< II Królewska 23 >
1 Wtedy król posłał, aby zebrali się wokół niego wszyscy starsi Judy i Jerozolimy.
At ang hari ay nagsugo, at pinisan nila sa kaniya ang lahat na matanda sa Juda, at sa Jerusalem.
2 Następnie król udał się do domu PANA, a wraz z nim wszyscy mężczyźni Judy, wszyscy mieszkańcy Jerozolimy, kapłani, prorocy oraz cały lud – od najmniejszych do największych. I czytał do ich uszu wszystkie słowa księgi przymierza, którą znaleziono w domu PANA.
At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na lalake ng Juda, at ang lahat na taga Jerusalem na kasama niya, at ang mga saserdote, at ang mga propeta, at ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki: at kanilang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.
3 Potem król stanął przy kolumnie i zawarł przymierze przed PANEM, że będą szli za PANEM i będą przestrzegać jego przykazań, świadectw i nakazów z całego serca i całą duszą i wypełniać słowa przymierza, które zostały napisane w tej księdze. I cały lud przystąpił do przymierza.
At ang hari ay tumayo sa tabi ng haligi, at nakipagtipan sa harap ng Panginoon, upang lumakad ng ayon sa Panginoon, at upang ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, ng buong puso at ng buong kaluluwa, upang tuparin ang mga salita ng tipang ito na nasusulat sa aklat na ito: at ang buong bayan ay nananayo sa tipan.
4 Wtedy król nakazał najwyższemu kapłanowi Chilkiaszowi, kapłanom drugiego rzędu i stróżom progu wynieść ze świątyni PANA wszystkie przedmioty wykonane dla Baala, do gaju i dla całego zastępu niebieskiego. I spalił je poza Jerozolimą na polu Cedronu, i zaniósł ich popiół do Betel.
At inutusan ng hari si Hilcias na dakilang saserdote, at ang mga saserdote sa ikalawang hanay, at ang mga tagatanod-pinto, na ilabas sa templo ng Panginoon ang lahat na kasangkapan na ginawa kay Baal at sa mga Asera, at sa lahat na natatanaw sa langit; at kaniyang sinunog sa labas ng Jerusalem sa mga parang ng Cedron, at dinala ang mga abo niyaon sa Beth-el.
5 Zwolnił też [z urzędu] bałwochwalczych kapłanów, których ustanowili królowie Judy, aby palili kadzidło na wyżynach w miastach Judy i w okolicach Jerozolimy, oraz tych, którzy palili kadzidło Baalowi, słońcu, księżycowi, planetom i całemu zastępowi niebieskiemu.
At kaniyang inalis ang mga saserdote na palasamba sa mga dios-diosan na inihalal ng mga hari sa Juda na nagpasunog ng kamangyan sa mga mataas na dako sa mga bayan ng Juda, at sa mga dakong nangasa palibot ng Jerusalem; pati silang nagsisipagsunog ng kamangyan kay Baal, sa araw, at sa buwan, at sa mga tala, at sa lahat ng natatanaw sa langit.
6 Wyniósł gaj z domu PANA poza Jerozolimę, do potoku Cedron, i spalił go przy potoku Cedron, starł go na proch i rozrzucił na grobach synów ludu.
At kaniyang inilabas ang mga Asera sa bahay ng Panginoon, sa labas ng Jerusalem sa batis ng Cedron, at sinunog sa batis ng Cedron, at dinurog, at inihagis ang nangadurog niyaon sa libingan ng karaniwang mga tao.
7 Zburzył też domy Sodomitów, które znajdowały się przy domu PANA, gdzie kobiety tkały zasłony do gaju.
At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga sodomita, na nangasa bahay ng Panginoon, na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera.
8 I zwołał wszystkich kapłanów z miast Judy, i splugawił wyżyny, na których kapłani palili kadzidło, od Geba aż do Beer-Szeby, i zburzył wyżyny przy bramach [znajdujących się] u wejścia bramy Jozuego, namiestnika miasta, po lewej stronie, gdy się wchodzi przez bramę miejską.
At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda, at nilapastangan ang mga mataas na dako, sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote, mula sa Geba hanggang sa Beerseba; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue, na tagapamahala ng bayan, na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan.
