< 2 Samuel 19 >
1 E disseram a Joab: Eis que o rei anda chorando, e lastima-se por Absalão.
Sinabihan si Joab, “Tingnan mo, humagulgol ang hari at nagluksa para kay Absalom.”
2 Então a vitória se tornou naquele mesmo dia em tristeza para todo o povo: porque aquele mesmo dia o povo ouvira dizer: Mui triste está o rei por causa de seu filho.
Kaya ang tagumpay ng araw na iyon ay naging pagluluksa sa lahat ng hukbo, dahil narinig ito ng hukbo nang sinabi ng araw na iyon, “Nagluksa ang hari para sa kaniyang anak na lalaki.”
3 E aquele mesmo dia o povo se escoou às furtadelas na cidade, como o povo de vergonhoso se escoa escondidamente quando fogem da peleja.
Kinailangang patagong maglakad ng tahimik ang mga sundalo sa lungsod ng araw na iyon, katulad ng mga taong nahihiyang tumatakbo palayo mula sa labanan.
4 Estava pois o rei com o rosto coberto; e o rei gritava a alta voz: Meu filho Absalão, Absalão meu filho, meu filho!
Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, “Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!”
5 Então entrou Joab ao rei em casa, e disse: Hoje envergonhaste as caras de todos os teus servos, que livraram hoje a tua vida, e a vida de teus filhos, e de tuas filhas, e a vida de tuas mulheres, e a vida de tuas concubinas.
Pagkatapos pumasok sa loob ng bahay ang hari si Joab at sinabi sa kaniya, “Pinahiya mo ang mga mukha ng lahat ng iyong mga sundalo sa araw na ito, na nagligtas ng iyong buhay sa araw na ito, at ang buhay ng iyong mga anak na lalaki at ng iyong mga anak na babae, at ang buhay ng iyong mga asawa, at ang buhay ng iyong mga asawang alipin,
6 Amando tu aos que te aborrecem, e aborrecendo aos que te amam: porque hoje dás a entender que nada valem para contigo capitães e servos; porque entendo hoje que se Absalão vivesse, e todos nós hoje fossemos mortos, então bem te parecera aos teus olhos.
dahil minahal mo galit sa iyo, at galit ka sa mga nagmamahal sa iyo. Dahil sa araw na ito ipinakita mo na ang mga pinuno at mga sundalo ay baliwala sa iyo. Naniniwala ako sa araw na ito kung nabuhay si Absalom, at tayong lahat ay namatay, iyon siguro ang makapagpapasaya sa iyo.
7 Levanta-te pois agora; sai, e fala conforme ao coração de teus servos: porque pelo Senhor te juro que, se não saires, nem um só homem ficará contigo esta noite; e mais mal te será isto do que todo o mal que tem vindo sobre ti desde a tua mocidade até agora.
Kaya ngayon tumayo ka at lumabas, magsalita ng mabuti sa iyong mga sundalo, dahil ipinapangako ko kay Yahweh, kapag hindi ka pumunta, wala ni isang taong mananatili sa iyo mamayang gabi. Iyon ay magiging masama para sa iyo kaysa sa lahat ng kapahamakang nangyari sa iyo mula ng iyong kabataan hanggang ngayon.”
8 Então o rei se levantou, e se assentou à porta: e fizeram saber a todo o povo, dizendo: Eis que o rei está assentado à porta. Então todo o povo veio apresentar-se diante do rei; porém Israel fugiu cada um para as suas tendas.
Kaya tumayo ang hari at umupo sa tarangkahan ng lungsod, at sinabi ito sa lahat ng kalalakihan, “Tingnan, nakaupo ang hari sa tarangkahan.” Kaya pumunta ang lahat ng mga tao sa harap ng hari. Samantala, sa Israel, tumakas ang bawat tao sa kaniyang tahanan.
9 E todo o povo, em todas as tribos de Israel, andava porfiando entre si, dizendo: O rei nos tirou das mãos de nossos inimigos, e ele nos livrou das mãos dos philisteus; e agora fugiu da terra por causa de Absalão.
Nagtatalo ang lahat ng mga tao sa lahat ng lipi sa buong Israel sinasabing, “Iniligtas tayo ng hari mula sa kamay ng ating mga kaaway. Iniligtas niya tayo mula sa kamay ng mga Filisteo at ngayon naubusan siya ng lungsod mula kay Absalom.
10 E Absalão, a quem ungimos sobre nós, já morreu na peleja: agora, pois, porque vos calais, e não fazeis voltar o rei
At si Absalom, na ating hinirang para sa atin, ay namatay sa labanan. Kaya bakit hindi natin pag-usapan ang pagbabalik muli ng hari?”
