< I Samuela 11 >

1 Tedy przyciągnął Nahas, Ammończyk, i położył się obozem przeciw Jabes Galaadskiemu. I rzekli wszyscy mężowie Jabes do Nahasa: Uczyń z nami przymierze a będziemyć służyli.
Pagkatapos nilusob ni Nahas na Ammonita ang Jabes Gilead. Sinabi ng lahat ng kalalakihan ng Jabes kay Nahas, “Gumawa ng isang kasunduan sa amin at maglilingkod kami sa iyo.”
2 I rzkł do nich Nahas, Ammończyk: W ten sposób uczynię z wami przymierze, jeźli wyłupię z was każdemu oko prawe, a włożę to obelżenie na wszystkiego Izraela.
Sumagot si Nahas na taga-Ammon, “Sa kondisyong ito gagawa ako ng kasunduan sa inyo, na dudukutin ko ang lahat ng kanang mata ninyo, at sa paraang ito, magdadala ng kahihiyan sa buong Israel.”
3 I rzekli do niego starsi z Jabes: Pozwól nam siedm dni, że roześlemy posły po wszystkich granicach Izraelskich; a jeźli nie będzie, ktoby nas ratował, tedy wynijdziemy do ciebie.
Sumagot ang mga nakatatanda ng Jabes, “Iwan muna kami sa loob ng pitong araw para makapagpadala kami ng mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Pagkatapos, kung walang magliligtas sa amin, susuko kami sa iyo.”
4 I przyszli posłowie do Gabaa Saulowego, a powiedzieli te słowa, gdzie słyszał lud; i podniósł wszystek lud głos swój, a płakał.
Dumating ang mga sugo sa Gibea, kung saan nakatira si Saul, at sinabi nila sa mga tao kung ano ang nangyari. Umiyak nang malakas ang lahat ng tao.
5 A oto, Saul szedł za wołami z pola, i rzekł Saul: Cóż się stało ludowi, iż płacze? I powiedzieli mu wszystkie słowa mężów z Jabes.
Ngayon sinusundan ni Saul ang mga lalaking baka sa bukid. Sinabi ni Saul, “Anong problema ng mga tao na umiiyak sila?” Sinabi nila kay Saul kung ano ang sinabi ng mga kalalakihan ng Jabes.
6 Tedy zstąpił Duch Boży na Saula, gdy usłyszał słowa te, i zapalił się gniew jego bardzo.
Nang marinig ni Saul ang sinabi nila, agad na dumating ang Espiritu ng Diyos sa kanya, at galit na galit siya.
7 A wziąwszy parę wołów, rozrąbał je na sztuki, i rozesłał po wszystkich granicach Izraelskich przez też posły, mówiąc: Ktokolwiek nie wynijdzie za Saulem i za Samuelem, tak się stanie wołom jego. I padł strach Pański na lud, i wyszli jako mąż jeden.
Kumuha siya ng magkasingkaw na lalaking baka at pinagpira-piraso ang mga iyon. Pinadala niya ang mga iyon sa mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Sinabi niya, “Sinuman ang hindi lumabas kasunod ni Saul at kasunod ni Samuel, ito ang gagawin sa kanyang lalaking baka. Dumating sa mga tao ang takot kay Yahweh at lumabas silang magkakasama bilang isang lalaki.
8 I obliczył je w Bezeku; a było synów Izraelskich trzy kroć sto tysięcy, a mężów Juda trzydzieści tysięcy.
Nang tinipon niya sila sa Bezek, ang mga tao ng Israel ay tatlondaang libo, at tatlumpung libo ang kalalakihan ng Juda.
9 I rzekli posłom, którzy byli przyszli: Tak powiedzcie mężom w Jabes Galaad: Jutro będziecie wybawieni, gdy ogrzeje słońce. I wrócili się posłowie, i oznajmili to mężom w Jabes, którzy się uweselili.
Sinabi nila sa mga dumating na mga mensahero, “Sabihin sa mga kalalakihan ng Jabes Gilead, 'Bukas, sa oras na mainit ang araw, ililigtas ko kayo.'” Kaya umalis ang mga mesahero at sinabihan ang mga kalalakihan ng Jabes at natuwa sila.
10 Tedy rzekli mężowie Jabese Ammonitom: Jutro wynijdziemy do was, a uczynicie z nami wszystko, co dobrego będzie w oczach waszych.
Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng Jabes kay Nahas, “Bukas susuko kami sa iyo, at magagawa mo sa amin anuman ang mukhang mabuti sa iyo.”
11 Nazajutrz tedy rozszykował Saul lud na trzy hufy; i wtargnął w pośrodek obozu przed świtaniem; i bił Ammonity, aż się dzień ogrzał; a którzy pozostali, rozpierzchnęli się, tak, iż nie zostało z nich i dwóch pospołu.
Sumunod na araw, hinati ni Saul ang mga tao sa tatlong pangkat. Dumating sila sa gitna ng kampo sa oras ng pang-umagang tanod at sinalakay at tinalo nila ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw. Kumalat ang mga nakaligtas, at walang dalawa sa kanila ang naiwang magkasama.
12 I rzekł lud do Samuela: Któż jest ten, co mówił: Saulże będzie królował nad nami? Wydajcie męże te, abyśmy je pobili.
Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Samuel, “Sino iyong nagsabing, 'Maghahari ba sa atin si Saul?' Dalhin ang mga lalaki upang mapatay namin sila.”
13 I rzekł Saul: Nie będzie nikt zabity dnia tego; bo dziś Pan uczynił wybawienie w Izraelu.
Subalit sinabi ni Saul, “Walang dapat patayin sa araw na ito dahil ngayon, iniligtas ni Yahweh ang Israel.”
14 Zatem rzekł Samuel do ludu: Pójdźcie, a idźmy do Galgal, a tam odnowimy królestwo.
Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, “Halikayo, pumunta tayo sa Gilgal at baguhin ang kaharian doon.”
15 Szedł tedy wszystek lud do Galgal, i postanowili tam Saula królem przed Panem w Galgal, tamże sprawowali ofiary spokojne przed Panem. I weselił się tam Saul, i wszyscy mężowie Izraelscy bardzo.
Kaya pumunta sa Gilgal ang lahat ng tao at ginawang hari si Saul sa harapan ni Yahweh sa Gilgal. Nag-alay sila roon ng mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh at lubos na nagalak si Saul at lahat ng mga kalalakihan ng Israel.

< I Samuela 11 >