< 2 Crônicas 30 >

1 Depois d'isto Ezequias enviou por todo o Israel e Judah, e escreveu tambem cartas a Ephraim e a Manasseh que viessem á casa do Senhor a Jerusalem, para celebrarem a paschoa ao Senhor Deus de Israel.
Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng liham sa Efraim at Manases, na kinakailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
2 Porque o rei tivera conselho com os seus maioraes, e com toda a congregação em Jerusalem, para celebrarem a paschoa no segundo mez.
Sapagkat ang hari, ang kaniyang mga pinuno, at ang lahat ng kapulungan sa Jerusalem ay nagsanggunian, at napagpasiyahang ipagdiwang ang Paskwa sa ikalawang buwan.
3 Porquanto no mesmo tempo não a poderam celebrar, porque se não tinham sanctificado bastantes sacerdotes, e o povo se não tinha ajuntado em Jerusalem.
Hindi nila ito maipagdiwang kaagad, sapagkat hindi sapat ang bilang ng mga paring nakapaglaan ng kanilang sarili para kay Yahweh, at hindi rin nagtipon-tipon ang mga tao sa Jerusalem.
4 E foi isto recto aos olhos do rei, e aos olhos de toda a congregação.
Ang planong ito ay tama sa paningin ng hari at ng buong kapulungan.
5 E ordenaram que se fizesse passar pregão por todo o Israel, desde Berseba até Dan, para que viessem a celebrar a paschoa ao Senhor, Deus de Israel, a Jerusalem; porque muitos a não tinham celebrado como estava escripto.
Kaya gumawa sila ng kautusan na kinakailangan ipahayag sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na kinakailangang pumunta ang mga tao sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sa katunayan, hindi nila ginanap ito sa napakaraming bilang na gaya ng iniutos sa kasulatan.
6 Foram pois os correios com as cartas, da mão do rei e dos seus principes, por todo o Israel e Judah, e segundo o mandado do rei, dizendo: Filhos d'Israel, convertei-vos ao Senhor, Deus d'Abrahão, d'Isaac e de Israel; para que elle se torne para aquelles de vós que escaparam, e ficaram da mão dos reis d'Assyria.
Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
7 E não sejaes como vossos paes e como vossos irmãos, que transgrediram contra o Senhor, Deus de seus paes, pelo que os deu em assolação como o vêdes.
Huwag kayong maging katulad ng inyong mga ninuno o kaya ng inyong mga kapatid, na nagkasala laban kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, kaya ibinigay niya sila sa pagkawasak, gaya ng inyong nakita.
8 Não endureçaes agora a vossa cerviz, como vossos paes; dae a mão ao Senhor, e vinde ao seu sanctuario que elle sanctificou para sempre, e servi ao Senhor vosso Deus, para que o ardor da sua ira se desvie de vós.
Ngayon huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad ng inyong mga ninuno; sa halip, ibigay ninyo ang inyong sarili kay Yahweh at pumunta kayo sa kaniyang banal na lugar, na kaniyang itinalaga kay Yahweh magpakailanpaman, at sambahin ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos, upang mawala ang kaniyang malaking galit sa inyo.
9 Porque, em vos convertendo ao Senhor, vossos irmãos e vossos filhos acharão misericordia perante os que os levaram captivos, e tornarão a esta terra; porque o Senhor vosso Deus é piedoso e misericordioso, e não desviará de vós o seu rosto, se vos converterdes a elle
Sapagkat kung muli kayong babalik kay Yahweh, makakatagpo ng kahabagan ang inyong mga kapatid at mga anak sa harapan ng mga bumihag sa kanila, at muli silang babalik sa lupaing ito. Sapagkat si Yahweh, ang inyong Diyos, ay mapagbiyaya at maawain, at hindi niya ibabaling ang kaniyang mukha palayo sa inyo, kung babalik kayo sa kaniya.
10 E os correios foram passando de cidade em cidade, pela terra d'Ephraim e Manasseh até Zebulon; porém riram-se e zombaram d'elles.
Kaya dumaan ang mga tagapagdala ng sulat sa bawat lungsod sa buong rehiyon ng Efraim at Manases, hanggang sa Zebulun; ngunit pinagtawanan at kinutya sila ng mga tao.
11 Todavia alguns d'Aser, e de Manasseh, e de Zebulon, se humilharam, e vieram a Jerusalem.
Gayunpaman, may mga kalalakihan sa Aser at Manases at Zebulun na nagpakumbaba, at pumunta sa Jerusalem.
12 E em Judah esteve a mão de Deus, dando-lhes um só coração, para fazerem o mandado do rei e dos principes, conforme á palavra do Senhor.
Nasa Juda rin naman ang kamay ng Diyos, upang bigyan sila ng isang puso, upang sumunod sa utos ng hari at mga pinuno ayon sa salita ni Yahweh.
13 E ajuntou-se em Jerusalem muito povo, para celebrar a festa dos pães asmos, no segundo mez; uma mui grande congregação.
