< Liczb 4 >

1 Nad to rzekł Pan do Mojżesza i Aarona, mówiąc:
Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Sinabi niya,
2 Zbierz summę synów Kaatowych z pośród synów Lewiego według familii ich, i według domów ojców ich.
“Magsagawa kayo ng isang pagtatala sa mga lalaking kaapu-apuhan ni Kohat na nagmula sa mga Levita, sa pamamagitan ng kanilang mga angkan at ng mga pamilya ng kanilang ninuno.
3 Od tego, który ma trzydzieści lat i wyżej, i aż do tego, co ma pięćdziesiąt lat, którzy będąc sposobnymi do tej pracy, mogliby odprawować posługę w namiocie zgromadzenia.
Bilangin ninyo ang lahat ng kalalakihan na tatlumpu hanggang limampung taong gulang.
4 Tać będzie powinność synów Kaatowych przy namiocie zgromadzenia, przy miejscu najświętszem;
Dapat sumali ang kalalakihang ito sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat pangalagaan ng mga kaapu-apuhan ni Kohat ang pinakasagradong mga bagay na inilaan para sa akin sa tolda ng pagpupulong.
5 I przyjdzie Aaron z synami swymi, gdy się będzie miał ruszyć obóz, a zdejmą oponę zasłony, i okryją nią skrzynię świadectwa;
Kapag naghahanda ang kampo para umabante, dapat pumunta si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tolda, ibaba ang kurtina na naghihiwalay sa pinakabanal na lugar mula sa banal na lugar, at itakip ito sa kaban ng tipan.
6 A włożą na nię przykrycie z borsukowych skór, i przykryją z wierzchu wszystko oponą hijacyntową, i założą drążki jej.
Dapat nilang takpan ang kaban ng mga balat ng dugong. Dapat silang maglatag ng asul na tela sa taas nito. Dapat nilang ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat nito.
7 Także stół chlebów pokładnych przykryją oponą hijacyntową, a położą na nim misy, i przystawki, i kubki, i czasze do nalewania; a chleb ustawicznie na nim będzie.
Dapat silang maglatag ng isang asul na tela sa mesa ng tinapay ng presensya. Sa ibabaw nito, dapat nilang ilagay ang mga pinggan, mga kutsara, mga mangkok, at mga banga para sa pagbubuhos. Dapat palaging nasa mesa ang tinapay.
8 I rozciągną na tem oponę szarłatową, a przykryją to przykryciem skór borsukowych, i założą drążki do niego.
Dapat nilang takpan ang mga ito ng isang matingkad na pulang tela at muli ng mga balat ng dugong. Dapat nilang ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat sa mesa.
9 Wezmą też oponę hijacyntową, którą nakryją świecznik do świecenia z lampami jego, i nożyczki jego, i kaganki jego, i wszystkie naczynia do oliwy jego, których używają przy nim:
Dapat silang kumuha ng isang asul na tela at takpan ang patungan ng ilawan, kasama ng mga ilawan nito, mga sipit, mga sisidlan ng abo, at lahat ng mga banga ng langis para sa mga ilawan.
10 I uwiną go ze wszystkiem naczyniem jego w przykrycie z skór borsukowych, i włożą na drążki.
Dapat nilang takpan ang patungan ng ilawan at ang lahat ng mga kasangkapan nito ng mga balat ng dugong, at dapat nilang ilagay ito sa balangkas na binubuhat.
11 Na ołtarz także złoty rozpostrzą oponę hijacyntową, a włożą nań przykrycie z skór borsukowych, i założą drążki jego.
Dapat nilang ilatag ang isang asul na tela sa gintong altar. Dapat nilang takpan ito ng mga balat ng dugong, at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
12 Pobiorą też wszystkie naczynia usługi, któremi służą w świątnicy, a obwinąwszy oponą hijacyntową, przykryją je przykryciem z skór borsukowych, i włożą na drążki.
Dapat nilang dalhin ang lahat ng kasangkasapan para sa gawain sa loob ng banal na lugar at balutin ito ng isang asul na tela. Dapat nilang takpan ito ng mga balat ng dugong at ilagay ang kasangkapan sa balangkas na binubuhat.
