< اول سموئیل 23 >

روزی به داوود خبر رسید که فلسطینی‌ها به شهر قعیله حمله کرده، خرمنها را غارت می‌کنند. 1
Sinabihan nila si David, “Tingnan mo, nakikipaglaban ang mga Filisteo laban sa Keila at ninakaw nilavang mga giikang sahig.”
داوود از خداوند پرسید: «آیا بروم و با آنها بجنگم؟» خداوند پاسخ فرمود: «بله، برو با فلسطینی‌ها بجنگ و قعیله را نجات بده.» 2
Kaya nanalangin si David kay Yahweh para sa tulong, at tinanong niya siya, “Dapat ba akong pumunta at salakayin ang mga Filisteong ito?” Sinabi ni Yahweh kay David, “Pumunta ka at salakayin ang mga Filisteo at iligtas ang Keila.”
ولی افراد داوود به او گفتند: «ما حتی اینجا در یهودا می‌ترسیم چه برسد به آنکه به قعیله برویم و با لشکر فلسطینی‌ها بجنگیم!» 3
Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Tingnan mo, natatakot kami dito sa Juda. Ano pa kaya kung pupunta tayo sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo?”
پس داوود بار دیگر در این مورد از خداوند پرسید و خداوند باز به او گفت: «به قعیله برو و من تو را کمک خواهم کرد تا فلسطینی‌ها را شکست بدهی.» 4
Pagkatapos nanalangin pang muli si David kay Yahweh para sa tulong. Sinagot siya ni Yahweh, “Tumayo ka, bumaba ka sa Keila. Dahil bibigyan kita ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”
پس داوود و افرادش به قعیله رفتند و فلسطینی‌ها را کشتند و گله‌هایشان را گرفتند و اهالی قعیله را نجات دادند. 5
Pumunta sina David at mga tauhan niya sa Keila at nakipaglaban sa mga Filisteo. Tinangay nila ang kanilang mga baka at sinalakay nila sila ng may matinding patayan. Kaya iniligtas ni David ang mga naninirahan sa Keila.
وقتی اَبیّاتار کاهن پسر اَخیملک به قعیله نزد داوود فرار کرد، ایفود را نیز با خود برد. 6
Nang nakatakas papunta kay David si Abiatar na anak na lalaki ni Ahimelech sa Keila, bumaba siya na may isang epod sa kanyang kamay.
هنگامی که شائول شنید که داوود در قعیله است، گفت: «خدا او را به دست من داده، چون داوود خود را در شهری حصاردار به دام انداخته است!» 7
Sinabihan si Saul na pumunta si David sa Keila. Sinabi ni Saul, “Ibinigay siya ng Diyos sa aking kamay. Dahil nakulong siya sapagkat pumasok siya sa isang lungsod na may mga tarangkahan at mga rehas.”
پس شائول تمام نیروهای خود را احضار کرد و به سمت قعیله حرکت نمود تا داوود و افرادش را در شهر محاصره کند. 8
Ipinatawag ni Saul ang lahat ng kanyang hukbo para sa labanan, para bumaba sa Keila, upang lusubin si David at kanyang mga tauhan.
وقتی داوود از نقشهٔ شائول باخبر شد به اَبیّاتار گفت: «ایفود را بیاور تا از خداوند سؤال نمایم که چه باید کرد.» 9
Nalaman ni David na may masamang balak si Saul laban sa kanya. Sinabi niya kay Abiatar na pari, “Dalhin mo rito ang epod.”
داوود گفت: «ای خداوند، خدای اسرائیل، شنیده‌ام که شائول عازم قعیله است و می‌خواهد این شهر را به دلیل مخالفت با من نابود کند. 10
Pagkatapos sinabi ni David, “Yahweh, ang Diyos ng Israel, tunay nga na narinig ng iyong lingkod na hinangad ni Saul na pumunta sa Keila, upang wasakin ang lungsod alang-alang sa akin.
