< 2 Kongebok 9 >
1 Profeten Elisa kalte på en av profetenes disipler og sa til ham: Omgjord dine lender og ta denne oljekrukke i din hånd og gå til Ramot i Gilead!
Tinawag ni Eliseo na propeta ang isa sa mga anak ng mga propeta at sinabi sa kaniya, “Magbihis ka para maglakbay, pagkatapos dalhin ang maliit na bote ng langis na ito sa iyong kamay at pumunta sa Ramoth-galaad.
2 Når du kommer dit, skal du opsøke Jehu, sønn av Nimsis sønn Josafat, og gå så inn og be ham stå op der han sitter blandt sine brødre, og før ham inn i det innerste kammer.
Kapag dumating ka, hanapin mo si Jehu anak ni Jehosafat anak ni Nimsi, at pumasok ka at patayuin siya sa gitna ng kaniyang mga kasama, at samahan siya sa loob ng isang silid.
3 Ta så oljekrukken og hell den ut over hans hode og si: Så sier Herren: Jeg har salvet dig til konge over Israel! Så skal du åpne døren og flykte og ikke dryge.
Pagkatapos kunin ang bote ng langis at ibuhos ito sa kaniyang ulo at sabihing, 'Sinasabi ito ni Yahweh: “Hinirang kita para maging hari ng Israel,” Pagkatapos buksan ang pinto, at tumakbo; huwag patagalin.”
4 Så gikk den unge mann - den unge profet - til Ramot i Gilead.
Kaya ang binata, ang batang propeta, ay nagpunta sa Ramot-galaad.
5 Og da han kom dit, så han hærens høvedsmenn sitte der; og han sa: Jeg har noget å si dig, høvedsmann! Da sa Jehu: Hvem av alle oss her? Han svarte: Dig, høvedsmann!
Nang dumating siya, namasdan niya ang mga kapitan ng hukbo ay nakaupo. Kaya sinabi ng batang propeta, “Ako ay may isang sadya sa iyo, kapitan.” Sumagot si Jehu, “Kanino sa amin?” Sumagot ang batang propeta, “Sa iyo, kapitan.”
6 Da stod han op og gikk inn i huset, og han helte oljen ut over hans hode og sa til ham: Så sier Herren, Israels Gud: Jeg har salvet dig til konge over Herrens folk, over Israel.
Kaya tumayo si Jehu at pumasok sa bahay, at ibinuhos ng propeta ang langis sa kaniyang ulo at sinabi kay Jehu, “sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Hinirang kita para maging hari sa bayan ni Yahweh, sa Israel.
7 Du skal gjøre ende på din herre Akabs hus, for jeg vil hevne mine tjenere profetenes blod og alle Herrens tjeneres blod på Jesabel.
Dapat mong patayin ang pamilya ni Ahab na iyong panginoon, kaya ipaghihiganti ko ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat ng mga lingkod ni Yahweh, na pinatay sa pamamagitan ng kamay ni Jezabel.
8 Og hele Akabs hus skal gå til grunne; jeg vil utrydde alle menn av Akabs ætt, både myndige og umyndige, i Israel.
Dahil ang buong pamilya ni Ahab ay mapaparusahan, at puputulin ko mula kay Ahab ang bawat batang lalaki, maging siya ay isang alipin o isang taong malaya.
9 Jeg vil gjøre med Akabs hus som med Jeroboams, Nebats sønns hus, og med Baesas, Akias sønns hus.
Gagawin ko sa sambahayan ni Ahab gaya ng sa sambahayan ni Jeroboam anak ni Nebat at gaya ng sa sambahayan ni Baasa anak ni Ahias.
10 Og Jesabel skal hundene fortære på Jisre'els mark, og ingen skal begrave henne. Så åpnet han døren og flyktet.
Kakainin ng mga aso si Jezabel sa Jezreel, at walang sinuman doon ang maglilibing sa kaniya.” Pagkatapos binuksan ng propeta ang pintuan at tumakbo.
11 Da Jehu kom ut til sin herres menn, spurte de ham: Står alt vel til? Hvorfor kom denne gale mann til dig? Han svarte: I kjenner jo mannen og hans underlige tanker.
