< Jeremiasza 5 >

1 Obchodźcie ulice Jeruzalemskie, a upatrujcie teraz, i obaczcie, a szukajcie po ulicach jego, jeźli znajdziecie męża, jeźli kto jest coby czynił sąd i szukał prawdy, a przepuszczę mu.
“Magmadali ka sa mga lansangan ng Jerusalem, maghanap din sa mga pamilihan ng kaniyang lungsod. Tingnan at pag-isipan ang tungkol dito. Kung makakatagpo ka ng tao o sinumang kumikilos nang makatarungan at sinusubukang kumilos nang tapat, patatawarin ko ang Jerusalem.
2 Ale choć mówią: Jako żyje Pan, tedy przecię krzywo przysięgają.
Kahit na sinasabi nila, 'Sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh,' sumusumpa sila ng hindi totoo.”
3 O Panie! izali oczy twoje nie patrzą na prawdę? Bijesz ich, ale ich nie boli; wniwecz ich obracasz, ale nie chcą przyjąć karania; zatwardzili oblicza swe nad opokę, nie chcą się nawrócić.
Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.
4 Tedym Ja rzekł: Podobno ci nędzni są, głupio sobie poczynają; bo nie są powiadomi drogi Pańskiej, i sądu Boga swego.
Kaya sinabi ko, “Totoong mahihirap lamang ang mga taong ito. Mga hangal sila, sapagkat hindi nila alam ang mga pamamaraan ni Yahweh ni ang mga atas ng kanilang Diyos.
5 Pójdę do celniejszych, i będę mówił do nich; bo oni są powiadomi drogi Pańskiej, i sądu Boga swego; ale i ci wespół połamali jarzmo, potargali związki.
Pupuntahan ko ang mga mahahalagang tao at ihahayag sa kanila ang mga mensahe ng Diyos, dahil kahit papaano ay alam nila ang mga pamamaraan ni Yahweh, ang mga atas ng kanilang Diyos. Ngunit sama-sama nilang sinira ang kanilang mga pamatok, sinira nila ang mga tanikalang nag-uugnay sa kanila sa Diyos.
6 Przetoż ich pobije lew z lasu, wilk wieczorny wygubi ich, lampart czyhać będzie u miast ich. Ktokolwiek wyjdzie z nich, rozszarpany będzie; bo się rozmnożyły przestępstwa ich, i zmogły się odwrócenia ich.
Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.
7 Jestże co, dlaczegobym ci miał przepuścić? Synowie twoi opuścili mię, a przysięgają przez onych, którzy nie są bogami. Jakom ich jedno nakarmił, zaraz cudzołożą, a do domu wszetecznicy hurmem się walą.
Bakit ko patatawarin ang mga taong ito? Tinalikuran ako ng iyong mga anak at sumumpa sa mga hindi diyos. Binusog ko sila, ngunit nangalunya sila at ginugol ang mga panahon sa bahay aliwan.
8 Rano wstawając są jako konie wytuczone, każdy z nich rży do żony bliźniego swego.
Mga kabayo silang nag-iinit. Naglilibot sila sa kagustuhang makipagtalik. Bawat lalaki ay humahalinghing sa asawa ng kaniyang kapwa.
9 Izali dlatego nawiedzić ich nie mam? mówi Pan; izali się nad takim narodem nie ma mścić dusza moja?
Kaya hindi ko ba sila dapat parusahan at hindi ko ba dapat ipaghiganti ang aking sarili sa bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
10 Wstąpcie na mury jego, a rozwalcie je, wszakże ich do gruntu nie znoście; znieście filarzyki murów jego, gdyż nie są Pańskie.
Akyatin ninyo ang bakuran ng kaniyang mga ubasan at wasakin. Ngunit huwag silang lubusang wasakin. Putulin ang kanilang mga puno ng ubas, sapagkat ang mga puno ng ubas na iyon ay hindi galing kay Yahweh.
