< 1 Reis 2 >

1 E approximaram-se os dias da morte de David: e deu elle ordem a Salomão, seu filho, dizendo:
Sa pagdating ng araw ng malapit nang mamatay si David, inutusan niya si Solomon na kaniyang anak, sinabi niya,
2 Eu vou pelo caminho de toda a terra: esforça-te pois e sê homem.
“Papunta na ako sa lupa. Kaya maging malakas ka at ipakita mong lalaki ka.
3 E guarda a observancia do Senhor teu Deus, para andares nos seus caminhos, e para guardares os seus estatutos, e os seus mandamentos, e os seus juizos, e os seus testemunhos, como está escripto na lei de Moysés: para que prosperes em tudo quanto fizeres, e para onde quer que te voltares.
Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta,
4 Para que o Senhor confirme a palavra, que fallou de mim, dizendo: Se teus filhos guardarem o seu caminho, para andarem perante a minha face fielmente, com todo o seu coração e com toda a sua alma, nunca, disse, te faltará successor ao throno de Israel.
upang tuparin ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya tungkol sa akin, na sinasabi niyang, 'Kung maingat na binabantayan ng mga anak mong lalaki ang kanilang pag-uugali, na lalakad nang matapat sa harapan ko nang kanilang buong puso at kaluluwa, hindi titigil kailanman na magkaroon ka ng isang lalaki sa trono ng Israel.'
5 E tambem tu sabes o que me fez Joab, filho de Zeruia, e o que fez aos dois chefes do exercito de Israel, a Abner, filho de Ner, e a Amasa, filho de Jether, os quaes matou, e em paz derramou o sangue de guerra, e poz o sangue de guerra no seu cinto que tinha nos lombos, e nos seus sapatos que trazia nos pés.
Alam mo rin kung ano ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruias, at kung ano ang ginawa niya sa dalawang kumander ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jeter, na pinatay niya. Pinadanak niya ang dugo ng digmaan sa panahon ng kapayapaan at inilagay ang dugo ng digmaan sa sinturon sa palibot ng kaniyang baywang at sa mga sapatos niya sa kaniyang mga paa.
6 Faze pois segundo a tua sabedoria, e não permittas que suas cãs desçam á sepultura em paz (Sheol h7585)
Pakitunguhan mo si Joab gamit ang karunungan na natutunan mo, pero huwag mong hayaang ang kaniyang kulay abong ulo ay mapunta sa libingan nang may kapayapaan. (Sheol h7585)
7 Porém com os filhos de Barzillai, o gileadita, usarás de beneficencia, e estarão entre os que comem á tua mesa, porque assim se chegaram elles a mim, quando eu fugia por causa de teu irmão Absalão.
Subalit, magpakita ka ng kabaitan sa mga anak na lalaki ni Barsilai na taga-Galaad, at hayaan mo silang makasama sa mga kumakain sa iyong mesa, dahil pumunta sila sa akin noong tumakas ako sa kapatid mong si Absalom.
8 E eis que tambem comtigo está Simei, filho de Gera, filho de Benjamin, de Bahurim, que me maldisse com maldição atroz, no dia em que ia a Mahanaim; porém elle saiu a encontrar-se comigo junto ao Jordão, e eu pelo Senhor lhe jurei, dizendo que o não mataria á espada
Tingnan mo, kasama mo si Semei na anak ni Gera, ang Benjaminita ng Bahurim, na sinumpa ako ng isang napakasamang sumpa noong araw na pumunta ako sa Mahanaim. Bumaba si Semei para salubungin ako sa Jordan, at sumumpa ako sa kaniya kay Yahweh, sinasabi ko, 'Hindi kita papatayin gamit ang espada.'
9 Mas agora o não tenhas por inculpavel, pois és homem sabio, e bem saberás o que lhe has de fazer para que faças com que as suas cãs desçam á sepultura com sangue (Sheol h7585)
Kaya ngayon, huwag mo siyang hayaang makawala mula sa kaparusahan. Isa kang matalinong tao, at malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Dadalhin mo ang kaniyang kulay abong ulo sa libingan nang may dugo.” (Sheol h7585)
10 E David dormiu com seus paes, e foi sepultado na cidade de David.
Pagkatapos, nahimlay na si David kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing sa lungsod ni David.
11 E foram os dias que David reinou sobre Israel quarenta annos: sete annos reinou em Hebron, e em Jerusalem reinou trinta e tres annos.
Ang mga araw na naghari si David sa Israel ay apatnapung taon. Naghari siya sa Hebron ng pitong taon at sa Jerusalem ng tatlumpu't tatlong taon.
12 E Salomão se assentou no throno de David, seu pae, e o seu reino se fortificou sobremaneira.
Pagkatapos naupo si Solomon sa trono ng kaniyang ama na si David, at ang kaniyang pamumuno ay naging matatag.