Pagkatapos lumabas si Jehu sa mga lingkod ng kaniyang panginoon, at sinabi sa kaniya ng isa, “Mabuti ba ang lahat ng bagay? Bakit pumunta sa iyo ang baliw na taong ito?” Sumagot si Jehu sa kanila, “Kilala ninyo ang lalaki at ang mga uri ng bagay na sinasabi niya.”
12 Men de sa: Du taler ikke sant; si oss hvad det er! Da sa han: Så og så talte han til mig og sa: Så sier Herren: Jeg har salvet dig til konge over Israel.
Sinabi nila, “Isang kasinungalingan iyon. Sabihin sa amin.” Sumagot si Jehu, “Sinabi niya ito at iyon sa akin, at sinabi niya rin, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hinirang kita bilang hari ng Israel.”
13 Da skyndte de sig og tok hver sin kappe og la dem under ham på trappetrinene; og de støtte i basunen og ropte: Jehu er konge!
Pagkatapos bawat isa sa kanila ay mabilis na hinubad ang kaniyang panlabas na damit at inilagay ito sa paanan ni Jehu para lakaran. Hinipan nila ang trumpeta at sinabi, “Si Jehu ay hari.”
14 Således fikk Jehu, sønn av Nimsis sønn Josafat, en sammensvergelse i stand mot Joram - Joram hadde med hele Israel ligget på vakt ved Ramot i Gilead mot kongen i Syria Hasael;
Sa pamamaraang ito nakipagsabwatan si Jehu anak ni Jehosafat anak ni Nimsi laban kay Joram. Ngayon pinagtatanggol ni Joram ang Ramot-galaad, siya at lahat ng Israel, dahil kay Hazael hari ng Aram,
15 men selv var kong Joram vendt tilbake for å la sig læge i Jisre'el for de sår syrerne hadde slått ham da han stred mot Syrias konge Hasael. - Og Jehu sa: Hvis I så synes, så la ingen rømme og slippe ut av byen, så han kunde gå avsted og kunngjøre det i Jisre'el!
pero nagbalik si Haring Joram sa Jezreel para pagalingin ang sugat na ginawa ng mga Aramean sa kaniya, nang nakipaglaban siya kay Hazael hari ng Aram. Sinabi ni Jehu sa mga lingkod ni Joram, “Kung ito ang iyong palagay, sa gayon huwag hayaang may isang makatakas at makalabas sa lungsod, para sabihin ang mga balitang ito sa Jezreel.”
16 Så steg Jehu op i sin vogn og drog til Jisre'el, for Joram lå syk der; og Judas konge Akasja hadde draget der ned for å se til Joram.
Kaya sumakay si Jehu sa isang karwahe patungong Jezreel; dahil doon nagpapahinga si Joram. Ngayon si Ahazias hari ng Juda ay bumaba para makita si Joram.
17 Vekteren som stod på tårnet i Jisre'el, ropte da han så Jehu komme med sin flokk: Jeg ser en flokk som kommer. Da sa Joram: Ta og send en rytter for å møte dem og spørre: Kommer I med fred?
Ang bantay ay nakatayo sa tore sa Jezreel, at nakita niya ang kasama ni Jehu habang siya ay dumating sa kalayuan; sinabi niya, “Nakikita ko ang isang pangkat ng kalalakihan na dumarating,” Sinabi ni Joram, 'Kumuha ka ng isang mangangabayo, at ipadala siya para salubungin sila; sabihin sa kaniya para sabihing, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan?”
18 Rytteren drog ham i møte og sa: Så sier kongen: Kommer I med fred? Jehu svarte: Hvad kommer det dig ved? Vend om og følg mig! Vekteren meldte det og sa: Budet har nådd frem til dem, men kommer ikke tilbake.
Kaya ipinadala ang isang lalaki sa mangangabayo para salubungin sila, sinabi niya, “Sinabi ito ng hari: 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan?” Kaya sinabi ni Jehu, “Ano ang magagawa mo sa kapayapaan? Bumalik ka at sumunod sa akin.” Pagkatapos sinabi ng bantay sa hari, “Sinalubong sila ng mensahero, pero hindi siya babalik.”
