< II Królewska 12 >
1 W siódmym roku Jehu zaczął królować Jehoasz i królował czterdzieści lat w Jerozolimie. Jego matka miała na imię Sibia, [była] z Beer-Szeby.
Sa ikapitong taon ni Jehu, nagsimulang maghari si Joas; naghari siya sa loob ng apatnapung taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay si Sibia, na taga-Beerseba.
2 Jehoasz czynił to, co słuszne w oczach PANA, przez wszystkie swoje dni, w których uczył go kapłan Jehojada.
Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mga mata ni Yahweh sa lahat ng oras dahil tinuturuan siya ni Jehoiada ang pari.
3 Wyżyn jednak nie zniesiono i lud jeszcze składał ofiary, i palił kadzidło na tych wyżynach.
Pero ang mga dambana ay hindi niya pinagiba. Ang mga tao ay patuloy pa ring naghahandog at nagsusunog ng insenso roon.
4 I Jehoasz powiedział do kapłanów: Wszystkie pieniądze z ofiar poświęconych, które przynoszone są do domu PANA, pieniądze tych, którzy są spisani, pieniądze każdego według jego oszacowania i wszystkie pieniądze, które ktokolwiek dobrowolnie wnosi do domu PANA;
Sinabi ni Joas sa mga pari, “Lahat ng salapi para sa mga kagamitan na nabibilang kay Yahweh at ang mga dinala sa tahanan ni Yahweh, ang buwis na naitala, at lahat ng salapi na ibinigay para sa templo ng mga taong inudyukan ni Yahweh na magbigay—
5 Niech wezmą dla siebie kapłani, każdy od swego znajomego, i niech naprawią szkody domu [PANA], gdziekolwiek taka szkoda się znajdzie.
ang mga salaping ito ay iipunin ng mga pari, bawat isa sa kanila mula sa nagbabayad ng buwis, at gagamitin nila ito para ayusin ang templo kapag may kailangang ayusin.
6 Lecz jeszcze w dwudziestym trzecim roku króla Jehoasza kapłani nie naprawili szkód domu.
Pero sa dalawampu't tatlong taon na paghahari ni Haring Joas, wala pang kahit anong naipaaayos ang mga pari sa templo.
7 Wtedy król Jehoasz wezwał kapłana Jehojadę oraz [pozostałych] kapłanów i mówił do nich: Czemu nie naprawiacie szkód domu? Teraz więc nie bierzcie pieniędzy od swoich znajomych, ale oddajcie je na [naprawę] szkód domu.
Kaya tinawag ni Haring Joas si Jehoiada at ang ibang mga pari; sinabi niya sa kanila, “Bakit wala pa kayong naipaaayos sa templo? Ngayon hindi na kayo ang kukuha ng salapi sa mga nagbabayad ng buwis, pero kunin ninyo ang mga nakolekta para sa pagpapaayos ng templo at ibigay ninyo ito sa mga makakapag-ayos.
8 I kapłani zgodzili się na to, aby nie brać pieniędzy od ludu, oraz [na to], że nie będą naprawiali szkód domu.
Kaya sumang-ayon ang mga pari na hindi na sila tatanggap ng salapi mula sa mga tao at hindi na rin sila ang mag-aayos ng templo.
9 Wtedy kapłan Jehojada wziął jedną skrzynię, zrobił otwór w jej wieku i postawił ją przy ołtarzu po prawej stronie, którędy wchodzono do domu PANA. Kapłani zaś, którzy strzegli progu, wrzucali tam wszystkie pieniądze, które wnoszono do domu PANA.
Sa halip, kumuha si Joiada ang pari ng isang baul, binutasan niya ang takip nito, at inilagay ito sa gilid ng altar, sa kanang bahagi kung saan dumaraan ang tao patungo sa tahanan ni Yahweh. Lahat ng mga paring nagbabantay sa pasukan sa templo ay inilagay dito ang lahat ng salapi na dinala sa tahanan ni Yahweh.
10 A gdy widzieli, że w skrzyni było dużo pieniędzy, przychodził pisarz króla i najwyższy kapłan, którzy liczyli i chowali pieniądze znajdujące się w domu PANA.
Kapag nakikita nila na marami ng laman ang baul, lalapit ang mga eskriba ng hari at punong pari at ilalagay sa mga lalagyan ang salapi at bibilangin ito, ang salaping nakuha nila sa templo ni Yahweh.