9 Jednakże kapłani wyżyn nie przystąpili do ołtarza PANA w Jerozolimie, ale mogli jeść przaśne chleby wśród swoich braci.
Gayon ma'y ang mga saserdote sa mga mataas na dako ay hindi sumampa sa dambana ng Panginoon sa Jerusalem, kundi sila'y nagsikain ng tinapay na walang lebadura sa gitna ng kanilang mga kapatid.
10 Splugawił również Tofet, które było w dolinie syna Hinnom, aby nikt więcej nie przeprowadził swego syna ani córki przez ogień [ku czci] Molocha.
At kaniyang nilapastangan ang Topheth, na nasa libis ng mga anak ni Hinnom, upang huwag paraanin ng sinoman ang kaniyang anak na lalake o babae sa apoy kay Moloch.
11 Usunął też konie, które królowie Judy poświęcili słońcu u wejścia do domu PANA, obok komnaty dworzanina Natanmeleka, która była na przedmieściu, a rydwany słońca spalił ogniem.
At kaniyang inalis ang mga kabayo na ibinigay ng hari ng Juda sa araw, sa pasukan ng bahay ng Panginoon, sa siping ng silid ni Nathan-melech na kamarero, na nasa looban; at sinunog niya sa apoy ang mga karo ng araw.
12 Król zburzył także ołtarze, które znajdowały się na dachu górnej komnaty Achaza, zbudowane przez królów Judy, oraz ołtarze, które uczynił Manasses w obu dziedzińcach domu PANA. Usunął je stamtąd i wrzucił ich proch do potoku Cedron.
At ang mga dambana na nangasa bubungan ng silid sa itaas ni Achaz, na ginawa ng mga hari sa Juda, at ang mga dambana na ginawa ni Manases sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon ay ipinagbabagsak ng hari, at pinaggigiba mula roon, at inihagis ang alabok ng mga yaon sa batis ng Cedron.
13 Król splugawił wyżyny, które stały przed Jerozolimą po prawej stronie Góry Zatracenia i które zbudował Salomon, król Izraela, dla Asztarty, obrzydliwości Sydończyków, dla Kemosza, obrzydliwości Moabitów, i dla Milkoma, obrzydliwości synów Ammona.
At ang mga mataas na dako na nangasa harap ng Jerusalem, na nasa kanan ng bundok ng kapahamakan, na itinayo ng haring Salomon kay Asthareth na karumaldumal ng mga Sidonio, at kay Chemos na karumaldumal ng Moab, at sa kay Milcom na karumaldumal ng mga anak ni Ammon, ay nilapastangan ng hari.
14 I pokruszył posągi, powycinał gaje, a ich miejsca napełnił kośćmi ludzkimi.
At kaniyang pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at pinutol ang mga Asera, at pinuno ang kanilang mga dako ng mga buto ng tao.
15 Ponadto ołtarz, który był w Betel, [i] wyżynę uczynioną przez Jeroboama, syna Nebata, który przywiódł Izraela do grzechu – także ten ołtarz i wyżynę zburzył. Spalił wyżynę, starł na proch i spalił gaj.
Bukod dito'y ang dambana na nasa Bethel at ang mataas na dako na ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nabat, na nakapagkasala sa Israel, sa makatuwid baga'y ang dambanang yaon at ang mataas na dako ay kaniyang ibinagsak; at kaniyang sinunog ang mataas na dako at dinurog, at sinunog ang mga Asera.
16 A gdy Jozjasz odwrócił się, zobaczył groby, które były tam na górze. Posłał i zabrał kości z tych grobów, i spalił je na ołtarzu, plugawiąc go zgodnie ze słowem PANA wygłoszonym przez męża Bożego, który wypowiedział te rzeczy.
At pagpihit ni Josias, ay kaniyang natanawan ang mga libingan na nangasa bundok; at siya'y nagsugo, at kinuha ang mga buto sa mga libingan, at sinunog sa dambana, at dinumhan, ayon sa salita ng Panginoon na itinanyag ng lalake ng Dios, na siyang nagtanyag ng mga bagay na ito.