19 Da sendte han en annen rytter, og da han kom til dem, sa han: Så sier kongen: Kommer I med fred? Jehu svarte: Hvad kommer det dig ved? Vend om og følg mig!
Pagkatapos nagpadala siya ng pangalawang lalaki na nakakabayo, na pumunta sa kanila at sinabi, “Sinasabi ito ng hari: 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan? “Sumagot si Jehu, “Ano ang magagawa mo sa kapayapaan? Bumalik ka at sumunod sa akin.”
20 Vekteren meldte det og sa: Han har nådd frem til dem, men kommer ikke tilbake. Efter måten de farer frem på, ser det ut som det kunde være Jehu, Nimsis sønn; for han farer frem som en rasende.
Muling nag-ulat ang bantay, “Siya ay sinalubong nila, pero hindi siya babalik. At ang paraan ng pagpapatakbo ng karwahe ay gaya ng pagpapatakbo ni Jehu anak ni Nimsi, dahil nagpapatakbo siya ng matulin.”
21 Da sa Joram: Spenn for! Og de spente for hans vogn; og Israels konge Joram og Judas konge Akasja drog ut, hver på sin vogn; de drog Jehu i møte og traff ham på jisre'elitten Nabots mark.
Kaya sinabi ni Joram, “Ihanda mo ang aking karwahe.” Inihanda nila ang kaniyang karwahe, at si Joram hari ng Israel at Ahazias hari ng Juda ay sumakay, bawat isa sa kaniyang karwahe, para salubungin si Jehu. Siya ay natagpuan nila sa lupain ni Nabot na Jezreelita.
22 Da Joram fikk øie på Jehu, spurte han: Kommer du med fred, Jehu? Han svarte: Hvorledes kan du tale om fred så lenge din mor Jesabel holder på med sitt horelevnet og sine mange trolldomskunster?
Nang nakita ni Joram si Jehu, sinabi niya, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan, Jehu?” Sumagot siya, “Anong kapayapaan ang naroroon, kung napakaraming pagsamba sa diyus-diyusan na mayroong prostitusyon at pangkukulam ng iyong inang si Jezabel?”
23 Da vendte Joram om og flyktet, og han ropte til Akasja: Det er forræderi, Akasja!
Kaya pabalik na tumakas si Joram sa kaniyang karwahe at sinabi kay Ahazias, “Pagtataksil ito, Ahazias.”
24 Men Jehu grep sin bue med hånden og skjøt Joram mellem armene, så pilen gikk ut gjennem hjertet, og han sank ned i sin vogn.
Pagkatapos nilabas ni Jehu ang kaniyang pana na buong lakas niyang pinana si Joram sa pagitan ng kaniyang mga balikat; tumagos ang palaso sa kaniyang puso, at nalaglag siya sa kaniyang karwahe.
25 Da sa Jehu til sin høvedsmann Bidkar: Ta og kast ham inn på jisre'elitten Nabots mark! Kom i hu hvorledes jeg og du red sammen efter hans far Akab, og Herren uttalte dette ord mot ham:
Pagkatapos sinabi ni Jehu kay Bidkar na kaniyang kapitan, “Damputin at itapon siya sa bukid ni Nabot na Jezreelita. Isipin kung paano ako at ikaw ay magkasamang sumakay pagkatapos ni Ahab na kaniyang ama, inilagay ni Yahweh ang propesiyang ito laban sa kaniya:
26 Sannelig, Nabots blod og hans sønners blod så jeg igår, sier Herren, og jeg vil gjengjelde dig det på denne mark, sier Herren. Så ta nu og kast ham inn på marken efter Herrens ord!
'Totoong nakita ko kahapon ang dugo ni Nabot at ang dugo ng kaniyang mga anak na lalaki, sinasabi ni Yahweh, at gagantihan kita sa bukid na ito,' sinasabi ni Yahweh. Kaya ngayon, kunin at itapon siya sa lugar, sa bukid na iyon, para maganap kung ano ang sinabi sa atin na mangyayari sa salita ni Yahweh.”
