< پیدایش 47 >

پس یوسف آمد و به فرعون خبرداده، گفت: «پدرم و برادرانم با گله ورمه خویش و هر‌چه دارند، از زمین کنعان آمده‌اند و در زمین جوشن هستند.» ۱ 1
Nang magkagayo'y pumasok si Jose at isinaysay kay Faraon, at sinabi, Ang aking ama, at ang aking mga kapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay dumating na mula sa lupain ng Canaan; at, narito, sila'y nasa lupain ng Gosen.
و از‌جمله برادران خود پنج نفر برداشته، ایشان را به حضورفرعون بر پا داشت. ۲ 2
At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, at mga iniharap niya kay Faraon.
و فرعون، برادران او را گفت: «شغل شما چیست؟» به فرعون گفتند: «غلامانت شبان گوسفند هستیم، هم ما و هم اجداد ما.» ۳ 3
At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang.
وبه فرعون گفتند: «آمده‌ایم تا در این زمین ساکن شویم، زیرا که برای گله غلامانت مرتعی نیست، چونکه قحط در زمین کنعان سخت است. و الان تمنا داریم که بندگانت در زمین جوشن سکونت کنند.» ۴ 4
At kanilang sinabi kay Faraon, Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen.
و فرعون به یوسف خطاب کرده، گفت: «پدرت و برادرانت نزد تو آمده‌اند، ۵ 5
At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo:
زمین مصرپیش روی توست. در نیکوترین زمین، پدر وبرادران خود را مسکن بده. در زمین جوشن ساکن بشوند. و اگر می‌دانی که در میان ایشان کسان قابل می‌باشند، ایشان را سرکاران مواشی من گردان.» ۶ 6
Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
و یوسف، پدر خود، یعقوب را آورده، او رابه حضور فرعون برپا داشت. و یعقوب، فرعون را برکت داد. ۷ 7
At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama, at itinayo niya sa harap ni Faraon, at binasbasan ni Jacob si Faraon.
و فرعون به یعقوب گفت: «ایام سالهای عمر تو چند است؟» ۸ 8
At sinabi ni Faraon kay Jacob, Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay?
یعقوب به فرعون گفت: «ایام سالهای غربت من صد و سی سال است. ایام سالهای عمر من‌اندک و بد بوده است، و به ایام سالهای عمر پدرانم در روزهای غربت ایشان نرسیده.» ۹ 9
At sinabi ni Jacob kay Faraon, Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.
و یعقوب، فرعون را برکت دادو از حضور فرعون بیرون آمد. ۱۰ 10
At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon.
و یوسف، پدرو برادران خود را سکونت داد، و ملکی در زمین مصر در نیکوترین زمین، یعنی در ارض رعمسیس، چنانکه فرعون فرموده بود، بدیشان ارزانی داشت. ۱۱ 11
At itinatag ni Jose ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at sila'y binigyan ng pag-aari sa lupain ng Egipto, sa pinakamabuti sa lupain, sa lupain ng Rameses, gaya ng iniutos ni Faraon.
و یوسف پدر و برادران خود، وهمه اهل خانه پدر خویش را به حسب تعدادعیال ایشان به نان پرورانید. ۱۲ 12
At pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, ayon sa kanikaniyang sangbahayan.
و در تمامی زمین نان نبود، زیرا قحط زیاده سخت بود، و ارض مصر و ارض کنعان بسبب قحط بینوا گردید. ۱۳ 13
At walang tinapay sa buong lupain; sapagka't ang kagutom ay totoong malala, na ano pa't ang lupain ng Egipto, at ang lupain ng Canaan ay nanglulupaypay dahil sa kagutom.
و یوسف، تمام نقره‌ای را که در زمین مصر و زمین کنعان یافته شد، به عوض غله‌ای که ایشان خریدند، بگرفت، و یوسف نقره را به خانه فرعون درآورد. ۱۴ 14
At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, dahil sa trigong kanilang binibili: at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon.
و چون نقره از ارض مصر و ارض کنعان تمام شد، همه مصریان نزدیوسف آمده، گفتند: «ما را نان بده، چرا درحضورت بمیریم؟ زیرا که نقره تمام شد.» ۱۵ 15
At nang ang salapi ay maubos na lahat sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, ay naparoon kay Jose ang lahat ng mga Egipcio, at nagsabi; Bigyan mo kami ng tinapay: sapagka't bakit kami mamamatay sa iyong harap? dahil sa ang aming salapi ay naubos.
یوسف گفت: «مواشی خود را بیاورید، و به عوض مواشی شما، غله به شما می‌دهم، اگر نقره تمام شده است.» ۱۶ 16
At sinabi ni Jose, Ibigay ninyo ang inyong mga hayop; at bibigyan ko kayo dahil sa inyong mga hayop; kung naubos na ang salapi.