13 Do tego zmiotą popiół z ołtarza, a na nim rozpostrzą oponę szarłatową;
Dapat nilang alisin ang mga abo mula sa altar at maglatag ng isang lilang tela sa altar.
14 I włożą nań wszystkie naczynia jego, któremi usługują przy nim, to jest łopaty, widły, i miotły, i kociełki, i wszystkie naczynia ołtarzowe, i rozpostrzą na nim przykrycie z skór borsukowych, i założą drążki jego.
Dapat nilang ilagay ang lahat ng kasangkapan sa balangkas na binubuhat na ginagamit nila sa paggawa ng altar. Ang mga bagay na ito ay ang mga kawali, mga tinidor, mga pala, mga mangkok, at lahat ng ibang kasangkapan para sa altar. Dapat nilang takpan ang altar ng mga balat ng dugong at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
15 A gdy to wykona Aaron z synami swymi, że przykryje świątnicę ze wszystkiem naczyniem świątnicy, a będzie się miał ruszyć obóz, tedy potem przyjdą synowie Kaatowi, aby one rzeczy nieśli; ale się nie będą dotykali świątnicy, aby nie pomarli. Tać jest posługa synów Kaatowych, przy namiocie zgromadzenia.
Kapag ganap na natakpan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang banal na lugar at lahat ng mga kasangkapan nito, at kapag umabante ang kampo, dapat pumunta ang mga kaapu-apuhan ni Kohat upang dalhin ang banal na lugar. Kapag hinawakan nila ang mga sagradong kasangkapan, dapat silang mamatay. Ito ang gawain ng mga kaapu-apuhan ni Kohat, upang dalhin ang mga gamit sa tolda ng pagpupulong.
16 Staranie zasię Eleazara, syna Aarona kapłana, będzie o oliwie do świecenia, o kadzeniu wonnem, o ofierze śniednej ustawicznej, i o olejku pomazywania, doglądanie przybytku, i wszystkiego, co w nim jest, i świątnicy z naczyniami jej.
Dapat pangalagaan ni paring Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ang langis para sa ilaw. Dapat niyang pangasiwaan ang pangangalaga ng matamis na insenso, ang palagiang handog na butil, ang pampahid na langis, ang buong tabernakulo at lahat ng narito, ang sagradong mga kagamitan at mga artikulo.”
17 Potem rzekł Pan do Mojżesza i Aarona, mówiąc:
Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Sinabi niya,
18 Nie zatracajcie pokolenia domów Kaatowych z pośrodku Lewitów.
“Huwag hayaan ang mga angkan ng mga tribu ni Kohat na maalis mula sa mga Levita.
19 Ale to im uczynicie, aby żyli a nie pomarli, gdy przystępować będą do miejsca najświętszego: Aaron i synowie jego przyjdą, i postanowią każdego z nich nad pracą jego i nad brzemieniem jego.
Ipangtanggol ninyo sila sa paggawa nito, upang sila ay mabuhay at hindi mamamatay. Kapag nilapitan nila ang pinakabanal na mga bagay
20 Ale niech nie wchodzą patrzyć, gdy będą uwijane rzeczy święte, aby nie pomarli.
hindi sila dapat pumasok upang tingnan ang banal na lugar kahit sandali, kasi kung gagawin nila, dapat silang mamatay. Dapat pumasok sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at pagkatapos, dapat italaga nina Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang bawat Kohatita sa kaniyang gawain, sa kaniyang natatanging mga tungkulin.”
21 Zatem rzekł Pan do Mojżesza, mówiąc:
Nagsalita muli si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
22 Zbierz summę synów Gersonowych według domów ojców ich, i według familii ich;
“Gumawa ka rin ng isang pagtatala ng mga kaapu-apuhan ni Gerson, ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno, ayon sa kanilang mga angkan.
23 Od tego, który ma trzydzieści lat i wyżej, aż do tego, który ma pięćdziesiąt lat, policzysz je, którzy sposobni będą do tej pracy, aby mogli usługować przy namiocie zgromadzenia.
Bilangin mo iyong mga tatlumpu hanggang limampung taong gulang. Bilangin mo silang lahat na sasali sa samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
24 A tać będzie powinność domów synów Gersonowych ku posłudze i ku noszeniu.
Ito ay ang gawain ng mga angkan ng Gersonita, kapag sila ay naglilingkod at anuman ang kanilang binubuhat.
