< اول تواریخ 10 >

و فلسطينيان با اسرائيل جنگ کردند، و مردان اسرائيل از حضور فلسطينيان فرار کردند و در کوه جِلبُوع کشته شده، افتادند. ۱ 1
At ngayon, nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Tumakas ang bawat Israelita mula sa mga Filisteo at pinatay sa Bundok ng Gilboa.
و فلسطينيان شاؤل و پسرانش را به سختي تعاقب نمودند، و فلسطينيان پسران شاؤل يوناتان و ابيناداب و مَلکيشوع را کشتند. ۲ 2
Nagpatuloy ang mga Filisteo sa pagtugis kay Saul at sa kaniyang mga anak na lalaki. Pinatay ng mga Filisteo ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Jonatan, Abinadab at Melquisua.
و جنگ بر شاؤل سخت شد و تيراندازان او را دريافتند و از تيراندازان مجروح شد. ۳ 3
Naging matindi ang digmaan laban kay Saul at inabutan siya ng mga mamamana. Lubha siyang nasugatan dahil sa mga mamamana.
و شاؤل به سلاحدار خود گفت: «شمشير را بکش و به من فرو بر، مبادا اين نامختونان بيايند و مرا افتضاح کنند.» اما سلاحدارش نخواست زيرا که بسيار مي ترسيد؛ پس شاؤل شمشير را گرفته بر آن افتاد. ۴ 4
Pagkatapos nito, sinabi ni Saul sa tagadala ng kaniyang mga baluti. “Hugutin mo ang iyong tabak at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating ang mga hindi tuli at aabusuhin ako”. Ngunit ayaw gawin ng tagadala ng kaniyang mga baluti, sapagkat siya ay takot na takot. Kaya hinugot ni Saul ang sariling tabak at sinaksak ang kaniyang sarili.
و سلاحدارش چون شاؤل را مرده ديد، او نيز بر شمشير افتاده، بمُرد. ۵ 5
Nang makita ng tagadala ng kaniyang mga baluti na patay na si Saul, itinusok rin niya ang tabak sa kaniyang sarili at namatay.
و شاؤل مُرد و سه پسرش و تمامي اهل خانه اش همراه وي مردند. ۶ 6
Kaya namatay si Saul at ang kaniyang tatlong anak na lalaki, kaya ang lahat ng kaniyang sambahayan ay magkakasamang namatay.
و چون جميع مردان اسرائيل که در وادي بودند، اين را ديدند که لشکر منهزم شده، و شاؤل و پسرانش مرده اند، ايشان نيز شهرهاي خود را ترک کرده، گريختند و فلسطينيان آمده، در آنها قرار گرفتند. ۷ 7
Nang makita ng bawat Israelitang nasa lambak na tumakas sila, at patay na si Saul at ang kaniyang mga anak, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas sila. At dumating ang mga Filisteo at nanirahan doon.
و روز ديگر واقع شد که چون فلسطينيان آمدند تا کشتگان را برهنه نمايند، شاؤل و پسرانش را در کوه جِلبُوع افتاده يافتند. ۸ 8
At nangyari nga kinabukasan, nang dumating ang mga Filisteo upang pagnakawan ang mga patay, natagpuan nilang patay si Saul at ang kaniyang mga anak na lalaki sa Bundok ng Gilboa.
پس او را برهنه ساخته، سَر و اسلحه اش را گرفتند و آنها را به زمين فلسطينيان به هر طرف فرستادند تا به بتها و قوم خود مژده برسانند. ۹ 9
Hinubaran nila si Saul, pinugutan siya ng ulo at kinuha ang kaniyang baluti. Nagpadala sila ng mga mensahero sa buong Filistia upang ikalat ang balita sa kanilang mga diyus-diyosan at sa lahat ng tao.
و اسلحه اش را در خانه خدايان خود گذاشتند و سرش را در خانه داجون به ديوار کوبيدند. ۱۰ 10
Inilagay nila ang kaniyang baluti sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at isinabit ang kaniyang ulo sa templo ni Dagon.
و چون تمامي اهل يابيش جِلعاد آنچه را که فلسطينيان به شاؤل کرده بودند شنيدند، ۱۱ 11
Nang marinig ng mga taga-Jabes-Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul,
جميع شجاعان برخاسته، جسد شاؤل و جسد هاي پسرانش را برداشته، آنها را به يابيش آورده، استخوانهاي ايشان را زير درخت بلوط که در يابيش است، دفن کردند و هفت روز روزه داشتند. ۱۲ 12
pumunta ang lahat ng kanilang mandirigma at kinuha ang katawan ni Saul maging ang kaniyang mga anak at dinala nila ang mga ito sa Jabes. Inilibing nila ang kanilang mga buto sa ilalim ng puno ng ensina at nag-ayuno sila ng pitong araw.
پس شاؤل به سبب خيانتي که به خداوند ورزيده بود مُرد، به جهت کلام خداوند که آن را نگاه نداشته بود، و از اين جهت نيز که از صاحبه اجنّه سؤال نموده بود. ۱۳ 13
Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay.
و چونکه خداوند را نطلبيده بود، او را کُشت و سلطنت او را به داود بن يسَّي برگردانيد. ۱۴ 14
Hindi siya humingi ng patnubay mula kay Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh at ibinigay ang kaniyang kaharian kay David na anak na lalaki ni Jesse.

< اول تواریخ 10 >