< Ozeasza 4 >

1 Słuchajcie słowa PANA, synowie Izraela, bo PAN wnosi skargę przeciwko mieszkańcom tej ziemi, gdyż nie ma prawdy ani żadnego miłosierdzia, ani poznania Boga [w] ziemi.
Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, kayong mga tao ng Israel. May hindi pagkakasunduan si Yahweh laban sa mga naninirahan sa lupain, sapagkat walang katotohanan o katapatan sa kasunduan at walang kaalaman ng Diyos sa lupain.
2 Krzywoprzysięstwo, kłamstwo, zabójstwo, kradzież i cudzołóstwo mnożą się, a morderstwo goni morderstwo.
May pagsusumpa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilabag ng mga tao ang lahat ng hangganan at sunod-sunod ang pagdanak ng dugo.
3 Dlatego ziemia będzie lamentować i marnieje wszystko, co w niej mieszka, wraz z polnymi zwierzętami i ptactwem nieba, nawet ryby morskie wyginą.
Kaya natutuyo ang lupain at mawawala ang bawat isa na nakatira roon. Ang mga hayop sa mga bukirin at ang mga ibon sa himpapawid; maging ang mga isda sa dagat ay kukunin.
4 Ale niech nikt z nimi się nie spiera ani ich nie strofuje, bo twój lud [jest] jak ci, którzy spierają się z kapłanem.
Ngunit huwag payagang magsakdal ang sinuman; huwag hayaang paratangan ng sinuman ang iba. Sapagkat kayo, ang mga pari, na aking pinaparatangan.
5 Dlatego upadniesz we dnie, upadnie też wraz z tobą prorok w nocy; wyniszczę twoją matkę.
Matitisod kayong mga pari sa araw; matitisod din kasama ninyo ang mga propeta sa gabi at aking wawasakin ang inyong ina.
6 Mój lud ginie z braku poznania; a ponieważ ty odrzuciłeś poznanie, ja też ciebie odrzucę, abyś [już] nie był dla mnie kapłanem. Skoro zapomniałeś o prawie twego Boga, ja też zapomnę o twoich synach.
Malilipol ang aking mga tao dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sapagkat tinanggihan ninyong mga pari ang kaalaman, tatanggihan ko rin kayo bilang mga pari sa akin. Sapagkat kinalimutan ninyo ang aking kautusan, bagaman ako ang inyong Diyos, kakalimutan ko din ang inyong mga anak.
7 Im bardziej się rozmnożyli, tym więcej grzeszyli przeciwko mnie. [Dlatego] ich chwałę zamienię w hańbę.
Kung gaano dumarami ang mga pari, mas lalo silang nagkasala laban sa akin. Papalitan ko nang kahihiyan ang kanilang karangalan.
8 Pożerają ofiary za grzech mego ludu i swoją duszą pragną jego nieprawości.
Pinakain sila sa kasalanan ng aking mga tao; sakim sila sa labis pa nilang kasamaan.
9 I tak samo stanie się z ludem jak z kapłanem, bo ukarzę ich za ich drogi i oddam im za ich uczynki.
Magiging pareho ang para sa mga tao gaya ng sa mga pari: paparusahan ko silang lahat para sa kanilang mga ginagawa; pagbabayarin ko sila sa kanilang mga ginagawa.
10 Będą jeść, ale się nie nasycą, będą uprawiać nierząd, ale się nie pomnożą, bo nie chcą zważać na PANA.
Makakakain sila ngunit hindi sapat; magbebenta sila ng aliw ngunit hindi sila darami, sapagkat lumayo sila sa akin, na si Yahweh at iniwan ako.
11 Nierząd, wino i moszcz odbierają serce.
Ang mahalay na gawain, ang alak at bagong alak ang nag-alis sa kanilang pang-unawa.
12 Mój lud radzi się u swego drewna, a jego kij mu odpowiada, bo duch nierządu wprowadza ich w błąd i uprawiali nierząd, odstępując od swego Boga.
Sumasangguni ang aking mga tao sa kanilang mga diyus-diyosan na kahoy, ang kanilang mga tungkod ang nagbibigay sa kanila ng mga hula. Sapagkat ang espiritu ng kahalayan ang nagligaw sa kanila at iniwan nila ako, na kanilang Diyos.
13 Na szczytach gór składają ofiary i na pagórkach palą kadzidło pod dębem, topolą i wiązem, bo ich cień jest dobry. Dlatego wasze córki uprawiają nierząd i wasze kobiety cudzołożą.
Nag-aalay sila sa mga tuktok ng mga bundok at nagsusunog ng insenso sa mga burol, sa ilalim ng mga ensina, mga alamo at mga roble, sapagkat mabuti ang lilim ng mga iyon. Kaya naman nakagawa ng sekswal na imoralidad ang inyong mga anak na babae at nangangalunya ang inyong mga manugang na babae.
14 Nie będę karał waszych córek, gdy uprawiają nierząd, ani waszych kobiet, gdy cudzołożą. Oni [sami] bowiem odłączają się z nierządnicami i składają ofiary wraz z nierządnicami. A lud, który [tego] nie rozumie, upadnie.
Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae nang pinili nilang gumawa ng sekswal na imoralidad ni ang inyong mga manugang na babae nang nangalunya sila. Sapagkat ibinigay din ng mga kalalakihan ang kanilang mga sarili sa mga babaing nagbebenta ng aliw, at nag-alay sila ng mga handog upang makagawa sila ng mga imoral na mga gawain kasama ang mga babaing nagbebenta ng aliw. Kaya ang mga taong ito na hindi nakakaunawa ay malilipol.
15 Jeśli ty, Izraelu, uprawiasz nierząd, niech [chociaż] Juda nie obciąży się winą. Nie idźcie do Gilgal ani nie wstępujcie do Bet-Awen, ani nie przysięgajcie: Jak żyje PAN!
Bagaman, ikaw Israel ay nakagawa ng pangangalunya, nawa ay hindi magkasala ang Juda. Huwag kayong pumunta sa Gilgal, kayong mga tao; huwag umakyat sa Beth-aven. At huwag sumumpa, “Sapagkat buhay si Yahweh.”
16 Izrael bowiem jest nieujarzmiony jak narowista jałówka. Zaprawdę, PAN będzie ich paść jak jagnię na rozległym miejscu.
Sapagkat matigas ang ulo ng Israel, tulad ng isang babaing guya na matigas ang ulo. Paano sila dadalhin ni Yahweh sa pastulan tulad ng mga tupa sa isang malawak na pastulan?
17 Efraim związał się z bożkami. Zostaw go.
Nakiisa ang Efraim sa mga diyus-diyosan, pabayaan siyang mag-isa.
18 Ich napój czyni ich upartymi; nieustannie uprawiają nierząd; jego obrońcy wstydliwie kochają dary.
Kahit maubos na ang kanilang matatapang na inumin, patuloy silang gumagawa ng pangangalunya; iniibig ng kaniyang mga pinuno ang kanilang kahihiyan.
19 Pochwyci ich wiatr swoimi skrzydłami i będą zawstydzeni z powodu swoich ofiar.
Babalutin ng hangin sa kaniyang mga pakpak; at mapapahiya sila dahil sa kanilang mga handog.

< Ozeasza 4 >