< مَرقُس 11 >

هنگامی که به حوالی اورشلیم، به نزدیکی بیت‌فاجی و بیت‌عنیا واقع در کوه زیتون رسیدند، عیسی دو نفر از شاگردان خود را جلوتر فرستاد 1
Ngayon nang makarating sila sa Jerusalem, nang malapit na sila sa Betfage at Bethania, sa Bundok ng Olibo, inutusan ni Jesus ang dalawa niyang alagad
و به ایشان فرمود: «به دهکده‌ای که در مقابل شماست بروید. هنگامی که وارد شدید، کرّهٔ الاغی را خواهید دید که بسته‌اند. تا به حال کسی بر آن سوار نشده است. آن را باز کنید و به اینجا بیاورید. 2
at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo sa nayon sa tapat natin. Sa oras na makapasok kayo, makakakita kayo ng isang batang asno hindi pa nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin ninyo sa akin.
و اگر کسی پرسید:”چه می‌کنید؟“بگویید:”خداوند لازمش دارد و بی‌درنگ آن را پس خواهد فرستاد.“» 3
At kung sinuman ang magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo ginagawa iyan?', sabihin ninyo lang, 'Kailangan ito ng Panginoon at ibabalik din ito agad dito.'”
آن دو شاگرد رفتند و کره الاغ را یافتند که در کوچه‌ای، کنار درِ خانه‌ای بسته شده بود. وقتی کره را باز می‌کردند، 4
Umalis sila at nakita ang isang batang asno na nakatali sa labas ng isang pintuan sa lansangan at kinalagan nila ito.
عده‌ای که در آن نزدیکی ایستاده بودند، پرسیدند: «چه می‌کنید؟ چرا کره را باز می‌کنید؟» 5
May ilang mga tao ang nakatayo doon at nagtanong sa kanila, “Anong ginagawa ninyo at kinakalagan ninyo ang bisiro?”
پس آنچه عیسی فرموده بود، گفتند. آنان نیز اجازه دادند که کره را ببرند. 6
Sinagot nila sila gaya ng sinabi sa kanila ni Jesus at pinabayaan na silang makaalis ng mga tao.
کُرّه را نزد عیسی آوردند و شاگردان رداهای خود را بر پشت آن انداختند تا او سوار شود. 7
Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya.
عدۀ زیادی از مردم نیز رداهای خود را در مقابل او، روی جاده پهن می‌کردند و عده‌ای نیز شاخه‌هایی را که در مزارع بریده بودند، جلوی او روی جاده پهن می‌کردند. 8
Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin.
مردم از هر سو او را احاطه کرده بودند و فریاد برمی‌آوردند: «هوشیعانا!» «مبارک است آن که به نام خداوند می‌آید!» 9
Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, “Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
«مبارک است سلطنت پدر ما داوود که فرا می‌رسد!» «هوشیعانا در عرش برین!» 10
Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”
به این ترتیب، عیسی وارد اورشلیم شد و به معبد رفت. او با دقت همه چیز را زیر نظر گرفت و بیرون آمد. هنگام غروب، شهر را ترک گفت و همراه دوازده شاگرد خود به بیت‌عنیا رفت. 11
Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa loob ng Jerusalem at tumuloy sa templo at tumingin sa paligid at sa lahat ng mga bagay. Ngayon, dahil hapon na, pumunta siya sa Bethania kasama ang Labindalawa.
صبح روز بعد، هنگامی که از بیت‌عنیا برمی‌گشتند، عیسی گرسنه شد. 12
Kinabukasan, sa kanilang pagbabalik mula sa Bethania, nagutom siya.
کمی دورتر درخت انجیری دید که برگ داشت؛ پس به طرف آن رفت تا شاید انجیری پیدا کند. اما جز برگ چیز دیگری بر درخت نیافت، چون هنوز فصل میوه نرسیده بود. 13
At nang nakakita siya sa malayo ng puno ng igos na may mga dahon, pumunta siya upang tingnan kung mayroon ba siyang makukuha rito. At pagkarating niya doon, wala siyang nakita kung hindi puro dahon, dahil hindi pa panahon ng mga igos.
عیسی به درخت فرمود: «باشد که دیگر هرگز کسی از تو میوه نخورد!» و شاگردانش این را شنیدند. (aiōn g165) 14
Kinausap niya ito, “Wala ng makakakain muli ng bunga mula sa iyo.” At narinig ito ng kaniyang mga alagad. (aiōn g165)
هنگامی که بار دیگر وارد اورشلیم شدند، عیسی به معبد رفت و آنانی را که در آنجا مشغول خرید و فروش بودند، بیرون راند و بساط صرافان و کبوترفروشان را واژگون ساخت، 15
Nakarating sila sa Jerusalem, pumasok siya sa templo at sinimulan niyang palayasin ang mga nagtitinda at namimili sa templo. Tinaob niya ang mga lamesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng kalapati.
و نگذاشت کسی با کالایی وارد محوطهٔ معبد شود. 16
Hindi niya pinayagang makapasok ang kahit na sino na may dalang kahit na anong bagay na maaaring ibenta sa templo.
سپس به مردم گفت: «در کتب مقدّس نوشته شده که”خانهٔ من خانهٔ دعا برای همۀ قومها خوانده خواهد شد“، اما شما آن را لانۀ دزدان ساخته‌اید.» 17
Tinuruan niya sila at sinabi, “Hindi ba nasusulat na, 'Ang aking tahanan ay tatawaging Bahay ng Panalangin para sa lahat ng mga bansa'? Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.”