11 I odważone pieniądze dawali do rąk kierowników robót, przełożonych nad domem PANA. Ci zaś wydawali je na cieśli i budowniczych, którzy naprawiali dom PANA;
Ibinigay nila ang salaping tinimbang sa mga kamay ng mga kalalakihang nangalaga sa templo ni Yahweh. Ibinayad nila ito sa mga karpentero at mga manggagawa na nagtatrabaho sa templo ni Yahweh,
12 Na murarzy, na kamieniarzy, na kupno drewna i ciosanych kamieni do naprawy szkód w domu PANA i na wszelkie inne wydatki związane z naprawą tego domu.
at sa mga mason at nagtatapyas ng bato para ipambili ng kahoy at batong tinapyas para ayusin ang templo ni Yahweh, at para sa lahat ng dapat bayaran para maayos ito.
13 Jednakże z pieniędzy, które przynoszono do domu PANA, nie sporządzono dla domu PANA srebrnych mis, nożyc, czasz, trąb ani żadnych złotych i srebrnych naczyń;
Pero ang mga salaping dinala sa tahanan ni Yahweh ay hindi ginamit para sa paggawa ng mga kopang pilak, mga pantabas ng mitsa, mga mangkok, mga trumpeta o anumang kasangkapan na gawa sa ginto o pilak.
14 Lecz dawano je robotnikom, którzy naprawiali za nie dom PANA.
Binigay nila ang salapi para sa mga nag-aayos ng tahanan ni Yahweh.
15 I nie rozliczano ludzi, którym dawano pieniądze do ręki na opłacenie robotników, ponieważ postępowali uczciwie.
Bilang karagdagan, hindi na nila hinihingan ng ulat tungkol sa salapi na pampaggawa ang mga taong nakatanggap at nagbayad nito sa mga manggagawa, dahil ang mga taong ito ay matatapat.
16 Lecz pieniędzy z ofiar za występek i pieniędzy z ofiar za grzech nie wnoszono do domu PANA, [lecz] należały do kapłanów.
Pero ang mga handog para pambayad sa kasalanan at ang handog para sa kapatawaran ng kasalanan ay hindi dinala sa templo ni Yahweh, dahil ang mga ito ay para sa mga pari.
17 Wtedy Chazael, król Syrii, wyruszył, aby walczyć z Gat i zdobył je. Potem Chazael postanowił wyruszyć przeciw Jerozolimie.
Sa panahong iyon, nilusob at nilabanan ni Hazael hari ng Aram ang Gat, at sinakop ito. Pagkatapos tinangkang lusubin ni Hazael ang Jerusalem.
18 Jehoasz, król Judy, wziął więc wszystkie rzeczy poświęcone, które poświęcili Jehoszafat, Joram i Achazjasz, jego ojcowie, królowie Judy, i to, co sam poświęcił, oraz całe złoto, które znalazło się w skarbcach domu PANA i domu króla, i posłał [to] do Chazaela, króla Syrii. I ten wycofał się z Jerozolimy.
Kaya kinuha ni Joas hari ng Juda ang lahat ng kasangkapan na itinalaga nina Jehosafat at Joram at Ahazias, ang kaniyang mga ninuno, mga hari ng Juda, para kay Yahweh, ang kaniyang sariling mga banal na kasangkapan, at lahat ng ginto na makikita sa mga imbakan sa tahanan ni Yahweh at ng hari; ipinadala niya ang mga ito kay Hazael ang hari ng Aram. Pagkatapos umalis na si Hazael mula sa Jerusalem.
19 A pozostałe dzieje Jehoasza i wszystko, co czynił, czy nie są zapisane w kronikach królów Judy?
Ang iba pang bagay tungkol kay Joas, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
20 Potem jego słudzy powstali i uknuli spisek [przeciwko niemu], i zabili Joasza w domu na Millo, na [drodze] schodzącej do Silla;
Nag-alsa at sama-samang nagplano ang kaniyang mga lingkod; nilusob nila si Joas sa tahanan sa Millo, sa daan papunta ng Sila.
21 Jozachar, syn Szimeata, i Jozabad, syn Szomera, byli właśnie tymi sługami, którzy zabili go. A pogrzebali go z jego ojcami w mieście Dawida, a jego syn Amazjasz królował w jego miejsce.
Si Josacar, anak ni Semiat, at Jehozabad anak ni Somer, na kaniyang lingkod, ay sinalakay siya at siya ay namatay. Inilibing nila si Joas kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David, at si Amasias, na kaniyang anak, ang naging hari kapalit niya.