< مزامیر 38 >

مزمور داوود. از خدا می‌خواهد او را به یاد آورد. ای خداوند، هنگامی که غضبناک و خشمگین هستی مرا تنبیه نکن. 1
Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit: ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
تیرهای تو در بدنم فرو رفته و از ضرب دست تو به خاک افتاده‌ام. 2
Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
در اثر خشم تو جای سالمی در بدنم نمانده؛ به سبب گناهم استخوانهایم در هم کوبیده شده‌اند. 3
Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
تقصیراتم از سرم گذشته‌اند و همچون باری گران بر من سنگینی می‌کنند. 4
Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin.
به سبب حماقتم، زخمهایم متعفن و چرکین شده‌اند. 5
Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok, dahil sa aking kamangmangan.
به خود می‌پیچم و به کلی خمیده شده‌ام. تمام روز می‌نالم و به این سو و آن سو می‌روم. 6
Ako'y nahirapan at ako'y nahukot; ako'y tumatangis buong araw.
از شدت تب می‌سوزم و جای سالمی در بدنم نمانده است. 7
Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman.
تاب تحمل خود را از دست داده‌ام و به کلی از پای افتاده‌ام؛ غم، دلم را گرفته و از شدت درد می‌نالم. 8
Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam: ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
خداوندا، تمام آرزوهایم را می‌دانی؛ آه و نالهٔ من از تو پوشیده نیست. 9
Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
قلب من به شدت می‌تپد، قوتم از بین رفته و چشمانم کم نور شده است. 10
Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata: tungkol sa liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
دوستان و رفقایم به سبب این بلایی که بر من عارض شده، از من فاصله می‌گیرند و همسایگانم از من دوری می‌کنند. 11
Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo.
آنانی که قصد جانم را دارند، برایم دام می‌گذارند و کسانی که در صدد آزارم هستند، به مرگ تهدیدم می‌کنند و تمام روز علیه من نقشه می‌کشند. 12
(Sila) namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay, at nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
من همچون شخص کری هستم که نمی‌تواند بشنود، مانند شخص لالی هستم که نمی‌تواند سخن بگوید. 13
Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig; at ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
مثل کسی هستم که به سبب کری قادر نیست پاسخ دهد. 14
Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig, at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
ای خداوند، امیدوارم و یقین دارم که تو به من پاسخ خواهی داد. 15
Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako: ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
نگذار دشمنانم به ناکامی من بخندند و وقتی می‌افتم خود را برتر از من بدانند. 16
Sapagka't aking sinabi: Baka ako'y kagalakan nila: pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas (sila) laban sa akin.
نزدیک است از پای درآیم؛ این درد، دائم مرا عذاب می‌دهد. 17
Sapagka't ako'y madali ng mahulog, at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
من به گناهانم اعتراف می‌کنم و از کردار خود غمگین و پشیمانم. 18
Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
دشمنانم سالم و نیرومند هستند؛ کسانی که از من نفرت دارند بسیارند. 19
Nguni't ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas: at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami.
آنها خوبی مرا با بدی پاسخ می‌دهند؛ با من مخالفت می‌ورزند زیرا من کوشش می‌کنم کار نیک انجام دهم. 20
(Sila) namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko, sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
خداوندا، مرا تنها نگذار؛ ای خدای من، از من دور نباش. 21
Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon: Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
ای خداوند، تو نجا‌ت‌دهندۀ من هستی، به کمکم بشتاب! 22
Magmadali kang tulungan mo ako, Oh Panginoon na aking kaligtasan.

< مزامیر 38 >