11 Então o rei David enviou a Zadok e a Abiathar, sacerdotes, dizendo: falai aos anciãos de Judá, dizendo: Porque serieis vós os últimos em tornar a trazer o rei para a sua casa? (porque as palavras de todo o Israel chegaram ao rei, até à sua casa.)
Nagpadala si Haring David kay Zadok at kay Abiatar ng mga pari na sinasabing, “Kausapin ang mga pinuno ng Juda sabihin na, 'Bakit huli kayo sa pagpapabalik sa hari sa kaniyang palasyo, yamang ang usapin sa buong Israel pinapaboran ang hari, para dalhin siya pabalik sa kaniyang palasyo?
12 Vós sois meus irmãos, meus ossos e minha carne sois vós: porque pois serieis os últimos em tornar a trazer o rei?
Kayo ang aking mga kapatid na lalaki, aking laman at buto. Bakit kayo ang huling magdadala sa hari pabalik?'
13 E a Amasa direis: Porventura não és tu meu osso e minha carne? assim me faça Deus, e outro tanto, se não fores chefe do arraial diante de mim para sempre, em lugar de Joab.
At sabihin kay Amasa, 'Hindi ba ikaw ang aking laman at aking buto? Gagawin sa akin ng Diyos, ng higit pa, kapag hindi ikaw ang kapitan ng aking hukbo mula ngayon sa lugar ni Joab.'”
14 Assim moveu o coração de todos os homens de Judá, como o dum só homem: e enviaram ao rei, dizendo: Volta tu com todos os teus servos.
At nakuha niya ang mga puso ng lahat ng tao sa Juda, na parang sila ay puso ng isang tao, nang sa gayon nagpadala sila sa hari sinasabing, “Bumalik ka, ikaw at lahat ng iyong kalalakihan.”
15 Então o rei voltou, e chegou até ao Jordão; e Judá veio a Gilgal, para ir encontrar-se com o rei, à outra banda do Jordão.
Kaya bumalik ang hari at dumating sa Jordan. At dumating ang kalalakihan ng Juda sa Gilgal para makipagkita sa hari, para samahan ang hari sa Jordan.
16 E apressou-se Simei, filho de Gera, filho de Jemini, que era de Bahurim: e desceu com os homens de Judá a encontrar-se com o rei David,
Si Simei anak na lalaki ni Gera, ang lahi ni Benjamin, na nagmula sa Bahurim, ay nagmadaling bumaba kasama ng kalalakihan ng Juda para makipagkita kay Haring David.
17 E com ele mil varões de Benjamin, como também Ziba, servo da casa de Saul, e seus quinze filhos, e seus vinte servos com ele: e prontamente passaram o Jordão adiante do rei.
Mayroong isang libong kalalakihan mula kay Benjamin na kasama niya, at si Ziba ang lingkod ni Saul, at kaniyang labinlimang anak na lalaki at dalawampung lingkod na kasama niya.
18 E, passando a barca, para fazer passar a casa do rei e para trazer o que bem parecesse aos seus olhos, então Simei, filho de Gera, se prostrou diante do rei, passando ele o Jordão.
Tumawid sila sa Jordan sa harap ng hari. Tumawid sila para dalhin ang pamilya ng hari at para gawin ang anumang inisip niyang mabuti. Yumuko si Simei anak na lalaki ni Gera sa hari bago palang niya simulang tawirin ang Jordan.
19 E disse ao rei: Não me impute meu senhor a minha culpa, e não te lembres do que tão perversamente fez teu servo, no dia em que o rei meu senhor saiu de Jerusalém, para o rei conserva-lo no coração.
Sinabi ni Simei sa hari, “Huwag, aking panginoon, na hanapin ang pagkakasala at isaisip kung ano ang katigasan ng ulo na ginawa ng iyong lingkod ng araw na umalis sa Jerusalem ang aking panginoon, ang hari. pakiusap, nawa'y hindi isapuso ito ng hari.
20 Porque teu servo deveras confessa que eu pequei: porém eis que eu sou o primeiro que de toda a casa de José desci a encontrar-me com o rei meu senhor.
Dahil alam ng iyong lingkod na ako ay nagkasala. Tingnan mo, kaya pumunta ako sa araw na ito bilang una mula sa lahat ng pamilya ni Jose para pumunta pababa para makipagkita sa aking panginoong hari.”
21 Então respondeu Abisai, filho de Zeruia, e disse: Não morreria pois Simei por isto, havendo amaldiçoado ao ungido do Senhor?
Pero sumagot si Abisai anak na lalaki ni Zeruias at sinabing, “Hindi ba kailangang malagay sa kamatayan si Simei dahil dito, dahil nilapastangan niya ang hinirang ni Yahweh?”