Maraming tao, isang napakalaking kapulungan, ang nagsamasama sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa ikalawang buwan.
14 E levantaram-se, e tiraram os altares que havia em Jerusalem: tambem tiraram todos os vasos de incenso, e os lançaram no ribeiro de Cedron.
Tumindig sila at inalis ang mga altar na nasa Jerualem at ang lahat ng mga altar ng insenso; at itinapon ang mga iyon sa batis ng Kidron.
15 Então sacrificaram a paschoa no dia decimo quarto do segundo mez; e os sacerdotes e levitas se envergonharam e se sanctificaram e trouxeram holocaustos á casa do Senhor.
At sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa. Nahiya ang mga pari at mga Levita, at inihandog nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at nagdala sila ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh.
16 E pozeram-se no seu posto, segundo o seu costume, conforme a lei de Moysés o homem de Deus: e os sacerdotes espargiam o sangue, tomando-o da mão dos levitas.
Tumayo sila sa kanilang lugar ayon sa kanilang pangkat, sinusunod ang utos na nasa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari ang dugo na tinanggap nila mula sa mga kamay ng mga Levita.
17 Porque havia muitos na congregação que se não tinham sanctificado; pelo que os levitas tinham cargo de matarem os cordeiros da paschoa por todo aquelle que não estava limpo, para o sanctificarem ao Senhor.
Dahil marami ang naroroon sa kapulungan na hindi itinalaga ang kanilang mga sarili kay Yahweh, kaya ang mga Levita ang namahala sa pagkakatay ng korderong pampaskwa para sa lahat ng hindi nakapaglinis upang ilaan ang kordero kay Yahweh.
18 Porque uma multidão do povo, muitos d'Ephraim e Manasseh, Issacar e Zebulon, se não tinham purificado, e comtudo comeram a paschoa, não como está escripto; porém Ezequias orou por elles, dizendo: O Senhor, que é bom, faça reconciliação com aquelle
Sapagkat marami sa mga tao, ang karamihan sa kanila ay mula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun, ang hindi nakapaglinis ng kanilang sarili, gayon pa man kumain sila ng pagkaing pampaskwa, labag sa nakasulat na tagubilin. Ipinanalangin sila ni Ezequias, na nagsasabing, “Patawarin nawa ng mabuting Yahweh ang bawa't isa
19 Que tem preparado o seu coração para buscar ao Senhor, Deus, o Deus de seus paes, ainda que não esteja purificado segundo a purificação do sanctuario.
na nagtakda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, na si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit na hindi siya malinis ayon sa pamantayan ng paglilinis ng banal na lugar.”
20 E ouviu o Senhor a Ezequias, e sarou o povo.
Kaya pinakinggan ni Yahweh si Ezequias at pinagaling niya ang mga tao.
21 E os filhos de Israel, que se acharam em Jerusalem, celebraram a festa dos pães asmos sete dias com grande alegria: e os levitas e os sacerdotes louvaram ao Senhor de dia em dia com instrumentos fortemente retinintes ao Senhor.
Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon sa Jerusalem ang pista ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw na may labis na kagalakan. Araw-araw nagpuri ang mga Levita at mga pari kay Yahweh, kumakanta kay Yahweh na may mga instrumentong may malakas na tunog.
22 E Ezequias fallou benignamente a todos os levitas, que tinham entendimento no bom conhecimento do Senhor: e comeram as offertas da solemnidade por sete dias, offerecendo offertas pacificas, e louvando ao Senhor, Deus de seus paes.
Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
23 E, tendo toda a congregação conselho para celebrarem outros sete dias, celebraram ainda sete dias com alegria.
Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
24 Porque Ezequias, rei de Judah, apresentou á congregação mil novilhos e sete mil ovelhas; e os principes apresentaram á congregação mil novilhos e dez mil ovelhas: e os sacerdotes se sanctificaram em grande numero.
Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh.
25 E alegraram-se, toda a congregação de Judah, e os sacerdotes, e os levitas, toda a congregação de todos os que vieram de Israel; como tambem os estrangeiros que vieram da terra de Israel e os que habitavam em Judah.
Nagalak ang buong kapulungan ng Juda, kasama ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng mga taong dumating mula sa Israel, pati na rin ang mga dayuhan na mula sa lupain ng Israel at ang mga naninirahan sa Juda.
26 E houve grande alegria em Jerusalem; porque desde os dias de Salomão, filho de David, rei de Israel, tal não houve em Jerusalem.
Kaya may labis na kagalakan sa Jerusalem, sapagkat simula sa panahon ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, ay wala pang nangyaring katulad nito sa Jerusalem.
27 Então os sacerdotes, os levitas, se levantaram e abençoaram o povo; e a sua voz foi ouvida: porque a sua oração chegou até á sua sancta habitação, aos céus.
Pagkatapos, tumayo ang mga pari at mga Levita at pinagpala ang mga tao. Narinig ang kanilang tinig at umabot ang kanilang dalangin sa kalangitan, ang banal na lugar kung saan naninirahan ang Diyos.

< 2 Crônicas 30 >