11 Wielce zaiste wystąpił przeciwko mnie dom Izraelski i dom Judzki, mówi Pan.
Sapagkat labis akong pinagtaksilan ng mga sambahayan ng Israel at Juda. Ito ang pahayag ni Yahweh.
12 Zadali kłamstwo Panu, i rzekli: Nie tak, nie przyjdzieć na nas nic złego, a miecza i głodu nie doznamy.
At ikinaila nila ako. Sinabi nila, 'Hindi siya totoo. Hindi darating sa atin ang kasamaan, ni hindi tayo makakakita ng espada o taggutom.
13 A ci prorocy pominą z wiatrem, a żadnego słowa Bożego niemasz u nich; i owszem tak się im samym stanie.
Sapagkat naging walang silbi ang mga propeta gaya ng hangin at wala ni isa ang magpapahayag sa atin ng mga mensahe ni Yahweh. Hayaang dumating sa kanilang mga sarili ang kanilang mga pagbabanta.'”
14 Przetoż tak mówi Pan, Bóg zastępów: Ponieważeście to mówili, oto Ja kładę słowa moje w usta twoje za ogień, a lud ten za drwa, i pożre ich.
Kaya sinabi ito ni Yahweh na Diyos ng mga hukbo, “Dahil sinabi ninyo ito, tingnan mo, ilalagay ko na ang aking salita sa iyong bibig. Magiging tulad ito ng apoy at ang mga taong ito ay magiging tulad ng mga kahoy! Sapagkat tutupukin sila nito.
15 Oto Ja przywiodę na was naród z daleka, o domie Izraelski! mówi Pan, naród mocny, naród starodawny, naród, którego języka umieć nie będziesz, ani zrozumiesz, co mówi.
Tingnan ninyo! Magpapadala ako ng isang bansa mula sa malayo laban sa inyo, sambahayan ng Israel. Ito ay magtatagal na bansa at sinaunang bansa! Ito ay isang bansang hindi ninyo alam ang kanilang wika, ni maiintindihan ang kanilang sinasabi. Ito ang pahayag ni Yahweh.
16 Którego sajdak jako grób otwarty, wszyscy są mężni.
Ang lalagyan nito ng palaso ay tulad ng isang bukas na libingan. Lahat sila ay mga kawal.
17 I zjedzą urodzaj twój, i chleb twój: pożrą synów twoich i córki twoje; poje trzody twoje i woły twoje; poje winną macicę twoję, i figi twoje, a miasta twoje obronne, w których ty ufasz, mieczem znędzi.
Kaya mauubos ang inyong ani, gayon din ang inyong mga anak at ang inyong pagkain. Kakainin nila ang inyong mga kawan at baka, kakainin nila ang mga bunga mula sa mga puno ng inyong ubas at mga puno ng igos. Pababagsakin nila sa pamamagitan ng espada ang inyong mga matitibay na lungsod na inyong pinagkakatiwalaan.
18 A wszakże i w one dni, mówi Pan, końca z wami nie uczynię.
Ngunit kahit sa mga araw na iyon, hindi ko ninais na lubusan kayong wasakin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
19 Albowiem gdy rzeczecie: Przeczże nam Pan, Bóg nasz, to wszystko czyni? Tedy im odpowiesz: Jakoście mię opuścili, a służyli bogom cudzym w ziemi waszej, tak służyć będziecie cudzoziemcom w ziemi nie waszej.
Mangyayari ito kapag sinabi ninyo, Israel at Juda, 'Bakit ginawa ni Yahweh na ating Diyos ang lahat ng mga bagay na ito sa atin?' At sasabihin mo Jeremias sa kanila, 'Kung paanong tinalikuran ninyo si Yahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos sa inyong lupain, maglilingkod din kayo sa mga dayuhan sa isang lupaing hindi ninyo pag-aari.'
20 Oznajmijcie to domowi Jakóbowemu, a rozgłoście w Judzie, mówiąc:
Ibalita ito sa sambahayan ni Jacob at hayaang marinig ito sa Juda. Sabihin mo,
21 Słuchajcież teraz tego, ludu głupi! który niemasz serca, który oczy mając, a nie widzisz, który uszy mając, a nie słyszysz.
