< Powtórzonego 11 >

1 Miłuj więc PANA, swego Boga, i przestrzegaj jego nakazu, jego ustaw, jego praw i jego przykazań przez wszystkie dni.
Sa gayon ay iibigin ninyo si Yahweh na inyong Diyos at palaging susundin ang kaniyang mga tagubilin, kaniyang mga batas, kaniyang mga panuntunan at kaniyang mga utos.
2 A poznajcie dziś (bo nie [mówię] do waszych synów, którzy nie znali i nie widzieli karania PANA, waszego Boga) jego wielkość, jego potężną rękę i jego wyciągnięte ramię;
Pansinin na hindi ako nakikipag-usap sa inyong mga anak, na hindi nakaalam o nakakita sa mga parusa ni Yahweh na inyong Diyos, kaniyang kadakilaan, kaniyang malakas na kamay, ang pagpapakita ng kaniyang kapangyarihan,
3 Jego cuda i jego dzieła, których dokonał w Egipcie na faraonie, królu Egiptu, i na całej jego ziemi;
ang mga tanda at mga gawa na ginawa niya sa gitna ng Ehipto, kay Paraon, hari ng Ehipto, at sa lahat ng lupain niya.
4 I co uczynił wojskom Egiptu, ich koniom i ich rydwanom: sprawił, że wody Morza Czerwonego zalały je, gdy was gonili, i wytracił ich PAN aż do dziś;
Ni nakita nila kung ano ang ginawa niya sa hukbo ng Ehipto, sa kanilang mga kabayo, o sa kanilang mga karrwaheng pandigma; kung paano niya ginawa na ang tubig sa Dagat na Pula ay tabunan sila habang hinahabol nila kayo, at kung paano sila sinira ni Yahweh hanggang ngayon;
5 Także i to, co uczynił dla was na pustyni, aż do waszego przybycia na to miejsce;
o kung ano ang ginawa niya para sa inyo sa ilang hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito.
6 I to, co uczynił Datanowi i Abiramowi, synom Eliaba, syna Rubena, gdy ziemia otworzyła swe usta i pochłonęła ich spośród całego Izraela razem z ich rodzinami, namiotami i całym ich dobytkiem.
Hindi nila nakita ang ginawa ni Yahweh kina Datan at Abiram, mga anak na lalaki ni Eliab na anak na lalaki ni Ruben; kung paano bumuka ang bibig ng mundo at nilulon sila, ang sambahayan, ang mga tolda, at bawat nabubuhay na bagay na nakasunod sa kanila, sa gitna ng buong Israel.
7 A wasze oczy widziały wszystkie te wielkie dzieła PANA, których dokonał.
Pero nakita ng inyong mga mata ang lahat ng mga dakilang gawa ni Yahweh na ginawa niya.
8 Przestrzegajcie więc każdego przykazania, które wam dziś nakazuję, abyście się umocnili, weszli i posiedli ziemię, do której wchodzicie, aby ją wziąć w posiadanie;
Kaya nga sundin ninyong lahat ang mga utos na pinapagawa ko sa inyo ngayon, para maging malakas kayo, at pumasok at angkinin ang lupain, kung saan kayo papunta para angkinin iyon;
9 I żebyście przedłużyli swoje dni na ziemi, którą PAN poprzysiągł dać waszym ojcom i ich potomstwu, ziemię opływającą mlekiem i miodem.
at mapapahaba ninyo ang mga araw ninyo sa lupaing pinangako ni Yahweh sa inyong mga ama na ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhan, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
10 Ziemia bowiem, do której wchodzisz, aby ją posiąść, nie jest jak ziemia Egiptu, z której wyszliście, którą zasiewałeś swoim ziarnem i nawadniałeś [przy pomocy] swoich nóg, jak ogród jarzyn.
