< Izajasza 40 >

1 Pocieszajcie, pocieszajcie mój lud, mówi wasz Bóg.
“Aliwin, aliwin mo ang aking bayan,” sabi ng inyong Diyos.
2 Przemawiajcie do serca Jerozolimy, wołajcie do niej, że dopełnił się jej postanowiony czas, że została przebaczona jej nieprawość, bo otrzymała z ręki PANA w dwójnasób za wszystkie swoje grzechy.
“Kausapin mo nang may pagmamahal ang Jerusalem; at ihayag sa kaniya na ang kaniyang pakikipagdigmaan ay tapos na, pinatawad na ang kaniyang mabigat na pagkakasala, na doble ang kaniyang natanggap na mula sa kamay ni Yahweh dahil sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.”
3 Głos wołającego na pustyni: Przygotujcie drogę PANA, prostujcie na pustyni ścieżkę naszego Boga.
May isang tinig na sumisigaw, “ihanda ang daan ni Yahweh sa ilang; sa Araba, lumikha ng tuwid na daanan para sa ating Diyos.”
4 Każda dolina niech będzie podniesiona, a każda góra i każdy pagórek – obniżone. To, co krzywe, niech się wyprostuje, a wyboiste miejsca niech będą równiną.
Ang bawat lambak ay itataas, at bawat bundok at burol ay papatagin; at ang baku-bakong lupa ay gagawing patag, at papantayin ang mabatong mga lugar;
5 Wtedy objawi się chwała PANA i ujrzy to razem wszelkie ciało. Tak bowiem mówiły usta PANA.
at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay maihahayag, at magkakasama itong makikita ng lahat; dahil ang bibig ni Yahweh ang nagsabi nito.
6 Głos przemówił: Wołaj. I zapytano: Co mam wołać? Wszelkie ciało jest trawą, a cały jego wdzięk jak kwiat polny.
Sinabi ng tinig, “umiyak”. Sumagot ang isa “Ano ang dapat kong iiyak?” “Ang lahat ng laman ay damo, at lahat ng kanilang katapatan sa tipan ay tulad ng bulaklak sa bukid.
7 Trawa usycha, kwiat więdnie, gdy wiatr PANA powieje na nie. Zaprawdę ludzie są trawą.
Ang damo ay natutuyot at ang bulaklak ay nalalanta kapag ang hininga ni Yahweh ay umihip dito; totoo ang sangkatauhan ay damo.
8 Trawa usycha, kwiat więdnie, ale słowo naszego Boga trwa na wieki.
Ang damo ay natutuyot, ang bulaklak ay nalalanta, ngunit ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”
9 Wstąp na wysoką górę, Syjonie, który opowiadasz dobre wieści. Podnieś mocno swój głos, Jerozolimo, która opowiadasz dobre wieści; podnieś [go], nie bój się, powiedz miastom Judy: Oto wasz Bóg.
Umakyat ka sa mataas na bundok Sion, tagapagdala ng mabuting balita; buong lakas mong itaas ang iyong tinig, ipahayag mo sa Jerusalem ang mga mabuting balita. Sumigaw ka nang malakas; huwag kang matakot. Sasabihin mo sa mga lungsod ng Juda, “Narito ang inyong Diyos!”
10 Oto Pan BÓG przyjdzie z mocą, jego ramię będzie panować. Oto jego zapłata z nim, a jego dzieło przed nim.
Masdan niyo, ang Panginoon na si Yahweh ay dumadating bilang matagumpay na mandirigma, at ang kaniyang malakas na bisig ang namumuno para sa kaniya. Tingnan mo, ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya, at ang kaniyang gantimpala ay nauuna sa kaniya.
11 Jak pasterz będzie pasł swoją trzodę, swoim ramieniem zgromadzi baranki, na swoim łonie będzie je nosił, a ciężarne poprowadzi ostrożnie.
Papakainin niya ang kaniyang kawan tulad ng isang pastol, titipunin niya ang mga tupa sa kaniyang bisig, at dadalhin sila ng malapit sa kaniyang puso, at dahan-dahang pangungunahan ang mga babaing tupa na inaalagaan ang kanilang anak.
12 Kto zmierzył wody swoją garścią, a niebiosa piędzią wymierzył? Kto miarą odmierzył proch ziemi? Kto zważył góry na wadze, a pagórki na szalach?
Sino ang sumukat ng katubigan sa guwang ng kaniyang palad, sinukat ang lapad ng himpapawid, hinawakan ng alikabok ng mundo sa isang sisidlan, timbangin ang mga kabundukan o ang mga burol sa timbangan?
13 Kto kierował Duchem PANA, a kto był jego doradcą, aby go pouczać?
Sino ang nakakaunawa ng isipan ni Yahweh, o nagturo sa kaniya bilang kaniyang tagapayo?
14 Kogo się radził, aby nabyć rozumu? Kto pouczył go o ścieżkach sądu? Kto nauczył go wiedzy i wskazał mu drogę roztropności?
Mula kanino siya kailanman nakatanggap ng tagubilin? Sino ang nagturo sa kaniya ng tamang paraan para gawin ang mga bagay, at nagturo sa kaniya ng kaalaman, o nagpakita sa kaniya ng daan sa kaunawaan?
15 Oto narody są jak kropla w wiadrze, znaczą tyle, co pyłek na wadze. Oto porywa wyspy jak bardzo małą rzecz.
Masdan, ang mga bansa ay tulad ng isang patak sa isang sisidlan, at itinuturing na tulad ng alikabok sa timbangan; tingnan, kaniyang tinimbang ang maliliit na mga isla na gaya ng isang puwing
16 I Libanu nie wystarczy na ogień ani jego zwierzyny nie wystarczy na całopalenie.
Ang Lebanon ay hindi sapat na panggatong, ni ang mga mababangis na hayop ay sapat para sa isang susunuging handog.
17 Wszystkie narody przed nim są niczym; uważa je za nicość i marność.
Ang lahat ng mga bansa ay hindi sapat sa harap niya; ito ay itinuturing niyang walang halaga.
18 Do kogo więc przyrównacie Boga? A jaką podobiznę z nim porównacie?
Kanino mo ihahambing ang Diyos? Sa anong diyus-diyusan mo siya itutulad?
19 Rzemieślnik odlewa posąg, a złotnik powleka go złotem i odlewa do niego srebrne łańcuszki.
Isang diyus-diyusan! Isang mahusay na manggagawa ay hinubog ito: ang panday-ginto ay pinapatungan ito ng ginto at dinikitan ito ng pilak na kuwintas.
20 Kogo z powodu ubóstwa nie stać na ofiarę, wybiera drzewo, które nie próchnieje; wyszukuje zdolnego rzemieślnika, aby przygotował rzeźbiony posąg, który się nie chwieje.
Sa paggawa ng alay ang isa ay mamimili ng kahoy na hindi mabubulok; siya ay naghahanap ng dalubhasang sanay sa paggawa ng diyus-diyusan na hindi babagsak.
21 Czy nie wiecie? Czy nie słyszeliście? Czy wam nie opowiadano od początku? Czy nie zrozumieliście [tego] od założenia fundamentów ziemi?
Hindi niyo ba nalaman? Hindi niyo ba narinig? Hindi ba nasabi sa inyo ito mula simula? Hindi niyo ba nauunawaan mula sa mga pundasyon ng mundo?
22 [To] ten, który zasiada nad okręgiem ziemi – jej mieszkańcy są jak szarańcza; ten, który rozpostarł niebiosa jak zasłonę i rozciągnął je jak namiot mieszkalny;
Siya ang nakaupo sa itaas ng kapatagan ng lupa; at ang mga naniniraha'y tulad ng tipaklong sa harap niya. Kaniyang nilatag ang kalangitan tulad ng isang kurtina at inuunat ito tulad ng isang tolda para matirhan.
23 Ten, który książąt obraca wniwecz, sędziów ziemi czyni nicością.
Binabawasan niya ang mga pinuno at ginagawang walang halaga ang mga pinuno sa mundo.
24 Nie będą wszczepieni ani posiani ani ich pień nie zakorzeni się w ziemi; powieje na nich, wnet usychają, a wicher unosi ich jak ściernisko.
Tingnan, sila ay bahagyang nakatanim; tingnan, sila ay bahagyang inani; tingnan, sila ay bahagyang nagkaugat sa mundo, bago niya sila hipan, at sila ay nalalanta, at ang hangin ay hihipan sila tulad ng dayami.
25 Do kogo więc mnie przyrównacie, abym był do niego podobny? – mówi Święty.
“Kung ganoon, kanino niyo ako ihahambing, sino ang katulad ko?” sinabi ng Banal.
26 Podnieście w górę swoje oczy i patrzcie: Kto stworzył te rzeczy? Ten, kto wyprowadza ich zastępy według liczby i to wszystko po imieniu nazywa, według ogromu jego siły i wielkiej potęgi, tak że ani jedna z nich nie zginie?
Tumingala ka sa himpapawid! Sino ang lumikha ng lahat ng mga bituin? Pinangungunahan niya ang kanilang mga pagkakaayos at tinatawag silang lahat sa pangalan. Sa kadakilaan ng kaniyang lakas at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan, walang isang mawawala.
27 Czemu więc mówisz, Jakubie, i twierdzisz, Izraelu: Zakryta jest moja droga przed PANEM, a moja sprawa nie dociera do mego Boga?
Bakit mo sinasabi, Jacob at pinapahayag, Israel, “ang aking paraan ay nakatago mula kay Yahweh, at ang aking Diyos ay hindi nababahala tungkol sa aking pagtatanggol?
28 Czy nie wiesz? Czy nie słyszałeś, że wieczny Bóg, PAN, Stwórca krańców ziemi, nie ustaje ani się nie męczy i że jego mądrość jest niezgłębiona?
Hindi mo ba alam? Hindi mo ba narinig? Ang walang hanggang Diyos, si Yahweh, ang Manlilikha ng mga dulo ng mundo, ay hindi napapagod o nanghihina; walang hangganan ang kaniyang kaunawaan.
29 On dodaje siły spracowanemu i przymnaża mocy temu, który nie ma żadnej siły.
Nagbibigay siya ng kalakasan sa mga pagod; sa mga mahihina nagbibigay siya ng bagong lakas.
30 Młodzież ustaje i mdleje, a młodzieńcy potykają się i padają;
Kahit ang mga kabataan ay napapagod at nanghihina, at ang kabataang lalaki ay nadadapa at nahuhulog:
31 Ale ci, którzy oczekują PANA, nabiorą nowych sił; wzbiją się na skrzydłach jak orły, będą biec, a się nie zmęczą, będą chodzić, a nie ustaną.
pero silang naghihintay kay Yahweh ay panunumbalikin ang kanilang kalakasan; pumailanglang sila ng may pakpak tulad ng mga agila; sila ay tatakbo at hindi manghihina; sila ay maglalakad at hindi mahihimatay.

< Izajasza 40 >