< Rodzaju 7 >
1 I rzekł Pan do Noego: Wnijdź ty i wszystek dom twój do korabia; bom cię widział sprawiedliwym przed obliczem mojem w narodzie tym.
Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan.
2 Z każdego bydlęcia czystego weźmiesz z sobą siedmioro a siedmioro, samca i samicę jego; ale z zwierząt nieczystych po dwojgu, samca i samicę jego.
Sa bawat malinis na hayop magdala ka ng pitong lalaki at pitong babae. At sa mga hayop na hindi malinis, magdala ka ng dalawa, ang lalaki at kanyang kapares.
3 Także z ptastwa niebieskiego siedmioro a siedmioro, samca i samicę, aby żywe zachowane było nasienie na wszystkiej ziemi.
Gayundin ang mga ibon sa kalangitan, magdala ka ng pitong lalaki at pitong babae, upang mapanatili ang kanilang mga supling sa ibabaw ng buong mundo.
4 Albowiem jeszcze po siedmiu dniach spuszczę deszcz na ziemię, przez czterdzieści dni i czterdzieści nocy, i wygładzę wszystko stworzenie, którem uczynił, z oblicza ziemi.
Pagkalipas ng pitong araw idudulot kong umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Lilipulin ko mula sa ibabaw ng lupa ang bawat buhay na nilalang na aking ginawa.”
5 Uczynił tedy Noe według wszystkiego, jako mu był Pan rozkazał.
Ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos ni Yahweh sa kanya.
6 A Noemu było sześć set lat, gdy przyszedł potop wód na ziemię.
Si Noe ay anim na raang taong gulang nang dumating ang baha sa mundo.
7 I wszedł Noe, i synowie jego, i żona jego, i żony synów jego z nim, do korabia, dla potopu wód.
Si Noe, ang kanyang mga anak na lalaki, ang kanyang asawa, at ang mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay sama-samang pumasok sa arka dahil sa mga tubig ng baha.
8 Z zwierząt też czystych, i z zwierząt, które nie były czyste, i z ptastwa, i ze wszystkiego, co się płaza po ziemi;
Ang mga malinis at hindi malinis na mga hayop, mga ibon, at lahat ng mga gumagapang sa lupa,
9 Po parze weszło do Noego do korabia, to jest samiec i samica, jako był rozkazał Bóg Noemu.
dala-dalawa, lalaki at babae, ang pumunta kay Noe at pumasok sa arka, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe.
10 I stało się po siedmiu dniach, iż wody potopu przyszły na ziemię.
Nangyari na matapos ang pitong araw, dumating ang tubig ng baha sa mundo.
11 Roku sześćsetnego wieku Noego, miesiąca wtórego, siedemnastego dnia tegoż miesiąca, w tenże dzień przerwały się wszystkie źródła przepaści wielkiej, i okna niebieskie otworzyły się.
Sa ika-anim na raang taon ng buhay ni Noe, sa pangalawang buwan sa ikalabimpitong araw ng buwan, sa parehong araw, ang lahat ng mga bukal ng kailaliman ay sumambulat, at ang mga bintana ng langit ay nabuksan.
12 I padał deszcz na ziemię, czterdzieści dni i czterdzieści nocy.
Nagsimulang umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi.
13 Onegoż dnia wszedł Noe i Sem i Cham i Jafet, synowie Noego, i żona Noego, i trzy żony synów jego z nim do korabia.
Sa araw ding iyon si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, na sina Sem, Ham, at Jafet, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay kasama niyang pumasok sa arka.
14 Oni, i wszelki zwierz według rodzaju swego, i wszelkie bydlę według rodzaju swego, i wszelka gadzina płazająca się po ziemi, według rodzaju swego, i wszystko latające według rodzaju swego, i wszelki ptak, i wszelka rzecz skrzydlasta.
Pumasok sila kasama ang bawat mababangis na hayop ayon sa kanilang uri, at bawat klase ng alagang mga hayop ayon sa kanilang uri, at bawat gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo ayon sa kanilang uri, at bawat klase ng ibon ayon sa kanilang uri, bawat uri ng nilikha na may mga pakpak.
15 A tak weszło do Noego w korab po parze z każdego ciała, w którem był duch żywota.
Dalawa sa lahat ng laman na may hininga ng buhay ay pumunta kay Noe at pumasok sa arka.
16 A które weszły, samiec i samica z każdego ciała weszły, jako mu Bóg rozkazał. I zamknął Pan za nim.
Ang mga hayop na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng laman; pumasok sila gaya ng iniutos ng Diyos sa kanya. Pagkatapos isinara ni Yahweh ang pintuan sa likod nila.
17 Był tedy potop przez czterdzieści dni na ziemi, i wezbrały wody i podniosły korab, i był podniesiony od ziemi.
Pagkatapos dumating ang baha sa mundo sa loob ng apatnapung araw, at tumaas ang tubig at binuhat ang arka. Umangat ito mula sa mundo.
18 I wzmogły się wody, a wezbrały bardzo nad ziemią, i pływał korab po wodach.
Rumagasa ang tubig at lubhang tumaas sa mundo, at lumutang ang arka sa ibabaw ng tubig.
19 Tedy się wody wzmogły nader bardzo nad ziemią, i okryły się wszystkie góry wysokie, które były pod wszystkiem niebem.
Ang tubig ay buong lakas na tumaas nang tumaas sa mundo. Tinakpan nilang tuluyan ang lahat ng matataas na mga bundok na nasa silong ng buong langit.
20 Piętnaście łokci wzwyż wezbrały wody, gdy były okryte góry.
Tumaas ang mga tubig ng labinlimang kubit sa ibabaw ng mga tuktok ng mga bundok.
21 Zaginęło tedy wszelkie ciało ruchające się na ziemi, i z ptaków, i z bydła, i z zwierząt, i wszelkiej gadziny płazającej się po ziemi, i wszyscy ludzie.
Namatay ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng mundo: ang mga ibon, ang mga alagang hayop, ang mga mababangis na hayop, lahat ng nagkukumpol na mga nilikha na nagkumpol sa ibabaw ng mundo, at lahat ng sangkatauhan.
22 Wszystko, którego tchnący duch żywota był w nozdrzach jego, ze wszystkiego, co na suszy było, pomarło.
Lahat ng nilalang na may hininga nang espiritu ng buhay sa kanilang ilong, lahat ng nasa tuyong lupa, nangamatay.
23 Tak wygładził Bóg wszystko stworzenie, które było na ziemi, od człowieka aż do bydlęcia, aż do gadziny, i aż do ptastwa niebieskiego, wygładzone są z ziemi, i został tylko Noe i którzy z nim byli w korabiu.
Kaya bawat buhay na bagay na nasa ibabaw ng mundo ay nalipol, mula sa sangkatauhan hanggang sa malalaking mga hayop, mga gumagapang na mga bagay, at mga ibon sa himpapawid. Nawasak silang lahat mula sa mundo. Tanging si Noe at ang kanyang mga kasama sa arka ang natira.
24 I trwały wody nad ziemią sto i pięćdziesiąt dni.
Nangibabaw ang tubig sa mundo sa loob ng isandaan at limampung araw.