Para ang lupain, kung saan kayo papasok para inyong angkinin, ay hindi tulad ng lupain ng Ehipto, kung saan kayo nanggaling, kung saan nagtanim kayo ng buto at diniligan iyon gamit ang inyong paa, tulad ng hardin ng mga damong-gamot;
11 Lecz ziemia, do której wchodzicie, aby ją posiąść, [jest] ziemią gór i dolin, która pije wodę deszczu z nieba;
pero ang lupain, kung saan kayo patungo para angkinin iyon, ay isang lupain ng mga burol at mga lambak, at umiinom ng tubig ng ulan ng kalangitan,
12 Jest to ziemia, o którą PAN, twój Bóg, się troszczy, i na której oczy PANA, twego Boga, stale [spoczywają], od początku roku do jego końca.
isang lupaing inaalagaan ni Yahweh; ang mga mata ni Yahweh ay palaging naroon, mula sa simula hanggang sa katapusan ng taon.
13 A jeśli będziecie pilnie słuchać moich przykazań, które wam dziś nakazuję – żebyście miłowali PANA, swojego Boga, i służyli mu z całego swego serca i całą swoją duszą;
Mangyayari ito, kung masigasig kayong makikinig sa aking mga utos na sinasabi ko sa inyo ngayon para mahalin si Yahweh na inyong Diyos, at paglingkuran siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa,
14 Wtedy dam waszej ziemi w odpowiednim czasie deszcz wczesny i późny i będziesz zbierał swoje zboża, swoje wino i swoją oliwę.
na ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kapanahunan nito, ang paunang ulan at ang panghuling ulan, para matipon ninyo ang inyong mga butil, ang inyong bagong alak, at inyong langis.
15 Dam też trawę na twoich polach dla twojego bydła, a będziesz jadł do syta.
Magbibigay ako ng damo sa inyong mga bukid para sa inyong mga baka, at kakain kayo at mabubusog.
16 Strzeżcie się, aby wasze serce nie dało się zwieść, abyście nie odstąpili i nie służyli innym bogom, i nie oddawali im pokłonu;
Bigyang pansin ang inyong mga sarili, para hindi malinlang ang inyong puso, at kayo'y lumihis at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan, at yumukod sa kanila;
17 Bo wówczas zapali się gniew PANA przeciwko wam i zamknie [on] niebo, aby nie było deszczu i aby ziemia nie wydała swego plonu, i szybko wyginiecie z tej dobrej ziemi, którą PAN wam daje.
para ang galit ni Yahweh ay hindi mag-alab laban sa inyo, at para hindi niya isara ang kalangitan, para hindi magkaroon ng ulan, at ang lupa ay hindi magbigay ng kaniyang bunga, at para hindi kayo madaling mamatay mula sa masaganang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh.
18 Weźcie więc te moje słowa do swego serca i do swej duszy i przywiążcie je do swojej ręki jako znak, i niech będą [jak] przepaski między waszymi oczami.
Kaya nga ilagay ang mga salita kong ito sa inyong puso at kaluluwa; itali ang mga ito bilang isang tanda sa inyong kamay, at hayaan ang mga ito na maging gasa sa pagitan ng inyong mga mata.
19 I nauczcie ich swoje dzieci, rozmawiając o nich, gdy siedzisz w domu i gdy będziesz w drodze, gdy się kładziesz i gdy wstajesz.
Ituturo ninyo ang mga ito sa inyong mga anak at pag-usapan ang tungkol sa mga ito kapag nakaupo kayo sa bahay ninyo, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag humihiga at bumabangon kayo.
20 Wypiszesz je też na odrzwiach swego domu i na swoich bramach;
Isusulat ninyo ang mga ito sa mga haligi ng pinto ng inyong bahay at sa mga tarangkahan ng inyong lungsod,
21 Aby się pomnożyły wasze dni i dni waszych dzieci w ziemi, którą PAN poprzysiągł dać waszym ojcom, dopóki niebo [będzie trwać] nad ziemią.
para dumami ang inyong mga araw, at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama na ibibigay niya sa kanila, na maging tulad ang dami ng araw na gaya ng kalangitan ay mataas sa ibabaw ng mundo.