13 Então veiu Adonias, filho de Haggith, a Bath-seba, mãe de Salomão; e disse ella: De paz é a tua vinda? E elle disse: É de paz.
Pagkatapos, pumunta si Adonias na anak ni Haguit kay Batsheba na ina ni Solomon. Sinabi niya, “Pumunta ka ba dito nang may kapayapaan?” Sinagot niya, “Mapayapa.”
14 Então disse elle: Uma palavra tenho que dizer-te. E ella disse: Falla.
Pagkatapos ay sinabi niya, “Mayroon akong nais sabihin sa iyo.” Kaya sumagot siya, “Magsalita ka.”
15 Disse pois elle: Bem sabes que o reino era meu, e todo o Israel tinha posto a vista em mim para que eu viesse a reinar, ainda que o reino se transferiu e veiu a ser de meu irmão, porque foi feito seu pelo Senhor.
Sinabi ni Adonias, “Alam mo na ang kaharian ay sa akin, at inasahan akong maging hari ng buong Israel. Gayunpaman, bumaliktad ang naganap sa kaharian at napunta sa aking kapatid, dahil ito ay sa kaniya mula kay Yahweh.
16 Assim que agora uma só petição te faço; não m'a rejeites. E ella lhe disse: Falla.
Ngayon mayroon akong isang kahilingan sa iyo. Huwag mo akong tanggihan.” Sinabi sa kaniya ni Batsheba, “Magsalita ka.”
17 E elle disse: Peço-te que falles ao rei Salomão (porque elle t'o não rejeitará) que me dê por mulher a Abisag, a sunamita.
Sinabi niya, “Pakiusap, kausapin mo si Solomon na hari, dahil hindi ka niya tatanggihan, para ibigay niya sa akin si Abisag na taga-Sunem bilang aking asawa.”
18 E disse Bath-seba: Bem, eu fallarei por ti ao rei.
Sinabi ni Batsheba, “Kung ganoon, kakausapin ko ang hari.”
19 Assim veiu Bath-seba ao rei Salomão, a fallar-lhe por Adonias: e o rei se levantou a encontrar-se com ella, e se inclinou diante d'ella; então se assentou no seu throno, e fez pôr uma cadeira para a mãe do rei, e ella se assentou á sua mão direita.
Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon para kausapin siya para kay Adonias. Tumayo ang hari para salubungin siya at yumuko siya sa kaniya. Pagkatapos ay naupo siya sa kaniyang trono at nagpakuha ng trono para sa ina ng hari. Naupo siya sa bandang kanang kamay niya.
20 Então disse ella: Só uma pequena petição te faço; não m'a rejeites. E o rei lhe disse: Pede, minha mãe, porque te não farei virar o rosto
Pagkatapos, sinabi niya, “Gusto kong humiling ng isang maliit na kahilingan sa iyo; huwag mo akong tanggihan.” Sinagot siya ng hari, “Humiling ka, aking ina, dahil hindi kita tatanggihan.”
21 E ella disse: Dê-se Abisag, a sunamita, a Adonias, teu irmão, por mulher.
Sinabi niya, “Ibigay mo si Abisag na taga-Sunem kay Adonias na iyong kapatid bilang kaniyang asawa.”
22 Então respondeu o rei Salomão, e disse a sua mãe: E porque pedes a Abisag, a sunamita, para Adonias? pede tambem para elle o reino (porque é meu irmão maior), para elle, digo, e tambem para Abiathar, sacerdote, e para Joab, filho de Zeruia.
Sumagot si Haring Solomon at sinabi sa kaniyang ina, “Bakit mo hinihingi si Abisag na taga-Sunem para kay Adonias? Bakit hindi mo rin hingin ang kaharian para sa kaniya, dahil siya ang aking nakatatandang kapatid—para sa kaniya, para kay Abiatar na pari, at para kay Joab na anak ni Zeruias?”
23 E jurou o rei Salomão pelo Senhor, dizendo: Assim Deus me faça, e outro tanto, se não fallou Adonias esta palavra contra a sua vida.
Pagkatapos ay sumumpa si Haring Solomon kay Yahweh, sinasabi niya, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at mas higit pa, kung hindi ito sinabi ni Adonias laban sa kaniyang sariling buhay.
24 Agora, pois, vive o Senhor, que me confirmou, e me fez assentar no throno de David, meu pae, e que me tem feito casa, como tinha dito, que hoje morrerá Adonias.
Kaya ngayon sa kay Yahweh na buhay, na nagtatag at naglagay sa akin sa trono ni David na aking ama, at ang gumawa ng sambahayan sa akin tulad ng ipinangako niya, tiyak na papatayin si Adonias ngayon.”