25 Nosić będą opony przybytku, i namiot zgromadzenia z przykryciem jego; także przykrycie borsukowe, które z wierzchu na nim jest, i zasłonę od drzwi namiotu zgromadzenia;
Dapat nilang dalhin ang mga kurtina ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, ang mga pantakip nito, ang pantakip na balat ng dugong na nakalagay dito, at ang mga kurtina para sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
26 I opony do sieni, i zasłonę drzwi bramy u sieni, która jest u przybytku, i przy ołtarzu w około, i sznury jej, i wszystkie naczynia usługi ich, i wszystko, czego używają około usługi ich; i to czynić będą.
Dapat nilang dalhin ang mga kurtina ng patyo, ang kurtina para sa daanan sa tarangkahan ng patyo, na malapit sa tabernakulo at malapit sa altar, ang mga lubid nito, at lahat ng mga kasangkapan para sa kanilang paglilingkod. Anuman ang kailangang gawin sa mga bagay na ito, dapat nilang gawin ito.
27 Według rozkazania Aarona i synów jego będzie wszelka usługa synów Gersonowych przy każdem brzemieniu ich, i przy każdej usłudze ich; a poruczycie im pod straż wszystkie brzemiona ich.
Dapat pamahalaan nila Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang lahat ng paglilingkod ng mga kaapu-apuhan ng mga Gersonita, sa bawat bagay na kanilang ililipat, at sa lahat ng kanilang paglilingkod. Dapat mo silang italaga sa lahat ng kanilang mga tungkulin.
28 Tać będzie powinność domów synów Gersonowych w namiocie zgromadzenia, a będzie ich doglądał Itamar, syn Aarona kapłana.
Ito ay ang paglilingkod ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ng mga Gersonita para sa tolda ng pagpupulong. Ang pari na si Itamar na anak na lalaki ni Aaron ang dapat na manguna sa kanilang paglilingkod.
29 Syny także Merarego według familii ich, i według domów ojców ich policzysz:
Dapat mong bilangin ang mga kaapu-apuhan ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, at iayos mo sila ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno,
30 Od tego, który ma trzydzieści lat i wyżej, i aż do tego, który ma pięćdziesiąt lat, policzysz je; którzy będąc sposobni do tej pracy mogliby usługować przy namiocie zgromadzenia.
mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang. Bilangin mo bawat isa na sasali sa samahan at maglilingkod sa tolda ng pagpupulong.
31 A ta będzie powinność pracy ich we wszystkiej usłudze ich w namiocie zgromadzenia: deski przybytku, i drągi jego, i słupy jego, i podstawki jego nosić;
Ito ay ang kanilang tungkulin at kanilang gawain sa lahat ng kanilang paglilingkod para sa tolda ng pagpupulong. Dapat nilang pangalagaan ang pagbabalangkas ng tabernakulo, mga pahalang na haligi nito, mga poste, at mga patungan,
32 Przytem słupy sieni w około, i podstawki ich z kołkami ich, i sznury ich ze wszystkiem naczyniem ich, do wszelkiej służby ich; a mianowicie policzycie naczynia, które im poruczycie pod straż ich.
kasama ng mga poste ng patyo sa palibot ng tabernakulo, ang mga patungan ng mga ito, mga tulos na pako, at ang mga lubid nito, kasama ang mga metal ng mga ito. Itala sa kanilang pangalan ang mga bagay na dapat nilang dalhin.
33 Tać powinność będzie familii synów Merarego, według wszelkiej służby ich, przy namiocie zgromadzenia pod dozorem Itamara, syna Aarona kapłana.
Ito ay ang paglilingkod ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Merari, anuman ang kanilang gagawin para sa tolda ng pagpupulong, sa ilalim ng pamamahala n paring Itamar na anak na lalaki ni Aaron.”
34 Obliczyli tedy Mojżesz i Aaron, i książęta zgromadzenia syny Kaatowe według familii ich, i według domów ojców ich.
Binilang nina Moises, Aaron at ng mga pinuno ng mga sambayanan ang mga kaapu-apuhan ng mga Kohatita ayon sa mga angkan ng mga pamilya ng kanilang ninuno.
