< Marka 5 >
1 Tedy się przeprawili za morze do krainy Gadareńczyków.
Dumating sila sa kabilang dako ng dagat, sa rehiyon ng Geraseno.
2 A gdy on wyszedł z łodzi, zaraz mu zabieżał z grobów człowiek mający ducha nieczystego;
At nang bumababa si Jesus sa bangka, agad may isang lalaking may maruming espiritu ang pumunta sa kaniya mula sa mga libingan.
3 Który miał mieszkanie w grobach, a nie mógł go nikt i łańcuchami związać,
Ang lalaki ay nakatira sa mga libingan. Wala nang makapagpigil sa kaniya, kahit pa kadena.
4 Przeto że on często będąc pętami i łańcuchami związany, łańcuchy porwał, i pęta pokruszył; a nie mógł go nikt ukrócić.
Ilang ulit na siyang ginapos gamit ang mga tanikala at kadena. Sinisira niya ang mga kadena at winawasak niya ang kaniyang mga tanikala. Walang sinuman ang may lakas na supilin siya.
5 A zawsze we dnie i w nocy na górach w grobach był, wołając i kamieniem się tłukąc.
Bawat gabi at araw sa mga libingan at sa mga bundok, sumisigaw siya at sinusugatan niya ang kaniyang sarili ng mga matatalas na bato.
6 Ujrzawszy tedy Jezusa z daleka, bieżał i pokłonił mu się;
Nang nakita niya si Jesus sa malayo, tumakbo siya sa kaniya at yumuko sa kaniyang harapan.
7 A wołając głosem wielkim, rzekł: Cóż mam z tobą Jezusie, Synu Boga najwyższego? Poprzysięgam cię przez Boga, abyś mię nie trapił.
Sumigaw siya nang may malakas na boses, “Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo sa Diyos mismo, huwag mo akong pahirapan.”
8 (Albowiem mu mówił: Wynijdź, duchu nieczysty! z tego człowieka.)
Sapagkat sinasabi niya sa kaniya, “Lumabas ka sa lalaking ito, ikaw na maruming espiritu.”
9 Tedy go pytał: Co masz za imię? A on odpowiadając, rzekł: Imię moje jest wojsko: albowiem nas jest wiele.
At tinanong niya ito, “Ano ang pangalan mo?” At sumagot siya, “Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami.”
10 I prosił go bardzo, aby ich nie wyganiał z onej krainy.
Paulit-ulit siyang nakiusap sa kaniya na huwag silang papuntahin sa labas ng rehiyon.
11 A była tam przy górach wielka trzoda świni, która się pasła.
Ngayon may malaking kawan ng baboy ang naroon na kumakain sa burol,
12 I prosili go oni wszyscy dyjabli, mówiąc: Puść nas w te świnie, abyśmy w nie weszli.
at nagmakaawa sila sa kaniya, na sinasabi, “Papuntahin mo kami sa mga baboy, hayaan mo kaming pumasok sa kanila.”
13 I pozwolił im zaraz Jezus. A wyszedłszy oni duchowie nieczyści, weszli w one świnie; i porwała się ona trzoda z przykra w morze (a było ich około dwóch tysięcy, ) i potonęły w morzu.
Kaya pinayagan niya ang mga ito, lumabas ang mga masamang espiritu at pumasok sa mga baboy, at nagtakbuhan sila patungo sa matarik na burol papunta sa dagat, halos dalawang libong baboy ang nalunod sa dagat.
14 A oni, którzy świnie paśli, uciekli, i oznajmili to w mieście i we wsiach; i wyszli, aby oglądali to, co się stało.
At tumakbo ang mga nagpapakain sa mga baboy at ipinamalita sa lungsod at sa mga karatig-pook kung ano ang nangyari. At maraming tao ang pumunta upang makita kung ano ang nangyari.
15 I przyszli do Jezusa, i ujrzeli onego, który był opętany, i siedział obleczony, będąc przy dobrem baczeniu; onego, mówię, w którym było wojsko dyjabłów; i bali się.
Pagkatapos ay pumunta sila kay Jesus at nakita nila ang lalaking sinapian ng demonyo— na may Pulutong—na nakaupo, nakabihis, at nasa kaniyang tamang kaisipan, at sila ay natakot.
