< دوم پادشاهان 21 >
مَنَسی دوازده ساله بود که پادشاه یهودا شد و پنجاه و پنج سال در اورشلیم سلطنت نمود. (اسم مادرش حفصیبه بود.) | 1 |
Labingdalawang taong gulang si Manasses nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng limampu't limang taon sa Jerusalem. Hefzibas ang pangalan ng kaniyang ina.
او از اعمال زشت قومهای بتپرستی که خداوند آنها را از کنعان بیرون رانده بود، پیروی میکرد و نسبت به خداوند گناه میورزید. | 2 |
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng mga nakapandidiring mga bagay ng mga bansa na pinalayas ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
مَنَسی معبدهای بالای تپهها را که پدرش حِزِقیا خراب کرده بود، دوباره بنا نمود، مذبحهایی برای بعل درست کرد و بت شرمآور اشیره را همانطور که اَخاب، پادشاه اسرائیل درست کرده بود، دوباره ساخت. مَنَسی آفتاب و ماه و ستارگان را پرستش میکرد و برای آنها مذبحهایی ساخت و آنها را در حیاط خانهٔ خداوند قرار داد، یعنی در همان خانه و در اورشلیم که خداوند برای نام خود برگزیده بود. | 3 |
Dahil itinayo niya muli ang mga dambana na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias, at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal, gumawa ng poste ni Asera, gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel, at lumuhod siya sa lahat ng mga bituin ng langit at sinamba ang mga ito.
Nagtayo si Manasses ng paganong mga altar sa tahanan ni Yahweh, bagaman inutos ni Yahweh, “Sa Jerusalem mananatili ang aking pangalan magpakailanman.”
Nagtayo siya ng mga altar para sa lahat ng mga bituin ng kalangitan sa dalawang patyo ng tahanan ni Yahweh.
مَنَسی پسر خود را به عنوان قربانی سوزانید. او جادوگری و فالگیری میکرد و با احضارکنندگان ارواح و جادوگران مشورت مینمود. او با این کارهای شرارتآمیز، خداوند را به خشم آورد. | 6 |
Hinandog niya ang kaniyang anak bilang sinunog na handog sa apoy, nagsagawa siya ng panghuhula at salamangka, at kumonsulta sa mga nakipagusap sa mga patay at sa mga nakipagusap sa mga espiritu. Gumawa siya ng labis na kasamaan sa paningin ni Yahweh, at pinukaw niya ang Diyos na magalit.
او حتی بت شرمآور اشیره را در خانهٔ خداوند بر پا نمود، یعنی در همان مکانی که خداوند راجع به آن به داوود و سلیمان گفته بود: «نام خود را تا به ابد بر این خانه و بر اورشلیم، شهری که از میان شهرهای قبایل اسرائیل برای خود انتخاب کردهام، خواهم نهاد. | 7 |
Ang inukit niyang imahe ni Asera na ginawa niya, ay inilagay niya sa tahanan ni Yahweh. Ang tahanan na ito ang lugar kung saan nangusap si Yahweh kay David at Solomon na kaniyang anak; na sinasabing, “Sa tahanan na ito at sa Jerusalem, na aking pinili mula sa lahat ng mga tribo ng Israel, mananatili ang aking pangalan magpakailanman.
اگر قوم اسرائیل از دستورهایی که من بهوسیلۀ خادمم موسی به آنها دادهام پیروی نمایند، بار دیگر هرگز ایشان را از این سرزمین که به اجداد ایشان دادم، بیرون نخواهم راند.» | 8 |
Hindi ko hahayaang maligaw ang landas ng Israel mula sa lupain na aking binigay sa kanilang mga ninuno, kung susundin lang nila ng mabuti ang lahat ng inutos ko sa kanila, at sundin ang lahat ng batas na inutos sa kanila ng aking lingkod na si Moises.”
اما ایشان نه فقط از خداوند اطاعت نکردند، بلکه بدتر از قومهایی که خداوند آنها را از کنعان بیرون رانده بود، رفتار نمودند زیرا مَنَسی ایشان را گمراه نموده بود. | 9 |
Pero hindi nakinig ang mga tao, at inakay sila ni Manasses na gumawa ng higit pang kasamaan kaysa sa mga bansa na winasak ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
پس خداوند بهوسیلۀ خدمتگزاران خود، انبیا چنین فرمود: | 10 |
Kaya nangusap si Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta, na sinasabing,
«چون مَنَسی، پادشاه یهودا این اعمال قبیح را انجام داده و حتی بدتر از اموریهایی که در گذشته در این سرزمین ساکن بودند، رفتار نموده و مردم یهودا را به بتپرستی کشانیده است؛ | 11 |
“Dahil gumawa ng karumal-dumal na mga bagay si Manasses ang hari ng Juda, at kumilos ng may kasamaan na higit pa sa lahat ng ginawa ng mga Amorita na kaniyang sinundan, at dinulot ding magkasala ang Juda kasama ng kaniyang mga diyus-diyosan,”
من نیز بر اورشلیم و یهودا چنان بلایی نازل خواهم کرد که هر که آن را بشنود وحشت کند. | 12 |
kaya sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Tingnan ninyo, malapit na akong magpadala ng labis na kapahamakan sa Jerusalem at Juda na kung sinuman ang makarinig nito, kikilabutan ang pareho niyang tainga.
