< Ezequiel 10 >
1 Depois olhei, e eis que no firmamento, que estava por cima da cabeça dos cherubins, appareceu sobre elles como uma pedra de safira, como o aspecto da similhança d'um throno.
At tumingin ako sa pabilog na bubong na nasa itaas ng ulo ng kerubin; may lumitaw sa itaas nila tila isang sapiro na may anyong gaya ng isang trono.
2 E fallou ao homem vestido de linho, dizendo: Vae por entre as rodas, até debaixo do cherubim, e enche os punhos de brazas accesas d'entre os cherubins, e espalha-as sobre a cidade. E elle entrou á minha vista.
At nagsalita si Yahweh sa lalaking nakasuot ng lino at sinabi, “Pumunta ka sa pagitan ng mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at pareho mong punuin ang iyong mga kamay ng mga nagliliyab na baga mula sa pagitan ng kerubin at ikalat ang mga ito sa buong lungsod.” At pumasok ang lalaki habang ako ay nakatingin.
3 E os cherubins estavam ao lado direito da casa, quando entrou aquelle homem; e uma nuvem encheu o atrio interior.
Tumayo ang kerubin sa kanang bahagi ng tahanan nang pumasok ang lalaki, at pinuno ng ulap ang dakong loob ng patyo.
4 Então se levantou a gloria do Senhor de sobre o cherubim para o umbral da casa; e encheu-se a casa d'uma nuvem, e o atrio se encheu do resplandor da gloria do Senhor.
Pumaitaas ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa kerubin at tumayo sa bungad ng pintuan ng bahay; pinuno nito ang tahanan ng ulap, at puno ng liwanag ang patyo ng kaluwalhatian ni Yahweh.
5 E o estrondo das azas dos cherubins se ouviu até ao atrio exterior, como a voz do Deus Todo-poderoso, quando falla.
At narinig ko ang tunog ng mga pakpak ng kerubin sa labas ng patyo, tulad sa tinig ng Makapangyarihang Diyos kapag siya ay nagsasalita.
6 Succedeu pois que, dando elle ordem ao homem vestido de linho, dizendo: Toma fogo d'entre as rodas, d'entre os cherubins, entrou elle, e se poz junto ás rodas.
At nangyari ito nang inutusan ng Diyos ang lalaking nakasuot ng lino at sinabi, “Kumuha ka ng apoy mula sa pagitan ng dalawang gulong na nasa pagitan ng kerubin,” at pumasok ang lalaki at tumayo sa tabi ng isang gulong.
7 Então estendeu um cherubim a sua mão de entre os cherubins para o fogo que estava entre os cherubins; e o tomou, e o poz nas mãos do que estava vestido de linho; o qual o tomou, e saiu.
Inabot ng isang kerub ang kaniyang kamay sa pagitan ng kerubin sa apoy na nasa gitna ng kerubin, at itinaas ito at inalagay ito sa mga kamay ng isang nakasuot ng lino. Kinuha ito ng lalaki at nagpunta sa labas.
8 E appareceu nos cherubins uma similhança de mão de homem debaixo das suas azas.
Nakita ko sa kerubin ang isang bagay na tulad ng isang kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
9 Então olhei, e eis quatro rodas junto aos cherubins, uma roda junto a um cherubim, e outra roda junto a outro cherubim; e o aspecto das rodas era como côr de pedra de turqueza.
Kaya tumingin ako, at hala! Apat na gulong ang nasa tabi ng kerubin—isang gulong bawat kerub—at ang anyo ng mga gulong ay tulad ng isang batong berila.
10 E, quanto ao seu aspecto, as quatro tinham uma mesma similhança; como se estivera uma roda no meio d'outra roda.
Lumitaw silang apat na may pagkakahawig, tulad ng isang gulong na pinagsalikupan sa isa pang gulong.
11 Andando estes, andavam est'outras pelos quatro lados d'elles; não se viravam quando andavam, mas para o logar para onde olhava a cabeça para esse andavam; não se viravam quando andavam.