هنگامی که کاهنان اعظم و علمای دین از کار عیسی باخبر شدند، در پی فرصت برای کشتن او برآمدند. اما از او می‌ترسیدند، زیرا همه از تعالیم او شگفت‌زده بودند. 18
Narinig ng mga punong pari at ng mga eskriba ang sinabi niya, at naghanap sila ng paraan upang ipapatay siya. Kinatatakutan nila siya dahil ang lahat ng mga tao ay namangha sa kaniyang mga tinuturo.
عصر آن روز، مانند روزهای دیگر از شهر بیرون رفتند. 19
At tuwing sumasapit ang gabi ay umaalis sila sa lungsod.
صبح روز بعد، وقتی به اورشلیم بازمی‌گشتند، شاگردان درخت انجیر را دیدند که از ریشه خشک شده است. 20
Nang dumaan sila kinaumagahan, nakita nilang nalanta na ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito.
پطرس به خاطر آورد که عیسی روز قبل، درخت را نفرین کرده بود. پس با تعجب گفت: «استاد نگاه کنید! درخت انجیری که نفرین کردید، خشک شده است!» 21
Naalala ito ni Pedro at sinabi, “Rabi, tignan mo! Nalanta ang puno ng igos na sinumpa mo.”
عیسی گفت: «به خدا ایمان داشته باشید. 22
Sinagot sila ni Jesus, “Manampalataya kayo sa Diyos.
براستی به شما می‌گویم: اگر کسی به این کوه بگوید،”از جا کنده شو و به دریا افکنده شو“، و در دل خود شک نکند، بلکه ایمان داشته باشد که آنچه می‌گوید روی خواهد داد، برای او انجام خواهد شد. 23
Totoo itong sinasabi ko sa inyo na kung sinuman ang magsasabi sa bundok na ito na, ''Mapataas ka at ihagais mo ang iyong sarili sa dagat,' at kung hindi siya magdududa sa kaniyang puso ngunit naniniwala siyang mangyayari ang sinabi niya, iyon ang gagawin ng Diyos.
خوب گوش کنید: هر چه در دعا بخواهید، ایمان داشته باشید که آن را یافته‌اید، و از آنِ شما خواهد بود. 24
Kaya sinasabi ko ito sa inyo: Ang lahat ng inyong ipapanalangin at hinihiling, maniwala kayong natanggap na ninyo, at ito ay mapapasa-inyo.
«ولی وقتی دعا می‌کنید، اگر نسبت به کسی کینه‌ای در دل دارید، او را ببخشید، تا پدر آسمانی شما نیز گناهان شما را ببخشد. 25
Kapag tumayo ka at mananalangin, kailangan mong patawarin ang kahit na anong mayroon ka laban sa kahit na sino, nang sa gayon ay mapatawad din ng inyong Amang nasa langit ang iyong mga pagsuway.”
امّا اگر شما نبخشید، پدر آسمانی شما نیز گناهان شما را نخواهد بخشید.» ‏ 26
(Ngunit kung hindi ka magpapatawad, hindi rin patatawarin ng Amang nasa langit ang inyong mga kasalanan.)
آنها بار دیگر وارد اورشلیم شدند. به محض اینکه عیسی قدم به معبد گذاشت، کاهنان اعظم و علمای دین و مشایخ دور او را گرفتند 27
Nakarating silang muli ng Jerusalem, habang si Jesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong pari, mga eskriba, at ng mga nakatatanda.
و پرسیدند: «با چه اختیاری همۀ این کارها را انجام می‌دهی؟ چه کسی حق انجام آنها را به تو داده است؟» 28
Sinabi nila sa kaniya, “Sa anong kapangyarihan mo ginagawa ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang gawin ang mga ito?”
عیسی فرمود: «من به شرطی جواب شما را می‌دهم که اول به سؤال من جواب دهید. 29
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tatanungin ko kayo ng isang katanungan. Sabihin ninyo sa akin at sasabihin ko rin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ko ginagawa ang mga bagay na ito.
آیا اقتدار یحیی برای تعمید دادن مردم از آسمان بود یا از انسان؟ جواب مرا بدهید.» 30
Ang pagbabautismo ni Juan, nanggaling ba iyon sa langit o sa tao? Sagutin ninyo ako.”
ایشان درباره این موضوع با یکدیگر مشورت کرده، گفتند: «اگر بگوییم از سوی خدا فرستاده شده بود، خود را به دام انداخته‌ایم، زیرا خواهد پرسید: پس چرا به او ایمان نیاوردید؟ 31
At sila ay nag-usap-usap at nagtalu-talo at sinabi, “Kung sasabihin nating, 'Sa langit,' sasabihin niyang, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?'
و اگر بگوییم از انسان بود، ممکن است مردم علیه ما قیام کنند.» زیرا همۀ مردم یحیی را پیامبری راستین می‌دانستند. 32
Ngunit kung sasabihin nating, 'Mula sa tao,'...” Natakot sila sa mga tao, dahil pinanghahawakan nilang lahat na si Juan ay isang propeta.
سرانجام گفتند: «ما نمی‌دانیم!» عیسی فرمود: «پس در این صورت من هم به سؤال شما جواب نمی‌دهم.» 33
Pagkatapos ay sinagot nila si Jesus at sinabi, “Hindi namin alam.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ko ginagawa ang mga bagay na ito.”

< مَرقُس 11 >