< اول پادشاهان 13 >

یک روز وقتی یربعام پادشاه کنار مذبح بیت‌ئیل ایستاده بود تا قربانی کند، یک نبی که به دستور خداوند از یهودا آمده بود به او نزدیک شد. 1
Isang lingkod ng Diyos ang lumabas sa Juda sa pamamagitan ng salita ni Yahweh para sa Bethel. Nakatayo si Jeroboam sa may altar para magsunog ng insenso.
او به فرمان خداوند خطاب به مذبح گفت: «ای مذبح، ای مذبح، خداوند می‌فرماید که پسری به نام یوشیا در خاندان داوود متولد می‌شود و کاهنان بتخانه‌ها را که در اینجا بخور می‌سوزانند، روی تو قربانی می‌کند و استخوانهای انسان روی آتش تو می‌سوزاند!» 2
Ang lingkod ng Diyos ay sumigaw sa harapan ng altar sa pamamagitan ng salita ni Yahweh at sinabi, “Altar, o altar, sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, isang anak na lalaki ang isisilang sa pamilya ni David, sa pangalang Josias, at maghahandog siya sa iyo ng mga pari ng mga dambana na nagsusunog ng insenso sa iyo; susunugin nila ang mga buto ng kalalakihan sa iyo'.”
سپس اضافه کرد: «این مذبح شکافته خواهد شد و خاکسترش به اطراف پراکنده خواهد گردید تا بدانید آنچه می‌گویم از جانب خداوند است!» 3
Pagkatapos nagbigay ng isang palatandaan ang lingkod ng Diyos sa araw ding iyon, sinasabi, “Ito ang katunayan na nagsalita si Yahweh: “Masdan ito, ang altar ay mahahati, at ang mga abo na naririto ay ibubuhos.”
یربعام پادشاه وقتی سخنان نبی را که به ضد مذبح بیت‌ئیل گفته بود شنید، دست خود را به طرف او دراز کرده دستور داد او را بگیرند. ولی دست پادشاه همان‌طور که دراز شده بود، خشک شد به طوری که نتوانست دست خود را حرکت بدهد! 4
Nang marinig ng hari kung ano ang sinabi ng lingkod ng Diyos, na siya ay nagsalita laban sa altar ng Bethel, itinaas ni Jeroboam ang kaniyang kamay mula sa altar, na sinasabi, “Hulihin siya.” Pagkatapos ang kamay na itinuro niya laban sa lalaki ay natuyo, sa gayon hindi niya ito maibalik sa kaniyang sarili.
در این موقع، مذبح هم شکافته شد و خاکستر آن به اطراف پراکنده شد، درست همان‌طور که آن نبی به فرمان خداوند گفته بود. 5
Nahati din ang altar, at ibinuhos ang mga abo mula sa altar, tulad ng inilarawan sa pamamagitan ng palatandaan na ibinigay ng lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.
یربعام پادشاه به آن نبی گفت: «تمنا دارم دعا کنی و از خداوند، خدای خود بخواهی دست مرا به حالت اول برگرداند.» پس او نزد خداوند دعا کرد و دست پادشاه به حالت اول برگشت. 6
Sumagot si Haring Jeroboam at sinabi sa lingkod ng Diyos, “Makiusap ka para sa pabor ni Yahweh na iyong Diyos at ipanalangin ako, sa gayon maaaring maibalik muli sa dating kalagayan ang aking kamay.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos kay Yahweh, at muling naibalik sa dating kalagayan ang kamay ng hari.
آنگاه پادشاه به نبی گفت: «به کاخ من بیا و خوراک بخور. می‌خواهم به تو پاداشی بدهم.» 7
Sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, “Sumama ka sa aking tahanan at magpalakas, at bibigyan kita ng isang gantimpala.”
ولی آن نبی به پادشاه گفت: «اگر حتی نصف کاخ سلطنتی خود را به من بدهی همراه تو نمی‌آیم. در اینجا نه نان می‌خورم و نه آب می‌نوشم؛ 8
Sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari, “Kahit ibigay mo sa akin ang kalahati ng iyong mga pag-aari, hindi ako sasama sa iyo, ni kakain o iinom sa lugar na ito,
زیرا خداوند به من فرموده که تا وقتی در اینجا هستم نه نان بخورم و نه آب بنوشم و حتی از راهی که آمده‌ام به یهودا برنگردم!» 9
dahil inutos sa akin ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang salita, “Hindi ka kakain ng tinapay ni iinom ng tubig, ni babalik sa iyong dinaanan.”
پس او از راه دیگری رهسپار یهودا شد. 10
Kaya nag-iba ng daanan ang lingkod ng Diyos at hindi nagbalik sa kaniyang tahanan sa daan na kaniyang dinaanan patungo sa Bethel.
