< اول سموئیل 9 >

و مردی بود از بنیامین که اسمش قیس بن ابیئیل بن صرور بن بکورت بن افیح بود، و اوپسر مرد بنیامینی و مردی زورآور مقتدر بود. ۱ 1
May isang lalaki mula sa Benjamin, isang lalaking maimpluwensiya. Kish ang pangalan niya, anak na lalaki ni Abiel na anak na lalaki ni Zeror ng Becorat na anak na lalaki ni Afia, na anak na lalaki na taga-Benjamin.
واو را پسری شاول نام، جوانی خوش اندام بود که در میان بنی‌اسرائیل کسی از او خوش اندام تر نبودکه از کتفش تا به بالا از تمامی قوم بلندتر بود. ۲ 2
Mayroon siyang isang anak na lalaki na nagngangalang Saul, isang makisig na binata. Walang sinumang lalaki sa bayan ng Israel ang mas makisig kaysa kanya. Mula balikat niya pataas mas matangkad siya sa lahat ng tao.
و الاغهای قیس پدر شاول گم شد. پس قیس به پسر خود شاول گفت: «الان یکی از جوانان خود را با خود گرفته، برخیز و رفته، الاغها راجستجو نما.» ۳ 3
Ngayon nawala ang mga asno ni Kish, na ama ni Saul. Kaya sinabi ni Kish sa anak niyang si Saul, “Isama mo ang isa sa mga lingkod; bumangon at hanapin ang mga asno.”
پس از کوهستان افرایم گذشته، واز زمین شلیشه عبور نموده، آنها را نیافتند. و اززمین شعلیم گذشتند و نبود و از زمین بنیامین گذشته، آنها را نیافتند. ۴ 4
Kaya dumaan si Saul sa maburol na lugar ng Efraim at nagtungo sa lupain ng Salisa, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon. Dumaan sila sa lupain ng Shaalim, pero wala roon ang mga iyon. Pagkatapos dumaan sila sa lupain ng mga taga-Benjamin, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon.
و چون به زمین صوف رسیدند، شاول به خادمی که همراهش بود، گفت: «بیا برگردیم مباداپدرم از فکر الاغها گذشته، به فکر ما افتد.» ۵ 5
Nang dumating sila sa lupain ng Zuf, sinabi ni Saul sa kanyang lingkod na kasama niya, “Halika, bumalik na tayo, at baka tumigil na mag-alala ang aking ama sa mga asno at magsimulang mag-alala tungkol sa atin.”
او درجواب وی گفت: «اینک مرد خدایی در این شهراست و او مردی مکرم است و هر‌چه می‌گویدالبته واقع می‌شود. الان آنجا برویم؛ شاید از راهی که باید برویم ما را اطلاع بدهد.» ۶ 6
Subalit sinabi sa kanya ng lingkod, “Makinig ka, may lingkod ng Diyos sa lungsod na ito. Siya ay isang lalaking iginagalang; nagkakatotoo ang lahat ng bagay na sabihin niya. Pumunta tayo roon; maaaring masabi niya sa atin kung aling daan ang dapat nating tahakin sa ating paglalakbay.”
شاول به خادمش گفت: «اینک اگر برویم چه چیز برای آن مرد ببریم، زیرا نان از ظروف ما تمام شده، وهدیه‌ای نیست که به آن مرد خدا بدهیم. پس چه چیز داریم.» ۷ 7
Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, “Subalit kung pupunta tayo, anong madadala natin sa lalaki? Dahil ubos na ang tinapay sa ating supot, at walang handog na madadala para sa tao ng Diyos. Anong mayroon tayo?”
و آن خادم باز در جواب شاول گفت که «اینک در دستم ربع مثقال نقره است. آن را به مرد خدا می‌دهم تا راه ما را به ما نشان دهد.» ۸ 8
Sumagot ang lingkod kay Saul, “Mayroon ako ritong ikaapat na siklo ng pilak na ibibigay ko sa lingkod ng Diyos, para sabihin sa atin kung saan tayo dapat tumungo.”
در زمان سابق چون کسی در اسرائیل برای درخواست کردن از خدا می‌رفت، چنین می‌گفت: «بیایید تا نزد رائی برویم.» زیرا نبی امروز را سابق رائی می‌گفتند. ۹ 9
(Dati sa Israel, kapag hahanapin ng isang tao ang kaalaman ng kalooban ng Diyos, sinasabi niya, “Halika, pumunta tayo sa manghuhula.” Dahil ang propeta ngayon ay dating tinatawag na manghuhula.)