35 Od tych, którym było trzydzieści lat i wyżej, i aż do tych, którym było pięćdziesiąt lat, którzy sposobni będąc ku tej pracy mogliby usługować przy namiocie zgromadzenia.
Binilang sila mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang. Binilang nila ang bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
36 A było ich policzonych według familii ich dwa tysiące, siedem set i pięćdziesiąt.
Binilang nila ang 2, 750 na kalalakihan ayon sa kanilang mga angkan.
37 Cić byli policzeni z familii Kaatytów wszyscy służący przy namiocie zgromadzenia, które zliczył Mojżesz i Aaron według rozkazania Pańskiego przez Mojżesza.
Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng kalalakihan sa mga angkan at mga pamilya ng mga Kohatita na siyang naglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sa pag-gawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh na kanilang gawin sa pamamagitan ni Moises.
38 Także policzeni są synowie Gersonowi wedle familii swych, i według domów ojców swych,
Binilang ang mga kaapu-apuhan ni Gerson sa kanilang mga angkan, ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno,
39 Od tego, który miał trzydzieści lat i wyżej, i aż do tego, który miał pięćdziesiąt lat, którzy sposobni będąc ku pracy mogli usługować przy namiocie zgromadzenia.
mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang, bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
40 A było ich policzonych według familii ich, i domów ojców ich dwa tysiące, sześć set i trzydzieści.
Lahat ng kalalakihan, binilang ayon sa kanilang mga angkan at mga pamilya ng kanilang ninuno, sa bilang na 2, 630.
41 Cić byli policzeni z familii synów Gersonowych, wszyscy służący w namiocie zgromadzenia, które zliczył Mojżesz i Aaron według słowa Pańskiego.
Binilang nina Moises at Aaron ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gerson na maglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sa paggawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh sa kanila na gawin sa pamamagitan ni Moises.
42 Także policzeni z familii synów Merarego według familii swych i domów ojców swych,
Binilang ang mga kaapu-apuhan ni Merari sa kanilang angkan ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno,
43 Od tego, który miał trzydzieści lat i wyżej, i aż do tego, który miał pięćdziesiąt lat; którzy sposobni będąc ku pracy mogli usługiwać przy namiocie zgromadzenia;
mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang, bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
44 A było ich policzonych według familii ich trzy tysiące i dwieście.
Lahat ng kalalakihan, nabilang ayon sa kanilang mga angkan at mga pamilya ng kanilang mga ninuno, sa bilang na 3, 200.
45 A tać była summa policzonych z familii synów Merarego, które zliczył Mojżesz i Aaron według rozkazania Pańskiego przez Mojżesza.
Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng kalalakihang ito, ang mga kaapu-apuhan ni Merari. Sa paggawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh sa kanila na gawin sa pamamagitan ni Moises.
46 Wszystkich policzonych, które policzył Mojżesz i Aaron, i książęta Izraelskie z Lewitów według familii ich, i domów ojców ich,
Kaya binilang nina Moises, Aaron, at ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levita ayon sa kanilang angkan sa mga pamilya ng kanilang ninuno
47 Od tego, który miał trzydzieści lat i wyżej, i aż do tego, który miał pięćdziesiąt lat, każdego przychodzącego do odprawowania powinności usługi, i powinności noszenia brzemion w namiocie zgromadzenia.
mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang. Binilang nila ang bawat isa na gagawa ng mga gawain sa tabernakulo, at sinumang magdadala at mamamahala ng mga kagamitan sa tolda ng pagpupulong.
48 A było ich policzonych osiem tysięcy, i pięć set i osiemdziesiąt.
Nabilang nila ang 8, 580 na kalalakihan.
49 Według rozkazania Pańskiego policzeni są przez Mojżesza, każdy z osobna według usługi jego, i według brzemienia jego; a policzeni byli ci, które Pan rozkazał liczyć Mojżeszowi.
Sa utos ni Yahweh, binilang ni Moises ang bawat lalaki, patuloy na bilang ang bawat-isa ayon sa uri ng gawaing naitilaga sa kaniya upang gawin niya. Binilang niya ang bawat-isa sa uri ng tungkulin na kanyang pasanin. Sa paggawa nito, sinunod nila ang utos ni Yahweh na kanilang gawin sa pamamagitan ni Moises.

< Liczb 4 >