در آن زمان در شهر بیت‌ئیل نبی پیری زندگی می‌کرد. پسرانش دربارهٔ نبی تازه وارد به او خبر دادند و گفتند که چه کرده و به پادشاه چه گفته است. 11
Ngayon mayroong isang matandang propeta na naninirahan sa Bethel, at isa sa mga anak niyang lalaki ay dumating at sinabi sa kaniya ang lahat ng nagawa ng lingkod ng Diyos nang araw na iyon sa Bethel. Sinabi rin ng kaniyang mga anak na lalaki sa kaniya ang mga salita na sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari.
نبی پیر پرسید: «او از کدام راه رفت؟» پسرانش راهی را که آن نبی رفته بود، به پدرشان نشان دادند. 12
Sinabi ng kanilang ama sa kanila, “Saang daan siya nagpunta?” Ngayon itinuro ng mga anak na lalaki ang dinaanan ng lingkod ng Diyos mula sa Juda na pinanggalingan.
پیرمرد گفت: «زود الاغ مرا آماده کنید!» پسران او الاغ را برایش حاضر کردند و او سوار شده، 13
Kaya sinabi niya sa kaniyang mga anak na lalaki, “lhanda ang asnong sasakyan ko.” Kaya inihanda nila ang asno at sinakyan niya ito.
به دنبال آن نبی رفت و او را زیر یک درخت بلوط نشسته یافت. پس از او پرسید: «آیا تو همان نبی یهودا هستی؟» جواب داد: «بله، خودم هستم.» 14
Sinundan ng matandang propeta ang lingkod ng Diyos at inabutan siyang nakaupo sa ilalim ng puno ng ensena; at sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ba ang lingkod ng Diyos na nanggaling mula sa Juda?” Sumagot siya, “Ako nga.”
نبی پیر به او گفت: «همراه من به خانه‌ام بیا تا با هم خوراکی بخوریم.» 15
Pagkatapos sinabi sa kaniya ng matandang propeta, “Sumama ka sa aking tahanan at kumain ka.”
اما او در جواب گفت: «نه، من نمی‌توانم بیایم، چون خداوند به من دستور داده که در بیت‌ئیل چیزی نخورم و ننوشم و حتی از آن راهی که آمده‌ام به خانه برنگردم.» 16
Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Hindi ako maaaring sumama sa iyo pabalik ni magpunta sa inyo, hindi rin ako maaaring kumain ni uminom sa inyo sa lugar na ito,
17
dahil ito ay iniutos sa akin sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, “Hindi ka kakain ni iinom nang tubig doon, ni magbabalik sa iyong dinaanan.”
پیرمرد به او گفت: «من هم مثل تو نبی هستم و فرشته‌ای از جانب خداوند پیغام داده که تو را پیدا کنم و با خود به خانه ببرم و به تو نان و آب بدهم.» اما او دروغ می‌گفت. 18
Kaya sinabi ng matandang propeta sa kaniya, “Ako ay isa ring propetang tulad mo, at isang anghel ang nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, sinasabing, “Isama mo siya pabalik sa iyong bahay, para maaari siyang kumain at uminom ng tubig.” Pero siya ay nagsisinungaling sa lingkod ng Diyos.
پس آن دو با هم به شهر برگشتند و او در خانهٔ آن نبی پیر خوراک خورد. 19
Kaya sumama ang lingkod ng Diyos sa matandang propeta at kumain sa kaniyang tahanan at uminom ng tubig.
در حالی که آنها هنوز بر سر سفره بودند پیغامی از جانب خداوند به آن نبی پیر رسید 20
Habang sila ay nakaupo sa hapagkainan, ang salita ni Yahweh ay dumating sa propeta na nagdala sa kaniya,
و او هم به نبی یهودا گفت: «خداوند می‌فرماید که چون از دستور او سرپیچی کردی و در جایی که به تو گفته بود نان نخوری و آب ننوشی، نان خوردی و آب نوشیدی، بنابراین جنازهٔ تو در گورستان اجدادت دفن نخواهد شد!» 21
at sumigaw siya sa lingkod ng Diyos na nanggaling mula sa Juda, sinasabing, “Pinasasabi ni Yahweh, “Dahil sinuway mo ang salita ni Yahweh at hindi sinunod ang utos na ibinigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos,
22
pero bumalik ka at kumain at uminom ng tubig sa lugar na sinabi niya sa iyo na huwag kang kakain at iinom ng tubig, hindi maililibing ang iyong katawan sa libingan ng iyong mga ninuno.”
بعد از صرف غذا، نبی پیر، الاغ نبی یهودا را آماده کرد 23
Pagkatapos niyang kumain at uminom, inihanda ng propeta ang asno ng lingkod ng Diyos, ang lalaking bumalik kasama niya.
