< Hioba 32 >

1 A gdy przestali oni trzej mężowie odpowiadać Ijobowi, przeto, że się sobie zdał być sprawiedliwym:
Kaya tumigil sa pagsagot kay Job ang tatlong mga lalaking ito dahil siya ay matuwid sa sarili niyang paningin.
2 Tedy się rozpalił gniewem Elihu, syn Barachela Buzytczyka z rodu Syryjskiego, przeciw Ijobowi się rozpalił gniewem, iż usprawiedliwiał duszę swoję, więcej niż Boga.
Pagkatapos sumiklab ang galit ni Elihu anak ni Baraquel, apo ni Bus ng pamilya ni Ram; sumiklab ito laban kay Job dahil binigyang katwiran niya ang kaniyang sarili sa halip na ang Diyos.
3 Także przeciwko trzem przyjaciołom jego rozpalił się gniew jego, że nie znalazłszy odpowiedzi, przecię potępiali Ijoba.
Sumiklab din ang galit ni Elihu laban sa tatlo niyang mga kaibigan dahil wala silang nahanap na sagot kay Job, gayunman hinatulan nila si Job
4 Bo Elihu oczekiwał, jako oni Ijobowi odpowiedzą, gdyż oni starsi byli w latach niż on.
Ngayon naghintay si Elihu na makapagsalita kay Job dahil mas matanda sa kaniya ang tatlong ibang lalaki.
5 Ale widząc Elihu, że nie było odpowiedzi w ustach onych trzech mężów, rozpalił się w gniewie swoim.
Pero, nang nakita ni Elihu na walang sagot sa bibig ng tatlong mga lalaking ito, sumiklab ang kaniyang galit.
6 I odpowiedział Elihu, syn Barachela Buzytczyka, i rzekł: Jam najmłodszy w latach, a wyście starcy; przetoż wstydziłem się, i nie śmiałem wam oznajmić zdania swego.
Pagkatapos nagsalita si Elihu na anak ni Baraquel, apo ni Bus at sinabi, “Bata pa ako, at kayo ay napakatanda na. Iyon ang kung bakit nagpigil ako at hindi nangahas na sabihin sa inyo ang aking palagay.
7 Myślałem: Długi wiek mówić będzie, a mnóstwo lat nauczy mądrości.
Sinabi ko, “Ang haba ng mga araw ay dapat magsalita; ang maraming mga taon ay dapat magturo ng karunungan.
8 Aleć duch, który jest w ludziach, i natchnienie Wszechmogącego daje rozum.
Pero may espiritu sa isang tao; binibigyan siya ng pang-unawa ng hininga ng Makapangyarihan.
9 Zacni nie zawsze mądrzy, a starcy nie zawżdy rozumieją sądu.
Hindi lamang ang mga dakilang tao ang marunong, ni ang mga matatanda lamang ang nakakaunawa ng katarungan.
10 Przetoż mówię: słuchaj mię; ja też oznajmię zdanie swoje.
Dahil dito sinasabi ko sa inyo, “Dinggin ninyo ako; Sasabihin ko rin sa inyo ang aking kaalaman.'
11 Otom oczekiwał słów waszych, a przysłuchiwałem się dowodom waszym, czekając, ażbyście doszli rzeczy.
Tingnan ninyo, naghintay ako para sa inyong mga salita; nakinig ako sa inyong mga pangangatuwiran habang iniisip ninyo tungkol sa ano ang sasabihin.
12 I przypatrywałem się wam, a oto żaden z was Ijoba przekonać nie mógł; i nie masz między wami, ktoby odpowiedział słowom jego.
Tunay nga, nakinig akong mabuti sa inyo, pero, tingnan ninyo, wala isa man sa inyo ang makakumbinsi kay Job o makatugon sa kaniyang mga salita.
13 Ale snać rzeczecie: Znaleźliśmy mądrość; sam go Bóg przekonywa, nie człowiek.
Ingatan ninyong huwag sabihing, “Natagpuan namin ang karunungan! Kailangang daigin ng Diyos si Job; hindi ito magagawa ng tao lamang.
14 Aczci się Ijob nie zemną wdał w rzecz, a ja mu też nie waszemi słowy odpowiem.
Dahil hindi itinuon ni Job ang kaniyang mga salita laban sa akin, kaya hindi ko siya sasagutin gamit ang inyong mga salita.
15 Polękali się, nie odpowiadają dalej; niedostaje im słów.
Hindi makaimik ang tatlong mga lalaking ito; hindi na nila masagot si Job; ni isang salita ay wala na silang masabi.
16 Czekałemci, ale nie mówią; umilknęli, a nic więcej nie odpowiadają.
Dapat ba akong maghintay dahil hindi sila nagsasalita, dahil nakatayo sila doon nang tahimik at hindi na sumasagot?
17 Odpowiem ja też z mej strony; oznajmię ja też zdanie swoje.
Hindi, sasagot din ako sa aking panig; sasabihin ko rin sa kanila ang aking nalalaman.
18 Bom pełen słów; ciasno we mnie duchowi żywota mego.
Puno ako ng mga salita; itinutulak ako ng espiritung nasa akin.
19 Oto żywot mój jest jako moszcz bez oddechu, a jako beczka nowa rozpękłby się.
Tingnan ninyo, ang aking dibdib ay tulad ng nangangasim na alak na walang singawan; tulad ng bagong mga sisidlan ng alak, handa nang pumutok.
20 Będę tedy mówił, a wytchnę sobie; otworzę wargi swe, i odpowiem.
Magsasalita ako para ako ay maginhawahan; ibubuka ko ang aking mga labi at sasagot.
21 Nie będę teraz miał względu na żadną osobę, a z człowiekiem bez tytułów mówić będę.
Hindi ako magpapakita ng pagtatangi; hindi rin ako magbibigay kaninuman ng titulo ng panggalang.
22 Bo nie umiem tytułować, by mię w rychle nie porwał stworzyciel mój.
Dahil hindi ko alam kung paano magbigay ng ganoong titulo; kung ginawa ko iyon, maaga akong kukunin ng aking Tagalikha.

< Hioba 32 >