< Izajasza 11 >
1 Ale wyjdzie rószczka ze pnia Isajego, a latorostka z korzenia jego wyrośnie.
Isang sibol ang magmumula sa ugat ni Jesse, at ang isang sanga mula sa kaniyang ugat ang magbubunga.
2 I odpocznie na nim Duch Pański, Duch mądrości i rozumu, Duch rady i mocy, Duch umiejętności i bojaźni Pańskiej.
Mapapasakanya ang espiritu ni Yahweh, espiritu ng karunungan at pang-unawa, espiritu ng paggabay at kapangyarihan, ang espiritu ng kaalaman at takot kay Yahweh.
3 I będzie czułym w bojaźni Pańskiej, nie będzie według widzenia oczów swoich sądził, ani według słyszenia uszów swoich karał.
Ang pagkatakot kay Yahweh ang magiging kagalakan niya; hindi siya manghahatol ayon sa nakikita ng kaniyang mga mata, ni magpapasya ayon sa naririnig ng kaniyang tainga.
4 Ale będzie ubogich sądził w sprawiedliwości, a w prawości będzie karał cichych na ziemi. I uderzy ziemię rózgą ust swoich, a duchem warg swoich zabije niezbożnika.
Sa halip, hahatulan niya ang mahihirap nang makatwiran at magpapasya ng patas sa mga mapagkumbaba sa mundo. Hahampasin niya ang mundo ng pamalo ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng kaniyang mga labi, papatayin niya ang masasama.
5 Albowiem sprawiedliwość będzie pasem biódr jego, a prawda przepasaniem nerek jego.
Ang katuwiran ang magiging sinturon niya sa kaniyang baywang, at katapatan ang sinturon na nakasuot sa kaniyang balakang.
6 I będzie mieszkał wilk z barankiem, a lampart z koźlęciem będzie leżał; także cielę i szczenię lwie, i karmne bydła pospołu będą, a małe dziecię rządzić ich będzie.
Mamumuhay ang lobo kasama ng kordero, at hihiga ang leopardo kasama ng batang kambing, guya, batang leon at pinatabang guya. Isang maliit na bata ang mamumuno sa kanila.
7 Krowa i niedźwiedzica społem paść się będą, a płód ich pospołu leżeć będzie, a lew jako wół plewy jeść będzie.
Magkasamang kakain ang baka at oso, at magkakasamang matutulog ang kanilang mga anak. Kakain ang leon ng damo gaya ng baka.
8 A dziecię ssące będzie grało nad dziurą żmijową; a to, które odstawione jest, wpuści rękę swoję do dziury bazyliszkowej.
Makapaglalaro ang isang sanggol sa bahay ng ahas, at mailalagay ng batang hindi na sumususo sa kaniyang ina ang kaniyang mga kamay sa lungga ng ahas.
9 Nie będą szkodzić ani zabijać na wszystkiej górze mojej świętej; bo ziemia będzie napełniona znajomością Pańską, tak jako morze wodami napełnione jest.
Hindi nila sasaktan ni wawasakin ang lahat ng banal na bundok; dahil mapupuno ang mundo ng maraming kaalaman kay Yahweh, gaya ng tubig na binabalutan ang dagat.
10 I stanie się dnia onego, że się za korzeniem Isajego, który stanie za chorągiew narodom, poganie pytać będą; albowiem odpocznienie jego sławne będzie.
Sa araw na iyon, titindig ang ugat ni Jesse bilang isang bandila para sa mga tao. Hahanapin siya ng mga bansa, at magiging maluwalhati ang kaniyang lugar ng kapahingahan.
11 Stanie się też dnia onego, iż Pan powtóre rękę swą przyłoży, aby posiadł ostatek ludu swego, który pozostanie od Assyryjczyków i od Egiptu, i od Patros, i od Chus, i od Elam, i od Senaar, i od Emat, i od wysep morskich.
Sa araw na iyon, muling iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay para mabawi ang nalabi sa kaniyang mga tao sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Sinar, Hamat, at mga isla sa karagatan.
12 I podniesie chorągwie między poganami, a zgromadzi wygnanych z Izraela, a rozproszonych z Judy zbierze ze czterech stron ziemi.
Maglalagay siya ng bandila para sa mga bansa at titipunin ang mga taga-Israel at Juda na tinapon mula sa apat na sulok ng mundo.
13 I ustanie nienawiść Efraimowa, a nieprzyjaciele Judowi wykorzenieni będą. Efraim nie będzie nienawidził Judy, a Juda nie będzie trapił Efraima;
Ititigil niya ang inggit ng Efraim, at aalisin niya ang mga laban sa Juda. Hindi na maiinggit ang Efraim sa Juda, at hindi na laban ang Juda sa Efraim.
14 Ale polecą na ramię Filistynów na zachód, a pospołu łupić będą narody na wschód słońca; na Edomczyków i Moabczyków ściągną rękę swą, a synowie Amonowi posłuszni im będą.
Sa halip, lulusob sila sa mga burol ng Filisteo sa kanluran, at sama-sama nilang susugurin ang mga tao sa silangan. Lulusubin nila ang Edom at Moab, at susunod sa kanila ang bayan ng Ammon.
15 Zniszczy też Pan odnogę morza Egipskiego, i podniesie rękę swoję przeciwko rzece mocnym wiatrem swym, a rozdzieli ją na siedm potoków, i sprawi to, że ją w obuwiu przechodzić będą.
Lubusang wawasakin ni Yahweh ang gulpo ng dagat ng Ehipto. Sa pamamagitan ng tuyong hangin, iwawagayway niya ang kaniyang kamay sa Ilog ng Eufrates at hahatiin ito sa pitong batis, para matawiran gamit ang mga sandalyas.
16 A będzie drogą bitą ostatkowi ludu jego, który pozostanie od Assyryjczyków, jako była Izraelowi dnia onego, kiedy wychodził z ziemi Egipskiej.
Magkakaroon doon ng malapad na daanan para sa mga nalabing tao na bumalik mula sa Asiria, kung paanong nakadaan ang Israel palabas mula sa lupain ng Ehipto.