25 E enviou o rei Salomão pela mão de Benaia, filho de Joiada, o qual deu sobre elle, e morreu.
Kaya pinadala ni Haring Solomon si Benaias na anak ni Joiada at nahanap ni Benaias si Adonias at pinatay siya.
26 E a Abiathar, o sacerdote, disse o rei; Para Anathoth vae, para os teus campos, porque és homem digno de morte: porém hoje te não matarei, porquanto levaste a arca do Senhor Deus diante de David, meu pae, e porquanto foste afflicto em tudo quanto meu pae foi afflicto.
At kay Abiatar na pari, sinabi ng hari, “Pumunta ka sa Anatot, sa sarili mong bukirin. Dapat kang patayin, pero hindi kita papatayin sa oras na ito, dahil binuhat mo ang kaban ng tipan ng Panginoong si Yahweh sa harap ni David na aking ama at kasama kang naghirap sa bawat paghihirap ng aking ama.”
27 Lançou pois Salomão fóra a Abiathar, para que não fosse sacerdote do Senhor, para cumprir a palavra do Senhor, que tinha dito sobre a casa d'Eli em Silo.
Kaya inalis ni Solomon si Abiatar mula sa pagiging pari ni Yahweh, para matupad niya ang salita ni Yahweh, na sinabi niya tungkol sa sambahayan ni Eli sa Silo.
28 E veiu a fama até Joab (porque Joab se tinha desviado seguindo a Adonias, ainda que se não tinha desviado seguindo a Absalão), e Joab fugiu para o tabernaculo do Senhor, e pegou dos cornos do altar.
Dumating ang balita kay Joab, dahil sinuportahan ni Joab si Adonias, pero hindi niya sinuportahan si Absalom. Kaya pumunta si Joab sa tolda ni Yahweh at kinuha ang mga sungay sa altar.
29 E disseram ao rei Salomão que Joab tinha fugido para o tabernaculo do Senhor; e eis que está junto ao altar: então enviou Salomão Benaia, filho de Joiada, dizendo: Vae, dá sobre elle
Sinabi kay Haring Solomon na si Joab ay tumakas papunta sa tolda ni Yahweh at ngayo'y nasa tabi ng altar. Kaya sinugo ni Solomon si Benaias na anak ni Joiada, sinasabi niya, “Humayo ka, patayin mo siya.”
30 E veiu Benaia ao tabernaculo do Senhor, e lhe disse: Assim diz o rei: Sae d'ahi. E disse elle: Não, porém aqui morrerei. E Benaia tornou com a resposta ao rei, dizendo: Assim fallou Joab, e assim me respondeu.
Kaya pumunta si Benaias sa tolda ni Yahweh at sinabi sa kaniya, “Ang sabi ng hari, 'Lumabas ka.'” Sumagot si Joab, “Hindi, mamamatay ako dito.” Kaya bumalik si Benaias sa hari, sinasabi niya, “Sinabi ni Joab na gusto niyang mamatay sa altar.”
31 E disse-lhe o rei: Faze como elle disse, e dá sobre elle, e sepulta-o, para que tires de mim e da casa de meu pae o sangue que Joab sem causa derramou.
Sinabi sa kaniya ng hari, “Gawin mo kung ano ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing, para maalis mo mula sa akin at sa sambahayan ng aking ama ang dugo na pinadanak ni Joab nang walang dahilan.
32 Assim o Senhor fará recair o sangue d'elle sobre a sua cabeça, porque deu sobre dois homens mais justos e melhores do que elle, e os matou á espada, sem que meu pae David o soubesse, a saber: a Abner, filho de Ner, chefe do exercito de Israel, e a Amasa, filho de Jether, chefe do exercito de Judah.
Nawa'y ibalik ni Yahweh ang dugo sa kaniyang sarili, dahil nilusob niya ang dalawang lalaking mas matuwid at mas mabuti kaysa sa kaniya at pinatay sila gamit ang espada, sila Abner na anak ni Ner, ang kapitan ng hukbo ng Israel, at Amasa na anak ni Jeter, ang kapitan ng hukbo ng Juda, nang hindi nalalaman ng aking amang si David.
33 Assim recairá o sangue d'estes sobre a cabeça de Joab e sobre a cabeça da sua semente para sempre; mas a David, e á sua semente, e á sua casa, e ao seu throno, dará o Senhor paz para todo o sempre.
Kaya nawa ang dugo nila ay bumalik sa ulo ni Joab at sa ulo ng kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Pero kay David at sa kaniyang mga kaapu-apuhan, at kaniyang sambahayan, at sa kaniyang trono, nawa'y magkaroon ng kapayapaan mula kay Yahweh magpakailanman.”
34 E subiu Benaia, filho de Joiada, e deu sobre elle, e o matou: e foi sepultado em sua casa, no deserto.
Pagkatapos, umalis si Benaias na anak ni Joiada at sinalakay si Joab at pinatay siya. Inilibing siya sa kaniyang sariling bahay sa ilang.