و شاول به خادم خود گفت: «سخن تو نیکوست. بیا برویم.» پس به شهری که مرد خدا در آن بود، رفتند. ۱۰ 10
Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, “Mabuting pagkasabi. Halika, tayo na.” Kaya pumunta sila sa lungsod kung saan naroon ang lingkod ng Diyos.
و چون ایشان به فراز شهر بالا می‌رفتند، دختران چند یافتند که برای آب کشیدن بیرون می‌آمدند و به ایشان گفتند: «آیا رائی دراینجاست؟» ۱۱ 11
Habang paakyat sila sa burol patungo sa lungsod, nakasalubong sila ng mga babaeng palabas para sumalok ng tubig; sinabi ni Saul at ng kanyang lingkod sa kanila, “Narito ba ang manghuhula?”
در جواب ایشان گفتند: «بلی اینک پیش روی شماست. حال بشتابید زیراامروز به شهر آمده است چونکه امروز قوم را درمکان بلند قربانی هست. ۱۲ 12
Sumagot sila at sinabi, “Narito siya; tingnan ninyo, nauna lang siya sa inyo. Magmadali kayo, dahil pupunta siya sa lungsod ngayon, sapagkat mag-aalay ang mga tao ngayon sa mataas na lugar.
به مجرد ورود شما به شهر، قبل از آنکه به مکان بلند برای خوردن بیایید، به او خواهید برخورد زیرا که تا او نیایدقوم غذا نخواهند خورد، چونکه او می‌باید اول قربانی را برکت دهد و بعد از آن دعوت‌شدگان بخورند. پس اینک بروید زیرا که الان او راخواهید یافت.» ۱۳ 13
Pagpasok na pagpasok ninyo sa lungsod matatagpuan ninyo siya bago siya umakyat sa mataas na lugar para kumain. Hindi kakain ang mga tao hanggang sa dumating siya dahil babasbasan niya ang alay; pagkatapos kakain ang mga inanyayahan. Ngayon, umakyat na kayo dahil matatagpuan ninyo siya kaagad.”
پس به شهر رفتند و چون داخل شهر می‌شدند، اینک سموئیل به مقابل ایشان بیرون آمد تا به مکان بلند برود. ۱۴ 14
Kaya umakyat sila sa lungsod. Habang papasok sila sa lungsod, nakita nila si Samuel na patungo sa kanila para umakyat sa mataas na lugar.
و یک روز قبل از آمدن شاول خداوند برسموئیل کشف نموده، گفت: ۱۵ 15
Ngayon, sa araw bago dumating si Saul, ibinunyag ni Yahweh kay Samuel:
«فردا مثل این وقت شخصی را از زمین بنیامین نزد تو می‌فرستم، او را مسح نما تا بر قوم من اسرائیل رئیس باشد، وقوم مرا از دست فلسطینیان رهایی دهد. زیرا که برقوم خود نظر کردم چونکه تضرع ایشان نزد من رسید.» ۱۶ 16
“Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin.”
و چون سموئیل شاول را دید، خداوند او را گفت: «اینک این است شخصی که درباره‌اش به تو گفتم که بر قوم من حکومت خواهد نمود.» ۱۷ 17
Nang makita ni Samuel si Saul, sinabi ni Yahweh sa kanya, “Siya ang lalaking sinabi ko sa iyo! Siya ang mamamahala sa aking bayan.”
و شاول در میان دروازه به سموئیل نزدیک آمده، گفت: «مرا بگو که خانه رائی کجاست؟» ۱۸ 18
Pagkatapos lumapit si Saul kay Samuel sa tarangkahan at sinabing, “Sabihin mo sa akin kung saan ang bahay ng manghuhula?”
سموئیل در جواب شاول گفت: «من رائی هستم. پیش من به مکان بلند برو زیرا که شماامروز با من خواهید خورد، و بامدادان تو را رهاکرده، هرچه در دل خود داری برای تو بیان خواهم کرد. ۱۹ 19
Sinagot ni Samuel si Saul at sinabing, “Ako ang manghuhula. Mauna kang umakyat sa akin sa mataas na lugar, dahil ngayon kakain kang kasama ko. Sa umaga hahayaan kitang umalis, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng bagay na nasa isip mo.
