< Deuteronômio 10 >

1 N'aquelle mesmo tempo me disse o Senhor: Alisa duas taboas de pedra, como as primeiras, e sobe a mim a este monte, e faze-te uma arca de madeira:
Nang panahong iyon sinabi ni Yahweh sa akin, 'Umukit ka ng dalawang tipak na bato katulad ng una, at umakyat ka sa akin sa bundok, at gumawa ka ng isang kaban na kahoy.
2 E n'aquellas taboas escreverei as palavras que estavam nas primeiras taboas que quebraste, e as porás na arca.
Isusulat ko sa mga tipak na bato ang mga salita na nasa unang mga tipak, na iyong binasag at ilalagay mo sila kahoy na baul.'
3 Assim, fiz uma arca de madeira de sittim, e alisei duas taboas de pedra, como as primeiras: e subi ao monte com as duas taboas na minha mão.
Kaya gumawa ako ng baul sa kahoy ng akasya, at umukit ako ng dalawang tipak na bato katulad ng nauna, at umakyat ako sa bundok, dala ang dalawang tipak na bato sa aking kamay.
4 Então escreveu nas taboas, conforme á primeira escriptura, os dez mandamentos, que o Senhor vos fallara no dia da congregação, no monte, do meio do fogo: e o Senhor m'as deu a mim
Isinulat niya sa mga tipak na bato, tulad sa unang nakasulat, ang Sampung Utos na sinabi ni Yahweh sa iyo sa bundok mula sa gitna ng apoy sa araw ng pagpupulong; pagkatapos ibinigay sila ni Yahweh sa akin.
5 E virei-me, e desci do monte, e puz as taboas na arca que fizera: e ali estão, como o Senhor me ordenou.
Bumalik ako at bumaba mula sa bundok, at inilagay ang mga tipak na bato sa baul na ginawa ko; naroon sila, gaya ng inutos ni Yahweh sa akin.”
6 E partiram os filhos de Israel de Beeroth-Bene-jaakan a Mosera: ali falleceu Aarão, e ali foi sepultado, e Eleazar, seu filho, administrou o sacerdocio em seu logar.
(Naglakbay ang mga tao sa Israel mula Beerot Bene Jaakan patungong Mosera. Doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing; si Eleazar na kaniyang anak na lalaki, ay naglingkod sa tanggapan ng pari kapalit niya.
7 D'ali partiram a Gudgod, e de Gudgod a Jotbath, terra de ribeiros de aguas.
Mula doon naglakbay sila patungong Gudgoda, at mula Gudgoda patungong Jotbata, isang lupain ng mga batis ng tubig.
8 No mesmo tempo o Senhor separou a tribu de Levi, para levar a arca do concerto do Senhor, para estar diante do Senhor, para o servir, e para abençoar em seu nome até ao dia de hoje.
Nang panahong iyon pinili ni Yahweh ang lipi ni Levi para dalhin ang kasunduan ni Yahweh, para tumayo sa harapan ni Yahweh para maglingkod sa kaniya, at pagpalain ang mga tao sa kaniyang pangalan, sa araw na iyon
9 Pelo que Levi com seus irmãos não tem parte na herança: o Senhor é a sua herança, como o Senhor teu Deus lhe tem dito
Kaya walang bahagi si Levi ni pamanang lupain kasama ang kaniyang mga kapatid na lalaki; si Yahweh ang kaniyang pamana, gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh na inyong Diyos.)
10 E eu estive no monte, como nos dias primeiros, quarenta dias e quarenta noites: e o Senhor me ouviu ainda por esta vez: não quiz o Senhor destruir-te.
Nanatili ako sa bundok gaya ng unang pagkakataon, apatnapung araw at apatnapung gabi. Nakinig si Yahweh sa akin sa panahon ding iyon; hindi ninais ni Yahweh na wasakin kayo.
11 Porém o Senhor me disse: Levanta-te, põe-te a caminho diante do povo, para que entrem, e possuam a terra que jurei a seus paes dar-lhes.
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Bumangon ka, mauna kang umalis sa mga tao para pangunahan sila sa kanilang paglalakbay; papasok sila at angkinin ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila.'
12 Agora, pois, ó Israel, que é o que o Senhor teu Deus pede de ti, senão que temas o Senhor teu Deus, que andes em todos os seus caminhos, e o ames, e sirvas ao Senhor teu Deus com todo o teu coração e com toda a tua alma
Ngayon, Israel, ano ang kailangan ni Yahweh na inyong Diyos, maliban sa matakot kay Yahweh na inyong Diyos, para lumakad sa lahat ng kaniyang kaparaanan, para ibigin siya, at para sambahin si Yahweh na inyong Diyos ng buong puso at buong kaluluwa,
13 Para guardar os mandamentos do Senhor, e os seus estatutos, que hoje te ordeno, para o teu bem?
para sundin ang mga utos ni Yahweh, at ang kaniyang mga batas, na inuutos ko sa inyo ngayon para sa inyong kabutihan?
14 Eis que os céus e os céus dos céus são do Senhor teu Deus, a terra e tudo o que n'ella ha.
Tingnan ninyo, pag-aari ni Yahweh na inyong Diyos ang langit ng kalangitan, ang sanlibutan, kasama ang lahat na nasa kanila.
15 Tão sómente o Senhor tomou prazer em teus paes para os amar: e a vós, semente d'elles, escolheu depois d'elles, de todos os povos, como n'este dia se vê
Si Yahweh lamang ang nasiyahan sa inyong mga ama para ibigin sila, at pinili niya kayo, na kanilang mga kaapu-apuhan, na kasunod nila, kaysas sa sa ibang mga tao, gaya ng ginagawa niya ngayon.
16 Circumcidae pois o prepucio do vosso coração, e não mais endureçaes a vossa cerviz.
Kaya nga tuliin ang masamang balat ng inyong puso at huwag maging suwail.
17 Pois o Senhor vosso Deus é o Deus dos deuses, e o Senhor dos senhores, o Deus grande, poderoso e terrivel, que não faz accepção de pessoas, nem acceita recompensas:
Dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon, ang dakilang Diyos, ang tanging makapangyarihan at ang tanging kinatatakutan, na siyang walang itinatanging sinuman at hindi tumatanggap ng mga suhol.
18 Que faz justiça ao orphão e á viuva, e ama o estrangeiro, dando-lhe pão e vestido.
Nagpapatupad siya ng katarungan para sa ulila at balo, at ipinapakita niya ang pagmamahal para sa mga dayuhan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkain at kasuotan.
19 Pelo que amareis o estrangeiro, pois fostes estrangeiros na terra do Egypto.
Kaya mahalin ang dayuhan; dahil naging dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto.
20 Ao Senhor teu Deus temerás, a elle servirás, e a elle te chegarás, e pelo seu nome jurarás.
Katatakutan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; siya ang inyong sasambahin. Kailangan ninyong kumapit sa kaniya, at mangangako kayo sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
21 Elle é o teu louvor e o teu Deus, que te fez estas grandes e terriveis coisas que os teus olhos teem visto.
Siya ang inyong papuri, at siya ay inyong Diyos, na siyang gumawa para sa inyo ng makapangyarihan at nakakatakot na mga bagay na ito, na nakita ng inyong mga mata.
22 Com setenta almas teus paes desceram ao Egypto; e agora o Senhor teu Deus te poz como as estrellas dos céus em multidão.
Bumaba ang inyong mga ama sa Ehipto bilang pitumpung tao; ngayon ginawa kayo ni Yahweh na inyong Diyos na kasindami ng mga bituin sa kalangitan.

< Deuteronômio 10 >