35 E o rei poz a Benaia, filho de Joiada, em seu logar sobre o exercito, e a Zadok, o sacerdote, poz o rei em logar d'Abiathar.
Nilagay ng hari si Benaias na anak ni Joiada sa hukbo kapalit niya, at nilagay niya si Sadoc na pari kapalit ni Abiatar.
36 Depois enviou o rei, e chamou a Simei, e disse-lhe: Edifica-te uma casa em Jerusalem, e habita ahi, e d'ahi não saias, nem para uma nem para outra parte.
Pagkatapos ay pinadala at pinatawag niya si Semei, at sinabi sa kaniya, “Magtayo ka ng bahay sa Jerusalem at manirahan doon, at huwag kang lalabas mula doon papunta kahit saang lugar.
37 Porque ha de ser que no dia em que saires e passares o ribeiro de Cedron, saibas de certo que certamente morrerás: o teu sangue será sobre a tua cabeça.
Dahil sa araw na umalis ka, at dumaan sa Lambak ng Kidron, dapat mong malaman na tiyak kang mamamatay. Ang dugo ay mapupunta sa iyong sarili.”
38 E Simei disse ao rei: Boa é essa palavra; como tem dito o rei meu senhor, assim fará o teu servo. E Simei habitou em Jerusalem muitos dias.
Kaya sinabi ni Semei sa hari, “Ang sinasabi mo ay mabuti. Tulad ng sinabi ng aking panginoon na hari, gagawin ng iyong lingkod.” Kaya nanirahan si Semei sa Jerusalem nang maraming araw.
39 Succedeu porém que, ao cabo de tres annos, dois servos de Simei fugiram para Achis, filho de Maaca, rei de Gath: e deram parte a Simei, dizendo: Eis que teus servos estão em Gath.
Pero sa pagtatapos ng tatlong taon, dalawa sa mga lingkod ni Semei ay tumakas papunta kay Achish na anak ni Maaca na hari ng Gat. Kaya sinabi nila kay Semei, “Tingnan mo, ang mga lingkod mo ay nasa Gat.”
40 Então Simei se levantou, e albardou o seu jumento, e foi a Gath, para Achis, a buscar a seus servos: assim foi Simei, e trouxe os seus servos de Gath.
At tumayo si Semei, inihanda niya ang kaniyang asno, at pumunta kay Achish sa Gat para hanapin ang kaniyang mga lingkod. Umalis siya at kinuha ang kaniyang mga lingkod mula sa Gat.
41 E disseram a Salomão como Simei de Jerusalem fôra a Gath, e tinha já voltado.
Nang sinabihan si Solomon na umalis si Semei mula sa Jerusalem papuntang Gat at bumalik,
42 Então enviou o rei, e chamou a Simei, e disse-lhe: Não te conjurei eu pelo Senhor, e protestei contra ti, dizendo: No dia em que saires para uma ou outra parte, sabe de certo que certamente morrerás? E tu me disseste: Boa é essa palavra que ouvi.
nagsugo ang hari at pinatawag si Semei at sinabi sa kaniyang, “Hindi ba kita pinanumpa kay Yahweh, at nagpatotoo sa iyo, sinasabi ko, 'Dapat mong malaman na sa araw na aalis ka at pupunta sa ibang lugar, tiyak na mamamatay ka?' Pagkatapos ay sinabi mo sa akin, 'Ang sinabi mo ay mabuti.'
43 Porque pois não guardaste o juramento do Senhor, nem o mandado que te mandei?
Kaya bakit hindi mo iningatan ang iyong panunumpa kay Yahweh, at ang utos na binigay ko sa iyo?”
44 Disse mais o rei a Simei: Bem sabes tu toda a maldade que o teu coração reconhece, que fizeste a David, meu pae; pelo que o Senhor fez recair a tua maldade sobre a tua cabeça.
Sinabi rin ng hari kay Semei, “Alam mo sa iyong puso ang lahat ng kasamaan na ginawa mo sa aking ama na si David. Kaya ibabalik ni Yahweh ang kasamaan mo sa iyong sarili.
45 Mas o rei Salomão será abençoado, e o throno de David será confirmado perante o Senhor para sempre.
Pero pagpapalain si Haring Solomon, at matatatag ang trono ni David sa harap ni Yahweh magpakailanman.”
46 E o rei mandou a Benaia, filho de Joiada, o qual saiu, e deu sobre elle, e morreu: assim foi confirmado o reino na mão de Salomão.
Kaya inutusan ng hari si Benaias na anak ni Joiada na umalis at patayin si Semei. Kaya ang pamumuno ay matibay na naitatag sa kamay ni Solomon.

< 1 Reis 2 >