17 I zapytał: Co to za napis, który widzę? Ludzie z tego miasta odpowiedzieli: To grób męża Bożego, który przyszedł z Judy i zapowiedział rzeczy, które wykonałeś nad ołtarzem w Betel.
Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Anong monumento yaong aking nakikita? At isinaysay ng mga lalake ng bayan sa kaniya, Yao'y libingan ng lalake ng Dios, na nanggaling sa Juda, at itinanyag ang mga bagay na ito na iyong ginawa laban sa dambana sa Beth-el.
18 Wtedy powiedział: Zostawcie go, niech nikt nie rusza jego kości. Pozostawiono więc jego kości wraz z kośćmi proroka, który przybył z Samarii.
At kaniyang sinabi, Bayaan ninyo; huwag galawin ng sinoman ang mga buto niya. Sa gayo'y binayaan nila ang mga buto niya, na kasama ng mga buto ng propeta na nanggaling sa Samaria.
19 Jozjasz usunął też wszystkie świątynie na wyżynach, które były w miastach Samarii zbudowanych przez królów Izraela, aby drażnić [PANA]. Postąpił z nimi tak samo, jak uczynił w Betel.
At ang lahat na bahay naman sa mga mataas na dako na nangasa bayan ng Samaria, na ginawa ng mga hari sa Israel upang mungkahiin ang Panginoon sa galit, ay pinagaalis ni Josias, at ginawa sa mga yaon ang ayon sa lahat na gawa na kaniyang ginawa sa Beth-el.
20 Pozabijał także wszystkich kapłanów wyżyn, którzy tam [byli] przy ołtarzach, i spalił na nich ludzkie kości. Potem wrócił do Jerozolimy.
At kaniyang pinatay ang lahat na saserdote sa mga mataas na dako na nangandoon, sa ibabaw ng mga dambana, at sinunog ang mga buto ng mga tao sa mga yaon; at siya'y bumalik sa Jerusalem.
21 I król nakazał całemu ludowi: Obchodźcie święto Paschy dla PANA, waszego Boga, tak jak jest napisane w księdze tego przymierza.
At iniutos ng hari sa buong bayan, na sinasabi, Ipagdiwang ninyo ang paskua sa Panginoon ninyong Dios, gaya ng nasusulat sa aklat na ito ng tipan.
22 Takiej Paschy nie obchodzono od czasów sędziów, którzy sądzili Izraela, i przez wszystkie dni królów Izraela i królów Judy.
Tunay na hindi ipinagdiwang ang gayong paskua mula sa mga araw ng mga hukom na naghukom sa Israel, o sa lahat ng mga araw man ng mga hari sa Israel, o ng mga hari man sa Juda;
23 Dopiero w osiemnastym roku króla Jozjasza obchodzono taką Paschę dla PANA w Jerozolimie.
Kundi nang ikalabing walong taon ng haring Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito sa Panginoon sa Jerusalem.
24 Jozjasz usunął również czarowników, wróżbiarzy, posągi, bożki i wszystkie obrzydliwości, które widziano w ziemi Judy i w Jerozolimie, aby wypełnić słowa prawa napisane w księdze, którą znalazł kapłan Chilkiasz w domu PANA.
Bukod dito'y sila na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, at ang mga terap, at ang mga diosdiosan, at ang lahat na karumaldumal na natanawan sa lupain ng Juda, at sa Jerusalem, ay pinagaalis ni Josias, upang kaniyang matupad ang mga salita ng kautusan na nasusulat sa aklat na nasumpungan ni Hilcias na saserdote sa bahay ng Panginoon.
25 I nie było przed nim króla podobnego do niego, który by wrócił do PANA z całego swego serca, całą swoją duszą i z całej swojej siły, według całego Prawa Mojżesza, i po nim nie powstał nikt jemu podobny.
At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya, na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya.
26 PAN jednak nie odwrócił się od zapalczywości swego wielkiego gniewu, którym zapłonął przeciwko Judzie z powodu wszelkich zniewag, którymi rozdrażnił go Manasses.
Gayon ma'y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pag-iinit, na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda, dahil sa lahat na pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya.
