< Ezechiela 22 >

1 I doszło do mnie słowo PANA mówiące:
At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi.
2 A ty, synu człowieczy, czy zechcesz sądzić, czy zechcesz sądzić to krwawe miasto? Uświadom mu więc wszystkie jego obrzydliwości.
Ngayon ikaw, anak ng tao, hahatol ka ba? Hahatulan mo ba ang lungsod ng dugo? Ipaalam mo sa kaniya ang lahat ng kaniyang kasuklam-suklam na gawain.
3 Powiedz: Tak mówi Pan BÓG: O miasto, które rozlewasz krew u siebie, aby przyszedł [twój] czas, i czynisz sobie bożki przeciwko sobie, aby się nimi plugawić.
Dapat mong sabihing, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Ito ang lungsod na nagpadanak ng dugo sa kaniyang kalagitnaan sa gayon ang kaniyang panahon ay dumating na; isang lungsod na gumagawa ng mga diyus-diyosan upang gawing marumi ang kaniyang sarili!
4 Przez krew, którąś przelało, jesteś winne, i przez swoje bożki, któreś robiło, jesteś skalane, i tyś sprawiło, że przybliżyły się twoje dni, tyś doszło do swoich lat. Dlatego wydam cię [na] pohańbienie narodom i na pośmiewisko wszystkim ziemiom.
Ikaw ay nagkasala sa dugo na iyong pinadanak, at naging marumi dahil sa mga diyus-diyosan na iyong ginawa! Sapagkat pinalalapit mo ang iyong mga araw at nalalapit na ang iyong mga huling taon. Kaya gagawin kitang kahihiyan sa mga bansa at isang kakutyaan sa paningin ng bawat lupain.
5 Ci, którzy są blisko, i ci, którzy są daleko od ciebie, będą się z ciebie naśmiewać, o [miasto] złej sławy i pełne zgiełku.
Ang mga malalapit at sila na malalayo ay parehong manlilibak sa iyo, ikaw na maruming lungsod, kasama ang karangalan na kilala sa bawat lugar bilang puno ng kaguluhan!'
6 Oto książęta Izraela, każdy był w tobie, po to, aby [całą] siłą krew rozlewać.
Masdan! ang mga pinuno ng Israel, bawat isa sa kaniyang kapangyarihan ay pumunta sa iyo upang magpadanak ng dugo!
7 W tobie ojca i matkę znieważają, u ciebie czynią krzywdę przybyszowi, w tobie uciskają sierotę i wdowę.
Hindi na nila iginalang ang mga ama at mga ina na nasa iyo, at inapi nila ang mga dayuhan na nasa kalagitnaan ninyo. Inabuso nila ang mga ulila at mga balo na nasa iyo.
8 Wzgardzasz moimi świętymi rzeczami i zbezczeszczasz moje szabaty.
Kinasuklaman ninyo ang aking mga banal na bagay at nilapastangan ninyo ang aking mga Araw ng Pamamahinga!
9 W tobie są oszczercy w celu rozlania krwi, w tobie jadają na górach, u ciebie popełniają czyny haniebne.
Pumunta ang mga kalalakihang maninirang puri sa inyo upang magpadanak ng dugo, at sila ay kakain sa mga bundok. Gagawa sila ng kasamaan sa iyong kalagitnaan!
10 W tobie odkrywa się nagość ojca, w tobie hańbią oddaloną z powodu jej nieczystości.
Ang kahubaran ng isang ama ay inilantad sa iyo. Inabuso nila ang maruming babae sa kalagitnaan ng kaniyang pagreregla.
11 Jeden popełnia obrzydliwość z żoną swego bliźniego, drugi sprośnie plami swoją synową, inny zaś u ciebie hańbi swoją siostrę, córkę swego ojca.
Mga kalalakihang gumagawa ng mga kasuklam -suklam sa asawa ng kanilang kapwa, at mga kalalakihang gumawa ng karumihang kahiya-hiya sa kani-kanilang mga manugang na babae, mga kalalakihang nang-abuso ng kanilang mga kapatid na babae, mga ama na nang-abuso sa kanilang mga anak na babae—ang lahat ng ito ay nasa iyo.