پس مواشی خود را نزدیوسف آوردند، و یوسف به عوض اسبان وگله های گوسفندان و رمه های گاوان و الاغان، نان بدیشان داد. و در آن سال به عوض همه مواشی ایشان، ایشان را به نان پرورانید. ۱۷ 17
At kanilang dinala ang kanilang mga hayop kay Jose, at binigyan sila ni Jose ng tinapay na pinakapalit sa mga kabayo, at sa mga kawan, at sa mga bakahan, at sa mga asno; at kaniyang pinakain sila ng tinapay na pinakapalit sa kanilang lahat na hayop sa taong yaon.
و چون آن سال سپری شد در سال دوم به حضور وی آمده، گفتندش: «از آقای خود مخفی نمی داریم که نقره ما تمام شده است، و مواشی و بهایم از آن آقای ماگردیده، و جز بدنها و زمین ما به حضور آقای ماچیزی باقی نیست. ۱۸ 18
At nang matapos ang taong yaon ay naparoon sila sa kaniya ng ikalawang taon, at kanilang sinabi sa kaniya: Hindi namin ililihim sa aming panginoon, na kung paanong ang aming salapi ay naubos, at ang mga kawan ng hayop ay sa aking panginoon; wala nang naiiwan sa paningin ng aking panginoon kundi ang aming katawan at ang aming mga lupa.
چرا ما و زمین ما نیز در نظرتو هلاک شویم؟ پس ما را و زمین ما را به نان بخر، و ما و زمین ما مملوک فرعون بشویم، و بذر بده تازیست کنیم و نمیریم و زمین بایر نماند.» ۱۹ 19
Bakit nga kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupa? bilhin mo ng tinapay kami at ang aming lupa at kami at ang aming lupa ay paaalipin kay Faraon: at bigyan mo kami ng binhi, upang kami ay mabuhay, at huwag mamatay, at ang lupa ay huwag masira.
پس یوسف تمامی زمین مصر را برای فرعون بخرید، زیرا که مصریان هر کس مزرعه خود را فروختند، چونکه قحط برایشان سخت بود و زمین از آن فرعون شد. ۲۰ 20
Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain ay naging kay Faraon.
و خلق را از این حد تا به آن حد مصر به شهرها منتقل ساخت. ۲۱ 21
At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo,
فقط زمین کهنه را نخرید، زیرا کهنه را حصه‌ای از جانب فرعون معین شده بود، و از حصه‌ای که فرعون بدیشان داده بود، می‌خوردند. از این سبب زمین خود را نفروختند. ۲۲ 22
Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili: sapagka't ang mga saserdote'y may bahagi kay Faraon, at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa.
و یوسف به قوم گفت: «اینک، امروز شما را و زمین شما را برای فرعون خریدم، همانا برای شما بذر است تا زمین رابکارید. ۲۳ 23
Nang magkagayo'y sinabi ni Jose sa bayan: Narito, aking binili kayo ng araw na ito, at ang inyong lupa'y para kay Faraon: narito, ito ang ipangbibinhi ninyo, at inyong hahasikan ang lupa.
و چون حاصل برسد، یک خمس به فرعون دهید، و چهار حصه از آن شما باشد، برای زراعت زمین و برای خوراک شما و اهل خانه های شما و طعام به جهت اطفال شما.» ۲۴ 24
At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang ikalimang bahagi kay Faraon, at ang apat na bahagi ay sa inyo, sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain, at sa inyong mga kasangbahay, at pinakapagkain sa inyong mga bata.
گفتند: «تو ما را احیا ساختی، در نظر آقای خود التفات بیابیم، تا غلام فرعون باشیم.» ۲۵ 25
At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon.
پس یوسف این قانون را بر زمین مصر تا امروز قرار دادکه خمس از آن فرعون باشد، غیر از زمین کهنه فقط، که از آن فرعون نشد. ۲۶ 26
At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito, na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi, liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon.
و اسرائیل در ارض مصر در زمین جوشن ساکن شده، ملک در آن گرفتند، و بسیار بارور و کثیر گردیدند. ۲۷ 27
At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto, sa lupain ng Gosen; at sila'y nagkaroon ng mga pag-aari roon, at pawang sagana at totoong dumami.
ویعقوب در ارض مصر هفده سال بزیست. و ایام سالهای عمر یعقوب صد و چهل و هفت سال بود. ۲۸ 28
At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon.
و چون حین وفات اسرائیل نزدیک شد، پسر خود یوسف را طلبیده، بدو گفت: «الان اگردر نظر تو التفات یافته‌ام، دست خود را زیر ران من بگذار، و احسان و امانت با من بکن، و زنهار مرادر مصر دفن منما، ۲۹ 29
At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel: at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose, at sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ilagay mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan; isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto:
بلکه با پدران خود بخوابم ومرا از مصر برداشته، در قبر ایشان دفن کن.» گفت: «آنچه گفتی خواهم کرد.» ۳۰ 30
Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto, at ililibing mo ako sa kanilang libingan. At kaniyang sinabi, Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi.
گفت: «برایم قسم بخور، » پس برایش قسم خورد و اسرائیل بر سربستر خود خم شد. ۳۱ 31
At kaniyang sinabi, Sumumpa ka sa akin: at sumumpa siya sa kaniya. At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan.

< پیدایش 47 >