و اما الاغهایت که سه روز قبل ازاین گم شده است، درباره آنها فکر مکن زیرا پیداشده است، و آرزوی تمامی اسرائیل بر کیست؟ آیا بر تو و بر تمامی خاندان پدر تو نیست؟» ۲۰ 20
Para sa iyong mga asnong nawala tatlong araw na ang nakalipas, huwag mabahala tungkol sa mga iyon, dahil natagpuan na ang mga iyon. At para kanino nakatuon ang lahat ng naisin ng Israel? Hindi ba sa iyo at sa buong bahay ng iyong ama?”
شاول در جواب گفت: «آیا من بنیامینی و ازکوچک ترین اسباط بنی‌اسرائیل نیستم؟ و آیاقبیله من از جمیع قبایل سبط بنیامین کوچکترنیست؟ پس چرا مثل این سخنان به من می‌گویی؟» ۲۱ 21
Sumagot si Saul at sinabing, “Hindi ba ako taga- Benjamin, mula sa pinakamaliit na lipi ng Israel? Hindi ba ang aking angkan ang pinakamaliit sa lahat ng angkan ng lipi ni Benjamin? Bakit ka nagsalita sa akin sa ganitong paraan?”
و سموئیل شاول و خادمش را گرفته، ایشان را به مهمانخانه آورد و بر صدردعوت‌شدگان که قریب به سی نفر بودند، جا داد. ۲۲ 22
Kaya isinama ni Samuel si Saul at kanyang lingkod, dinala sila sa bulwagan, at pinaupo sila sa pang-ulong dako ng mga inanyayahan, na mga tatlumpung tao.
و سموئیل به طباخ گفت: «قسمتی را که به تودادم و درباره‌اش به تو گفتم که پیش خودنگاهدار، بیاور.» ۲۳ 23
Sinabi ni Samuel sa tagapagluto, “Dalhin mo ang bahaging ibinigay ko sa iyo, kung alin sinabi sa iyong, 'Itabi mo ito.'”
پس طباخ ران را با هرچه برآن بود، گرفته، پیش شاول گذاشت و سموئیل گفت: «اینک آنچه نگاهداشته شده است، پیش خود بگذار و بخور زیرا که تا زمان معین برای تونگاه داشته شده است، از وقتی که گفتم از قوم وعده بخواهم.» ۲۴ 24
Kaya kinuha ng tagapagluto ang hitang itinaas sa pag-aalay at kung ano ang kasama nito, at inilagay ito sa harapan ni Saul. Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Tingnan kung ano ang itinabi ko para sa iyo! Kainin mo ito, dahil itinabi ko ito hanggang sa itinakdang oras para sa iyo. Sa ngayon masasabi mong, 'Inanyayahan ko ang mga tao.'” Kaya kumain si Saul kasama ni Samuel sa araw na iyon.
وچون ایشان از مکان بلند به شهر آمدند، او با شاول بر پشت بام گفتگو کرد. ۲۵ 25
Nang makababa sila mula sa mataas na lugar patungo sa lungsod, nakipag-usap si Samuel kay Saul sa ibabaw ng bubong.
و صبح زود برخاستندو نزد طلوع فجر سموئیل شاول را بر پشت بام خوانده، گفت: «برخیز تا تو را روانه نمایم.» پس شاول برخاست و هر دوی ایشان، او و سموئیل بیرون رفتند. ۲۶ 26
Pagkatapos sa bukang-liwayway, tinawag ni Samuel si Saul sa ibabaw ng bubong at sinabing, “Bumangon ka, upang maihatid kita paalis sa iyong patutunguhan.” Kaya bumangon si Saul, at kapwa siya at si Samuel ay lumabas sa kalye.
و چون ایشان به کنار شهر رسیدند، سموئیل به شاول گفت: «خادم را بگو که پیش مابرود. (و او پیش رفت ) و اما تو الان بایست تا کلام خدا را به تو بشنوانم.» ۲۷ 27
Habang patungo sila sa dakong labas ng lungsod, sinabi ni Samuel kay Saul, “Sabihan mo ang lingkod na mauna sa atin (at nauna siya), ngunit dapat kang manatili rito sandali, upang maipahayag ko ang pasabi ng Diyos sa iyo.”

< اول سموئیل 9 >