22 Bo jeśli będziecie pilnie przestrzegać wszystkich przykazań, które ja wam nakazuję wypełniać, żebyście miłowali PANA, swojego Boga, i chodzili wszystkimi jego drogami, lgnąc do niego;
Dahil kung masigasig ninyong susundin ang lahat ng mga utos na ito na sinasabi ko sa inyo, para gawin ang mga iyon, ibigin si Yahweh na inyong Diyos, lumakad sa lahat ng kaniyang mga kaparaanan, at kumapit sa kaniya,
23 Wtedy PAN wypędzi przed wami wszystkie te narody i zawładniecie narodami większymi i potężniejszymi od was.
at itataboy ni Yahweh ang lahat ng mga bansang ito mula sa harapan ninyo, at aagawan ninyo ang mga bansang higit na malaki at higit na malakas kaysa sa inyong sarili.
24 Każde miejsce, po którym stąpać będzie stopa waszej nogi, będzie wasze: od pustyni i Libanu, od rzeki Eufrat aż do morza zachodniego będzie wasza granica.
Bawat lugar na lalakaran ng inyong mga talampakan ay mapapasa inyo; mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa ilog, ang Ilog Eufrates, hanggang sa kanlurang dagat ay magiging hangganan ninyo.
25 Nikt nie ostoi się przed wami. PAN, wasz Bóg, wzbudzi strach i lęk przed wami po całej ziemi, którą będziecie deptać, jak wam powiedział.
Walang sinumang tao ang makakatayo sa harapan ninyo; maglalagay si Yahweh na inyong Diyos ng takot at ng kilabot sa lahat ng mga lupaing lalakaran ninyo, tulad ng sinabi niya sa inyo.
26 Oto dziś kładę przed wami błogosławieństwo i przekleństwo.
Masdan, itinakda ko sa inyo ngayon ang isang pagpapala at isang sumpa;
27 Błogosławieństwo, jeśli będziecie posłuszni przykazaniom PANA, swojego Boga, które dziś wam nakazuję.
ang pagpapala, kung makikininig kayo sa mga utos ni Yahweh na inyong Diyos na sinasabi ko sa inyo ngayon;
28 A przekleństwo, jeśli nie będziecie posłuszni przykazaniom PANA, swojego Boga, i zboczycie z drogi, którą wam dziś nakazuję, aby pójść za innymi bogami, których nie poznaliście.
at ang sumpa, kung hindi kayo makikinig sa mga utos ni Yahweh na inyong Diyos, pero lumihis palayo mula sa daan na sinasabi ko sa inyo ngayon, para sumunod sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo nakilala.
29 Gdy PAN, twój Bóg, wprowadzi cię do ziemi, do której wchodzisz, aby ją posiąść, umieścisz [to] błogosławieństwo na górze Gerizim, a przekleństwo na górze Ebal.
Mangyayari ito, kapag si Yahweh na inyong Diyos ay dinala kayo sa lupain kung saan kayo papunta para angkinin, na itatakda ninyo ang pagpapala sa Bundok Gerizim, at ang sumpa sa Bundok Ebal.
30 Czy nie znajdują się [one] za Jordanem, po drodze w kierunku zachodu słońca, w ziemi Kananejczyków, którzy mieszkają na stepie, naprzeciwko Gilgal, przy równinie More?
Hindi ba ang mga iyon ay nasa kabila ng Jordan, sa kanluran ng kanluraning daan, sa lupain ng mga Cananeo na nakatira sa Araba, sa itaas salungat sa Gilgal, sa tabi ng mga kakahuyan ng More?
31 Wy bowiem przejdziecie przez Jordan, aby wejść i posiąść ziemię, którą daje wam PAN, wasz Bóg, i posiądziecie ją i w niej zamieszkacie.
Dahil tatawid kayo sa Jordan para makapasok at angkinin ang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, at aangkinin ninyo iyon at maninirahan doon.
32 Dopilnujcie, abyście wypełniali wszystkie nakazy i prawa, które dziś wam przedkładam.
Susundin ninyo ang lahat ng mga batas at mga panuntunang itinakda ko sa inyo ngayon.

< Powtórzonego 11 >