آیا اهالی قعیله مرا به دست او تسلیم خواهند کرد؟ آیا همان‌طور که شنیده‌ام شائول به اینجا خواهد آمد؟ ای خداوند، خدای اسرائیل، خواهش می‌کنم به من جواب بده.» خداوند فرمود: «بله، شائول خواهد آمد.» داوود گفت: «در این صورت آیا اهالی قعیله، من و افرادم را به دست او تسلیم می‌کنند؟» خداوند فرمود: «بله، به دست او تسلیم می‌کنند.» 11
Maaari bang hulihin ako ng mga kalalakihan ng Keila at isusuko ako sa kanyang kamay? Maaari bang bumaba si Saul, gaya ng narinig ng iyong lingkod? Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagmamakaawa ako sa iyo, pakiusap sabihan mo ang iyong lingkod.” Sinabi ni Yahweh, “Bababa siya.”
12
Pagkatapos sinabi ni David, “Isusuko ba ako ng mga kalalakihan ng Keila at ang aking mga tauhan sa kamay ni Saul?” Sinabi ni Yahweh, “Isusuko ka nila.”
پس داوود و افرادش که حدود ششصد نفر بودند برخاسته، از قعیله بیرون رفتند. آنها در یک جا نمی‌ماندند بلکه جای خود را دائم عوض می‌کردند. چون به شائول خبر رسید که داوود از قعیله فرار کرده است، دیگر به قعیله نرفت. 13
Pagkatapos bumangon si David at ang kanyang halos anim na raang mga tauhan at umalis mula sa Keila, at pumunta sila mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sinabihan si Saul na nakatakas si David mula sa Keila, at tumigil siya sa pagtugis.
داوود در بیابان و در مخفیگاه‌های کوهستان زیف به سر می‌برد. شائول نیز هر روز به تعقیب او می‌پرداخت، ولی خداوند نمی‌گذاشت که دست او به داوود برسد. 14
Nanatili si David sa matibay na mga tanggulan sa ilang, sa maburol na lugar sa ilang ng Zip. Hinahanap siya ni Saul araw-araw, ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos sa kanyang kamay.
وقتی داوود در حارث (واقع در زیف) بود، شنید که شائول برای کشتن او به آنجا آمده است. 15
Nakita ni David na paparating si Saul para kunin ang kanyang buhay; ngayon nasa ilang ng Zip sa Hores si David.
یوناتان، پسر شائول به حارث آمد تا با وعده‌های خدا داوود را تقویت دهد. 16
Sa gayon bumangon at pinuntahan ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul si David sa Hores, at pinalakas ang kanyang kamay sa Diyos.
یوناتان به او گفت: «نترس، پدرم هرگز تو را پیدا نخواهد کرد. تو پادشاه اسرائیل خواهی شد و من معاون تو. پدرم نیز این موضوع را به خوبی می‌داند.» 17
Sinabi niya sa kanya, “Huwag kang matakot. Dahil hindi ka mahahanap ng kamay ni Saul na aking ama. Magiging hari ka sa Israel, at ako ang susunod sa iyo. Alam din ito ni Saul na aking ama.”
پس هر دو ایشان در حضور خداوند پیمان دوستی خود را تجدید نمودند. داوود در حارث ماند، ولی یوناتان به خانه برگشت. 18
Gumawa sila ng isang kasunduan sa harap ni Yahweh. Nanatili si David sa Hores, at umuwi si Jonatan sa kanyang tahanan.
اما اهالی زیف نزد شائول به جِبعه رفتند و گفتند: «ما می‌دانیم داوود کجا پنهان شده است. او در صحرای نِگِب در مخفیگاه‌های حارث واقع در کوه حخیله است. 19
Pagkatapos pumunta ang mga lahi ni Zip kay Saul sa Gibea at sinabing, “Hindi ba nagtatago si David sa matibay na tanggulan sa Hores, sa kaburulan ng Haquila, na nasa timog ng Jesimon?