16 A ci, którzy to widzieli, opowiedzieli im, co się działo z onym opętanym, i o świniach.
Sinabi sa kanila ng mga nakakita ng nangyari sa lalaking sinapian ng demonyo kung ano ang nangyari sa kaniya at gayon din ang tungkol sa mga baboy.
17 Tedy go poczęli prosić, aby odszedł z granic ich.
At nagsimula silang nagmakaawa sa kaniya na umalis sa kanilang rehiyon.
18 A gdy wstąpił w łódź, prosił go on, co był opętanym, aby był przy nim.
At nang sumasakay na siya sa bangka, nakiusap sa kaniya ang lalaking sinaniban ng demonyo kung maaari siyang sumama sa kaniya.
19 Lecz mu Jezus nie dopuścił, ale mu rzekł: Idź do domu swego, do swoich, a oznajmij im, jakoć wielkie rzeczy Pan uczynił, a jako się nad tobą zmiłował.
Ngunit hindi siya pumayag dito, subalit sinabi niya sa kaniya, “Umuwi ka sa iyong bahay at sa mga kasama mo, at sabihin mo sa kanila kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iyo at kung paano ka niya kinahabagan.”
20 Tedy odszedł, i począł opowiadać w dziesięciu miastach, jako mu wielkie rzeczy uczynił Jezus; i dziwowali się wszyscy.
Kaya siya ay umalis at nagsimulang ihayag ang mga dakilang bagay na ginawa ni Jesus para sa kaniya sa Decapolis at ang lahat ay namangha.
21 A gdy się zasię Jezus przeprawił w łodzi na drugą stronę, zebrał się do niego wielki lud; a on był nad morzem.
At nang si Jesus ay muling tumawid sa kabilang dako, maraming mga tao ang pumalibot sa kaniya sa bangka, sapagkat siya ay nasa tabing dagat.
22 A oto przyszedł jeden z przełożonych bóżnicy, imieniem Jairus, a ujrzawszy go, przypadł do nóg jego.
At isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating, at nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa kaniyang paanan.
23 I prosił go wielce, mówiąc: Ponieważ córeczka moja kona, pójdźże, włóż na nię ręce, aby była uzdrowiona, i będzie żywa. I poszedł z nim.
Nagmakaawa siya nang paulit-ulit na nagsasabi, “Ang aking anak na babae ay malapit nang mamatay. Nakikiusap ako sa iyo, halika ka at ipatong ang iyong mga kamay sa kaniya upang siya ay gumaling at mabuhay.”
24 I szedł za nim lud wielki, i cisnęli go.
Kaya sumama siya sa kaniya at sumunod sa kaniya ang napakaraming tao at sila ay nag-uumpukan sa palibot niya.
25 Tedy niektóra niewiasta, która cierpiała płynienie krwi ode dwunastu lat.
Ngayon, mayroong isang babae na walang tigil na dinudugo sa loob ng labing dalawang taon.
26 I wiele ucierpiała od wielu lekarzy, i wynałożyła wszystko, co miała; a nic jej nie pomogło, owszem się jej tem więcej pogorszało:
Dumanas siya ng maraming hirap sa ilalim ng mga manggagamot at naubos na niya ang lahat ng mayroon siya. Ngunit walang nakatulong sa kaniya, sa halip ay lalo pang lumala.
27 Usłyszawszy o Jezusie, przyszła z tyłu między ludem, i dotknęła się szaty jego;
Narinig niya ang mga balita tungkol kay Jesus. Kaya pumunta siya sa kaniyang likuran habang siya ay naglalakad sa gitna ng maraming tao, at hinawakan niya ang kaniyang balabal.
28 Bo mówiła: Jeźli się tylko dotknę szaty jego, będę uzdrowiona.
Sapagkat iniisip niya, “Kung mahawakan ko man lang kahit ang kaniyang damit, ako ay gagaling.”
29 A zarazem wyschło źródło krwi jej, i poczuła na ciele, że uzdrowiona była od choroby swojej.
Nang mahawakan niya siya, tumigil ang pagdurugo, at naramdaman niya sa kaniyang katawan na siya ay gumaling na sa kaniyang paghihirap.