همان بلایی را سر اورشلیم میآورم که بر سر سامره و خاندان اَخاب آوردم. اورشلیم را از لوث وجود ساکنانش پاک میکنم، درست همانطور که ظرف را پاک کرده، میشویند و آن را وارونه میگذارند تا خشک شود. | 13 |
Ilalatag ko sa ibabaw ng Jerusalem ang panukat na linya na ginamit laban sa Samaria, at ang panghulog na ginamit laban sa bahay ni Ahab; pupunasan at lilinisin ko ang Jerusalem, gaya ng pagpupunas ng pinggan ng isang tao, pinupunasan ito at pagkatapos ay itinataob ito.
بازماندگان قوم را نیز ترک خواهم گفت و ایشان را به دست دشمن خواهم سپرد تا آنها را غارت کنند، | 14 |
Itatapon ko ang mga nalalabi ng aking mana at ibibigay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway. Magiging biktima sila ng pandarambong para sa lahat ng kanilang mga kaaway,
زیرا ایشان نسبت به من گناه ورزیدهاند و از روزی که اجدادشان را از مصر بیرون آوردم تا به امروز مرا خشمگین نمودهاند.» | 15 |
dahil ginawa nila kung ano ang masama sa aking paningin, at pinukaw ako para magalit, simula nang lumabas ang kanilang mga ninuno sa Ehipto, hanggang sa araw na ito.”
مَنَسی علاوه بر این که اهالی یهودا را به بتپرستی کشانده، باعث شد آنها نسبت به خداوند گناه ورزند، افراد بیگناه بیشماری را نیز کشت و اورشلیم را با خون آنها رنگین ساخت. | 16 |
Higit pa roon, nagpadanak si Manasses ng labis na inosenteng dugo, pinuno niya ng kamatayan ang magkabilang dulo ng Jerusalem. Karagdagan pa ito sa kasalanan na pinilit niyang gawin ng Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh.
شرح بقیهٔ رویدادهای دوران سلطنت مَنَسی و اعمال گناهآلود او در کتاب تاریخ پادشاهان یهودا نوشته شده است. | 17 |
Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Manasses, lahat ng kaniyang ginawa, at ang kasalanan na kaniyang ginawa, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda?
وقتی مَنَسی مرد او را در باغ کاخ خودش که عوزا نام داشت دفن کردند و پسرش آمون به جای وی پادشاه شد. | 18 |
Nahimlay si Manasses kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa hardin ng sarili niyang bahay, sa hardin ni Uza. Ang kaniyang anak na si Amon ang pumalit sa kaniya bilang hari.
آمون بیست و دو ساله بود که پادشاه یهودا شد و دو سال در اورشلیم سلطنت کرد. (مادرش مِشُلِمِت، دختر حاروص از اهالی یطبه بود.) | 19 |
Dalawampu't dalawang taong gulang si Amon nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng dalawang taon sa Jerusalem. Meshulemet ang pangalan ng kaniyang ina, na anak ni Haruz ng Jotba.
او نیز مانند پدرش مَنَسی نسبت به خداوند گناه ورزید. | 20 |
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si Manasses.
آمون از تمام راههای بد پدرش پیروی مینمود و بتهای پدرش را میپرستید. | 21 |
Sinunod ni Amon ang lahat ng landas na tinahak ng kaniyang ama at sinamba ang mga diyus-diyosan na sinamba ng kaniyang ama, at lumuhod sa kanila.
او از خداوند، خدای اجدادش برگشت و به دستورهای خداوند عمل نکرد. | 22 |
Iniwan niya si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ama, at hindi lumakad sa daan ni Yahweh.
سرانجام افرادش بر ضد او توطئه چیدند و او را در کاخ سلطنتیاش به قتل رساندند. | 23 |
Nagbanta ang mga lingkod ni Amon laban sa kaniya at pinatay ang hari sa sarili niyang tahanan.
مردم قاتلان آمون را کشتند و پسرش یوشیا را به جای او بر تخت سلطنت نشاندند. | 24 |
Pero pinatay ng mga mamamayan ng lupain ang lahat ng nagkaisa laban kay Haring Amon, at ginawa nilang hari si Josias ang anak ng hari bilang kaniyang kapalit.
شرح بقیه رویدادهای دوران سلطنت آمون در کتاب تاریخ پادشاهان یهودا ثبت گردیده است. | 25 |
Para sa iba pang mga bagay tungkol sa ginawa ni Amon, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
او را در آرامگاه باغ عوزا دفن کردند و پسرش یوشیا به جای او پادشاه شد. | 26 |
Nilibing siya ng mga tao sa kaniyang puntod sa hardin ni Uza, at si Josias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.