27 Da Judas konge Akasja så det, flyktet han og tok veien til havehuset; men Jehu satte efter ham og ropte: Slå også ham ned! Og de slo ham ned i hans vogn i Gur-kleven ved Jibleam, og han flyktet til Megiddo og døde der.
Nang makita ito ni Ahazias ang hari ng Juda, tumakas siya sa daan ng Beth Haggan. Pero sumunod si Jehu sa kaniya, at sinabi, “Patayin din siya sa karwahe,” at siya ay pinana nila pag-ahon sa Gur, na nasa Ibleam. Tumakas si Ahazias patungo sa Meggido at namatay doon.
28 Hans tjenere kjørte ham til Jerusalem, og de begravde ham i hans grav hos hans fedre i Davids stad.
Binuhat ng kaniyang mga lingkod ang kaniyang katawan sa isang karwahe tungo sa Jerusalem at inilibing siya sa kaniyang puntod kasama ang kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David.
29 Men Akasja var blitt konge over Juda i Jorams, Akabs sønns ellevte år.
Ngayon nasa ikalabing-isang taon ni Joram anak ni Ahab na sinimulan ni Ahazias maghari sa Juda.
30 Så kom Jehu til Jisre'el; og da Jesabel hørte det, sminket hun sine øine og smykket sitt hode og så ut gjennem vinduet.
Nang dumating si Jehu sa Jezreel, narinig ito ni Jezabel, at pinintahan niya ang kaniyang mga mata, inayos ang kaniyang buhok, at dumungaw sa bintana.
31 Og da Jehu kom inn gjennem porten, ropte hun: Kommer du med fred, du Simri som slo din herre ihjel?
Habang pumapasok si Jehu sa tarangkahan, sinabi niya sa kaniya, Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan”, ikaw Zimri, mamamatay-tao ng iyong panginoon?”
32 Men han så op mot vinduet og sa: Hvem holder med mig? Hvem? Da så to, tre hoffmenn ut gjennem vinduet.
Tumingala si Jehu sa bintana at sinabi, “Sino ang sa aking panig? Sino?” Pagkatapos dalawa o tatlong eunuko ang dumungaw.
33 Han ropte: Styrt henne ned! Da styrtet de henne ned, og hennes blod sprutet opefter veggen og på hestene, og han lot hestene tråkke henne ned.
Kaya sinabi ni Jehu, “Ihagis ninyo siya.” Kaya inihagis nila si Jezabel, at tumilamsik ang kaniyang dugo sa mga pader at sa mga kabayo, tinapakan siya ni Jehu.
34 Så gikk han inn, og da han hadde ett og drukket, sa han: Se efter denne forbannede kvinne og begrav henne! For hun er kongedatter.
Nang pumasok si Jehu sa palasyo, siya ay kumain at uminom. Pagkatapos sinabi niya, “Asikasuhin ninyo ngayon ang sinumpang babaeng ito at ilibing siya, dahil siya ay isang anak na babae ng hari.”
35 Men da de gikk avsted for å begrave henne, fant de ikke annet av henne enn hjerneskallen og føttene og hendene.
Pumunta sila para ilibing siya, pero wala na ang natagpuan sa kaniya kundi bungo na lamang, ang mga paa, at ang mga palad ng kaniyang kamay.
36 De vendte tilbake og fortalte ham det; da sa han: Dette er det ord som Herren talte gjennem sin tjener tisbitten Elias da han sa: På Jisre'els mark skal hundene fortære Jesabels kjøtt,
Kaya bumalik sila at sinabi kay Jehu. Sinabi niya, “Ito ang salita ni Yahweh na sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias na Tisbita, sinasabing, 'Sa lupain ng Jezreel kakainin ng mga aso ang laman ni Jezabel,
37 og Jesabels lik skal bli som møkk på jorden på Jisre'els mark, så ingen skal kunne si: Dette er Jesabel.
at ang katawan ni Jezabel ay magiging tulad ng dumi sa mga bukid sa lupain ng Jezreel, kaya walang makapagsasabing, “Ito ay si Jezabel.”