و او را روانهٔ سفر نمود؛ ولی در بین راه، شیری به او برخورد و او را درید. کسانی که از آن راه می‌گذشتند، جنازهٔ نبی یهودا را در وسط راه و شیر و الاغ را ایستاده در کنار او دیدند. پس به بیت‌ئیل که نبی پیر در آن زندگی می‌کرد، آمدند و به مردم خبر دادند. 24
Nang makaalis na ang lingkod ng Diyos, isang leon ang nasalubong niya sa daan at pinatay siya, at ang katawan niya ay naiwan sa daanan. Pagkatapos nakatayo ang asno sa tabi nito at nakatayo din ang leon sa katawan nito.
25
Nang napadaan ang mga tao at nakita ang naiwang katawan sa daanan, at ang nakatayong leon sa tabi ng katawan, sila ay dumating at ibinalita ito sa lungsod kung saan nanirahan ang matandang propeta.
وقتی این خبر به گوش نبی پیر رسید او گفت: «این جنازهٔ آن نبی است که از فرمان خداوند سرپیچی کرد. پس خداوند هم آن شیر را فرستاد تا او را بدرد. او مطابق کلام خداوند کشته شد.» 26
Nang marinig ito ng propeta na nagdala pabalik sa kaniya mula sa daanan, sinabi niya, “Ito ang lingkod ng Diyos na lumabag sa salita ni Yahweh. Kaya siya ay ibinigay ni Yahweh sa leon, na nilapa ng pira-piraso at pinatay siya, tulad lamang ng salita ni Yahweh na nagbabala sa kaniya.
بعد او به پسران خود گفت: «زود الاغ مرا آماده کنید.» آنها الاغش را آماده کردند. 27
Kaya nagsalita ang matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, na sinasabing, “Ihanda ang aking asno,” at inihanda nila ito.
او رفت و جنازهٔ آن نبی را پیدا کرد و دید که شیر و الاغ هنوز در کنار جسد ایستاده‌اند. شیر نه جسد را خورده بود و نه الاغ را. 28
Siya ay nagpunta at nakitang naiwan ang katawan sa daanan, at nakabantay ang asno at leon sa tabi ng bangkay. Hindi kinain ng leon ang bangkay, ni sinaktan ang asno.
پس جنازه را روی الاغ گذاشت و به شهر آورد تا برایش سوگواری کرده، او را دفن نماید. 29
Kinuha ng propeta ang bangkay ng lingkod ng Diyos, isinakay ito sa asno at dinala ito pabalik. Dumating siya sa sarili niyang lungsod para magluksa at para siya ay ilibing.
او جنازهٔ نبی یهودا را در قبرستان خاندان خود دفن کرد. بعد برای او ماتم گرفته، گفتند: «ای برادر… ای برادر…» 30
Inilibing niya ang bangkay sa sarili niyang libingan, at sila ay nagluksa sa kaniya, na sinasabing, “Kaawa-awa ka, aking kapatid na lalaki!”
آنگاه نبی پیر به پسران خود گفت: «وقتی من مُردم، در همین قبر دفنم کنید تا استخوانهای من در کنار استخوانهای این نبی بماند. 31
Nang siya ay mailibing na niya, nagsalita ang matandang propeta sa kaniyang mga anak na lalaki, na sinasabing, “Kapag ako ay namatay ilibing ninyo ako sa libingan kung saan inilibing ang lingkod ng Diyos. Ilagay ninyo ang aking mga buto sa tabi ng kaniyang mga buto.
هر چه او به فرمان خداوند دربارهٔ مذبح بیت‌ئیل و بتخانه‌های شهرهای سامره گفت، به‌یقین واقع خواهد شد.» 32
Dahil kung ano ang kaniyang sinabi nang siya ay nagpahayag ng salita ni Yahweh laban sa altar sa Bethel, at laban sa lahat ng templo sa mga dambana sa mga lungsod ng Samaria, ay siguradong matutupad.”
و اما یربعام، پادشاه اسرائیل، با وجود اخطار نبی یهودا از راه بد خود برنگشت و همچنان برای بتخانه‌های خود از میان مردم عادی کاهن تعیین می‌کرد، به طوری که هر که می‌خواست کاهن شود یربعام او را به کاهنی منصوب می‌کرد. 33
Pagkatapos nito hindi nagbago si Jeroboam mula sa kaniyang masasamang gawain, pero patuloy pa rin siyang naghirang ng mga pari para sa mga dambana mula sa kalagitnaan ng buong bayan. Ginawa niyang banal ang sinumang nais maglingkod, na maaaring maging mga pari sa mga dambana.
این گناه یربعام بود که سرانجام به نابودی تمام خاندان او منجر شد. 34
Ang bagay na ito ay naging kasalanan sa pamilya ni Jeroboam at naging dahilan na maputol at mawasak ang mga ito sa ibabaw ng daigdig.

< اول پادشاهان 13 >