22 Porém David disse: Que tenho eu convosco, filhos de Zeruia, para que hoje me sejais adversários? morreria alguém hoje em Israel? porque porventura não sei que hoje fui feito rei sobre Israel?
Pagkatapos sinabi ni David, “Ano ba ang dapat kong gawin sa inyo, kayo na mga anak na lalaki ni Zeruias, na kayo ay maging kaaway ko sa araw na ito? Maaari bang malagay ng sinumang lalaki sa kamatayan sa araw na ito sa Israel? Dahil hindi ko alam na sa araw na ito ako ang hari ng Israel?”
23 E disse o rei a Simei: Não morrerás. E o rei lho jurou.
Kaya sinabi ng hari kay Simei, “Hindi ka mamamatay.” Kaya nangako ang hari sa kaniya ng isang sumpa.
24 Também Mephiboseth, filho de Saul, desceu a encontrar-se com o rei, e não tinha lavado os pés, nem tinha feito a barba, nem tinha lavado os seus vestidos desde o dia em que o rei tinha saído até ao dia em que voltou em paz.
Pagkatapos bumaba si Mefiboset anak na lalaki ni Saul para makipag-kita sa hari. Hindi niya sinuotan ang kaniyang mga paa, o pinutulan ang kaniyang balbas, o nilabhan ang kaniyang mga damit simula ng araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siya ng bahay ng mapayapa.
25 E sucedeu que, vindo ele a Jerusalém a encontrar-se com o rei, disse-lhe o rei: Porque não foste comigo, Mephiboseth?
At nang dumating siya mula Jerusalem para makipag-kita sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, “Bakit hindi ka sumabay sa akin, Mefiboset?”
26 E disse ele: Ó rei meu senhor, o meu servo me enganou; porque o teu servo dizia: Albardarei um jumento, e nele montarei, e irei com o rei; pois o teu servo é coxo.
Sumagot siya, “Aking panginoong hari, nilinlang ako ng aking lingkod, dahil sinabi ko, 'uupo ako sa isang asno para maaari kong sakyan iyon at sumabay sa hari, dahil ang iyong lingkod ay lumpo.'
27 De mais disto, falsamente acusou a teu servo diante do rei meu senhor; porém o rei meu senhor é como um anjo de Deus; faze pois o que parecer bem aos teus olhos.
Siniraan ako ng aking lingkod na si Ziba, ang iyong lingkod, sa aking panginoong hari. Pero ang aking panginoong hari ay gaya ng isang anghel ng Diyos. Sa gayon, gawin ang anumang mabuti sa iyong paningin.
28 Porque toda a casa de meu pai não era senão de homens dignos de morte diante do rei meu senhor; e contudo puseste a teu servo entre os que comem à tua mesa: e que mais direito tenho eu de clamar ao rei?
Dahil ang lahat ng sambahayan ng aking ama ay mga patay na tao sa harapan ng aking panginoong hari, pero ginawa mo ang iyong lingkod kasama mong kumakain sa iyong mesa. Anong karapatan meron ako para umiyak pa rin ako sa hari?”
29 E disse-lhe o rei: Porque ainda mais falas de teus negócios? já disse eu: Tu e Ziba reparti as terras.
Pagkatapos sinabi sa kaniya ng hari, “Bakit nagpapaliwanag pa? Napagpasyahan ko na ikaw at si Ziba ang maghahati sa mga lupain.”
30 E disse Mephiboseth ao rei; Tome ele também tudo: pois já veio o rei meu senhor em paz à sua casa.
Kaya sumagot si Mefiboset sa hari, “Oo, hayaan na makuha niya ang lahat ng ito, yamang dumating ng ligtas ang aking panginoong hari sa kaniyang sariling tahanan.”
31 Também Barzillai, o gileadita, desceu de Rogelim, e passou com o rei o Jordão, para o acompanhar à outra banda do Jordão.
Pagkatapos bumaba si Barzilai ang lahi ng Galaad mula Rogelim para tumawid sa Jordan kasama ng hari, at sinamahan niya ang hari sa Jordan.
32 E era Barzillai mui velho, da idade de oitenta anos; e ele tinha sustentado o rei, quando tinha a sua morada em Mahanaim, porque era homem mui grande.
Ngayon si Barzilai ay isang napakatandang lalaki, walumpung taong gulang.
33 E disse o rei a Barzillai: Passa tu comigo, e sustentar-te-ei comigo em Jerusalém.
Pinagkalooban niya ang hari ng pangangailangan habang nanatili siya sa Mahanaim, dahil siya ay isang napakayamang tao. Sinabi ng hari kay Barzilai, “Pumunta ka sa akin, at ako ang magbibigay para sa iyo ng matitirahan kasama ko sa Jerusalem.”