هر وقت پادشاه مایل باشند، بیایند تا او را دست بسته تسلیم کنیم.» 20
Ngayon, bumaba ka, hari! Ayon sa iyong ninanais, bumaba ka! Tungkulin naming isuko siya sa kamay ng hari.”
شائول گفت: «خداوند شما را برکت دهد که به فکر من هستید! 21
Sinabi ni Saul, “Pagpalain nawa kayo ni Yahweh. Dahil nahabag kayo sa akin.
بروید و بیشتر تحقیق کنید تا مطمئن شوید او در آنجاست. ببینید چه کسی او را دیده است. می‌دانم که او خیلی زرنگ و حیله‌گر است. 22
Umalis kayo, at siguraduhing mabuti. Pag-aralan at alamin kung saang lugar siya nagtatago at kung sino ang nakakita sa kanya roon. Sinabi ito sa akin na napakatuso niya.
مخفیگاه‌های او را پیدا کنید، آنگاه برگردید و جزئیات را به من گزارش دهید و من همراه شما بدانجا خواهم آمد. اگر در آنجا باشد، هر طور شده او را پیدا می‌کنم، حتی اگر مجبور باشم وجب به وجب تمام سرزمین یهودا را بگردم!» 23
Kaya tingnan ninyo, at alamin ang lahat ng lugar kung saan mismo siya nagtatago. Bumalik kayo sa akin na may tiyak na kaalaman, at pagkatapos babalik ako kasama ninyo. Kung nasa lupain siya, hahanapin ko siya kasama ang lahat ng libu-libo ng Juda.”
مردان زیف به خانه‌هایشان برگشتند. اما داوود چون شنید که شائول در تعقیب او به طرف زیف می‌آید، برخاسته با افرادش به بیابان معون که در جنوب یهودا واقع شده است، رفت. ولی شائول و افرادش نیز به دنبال او تا معون رفتند. 24
Pagkatapos nauna silang umakyat kay Saul sa Zip. Ngayon si David at kanyang mga tauhan ay nasa ilang ng Maon, sa Araba ng timog ng Jesimon.
25
Pumunta si Saul at kanyang mga tauhan upang hanapin siya. At sinabihan si David tungkol dito, kaya bumaba siya sa isang mabatong burol at nanirahan sa ilang ng Maon. Nang narinig ito ni Saul, tinugis niya si David sa ilang ng Maon.
شائول و داوود در دو طرف یک کوه قرار گرفتند. شائول و سربازانش هر لحظه نزدیکتر می‌شدند و داوود سعی می‌کرد راه فراری پیدا کند، ولی فایده‌ای نداشت. 26
Pumunta si Saul sa isang panig ng bundok, at pumunta si David at ang kanyang mga tauhan sa kabilang panig ng bundok. Nagmadaling tumakas si David mula kay Saul. Habang nakapalibot sina Saul at kanyang mga tauhan kay David at kanyang mga tauhan upang dakpin sila,
درست در این هنگام به شائول خبر رسید که فلسطینی‌ها به اسرائیل حمله کرده‌اند. 27
pumunta ang isang mensahero kay Saul at sinabing, “Bilisan mo at pumarito dahil gumawa ng pagsalakay ang mga Filisteo laban sa lupain.”
پس شائول به ناچار دست از تعقیب داوود برداشت و برای جنگ با فلسطینی‌ها بازگشت. به این دلیل آن مکان را صخرۀ جدایی نامیدند. 28
Kaya bumalik si Saul mula sa pagtugis niya kay David at nilabanan ang mga Filisteo. Kaya nga ang lugar na iyon ay tinawag na Bato ng Pagtakas.
داوود از آنجا رفت و در مخفیگاه‌های عین جدی پنهان شد. 29
Umakyat si David mula roon at namuhay sa matibay na mga tanggulan ng Engedi.

< اول سموئیل 23 >