< II Kronik 4 >
1 Uczynił też ołtarz miedziany na dwadzieścia łokci wdłuż, i na dwadzieścia łokci wszerz, a na dziesięć łokci wzwyż.
Bukod dito'y gumawa siya ng dambanang tanso na dalawangpung siko ang haba niyaon, at dalawangpung siko ang luwang niyaon, at sangpung siko ang taas niyaon.
2 Dał też urobić i morze odlewane na dziesięć łokci od jednego brzegu aż do drugiego brzegu, okrągłe w około, a na pięć łokci wysokość jego, a okrąg jego był na trzydzieści łokci w około.
Gumawa rin siya ng dagatdagatan na binubo na may sangpung siko sa labi't labi, na mabilog, at ang taas niyaon ay limang siko; at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko na nakalibid sa paligid.
3 A pod niem zewsząd w około były podobieństwa wołów, których było dziesięć w łokciu, a otaczały morze w około; a były dwa rzędy tych wołów odlanych pospołu z morzem.
At sa ilalim niyao'y may kawangis ng mga baka na lumilibot sa palibot, na sangpung siko, na nakaligid sa palibot ng dagatdagatan. Ang mga baka ay dalawang hanay, na binubo nang bubuin yaon.
4 A stało na dwunastu wołach, z których trzy patrzały na północy, a trzy patrzały na zachód słońca, a trzy patrzały na południe, a trzy patrzały na wschód słońca; a morze stało na nich na wierzchu, a wszystkie zadki ich były pod morzem.
Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka, tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, at tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, at tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan: at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon sa ibabaw, at lahat nilang puwitan ay nasa dakong loob.
5 A było miąższe na dłoni; a brzeg jego był jako kraje u kubka nakształt kwiatu lilijowego, a brało w się trzy tysiące wiader.
At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyao'y yaring gaya ng labi ng isang saro, gaya ng bulaklak ng lila: naglalaman ng tatlong libong bath.
6 Przy tem uczynił wanien dziesięć, i postawił ich pięć po prawej a pięć po lewej stronie, do umywania z nich; wszystko, co należało na całopalenie, obmywano z nich; ale morze było, iżby się kapłani z niego umywali.
Siya nama'y gumawa ng sangpung hugasan, at inilagay ang lima sa kanan, at lima sa kaliwa, upang paghugasan: na ang mga bagay na nauukol sa handog na susunugin ay hinugasan doon: nguni't ang dagatdagatan ay upang paghugasan ng mga saserdote.
7 Uczynił też świeczników złotych dziesięć na ten kształt, jako być miały, i postawił je w kościele, pięć po prawej a pięć po lewej stronie.
At siya'y gumawa ng sangpung kandelero na ginto ayon sa ayos tungkol sa mga yaon; at inilagay niya sa templo, na lima sa kanan, at lima sa kaliwa.
8 Uczynił też stołów dziesięć, które postawił w kościele, pięć po prawej a pięć po lewej stronie; uczynił też czasz złotych sto.
Gumawa rin naman siya ng sangpung dulang, at inilagay sa templo, na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa. At siya'y gumawa ng isang daang mangkok na ginto.
9 Zbudował też sień kapłańską, i sień wielką, i drzwi u onej sieni, a drzwi ich obił miedzią.
Bukod dito'y ginawa niya ang looban ng mga saserdote, at ang malaking looban, at ang mga pinto na ukol sa looban at binalot ng tanso ang mga pinto ng mga yaon.
10 A morze postawił po prawej stronie na wschód słońca ku południowej stronie.
At kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa dakong kanan ng bahay sa may dakong silanganan na gawing timugan.
11 Poczynił też Chiram kotły, i miotły, i miednice.
At ginawa ni Hiram ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos ni Hiram ang paggawa ng gawain na ginawa niya na ukol sa haring Salomon sa bahay ng Dios:
12 A tak dokończył Chiram roboty, którą uczynił Salomonowi królowi do domu Bożego, to jest, słupy dwa z okręgami i z gałkami na wierzchu onych dwóch słupów, i dwie siatki, które okrywały one dwie gałki okrągłe, co były na wierzchu słupów.
Ang dalawang haligi, at ang mga kabilugan, at ang dalawang kapitel na nasa dulo ng mga haligi, at ang dalawang yaring lambat na nagsisitakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi;
13 Nadto jabłek granatowych cztery sta do onych dwóch siatek, które dwa rzędy jabłek granatowych były na każdej siatce, aby okrywały one dwie gałki okrągłe, które były na wierzchu słupów.
At ang apat na raang granada na ukol sa dalawang yaring lambat; dalawang hanay na granada na ukol sa bawa't yaring lambat, upang tumakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi.
14 Porobił także podstawki, a wanny postawił na podstawkach;
Ginawa rin niya ang mga tungtungan, at ang mga hugasan ay ginawa niya sa ibabaw ng mga tungtungan;
15 Morze jedno, a wołów dwanaście pod niem.
Isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka ay sa ilalim niyaon.
16 Do tego kotły, i miotły, i wszystkie naczynia ich porobił Chiram Abi królowi Salomonowi do domu Pańskiego z miedzi czystej.
Ang mga palayok naman, at ang mga pala, at ang mga pangduro, at lahat ng kasangkapan niyaon, ay ginawa ni Hiram na kaniyang ama para sa haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon na tansong binuli.
17 Na równinach Jordańskich zlewał je król w iłowatej ziemi, między Sochotem i między Saredata.
Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa sa pagitan ng Suchot at ng Sereda.
18 A tak nasprawiał Salomon naczynia tego wszystkiego bardzo wiele, tak iż wagi miedzi nie dochodzono.
Ganito ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapang ito na totoong sagana; sapagka't ang timbang ng tanso ay hindi makukuro.
19 Sprawił także Salomon wszystko naczynie, które należało do domu Bożego, jako ołtarz złoty, i stoły, na których bywały chleby pokładne.
At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nangasa bahay ng Dios, ang gintong dambana rin naman, at ang mga dulang na kinaroroonan ng tinapay na handog;
20 Także świeczniki, i lampy ich z szczerego złota, aby je rozświecano według obyczaju przed świątnicą;
At ang mga kandelero na kalakip ng mga ilawan niyaon, na mga paniningasan ayon sa ayos sa harap ng sanggunian, na taganas na ginto;
21 I kwiaty, i lampy, i nożyczki złote, które złoto było wyborne;
At ang mga bulaklak, at ang mga ilawan at ang mga gunting, na ginto, at yao'y dalisay na ginto;
22 Naczynia też muzyczne, i miednice, i łyżki, i kadzielnice ze złota szczerego, i bramę do domu, drzwi wnętrzne do świątnicy najświętszej, i drzwi do domu, to jest do kościoła ze złota.
At ang mga gunting, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga pangsuob, na taganas na ginto: at tungkol sa pasukan ng bahay, ang mga pinakaloob na pinto niyaon na ukol sa kabanalbanalang dako, at ang mga pinto ng bahay, ng templo, ay ginto.