12 W tobie biorą dary za rozlanie krwi, pobierasz lichwę i odsetki, wyzyskujesz swego bliźniego przez ucisk i zapominasz o mnie, mówi Pan BÓG.
Kumukuha ang mga kalalakihang ito ang mga suhol sa iyo upang magpadanak ng dugo. Kinuha ninyo ang tubo at labis na kinita, sinira mo ang iyong kapwa sa pamamagitan ng panggigipit, at kinalimutan mo ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
13 Dlatego oto ja klasnąłem w swą dłoń z powodu twego [nieuczciwego] zysku, któreś zdobyło, i z powodu krwi, którą u ciebie rozlano.
Kaya tumingin ka! Hinampas ko ng aking kamay ang kumikita sa pandaraya, at ang pagdanak ng dugo sa gitna mo.
14 Czy twoje serce wytrzyma? Czy twoje ręce będą na tyle mocne w dniach, kiedy ja będę miał z tobą sprawę? Ja, PAN, to powiedziałem i uczynię.
Matatag ba ang iyong puso, malakas ba ang iyong mga kamay sa panahon na ikaw ay aking haharapin? Ako, si Yahweh, na nagpapahayag nito, at gagawin ko ito.
15 Rozproszę cię między poganami i rozrzucę cię po ziemiach, i usunę z ciebie twoją nieczystość.
Kaya ikakalat kita sa mga bansa at paghiwa-hiwalayin kita sa mga lupain. Sa paraang ito, papawiin ko ang karumihan mo.
16 I będziesz splugawione na oczach pogan, i poznasz, że ja jestem PANEM.
Kaya magiging marumi ka sa paningin ng mga tao. Sa ganoon malalaman mo na ako si Yahweh!”
17 Potem doszło do mnie słowo PANA mówiące:
Sumunod nito dumating muli ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
18 Synu człowieczy, dom Izraela zamienił mi się w żużel; wszyscy [są] miedzią, cyną, żelazem i ołowiem w środku pieca; stali się żużlem srebra.
“Anak ng tao, ang sambahayan ng Israel ay kalawang na sa akin. Lahat sila ay mga tira-tirang tanso at lata, bakal, at tingga sa iyong kalagitnaan. Sila ay magiging gaya ng kalawang ng tanso sa iyong pugon.
19 Dlatego tak mówi Pan BÓG: Ponieważ wy wszyscy staliście się żużlem, oto zgromadzę was w środku Jerozolimy.
Kaya sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, 'Dahil lahat kayo ay naging gaya ng latak, kaya masdan! Titipunin ko kayo sa gitna ng Jerusalem.
20 [Jak] gromadzi się srebro, miedź, żelazo, ołów i cynę wewnątrz pieca, aby rozdmuchano na nie ogień, by je roztopić, tak was zgromadzę w swojej zapalczywości i w swoim gniewie, złożę was i roztopię.
Gaya ng naipong pilak at tanso, bakal, tingga at lata na nailagay sa gitna ng pugon ay dapat mahipan ang apoy nito, tutunawin ko kayo. Kaya iipunin ko kayo sa aking galit at poot. Ilalagay ko kayo doon at bubugahan ng apoy ito upang matunaw; Kaya iipunin kayo sa aking galit at poot, at ilalagay ko kayo doon at ibubuhos.
21 Tak, zgromadzę was i rozdmucham na was ogień swojej zapalczywości i zostaniecie roztopieni w jej środku.
Kaya iipunin ko kayo at bubugahan ng apoy ng aking poot kaya mabubuhos kayo sa kaniyang kalagitnaan.
22 Jak topi się srebro w środku pieca, tak i wy zostaniecie roztopieni w jej środku; i poznacie, że ja, PAN, wylałem na was swoją zapalczywość.
