< Jobs 11 >
1 Da tok Sofar fra Na'ama til orde og sa:
Pagkatapos sumagot si Zofar ang Naamita at nagsabi,
2 Skulde en ordflom bli uten svar, eller en ordgyter få rett?
Hindi ba dapat sagutin ang ganyang napakaraming salita? Nararapat ba sa taong ito, na puno ng mga salita, na paniwalaan?
3 Skulde dine store ord drive menn til taushet, skulde du spotte uten at nogen skammer dig ut?
Nararapat ba na ang iyong pagmamagaling ay nagpapanatili sa iba na manahimik? Kapag kinutya mo ang aming katuruan, wala bang sinuman na magpapahiya sa iyo?
4 Og skal du få si: Ren er min lære, og skyldfri er jeg i dine øine?
Dahil sinasabi mo sa Diyos, 'Ang aking mga paniniwala ay dalisay, ako ay walang kasalanan sa iyong mga mata.
5 Men bare Gud vilde tale og oplate sine leber mot dig
Pero, kung sana lang magsalita ang Diyos at buksan ang kaniyang bibig laban sa iyo;
6 og åpenbare dig visdommens hemmeligheter, at det i dem er dobbelt forstand! Da måtte du nok innse at Gud tilgir dig noget av din misgjerning.
na ipakita sa iyo ang mga lihim ng karunungan. Dahil dakila siya sa pang-unawa. Saka mo alamin na ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay mas magaan sa nararapat sa iyong kasalanan.
7 Mon du kan finne bunn i Guds vesen eller nå frem til den Allmektiges ytterste grense?
Maiintindihan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap sa kania? Maaari mo bang mauunawaan ang Makapangyarihan nang lubusan?
8 Himmelhøi er den, hvad kan du gjøre? Dypere enn dødsriket, hvad vet du? (Sheol )
Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo? (Sheol )
9 Lengere enn jorden er dens mål og bredere enn havet.
Ang kaniyang sukat ay mas mahaba pa kaysa daigdig, mas malawak pa kaysa dagat.
10 Om han farer frem og setter i fengsel og sammenkaller retten, hvem vil da hindre ham?
Kung siya ay dumadaan at ikinukulong ang sinuman, kung tinatawag ang sinuman sa hukuman, sa gayon sino ang makakapigil sa kaniya?
11 For han, han kjenner de falske folk og ser uretten, uten at han trenger å gi akt på den,
Sapagkat kilala niya ang mga taong mapagpanggap; kapag nakakakita ng kasamaan, hindi ba niya napapansin ito?
12 og selv en uvettig mann får forstand, og et ungt villesel blir født til menneske.
Pero ang mga taong hangal ay walang pang-unawa; Makukuha nila ito kapag ang isang ligaw na asno ay magsilang ng isang tao.
13 Hvis du retter ditt hjerte og utbreder dine hender til ham -
Pero ipagpalagay na itinakda mong ayusin ang iyong puso at iniunat ang iyong mga kamay patungo sa Diyos;
14 er det synd i din hånd, da ha den bort og la ikke urett bo i dine telt -
ipagpalagay mo na ang kasamaan ay nasa iyong mga kamay, kung gayon ilayo mo ito mula sa iyo, at hindi hinayaan ang kasamaan na manahan sa iyong mga tolda.
15 ja, da skal du, fri for lyte, opløfte ditt åsyn og stå fast og ikke frykte;
Sa gayon ay tiyak na maitataas mo ang iyong mukha na walang tanda ng kahihiyan; tunay nga, magiging matatag ka at hindi matatakot.
16 for du skal glemme din møie, som forbifarne vann skal du komme den i hu.
Makakalimutan mo ang iyong paghihirap; maaalala mo lamang ito gaya ng tubig na umagos palayo.
17 Og lysere enn middagen blir da ditt liv; mørket blir for dig som morgenen.
Ang iyong buhay ay magiging mas maliwanag kaysa katanghaliang tapat; kahit na mayroong kadiliman, ito ay magiging gaya ng umaga.
18 Og du skal være trygg, for da er det håp, og når du har sett dig vel omkring, kan du legge dig trygt til ro.
Magiging ligtas ka dahil may pag-asa; sa katunayan, matatagpuan mo ang iyong kaligtasan at ikaw ay makapagpapahinga nang ligtas.
19 Og du skal hvile, og ingen skal skremme dig op, og mange skal søke din yndest.
At walang pwedeng tumakot sa iyo; tunay, marami ang lalapit sa iyo para humingi ng pabor.
20 Men de ugudeliges øine tæres bort; de har ingen tilflukt mere, og deres håp er å utånde sjelen.
Pero ang mga mata ng mga masasamang tao ay mabibigo; wala silang paraan para tumakas. Ang kanilang tanging pag-asa ay ang huling hinga ng buhay.”