27 PAN więc powiedział: Również Judę odrzucę sprzed swojego oblicza, jak odrzuciłem Izraela, i wzgardzę tym miastem, które wybrałem, Jerozolimą, i domem tym, o którym powiedziałem: Tam będzie moje imię.
At sinabi ng Panginoon, Akin ding aalisin ang Juda sa aking paningin, gaya ng aking pagaalis sa Israel, at aking itatakuwil ang bayang ito na aking pinili, sa makatuwid baga'y ang Jerusalem, at ang bahay na aking pinagsabihan. Ang pangalan ko'y doroon.
28 A pozostałe dzieje Jozjasza i wszystko, co czynił, czy nie są zapisane w księdze kronik królów Judy?
Ang iba nga sa mga gawa ni Josias, at ang lahat na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
29 Za jego dni faraon Necho, król Egiptu, wyruszył przeciwko królowi Asyrii nad rzekę Eufrat. Król Jozjasz wyruszył przeciwko niemu, a gdy ten go zobaczył, zabił go w Megiddo.
Nang mga kaarawan niya, si Faraon-nechao na hari sa Egipto at umahon laban sa hari sa Asiria, sa ilog Eufrates: at ang haring Josias ay naparoon laban sa kaniya; at pinatay niya siya sa Megiddo, nang makita niya siya.
30 I jego słudzy przewieźli go zmarłego z Megiddo, sprowadzili go do Jerozolimy i pogrzebali w jego grobie. Potem lud tej ziemi wziął Jehoachaza, syna Jozjasza, namaścił go i ustanowił go królem w miejsce jego ojca.
At dinala siyang patay ng kaniyang mga lingkod sa isang karo, mula sa Megiddo at dinala siya sa Jerusalem, at inilibing siya sa kaniyang sariling libingan. At kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias, at pinahiran ng langis siya, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama.
31 Jehoachaz miał dwadzieścia trzy lata, kiedy zaczął królować, i królował trzy miesiące w Jerozolimie. Jego matka miała na imię Chamutal [i była] córką Jeremiasza z Libny.
Si Joachaz ay may dalawangpu't tatlong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna.
32 Czynił on to, co złe w oczach PANA, zupełnie tak, jak czynili jego ojcowie.
At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang.
33 Faraon Necho uwięził go w Ribla w ziemi Chamat, aby nie królował w Jerozolimie, i nałożył na ziemię daninę w wysokości stu talentów srebra i jednego talentu złota.
At inilagay ni Faraon-nechao siya sa pangawan sa Ribla, sa lupain ng Hamath, upang siya'y huwag makapaghari sa Jerusalem; at siningilan ang bayan ng isang daang talentong pilak, at isang talentong ginto.
34 Faraon Necho ustanowił królem Eliakima, syna Jozjasza, w miejsce jego ojca Jozjasza, i zmienił jego imię na Joakim, a Jehoachaza zabrał. Ten przyszedł do Egiptu i tam umarł.
At ginawa ni Faraon-nechao si Eliacim na anak ni Josias, na hari na kahalili ni Josias, na kaniyang ama, at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim: nguni't kaniyang dinala si Joachaz; at siya'y naparoon sa Egipto, at namatay roon.
35 A Joakim dał faraonowi srebro i złoto, ale opodatkował ziemię, aby mógł oddać pieniądze według rozkazu faraona. Pobierał srebro i złoto od ludu ziemi, od każdego według oszacowania, aby je oddać faraonowi Necho.
At ibinigay ni Joacim ang pilak at ginto kay Faraon; nguni't kaniyang pinabuwis ang lupain upang magbigay ng salapi ayon sa utos ni Faraon; kaniyang siningil ang pilak at ginto ng bayan ng lupain, sa bawa't isa ayon sa ipinabuwis niya upang ibigay kay Faraon-nechao.
36 Joakim miał dwadzieścia pięć lat, kiedy zaczął królować, i królował jedenaście lat w Jerozolimie. Jego matka miała na imię Zebidda [i była] córką Pedajasza z Rumy.
Si Joacim ay may dalawangpu't limang taon nang magpasimulang maghari: at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebuda na anak ni Pedaia na taga Ruma.
37 Czynił on to, co złe w oczach PANA, zupełnie tak, jak czynili jego ojcowie.
At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang.