< Izajasza 3 >
1 Oto bowiem Pan, PAN zastępów, odbierze Jerozolimie i Judzie podporę i laskę, wszelką podporę w chlebie i wszelką podporę w wodzie.
Masdan ninyo, aalisin ng Panginoon, si Yahweh ng mga hukbo, ang mga tauhan at kawani ng Juda at Jerusalem; ang lahat ng pinagkukunan ng tinapay, at ang lahat ng pinagkukunan ng tubig;
2 Mocarza i męża walecznego, sędziego i proroka, mędrca i starca;
ang magiting, ang mandirigma, ang hukom, ang propeta, ang manghuhula, ang nakatatanda,
3 Dowódcę pięćdziesiątki i dostojnika, doradcę, wybitnego rzemieślnika i krasomówcę.
ang kapitan ng limampu, ang tinitingalang mamamayan, ang tagapayo, ang dalubhasang mang-uukit, ang mahusay na mambabarang.
4 Książętami ustanowię chłopców, dzieci będą panować nad nimi.
“Magtatalaga ako ng mga kabataan bilang pinuno nila, at ang mga nakababata ang mamamahala sa kanila.
5 Ludzie będą gnębić jeden drugiego, każdy swego bliźniego. Dziecko powstanie przeciwko starcowi, a podły przeciwko dostojnikowi.
Aapihin ang mga tao, bawat isa ng isa pa, at bawat isa ng kapwa nila; buong pagmamataas na tutuligsain ng bata ang nakatatanda, at hahamunin ng mga minamaliit ang mga kagalang-galang.
6 Gdy człowiek uchwyci się swego brata z domu swego ojca i [powie]: Masz ubranie, bądź naszym wodzem, niech te ruiny będą pod twoją ręką;
Kukunin maging ng isang lalaki ang kapatid niya mula sa bahay ng kaniyang ama at sasabihing, 'May balabal ka; pamunuan mo kami, at pangasiwaan mo ang kaguluhang ito.'
7 Ten przysięgnie w tym dniu, mówiąc: Nie będę opatrywał [tych ran]; w moim domu bowiem nie ma chleba ani ubrania; nie czyńcie mnie wodzem ludu.
Sa araw na iyon, sisigaw siya at sasabihing, 'Hindi ako magiging manggagamot; wala akong tinapay ni damit. Hindi mo ako maaaring gawing tagapamahala ng mga tao.”
8 Bo Jerozolima upada, a Juda się wali, gdyż ich język i czyny są przeciwko PANU, aby pobudzić do gniewu oczy jego majestatu.
Sapagkat wasak na ang Jerusalem, at bumagsak ang Juda, dahil ang mga sinasabi nila at ang mga ginagawa nila ay laban kay Yahweh, pagsuway sa marangal niyang kapangyarihan.
9 Wyraz ich twarzy świadczy przeciwko nim; jak Sodoma ogłaszają swój grzech, nie kryją [go]. Biada ich duszy! Gdyż sami na siebie sprowadzają zło.
Ang mga mukha nila ay tumetestigo laban sa kanila; at pinagsasasabi nila ang mga kasalanan nila gaya ng Sodom; hindi nila itinatago ito. Kaaawa-awa sila! Dahil nagdulot sila ng sakuna sa mga sarili nila.
10 Powiedzcie sprawiedliwemu, że będzie mu dobrze, bo będzie spożywać owoc swoich rąk.
Sabihin mo sa matuwid na magiging maayos ang lahat sa kaniya; dahil kakainin niya ang bunga ng mga gawain niya.
11 Biada niegodziwemu! Będzie mu źle, odpłacą [mu] bowiem według [czynów] jego rąk.
Kaawa-awa ang masasama! Mamalasin siya, dahil aanihin niya ang ginawa ng mga kamay niya.
12 Ciemięzcami mego ludu są dzieci i kobiety nim rządzą. O ludu mój! Twoi wodzowie cię zwodzą i niszczą drogę twoich ścieżek.
Bayan ko —mga bata ang nag-uusig, at ang mga babae ang namamahala sa kanila. Bayan ko, nililinlang kayo ng mga pinuno niyo at nililito ang direksyon ng inyong landas.
13 PAN powstał, aby się rozprawić, stoi, aby sądzić lud.
Tumatayo si Yahweh para humatol sa hukuman; tumatayo siya para hatulan ang kaniyang bayan.
14 PAN stawi na sąd starszych swego ludu i ich książąt: Wy spustoszyliście [moją] winnicę, w waszych domach znajduje się łup ubogich.
Ibababa ni Yahweh ang hatol sa mga nakatatanda at sa mga opisyales ng kaniyang bayan: “Kinain niyo ang ubasan; ang mga nakaw sa mahihirap ay nasa inyong mga bahay.
15 Po co miażdżycie mój lud i uciskacie oblicza ubogich? – mówi Pan BÓG zastępów.
Bakit niyo dinudurog ang mga tao at inginungudngod ang mukha ng mahihirap?” Ito ang pahayag ng Panginoon, si Yahweh ng mga hukbo.
16 PAN powiedział: Ponieważ wynoszą się córki Syjonu i chodzą z wyciągniętą szyją, uwodzą oczami, a chodząc, drepczą i pobrzękują swoimi nogami;
Sinasabi ni Yahweh na hambog ang mga anak ng babae ni Sion at lumalakad sila nang nakatingala, nang-aakit gamit ang mga mata nila, kunwari'y mahinhing naglalakad, at pinatutunog ang mga palawit sa mga paa nila.
17 Dlatego Pan ogoli wierzch głowy córek Syjonu i PAN obnaży ich nagość.
Kaya bibigyan ng Diyos ng galis ang mga anak na babae ni Sion, at kakalbuhin sila ni Yahweh.
18 W tym dniu Pan odejmie ozdobne brzękadła [od ich stóp], ich czepce i księżyce;
Sa araw na iyon, aalisin ng Panginoon ang magaganda nilang mga alahas sa paa, mga panali nila ng buhok, mga agimat,
19 Łańcuszki, bransolety i welony;
mga hikaw, mga pulseras at mga belo,
20 Czapeczki, ozdoby u nóg, opaski, naszyjniki i kolczyki;
mga panakip ng ulo, mga kadena sa paa, ang mga laso, at kahong-kahong pabango at mga pampaswerteng palamuti.
21 Pierścionki i wisiorki na czołach;
Aalisin niya ang mga singsing nila at mga alahas sa ilong;
22 Odświętne szaty, płaszcze, szale i torebki;
ang mga pangpistang balabal, ang mantel, ang belo, at ang mga sisidlan,
23 Zwierciadełka, bisior, turbany i narzutki.
ang salamin, ang magandang lino, ang mga palamuti sa ulo at mga pambalot.
24 I wtedy zamiast wonności będzie smród, zamiast pasa będzie rozdarcie, zamiast upiętych włosów będzie łysina, zamiast szerokiej szaty będzie przepasanie worem i zamiast piękna będzie oparzenie.
Sa halip na matamis na pabango, magkakaroon ng masangsang na amoy, at sa halip na laso ay lubid, sa halip na buhok na maganda ang gupit ay pagkakalbo, at sa halip na balabal ay panakip sa sako, at kahihiyan sa halip na kagandahan.
25 Twoi mężczyźni polegną od miecza i twoi mocarze – na wojnie.
Mamamatay ang inyong mga kalalakihan sa espada, at ang malalakas niyong kalalakihan ay babagsak sa digmaan.
26 Jej bramy zasmucą się i zapłaczą, a [ona], spustoszona, usiądzie na ziemi.
Ang tarangkahan ng Jerusalem ay magluluksa at maghihinagpis, at mag-isa siyang uupo sa lupa.