< مزامیر 129 >

سرود زائران به هنگام بالا رفتن به اورشلیم. از ایام جوانی‌ام دشمنانم بر من ظلم بسیار کردند. اسرائیل بگوید: 1
“Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel.
«از ایام جوانی‌ام دشمنانم بر من ظلم بسیار کردند، اما نتوانستند مرا از پای درآورند. 2
“Mula pa ng aking kabataan, nilusob nila ako, pero hindi nila ako natalo.
ضربات شلّاق آنان پشت مرا به شکل زمینی شیار شده درآورد، 3
Inararo ng mga mang-aararo ang aking likuran; gumawa (sila) ng mahabang ukit na daan.
اما خداوند مرا از اسارت آنان آزاد ساخت.» 4
Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.”
سرنگون شوند تمام کسانی که از اسرائیل نفرت دارند! 5
Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion.
همچون علفی باشند که بر پشت بامها می‌روید، که پیش از آنکه آن را بچینند، می‌خشکد 6
Nawa maging tulad (sila) ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago,
و کسی آن را جمع نمی‌کند و به شکل بافه نمی‌بندد. 7
na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos.
رهگذران آنان را برکت ندهند و نگویند: «برکت خداوند بر شما باد!» و یا «ما شما را به نام خداوند برکت می‌دهیم.» 8
Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”

< مزامیر 129 >