang birhen sa harem sa palasyo ng Susa. Hayaan silang mailagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa mga babae, at hayaang ibigay niya ang kanilang mga pampaganda.
4 E a moça que parecer bem aos olhos do rei, reine em lugar de Vasthi. E isto pareceu bem aos olhos do rei, e assim fez.
Hayaan ang sinumang dalagang babaeng makalugod sa hari na maging reyna kapalit ni Vashti.” Naibigan ng hari ang payong ito at ginawa niya ito.
5 Havia então um homem judeu na fortaleza de Susan, cujo nome era mardoqueu, filho de Jair, filho de Simei, filho de Kis, homem benjamita,
Mayroong isang Judio na nakatira sa siyudad ng Susa na nagngangalang Mordecai, anak na lalaki ni Jair na apo ni Simei na anak na lalaki ni Kis na lipi ni Benjamin.
6 Que fôra transportado de Jerusalém, com os transportados que foram transportados com Jechonias, rei de Judá, o qual transportara Nabucodonosor, rei de Babilônia.
Kinuha siya palayo mula sa Jerusalem kasama ng mga tinapon pati na mga dinakip na kasama ni Jehoiakin, hari ng Juda, na tinangay ni Nebuchadezzar na hari ng Babilonia.
7 Este criara a Hadassa (que é Esther, filha de seu tio), porque não tinha pai nem mãe: e era moça bela de parecer, e formosa à vista; e, morrendo seu pai e sua mãe, mardoqueu a tomara por sua filha
Siya ang nag-aalaga kay Hadasa, iyon ay, si Esther, ang anak na babae ng kanyang tiyo, sapagkat wala na siyang ama o ina. Ang dalaga ay may magandang hugis at kaibig-ibig ang panlabas na anyo. Inaruga siya ni Mordecai na parang sariling anak.
8 Sucedeu pois que, divulgando-se o mandado do rei e a sua lei, e ajuntando-se muitas moças na fortaleza de Susan, debaixo da mão de Hegai, também levaram Esther à casa do rei, debaixo da mão de Hegai, guarda das mulheres.
Nang pinahayag ang utos at batas ng hari, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng Susa. Sila ay inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai. Dinala rin si Esther papuntang palasyo ng hari at inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang siyang tagapangasiwa sa mga dalaga.
9 E a moça pareceu formosa aos seus olhos, e alcançou graça perante ele; pelo que se apressurou com os seus enfeites, e em lhe dar os seus quinhões, como também em lhe dar sete moças de respeito da casa do rei: e a fez passar com as suas moças ao melhor lugar da casa das mulheres.
Ang dalaga ay nakapag-bigay lugod sa kanya, at nakuha niya ang pabor nito. Agad niya itong binigyan ng mga pampaganda at bahagi ng pagkain niya. Itinalaga niya sa kanya ang pitong aliping babae mula sa palasyo ng hari, at siya at mga aliping babae ay inilipat niya sa pinakamagandang lugar sa bahay ng mga kababaihan.
10 Esther porém não declarou o seu povo e a sua parentela; porque mardoqueu lhe tinha ordenado que o não declarasse.
Walang sinumang sinabihan si Esther kung sino ang kanyang lahi o mga kamag-anak, sapagkat sinabihan siya ni Mordecai na huwag sabihin.
11 E passeava mardoqueu cada dia diante do pátio da casa das mulheres, para se informar de como Esther passava, e do que lhe sucederia.
Araw-araw naglalakad si Mordecai papunta at pabalik sa harapan ng patyo sa labas ng bahay ng mga kababaihan, upang malaman ang tungkol sa kapakanan ni Esther, at tungkol sa kung ano ang gagawin sa kanya.
12 E, chegando já a vez de cada moça, para vir ao rei Assuero, depois que fôra feito a ela segundo a lei das mulheres, por doze meses (porque assim se cumpriam os dias das suas purificações), seis meses com óleo de mirra, e seis meses com especiarias, e com as coisas para a purificação das mulheres:
Nang dumating ang pagkakataon para sa bawat dalaga upang pumunta kay Haring Assuero—sa pagsunod ng mga alintuntunin para sa mga babae, ang bawat babae ay kinakailangang tapusin ang labindalawang buwan ng pagpapaganda, anim na buwan na may langis ng mira, at anim na may pabango at pampaganda —
13 Desta maneira pois entrava a moça ao rei: tudo quanto ela dizia se lhe dava, para se ir com aquilo da casa das mulheres à casa do rei:
Kapag ang dalaga ay pumunta sa hari, anuman ang kagustuhan nito ay ibinibigay sa kanya mula sa bahay ng mga kababaihan, para madala niya sa palasyo.