Kapag gumalaw sila, pumunta sila sa kahit saanmang dako; hindi sila lumingon nang sila ay gumalaw sapagkat gumalaw sila patungo sa lugar kung saan nakaharap ang ulo. Hindi sila lumilingon kapag gumalaw na sila.
12 E todo o seu corpo, e as suas costas, e as suas mãos, e as suas azas, e as rodas, as rodas que os quatro tinham, estavam cheias d'olhos em redor.
Ang kanilang buong katawan—kasama ang kanilang mga likod, mga kamay, at mga pakpak—ay natakpan ng mga mata, at tinakpan din ng mga mata ang palibot ng apat na mga gulong.
13 E, quanto ás rodas, a ellas se lhes chamou a meus ouvidos Galgal.
Habang nakikinig ako, tinawag ang mga gulong na, “Umiikot.”
14 E cada um tinha quatro rostos: o rosto do primeiro era rosto de cherubim, e o rosto do segundo rosto de homem, e do terceiro era rosto de leão, e do quarto rosto de aguia.
May apat na mukha ang bawat isa; ang unang mukha ay mukha ng isang kerub, ang ikalawang mukha ay mukha ng isang tao, ang ikatlo ay mukha ng isang leon, at ang ika-apat ay mukha ng isang agila.
15 E os cherubins se elevaram ao alto: estes são os mesmos animaes que vi junto ao rio de Chebar.
At pumaitaaas ang kerubin—ito ang mga nabubuhay na nilalang na nakita ko sa Ilog Kebar.
16 E, andando os cherubins, andavam as rodas juntamente com elles; e, levantando os cherubins as suas azas, para se elevarem de sobre a terra, tambem as rodas não se separavam d'elles.
Kapag gumalaw ang kerubin, ang mga gulong ay sumasama sa kanilang tabi; at kapag itataas ng kerubin ang kanilang mga pakpak upang pumaitaas mula sa lupa, hindi umiikot ang mga gulong. Nananatili ang mga ito sa kanilang tabi.
17 Parando elles, paravam ellas; e, elevando-se elles, elevavam-se ellas, porque o espirito de vida estava n'ellas.
Kapag nakatayo pa rin ang mga kerubin, nananatili din ang mga gulong, at kapag pumapaitaas sila, pumapaitaas din ang mga gulong kasama nila, sapagkat ang espiritu ng nabubuhay na nilalang ay nasa mga gulong.
18 Então saiu a gloria do Senhor de sobre o umbral da casa do Senhor, e parou sobre os cherubins.
At umalis ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa ibabaw ng bungad ng pintuan ng bahay at tumayo sa ibabaw ng kerubin.
19 E os cherubins alçaram as suas azas, e se elevaram da terra aos meus olhos, quando sairam; e as rodas os acompanhavam: e cada um parou á entrada da porta oriental da casa do Senhor; e a gloria do Deus de Israel estava em cima sobre elles.
Itinaas ng kerubin ang kanilang mga pakpak at pumaitaas mula sa lupa sa aking paningin nang sila ay lumabas, at ganoon din ang ginawa ng mga gulong sa kanilang tabi. Tumayo sila sa silanganang pasukan sa tahanan ni Yahweh, at ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay dumating sa kanila mula sa itaas.
20 Estes são os animaes que vi debaixo do Deus de Israel, junto ao rio de Chebar, e conheci que eram cherubins.
Ito ang mga nabubuhay na nilalang na nakita ko sa ibaba ng Diyos ng Israel sa kanal Kebar, kaya alam kong mga kerubin sila!
21 Cada um tinha quatro rostos e cada um quatro azas, e a similhança de mãos de homem debaixo das suas azas.
Mayroon silang apat na mukha bawat isa at apat na mga pakpak, at ang pagkakahawig ng mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak;
22 E a similhança dos seus rostos era a dos rostos que eu tinha visto junto ao rio de Chebar, o aspecto d'elles e elles mesmos: cada um andava ao direito do seu rosto.
at ang pagkakahawig ng kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha na nakita ko sa pangitain sa kanal Kebar, at naunang pumaroon ng tuwiran ang bawat isa sa kanila.