< یوشع 2 >
یوشع، دو جاسوس از شطیم به آن طرف رود اردن فرستاد تا وضعیت آن سرزمین و بخصوص شهر اریحا را بررسی کنند. وقتی آنها به آن شهر رسیدند، به خانهٔ زنی روسپی به نام راحاب رفتند تا شب را در آنجا بگذرانند. | 1 |
Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
همان شب به پادشاه اریحا خبر رسید که چند جاسوس اسرائیلی وارد شهر شدهاند. | 2 |
Sinabi ito sa hari ng Jerico, “Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain.”
پادشاه افرادی را با این پیغام نزد راحاب فرستاد: «مردانی را که به خانهٔ تو آمدهاند به ما تحویل بده، زیرا آنها جاسوس هستند.» | 3 |
Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, “Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain.”
اما راحاب که آن دو مرد را پنهان کرده بود، گفت: «آنها پیش من آمدند، ولی نفهمیدم چه کسانی بودند. | 4 |
Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
هنگامی که هوا تاریک شد، پیش از بسته شدن دروازهها از شهر خارج شدند و من نمیدانم کجا رفتند. اگر به دنبال آنها بشتابید میتوانید به ایشان برسید.» | 5 |
Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila.”
(ولی راحاب آن دو مرد را به پشت بام برده، ایشان را زیر تودهای از ساقههای کتان که در آنجا گذاشته بود، مخفی کرده بود.) | 6 |
Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
پس مأمورانِ پادشاهِ اریحا در جستجوی آن دو نفر تا کرانهٔ رود اردن پیش رفتند و همین که آنها از شهر خارج شدند، دروازههای شهر را از پشت سر ایشان بستند. | 7 |
Kaya sinundan sila ng mga lalaki sa daang papunta sa mga tawiran ng Jordan. At isinara ang mga tarangkahan pagkalabas ng mga humahabol.
شب، پیش از آنکه آن دو مرد بخوابند، راحاب نزد ایشان به پشت بام رفت | 8 |
Hindi pa nakakahiga ang mga lalaki para sa gabi, nang umakyat siya sa kanila sa bubong.
و به آنها گفت: «من شک ندارم که خداوند، سرزمین ما را به شما خواهد داد. ترس شما بر ما مستولی شده و هر کس نام اسرائیل را میشنود از ترس میلرزد. | 9 |
Sinabi niya, “Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.
زیرا شنیدهایم که چگونه هنگام خروج از مصر، خداوند از میان دریای سرخ راه خشکی برای شما پدید آورد تا از آن بگذرید! خبر داریم که به سیحون و عوج، پادشاهان اموریها که در شرق اردن بودند، چه کردید و چگونه آنها و مردمانشان را نابود ساختید. | 10 |
Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap.
وقتی این خبرها را شنیدیم، ترس وجود ما را فرا گرفت و جرأت خود را از دست دادیم؛ زیرا یهوه خدای شما، خدای آسمان و زمین است و مانند او خدایی نیست. | 11 |
Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
حال از شما میخواهم که به نام خداوند برای من قسم بخورید و نشانهای به من بدهید | 12 |
Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan
که وقتی شهر اریحا را تصرف نمودید، در ازای کمکی که به شما کردم، مرا همراه پدر و مادر و خواهران و برادرانم و خانوادههای آنها حفظ کنید تا کشته نشویم.» | 13 |
na ililigtas ninyo ang buhay ng aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, at ang kanilang buong pamilya, at sa gayon ililigtas ninyo kami mula sa kamatayan.”
آن دو مرد جواب دادند: «اگر در مورد ما با کسی سخن نگویی، به جان خود قسم میخوریم که وقتی خداوند این سرزمین را به ما داد، ترتیبی بدهیم که به تو و بستگانت آسیبی نرسد.» | 14 |
Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
خانهٔ راحاب بر دیوار شهر قرار داشت، پس او آن دو مرد را با طناب از پنجرهٔ اتاقش پایین فرستاد. | 15 |
Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
سپس به ایشان گفت: «به کوه فرار کنید و سه روز در آنجا پنهان شوید تا مأمورانی که به جستجوی شما رفتهاند بازگردند. آنگاه میتوانید به راه خود ادامه دهید.» | 16 |
Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas.”
آن دو نفر پیش از رفتن به او گفتند: «وقتی ما به این شهر حمله کردیم، تو پدر و مادر و برادران و خواهران و خانوادههای آنها را در خانهٔ خود جمع کن و این طناب قرمز را به همین پنجره ببند. اگر این کار را نکنی و آسیبی به شما برسد، ما در برابر قسمی که خوردهایم مسئول نخواهیم بود. | 17 |
Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:
Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama.
اگر کسی از خانه بیرون برود، خونش به گردن خودش است و ما مسئول مرگش نخواهیم بود. ما قسم میخوریم کسانی که در این خانه بمانند کشته نشوند و به ایشان کوچکترین آسیبی نرسد. | 19 |
Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.
اما اگر تو دربارهٔ ما با کسی سخن بگویی، این قسم باطل میشود.» | 20 |
Pero kung ipagsasabi mo itong aming pakay, kung gayon wala kaming pananagutan sa pangakong aming sinumpaan sa iyo, sa pangakong pinagawa mong aming sumpaan.”
راحاب گفت: «آنچه را که گفتید میپذیرم.» سپس ایشان را روانه کرد و طناب قرمز را به پنجره بست. | 21 |
Sumagot si Rahab, “Matupad nawa ang inyong sinabi.” Pinaalis niya sila at umalis sila. Pagkatapos itinali niya ang matingkad na pulang lubid sa bintana.
آن دو به کوه رفتند و سه روز در آنجا ماندند. تعقیبکنندگان همهٔ راهها را جستجو کردند و چون ایشان را نیافتند، ناچار به شهر بازگشتند. | 22 |
Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan.
آنگاه آن دو نفر از کوه به زیر آمده، از رود اردن عبور نمودند و نزد یوشع بازگشتند و آنچه برایشان اتفاق افتاده بود به او گزارش دادند. | 23 |
Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
آنها به یوشع گفتند: «خاطرجمع هستیم که خداوند تمام آن سرزمین را به ما بخشیده است، زیرا مردم آنجا از ترس ما روحیهٔ خود را باختهاند!» | 24 |
At sinabi nila kay Josue, “Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.