'Pakinggan ninyo ito mga hangal na tao! Sapagkat ang mga diyus-diyosan ay walang kakayahan, may mga mata sila ngunit hindi sila nakakakita. May mga tainga sila ngunit hindi sila nakaririnig.
22 I nie będziecież się mnie bali? mówi Pan; a przed obliczem mojem nie będziecież się lękali? którym położył morzu piasek za granicę ustawą wieczną, a nie przestąpi jej. Choć się wzruszą, wszakże nie przemogą; choć się wzburzą wały jego, wszakże nie przeskoczą go.
Hindi ba ninyo ako kinatatakutan o manginig sa aking harapan? Naglagay ako ng mga buhangin na hangganan sa dagat, isang patuloy na atas na hindi nito nilalabag, kahit na tumataas at bumababa ang dagat, hindi pa rin nito nilalabag. Kahit pa dumagundong ang mga alon nito, hindi nito nilalagpasan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
23 Ale ten lud ma serce ociążałe i odporne; odstąpili odemnie i odeszli;
Ngunit matitigas ang puso ng mga taong ito. Naghimagsik sila at lumayo.
24 Ani rzekli w sercu swem: Bójmy się już Pana, Boga naszego, który daje deszcz i w jesieni i na wiosnę czasu swego, który tygodni pewnych i żniwa naszego przestrzega.
Sapagkat hindi nila sinabi sa kanilang mga puso, “Matakot tayo kay Yahweh na ating Diyos, ang siyang nagdadala ng ulan, ang maaga at huling ulan sa kanilang takdang panahon at naglalaan ng mga takdang linggo ng pag-aani para sa atin.”
25 Ale nieprawości wasze odwróciły to, a grzechy wasze zahamowały to dobro od was.
Ang inyong mga kasamaan ang pumigil upang mangyari ang mga bagay na ito. Ang inyong mga kasalanan ang pumigil sa mga mabubuting bagay na dumating para sa inyo.
26 Bo się znajdują w ludu moim niezbożnicy, którzy czyhają jako łowcy, rozciągają sieci, zastawiają sidła, a łapią ludzi.
Sapagkat ang mga masasamang kalalakihan ay matatagpuan sa aking mga tao. Nagbabantay sila gaya ng taong nakahandang manghuli ng mga ibon, naglalagay sila ng bitag at nanghuhuli ng mga tao.
27 Jako klatka pełna ptaków, tak domy ich pełne są zdrady; przetoż się wzmogli i zbogacili.
Katulad ng hawla na punung-puno ng mga ibon, ang kanilang mga bahay ay punung-puno ng panlilinlang. Kaya dumami sila at naging mayaman.
28 Roztyli, lśnią się, i innych w złościach przewyższają; sprawy nie sądzą, ani sprawy sierotki; wszakże się im szczęści, chociaż sprawy ubogiego nie rozsądzili.
Naging mataba sila at naging tanyag nang may kagalingan. Ginawa nila ang lahat ng kasamaan. Hindi nila ipinaglaban ang kapakanan ng mga tao o ang kapakanan ng mga ulila. Nagtagumpay sila kahit na hindi sila nagbigay ng katarungan sa mga nangangailangan.
29 Izali dlatego nie nawiedzę ich? mówi Pan; izali się nad narodem takowym nie będzie mścić dusza moja?
Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil sa mga bagay na ito? At hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa isang bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
30 Rzecz dziwna i sroga dzieje się w tej ziemi:
Naganap ang mga kasamaan at katakot-takot ang nangyari sa lupain.
31 Prorocy kłamliwie prorokują, a kapłani panują przez ręce ich, a lud mój kocha się w tem; czegożbyście na ostatek nie uczynili?
Nagpahayag ang mga propeta nang may panlilinlang at namuno ang mga pari gamit ang kanilang sariling kapangyarihan. Inibig ng aking mga tao ang mga pamamaraang ito, ngunit ano ang mangyayari sa huli?

< Jeremiasza 5 >