30 A wnet poznawszy Jezus sam w sobie, że z niego moc wyszła, obrócił się do ludu i rzekł: Kto się dotknął szat moich?
At agad napansin ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya. At lumingon siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang humawak sa aking damit?”
31 I rzekli mu uczniowie jego: Widzisz, że cię ten lud ciśnie, a mówisz: Kto się mnie dotknął?
Sinabi sa kaniya ng mga alagad, “Nakita mo ang napakaraming taong nag-uumpukan sa paligid mo, at sasabihin mong 'Sino ang humawak sa akin?”
32 I spojrzał w koło, aby ujrzał tę, która to uczyniła:
Ngunit si Jesus ay tumingin sa paligid upang malaman kung sino ang may gawa nito.
33 Ale niewiasta ona z bojaźnią i ze drżeniem, wiedząc, co się przy niej stało, przystąpiła i upadła przed nim, a powiedziała mu wszystkę prawdę.
Nang nalaman ng babae ang nangyari sa kaniya, natakot siya at nanginig. Lumapit siya at nagpatirapa sa kaniyang harapan at sinabi ang buong katotohanan.
34 Zatem jej on rzekł: Córko! wiara twoja ciebie uzdrowiła, idźże w pokoju, a bądź zdrowa od choroby twojej.
Sinabi niya sa kaniya, “Anak, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Umuwi ka nang may kapayapaan at gumaling ka sa iyong karamdaman.”
35 A gdy on jeszcze mówił, przyszli słudzy od przełożonego bóżnicy, mówiąc: Córka twoja umarła, czemuż jeszcze trudzisz nauczyciela?
Habang siya ay nagsasalita, ilang tao mula sa pinuno ng sinagoga ang dumating at nagsabi, “Patay na ang iyong anak. Bakit mo pa aabalahin ang Guro?”
36 Ale Jezus skoro usłyszał to, co oni mówili, rzekł do przełożonego bóżnicy: Nie bój się, tylko wierz!
Ngunit nang marinig ni Jesus ang kanilang sinabi, sinabi niya sa pinuno ng sinagoga, “Huwag kang matakot, maniwala ka lang.”
37 I nie dopuścił nikomu iść za sobą, tylko Piotrowi, i Jakóbowi, i Janowi, bratu Jakóbowemu.
Hindi niya pinayagan ang kahit sino na sumama sa kaniya maliban kay Pedro, Santiago, at Juan na kapatid ni Santiago.
38 A przyszedł do domu przełożonego bóżnicy, i ujrzał tam zgiełk, i płaczące i bardzo narzekające.
Nakarating sila sa bahay ng pinuno nang sinagoga at nakita niya ang kaguluhan, napakaraming iyakan at pagtangis.
39 Wszedłszy tedy, rzekł im: Przecz zgiełk czynicie i płaczecie? nie umarłać dzieweczka, ale śpi.
Nang pumasok siya sa bahay, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nababalisa at bakit kayo umiiyak? Ang bata ay hindi patay kundi natutulog.”
40 I naśmiewali się z niego. Ale on wygnawszy wszystkie, wziął z sobą ojca i matkę dzieweczki, i te, którzy przy nim byli, i wszedł tam, gdzie dzieweczka leżała.
Siya ay pinagtawanan nila, ngunit pinalabas niya silang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at maging ang mga kasama niya, at pumunta sila kung saan naroroon ang bata.
41 A ująwszy za rękę onę dzieweczkę, rzekł do niej: Talita kumi! co się wykłada: Dzieweczko (tobie mówię) wstań!
Kinuha niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya, “Talitha koum,” na ang ibig sabihin ay “Batang babae, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”
42 A zaraz dzieweczka wstała, i chodziła; albowiem była w dwunastym roku. I zdumieli się zdumieniem wielkiem.
Agad na tumayo ang bata at naglakad (sapagkat siya ay labindalawang taon). At kaagad labis silang namangha.
43 Tedy im przykazał wielce, aby tego nikt nie wiedział, i rozkazał, aby jej dano jeść.
Mahigpit niya silang pinagbilinan na walang dapat makaalam ng tungkol dito. At inutusan niya sila na bigyan ang bata ng makakain.