14 Á tarde entrava, e pela manhã tornava à segunda casa das mulheres, debaixo da mão de Saasgaz, eunuco do rei, guarda das concubinas: não tornava mais ao rei, salvo se o rei a desejasse, e fosse chamada por nome
Sa gabi siya ay papasok, at sa umaga siya ay babalik sa ikalawang tahanan ng mga babae, at sa pangangalaga ni Saasgaz, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa ibang mga asawa. Hindi na siya muling makakabalik sa hari maliban na lamang kung siya ay malugod sa kanya at ipatawag siyang muli.
15 Chegando pois a vez de Esther, filha de Abihail, tio de mardoqueu (que a tomara por sua filha), para ir ao rei, coisa nenhuma pediu, senão o que disse Hegai, eunuco do rei, guarda das mulheres: e alcançava Esther graça aos olhos de todos quantos a viam.
Ngayon nang dumating ang panahon para kay Esther (anak na babae ni Abihail, ang tiyo ni Mordecai, na siyang kumuha sa kanya bilang sariling anak) na pumunta sa hari, hindi siya humingi ng anumang bagay subalit kung ano ang iminungkahi ni Hegai na namamahala sa mga babae. Ngayon naibigan si Esther ng sinumang makakita sa kanya.
16 Assim foi levada Esther ao rei Assuero, à sua casa real, no décimo mes, que é o mês de tebeth, no sétimo ano do seu reinado.
Dinala si Esther kay Haring Asssuero sa maharlikang tirahan sa ika-sampung buwan, ang buwan ng Tebeth, sa ikapitong taon ng kanyang pamumuno.
17 E o rei amou a Esther mais do que a todas as mulheres, e alcançou perante ele graça e benevolência mais do que todas as virgens: e pôs a coroa real na sua cabeça, e a fez rainha em lugar de Vasthi.
Higit na minamahal ng hari si Esther sa lahat ng mga babae, nakuha nito ang pabor at kabaitan sa harapan niya, higit sa lahat ng ibang mga birhen, kaya ipinatong niya ang maharlikang korona sa ulo nito at ginawa siyang reyna sa halip na si Vasthi.
18 Então o rei fez um grande convite a todos os seus príncipes e aos seus servos, que era o convite de Esther: e deu repouso às províncias, e fez presentes segundo o estado do rei.
Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, “Handaan ni Esther,” at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad.
19 E ajuntando-se segunda vez as virgens, mardoqueu estava assentado à porta do rei.
Nang tipunin ang mga birhen sa ikalawang pagkakataon, si Mordecai ay naka-upo sa tarangkahan ng Hari.
20 Esther porém não declarava a sua parentela e o seu povo, como mardoqueu lhe ordenara: porque Esther fazia o mandado de mardoqueu, como quando a criara.
Hindi pa sinabi ni Esther ang tungkol sa kanyang mga kamag-anak o kanyang lahi, tulad ng tagubilin ni Mordecai sa kanya. Patuloy niyang sinunod ang payo ni Mordecai tulad ng ginawa niya nang pinapalaki siya nito.
21 Naqueles dias, assentando-se mardoqueu à porta do rei, dois eunucos do rei, dos guardas da porta, Bigthan e Theres, grandemente se indignaram, e procuraram pôr as mãos no rei Assuero.
Sa panahong iyon, habang si Mordecai ay nakaupo sa tarangkahan ng hari, dalawa sa mga opisyal ng hari na sina Bigtan at Teres, na nagbabantay sa daanan ng pintuan, ay nagalit at naghanap ng paraan para gumawa ng masama kay Haring Assuero.
22 E veio isto ao conhecimento de mardoqueu, e ele fez saber à rainha Esther, e Esther o disse ao rei, em nome de mardoqueu.
Nang mapag-alaman ni Mordecai ang bagay na ito, sinabihan niya si Reyna Esther, at kinausap ni Esther ang hari sa ngalan ni Mordecai.
23 E inquiriu-se o negócio, e se descobriu, e ambos foram enforcados numa forca: e foi escrito nas crônicas perante o rei.
Ang ulat ay siniyasat at napatunayan, kaya binitay ang dalawang lalaki sa bitayan. Isinulat ang pangyayaring ito sa Aklat ng mga Alaala sa presensya ng hari.