34 Porém Barzillai disse ao rei: Quantos serão os dias dos anos da minha vida, para que suba com o rei a Jerusalém?
Sumagot si Barzilai sa hari, “Ilang mga araw nalang ang natitira sa mga taon ng aking buhay, dapat umakyat ako kasama ng hari sa Jerusalem?
35 Da idade de oitenta anos sou eu hoje; poderia eu discernir entre bom e mau? poderia o teu servo ter gosto no que comer e beber? Poderia eu mais ouvir a voz dos cantores e cantoras? E porque será o teu servo ainda pesado ao rei meu senhor?
Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari?
36 Com o rei passará teu servo ainda um pouco mais além do Jordão: e porque me recompensará o rei com tal recompensa?
Nanaisin nalang ng iyong lingkod na pumunta sa Jordan kasama ng hari. Bakit pa kailangan bayaran ako ng hari ng isang gantimpala?
37 Deixa voltar o teu servo, e morrerei na minha cidade, junto à sepultura de meu pai e de minha mãe: mas eis ai está o teu servo Chimham, o qual passe com o rei meu senhor, e faze-lhe o que bem parecer aos teus olhos.
Pakiusap hayaan ang iyong lingkod na bumalik sa tahanan, nang sa gayon ako ay mamatay sa aking sariling lungsod sa libingan ng aking ama at aking ina. Pero tingnan mo, narito ang aking lingkod na si Camaam. Hayaan siyang tumawid kasama ang aking panginoong hari, at gawin sa kaniya anuman sa tingin mo ay mabuti.”
38 Então disse o rei: Chimham passará comigo, e eu lhe farei como bem parecer aos teus olhos, e tudo quanto me pedires te farei.
Sumagot ang hari, “Aalis si Camaam kasama ko, at gagawin ko para sa kaniya anumans sa tingin mo ay mabuti, at anuman ang nanaisin mo mula sa akin, gagawin ko iyon para sa iyo.”
39 Havendo pois todo o povo passado o Jordão, e passando também o rei, beijou o rei a Barzillai, e o abençoou: e ele voltou para o seu lugar.
Pagkatapos tumawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, at tumawid ang hari, at hinalikan ng hari si Barzilai at pinagpala siya. Pagkatapos bumalik si Barzilai sa kaniyang sariling tahanan.
40 E dali passou o rei a Gilgal, e Chimham passou com ele: e todo o povo de Judá conduziu o rei, como também a metade do povo de Israel.
Kaya tumawid ang hari patungong Gilgal, at tumawid kasama niya si Camaam. Lahat ng hukbo ng Juda ay dinala ang hari, at kalahati rin ng hukbo ng Israel.
41 E eis que todos os homens de Israel vieram ao rei, e disseram ao rei: Porque te furtaram nossos irmãos, os homens de Judá, e conduziram o rei e a sua casa de além do Jordão, e todos os homens de David com eles?
Sa madaling panahon lahat kalalakihan ng Israel ay nag-umpisang pumunta sa hari at sinabi sa hari, “Bakit ang mga kapatid naming lalaki, ang kalalakihan ng Juda, ninakaw kayo palayo at dinala ang hari at kaniyang pamilya sa Jordan, at lahat ng kalalakihan ni David kasama niya?”
42 Então responderam todos os homens de Judá aos homens de Israel: Porquanto o rei é nosso parente; e porque vos irais por isso? Porventura comemos às costas do rei, ou nos apresentou algum presente?
Kaya sumagot ang kalalakihan ng Israel, “Ito ay dahil mas malapit na kamag-anak ang hari sa amin. Kung kaya bakit kayo magagalit tungkol dito? Kinain ba namin ang anumang bagay na kailangan bayaran ng hari? Binigyan ba niya kami ng anumang mga regalo?
43 E responderam os homens de Israel aos homens de Judá, e disseram: Dez partes temos no rei, e até em David mais temos nós do que vós; porque pois não fizestes conta de nós, para que a nossa palavra não fosse a primeira, para tornar a trazer o nosso rei? Porém a palavra dos homens de Judá foi mais forte do que a palavra dos homens de Israel.
Sumagot ang kalalakihan ng Israel sa kalalakihan ng Juda, “Mayroon kaming sampung liping kamag-anak ng hari, kaya mas may karapatan kami kay David kaysa sa inyo. Kung kaya bakit ninyo kami nilinlang? Hindi ba ang aming mungkahi na ibalik ang aming hari ang unang pinakinggan?” Pero ang mga salita ng kalalakihan ng Juda ay naging mas marahas kaysa sa mga salita ng kalalakihan ng Israel.