Gaya ng natutunaw na pilak sa gitna ng pugon, matutunaw kayo sa gitna nito, at malalaman ninyo na ako, si Yahweh, ang nagbuhos ng aking galit laban sa inyo!””
23 Ponadto doszło do mnie słowo PANA:
Dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinasabi,
24 Synu człowieczy, mów do niej: Ty jesteś ziemią nieoczyszczoną i nieobmytą deszczem w dniu mojej zapalczywości.
“Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, ' Ikaw ang lupain na hindi pa nalilinis. Walang ulan sa araw ng poot!
25 W środku tej [ziemi znajduje się] spisek jej proroków, podobni są oni do ryczącego lwa, co rozdziera zdobycz. Pożerają dusze, zabierają bogactwa i kosztowności i mnożą wdowy pośród niej.
Mayroong sabwatan ang kaniyang mga propeta sa kaniyang kalagitnaan, tulad ng isang umaatungal na leon na nilalapa ang biktima; inuubos nila ang buhay at kinukuha ang mahahalagang yaman! Pinaparami nila ang mga balo sa kaniyang kalagitnaan!
26 Jej kapłani złamali moje prawo i plugawią moje święte rzeczy. Nie czynią różnicy między tym, co święte, a tym, co pospolite, nie rozsądzają między nieczystym a czystym. Ponadto zakrywają sobie oczy przed moimi szabatami, tak że doznaję zniewagi pośród nich.
Ang kaniyang mga pari ay gumagawa ng karahasan sa aking kautusan, at nilapastangan nila ang aking mga banal na bagay. Hindi nila nalalaman ang pagkakaiba ng banal na mga bagay at sa mga bagay na kalapastangan, at hindi itinuro ang pagkakaiba ng marumi at ng malinis. Hindi nila binigyan pansin ang mga Araw ng Pamamahinga kaya hindi ako ginalang sa kanilang kalagitnaan!
27 Jej książęta pośród niej są jak wilki rozdzierające zdobycz, rozlewające krew i tracące dusze, aby zdobyć nieuczciwy zysk.
Ang kaniyang mga prinsipe na nasa kaniya ay tulad ng mga asong lobo na niluluray ang kanilang mga biktima. Pinapadanak nila ang dugo at sinisira nila ang buhay, para kumita sa pamamagitan ng pandaraya.
28 A jej prorocy tynkują słabym tynkiem, głosząc złudne widzenia i wróżąc im kłamstwo, mówiąc: Tak mówi Pan BÓG, choć PAN nie mówił.
At pinintahan pa siya ng kaniyang mga propeta gamit ang apog na pampinta; mga huwad ang kanilang mga pangitain at kasinungalingan ang kanilang mga ipinapahayag sa kanila, ang sinasabi nila “Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh” kahit hindi naman nagsalita si Yahwehi!
29 Lud tej ziemi dopuszcza się ucisku i dokonuje grabieży; krzywdzi ubogiego i nędznego i bezprawnie uciska cudzoziemca.
Ang mga tao ng lupain ay nang-aapi sa pamamagitan ng panghuhuthut at pandarambong dahil sa pagnanakaw, at inaabuso ang mahihirap at mga kapos, at inapi ang mga dayuhan nang walang katarungan.
30 I szukałem wśród nich męża, który by naprawił mur i stanął w wyłomie przede mną w obronie ziemi, abym jej nie zniszczył. Ale nie znalazłem żadnego.
Kaya naghanap ako ng isang tao mula sa kanila na magtatayo ng pader at siyang tatayo sa harapan ko sa paglabag na ito para sa lupain upang hindi ko na sirain ito, ngunit wala akong natagpuan isa man.
31 Wylałem więc na nich swój gniew, wyniszczyłem ich ogniem swojej zapalczywości. Złożyłem [im] na głowę ich własną drogę, mówi Pan BÓG.
Kaya ibubuhos ko ang aking galit sa kanila! Tatapusin ko sila sa apoy ng aking galit at ilalagay sila sa paraan na kanilang sariling iniisip—ito ang Pahayag ng Panginoong Yahweh.”'

< Ezechiela 22 >