< 1 Samuels 3 >
1 Gutten Samuel tjente Herren under Elis tilsyn, og Herrens ord var dyrt i de dager; av syner var der lite.
Naglingkod kay Yahweh ang batang si Samuel na nakapailalim kay Eli. Madalang ang mga salita ni Yahweh sa mga panahong iyon; walang madalas na pangitain.
2 Så var det en dag mens Eli lå i sitt rum - hans øine hadde begynt å bli sløve, så han ikke kunde se,
Sa panahong iyon, nang si Eli, na ang paningin ay nagsimulang lumabo kaya hindi na siya makakita nang mabuti, ay nakahiga sa kanyang sariling higaan.
3 og Guds lampe var ennu ikke sluknet, og Samuel lå i Herrens helligdom, hvor Guds ark var -
Hindi pa namamatay ang ilawan ng Diyos, at nakahiga si Samuel upang matulog sa bahay ni Yahweh, kung saan naroon ang kaban ng Diyos.
4 da ropte Herren på Samuel, og han sa: Ja, her er jeg.
Tumawag si Yahweh kay Samuel, na nagsabing, “Narito ako.”
5 Og han løp til Eli og sa: Her er jeg; du ropte jo på mig. Men han sa: Jeg ropte ikke; gå tilbake og legg dig! Og han gikk og la sig.
Tumakbo si Samuel kay Eli at sinabing, “Narito ako, dahil tinawag mo ako.” Sinabi ni Eli, “Hindi kita tinawag; humiga ka ulit.” Umalis si Samuel at humiga.
6 Men Herren ropte ennu en gang: Samuel! Og Samuel stod op og gikk til Eli og sa: Her er jeg du ropte jo på mig. Men han sa: Jeg ropte ikke, min sønn; gå tilbake og legg dig!
Tumawag muli si Yahweh, “Samuel.” Bumangon muli si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, “Narito ako, dahil tinawag mo ako.” Sumagot si Eli, “Hindi kita tinawag, aking anak; humiga ka muli.”
7 Samuel kjente ennu ikke Herren; for Herrens ord var ennu ikke åpenbaret for ham.
Ngayon wala pang anumang karanasan si Samuel kay Yahweh, ni nagkaroon ng anumang mensahe mula kay Yahweh na naibunhayag sa kanya.
8 Da ropte Herren tredje gang: Samuel! Og han stod op og gikk til Eli og sa: Her er jeg; du ropte jo på mig. Da skjønte Eli at det var Herren som ropte på gutten.
Tinawag muli ni Yahweh si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Muling bumangon si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, “Narito ako, sapagka't tinawag mo ako.” Pagkatapos napagtanto ni Eli na tinawag ni Yahweh ang bata.
9 Og Eli sa til Samuel: Gå og legg dig, og blir det ropt på dig, så skal du si: Tal, Herre, din tjener hører! Og Samuel gikk og la sig på sin plass.
Pagkatapos sinabi ni Eli kay Samuel, “Umalis ka at humigang muli; kung tatawagin ka niya muli, dapat mong sabihin, 'Magsalita ka, Yahweh, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.''' Kaya umalis si Samuel at minsan pang humiga sa kanyang sariling lugar.
10 Da kom Herren og stod der og ropte nu som før: Samuel, Samuel! Og Samuel sa: Tal, din tjener hører!
Dumating si Yahweh at tumayo; tumawag siya tulad ng ibang mga pagkakataon, “Samuel, Samuel.” Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Magsalita ka, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.”
11 Da sa Herren til Samuel: Nu vil jeg gjøre noget i Israel så det skal ringe for begge ørene på hver den som hører om det.
Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Tingnan mo, gagawa akong ng isang bagay sa Israel kung saan manginginig ang mga tainga ng lahat ng makakarinig nito.
12 På den dag vil jeg la komme over Eli alt det jeg har talt om hans hus, fra først til sist.
Sa araw na iyon tutuparin ko ang lahat ng bagay na aking sinabi kay Eli tungkol sa kanyang bahay, mula simula hanggang sa katapusan.
13 For jeg har kunngjort ham at jeg vil dømme hans hus for alltid for den misgjernings skyld at han visste at hans sønner førte forbannelse over sig, men allikevel ikke holdt dem i age.
Sinabi ko na sa kanya na hahatulan ko ang kanyang sambahayan minsan para sa lahat ng kasalanang kanyang nalaman, dahil nagdala ng sumpa sa kanilang sarili ang kanyang mga anak na lalaki at hindi niya sila pinigilan.
14 Og derfor har jeg svoret Elis ætt: Aldri i evighet skal Elis ætts misgjerninger kunne sones med slaktoffer eller med matoffer.
Dahil dito naipangako ko sa sambahayan ni Eli na ang mga kasalanan ng kanyang sambahayan ay hindi kailanman mapapawi sa pamamagitan ng alay o handog.”
15 Samuel blev liggende til om morgenen; da åpnet han døren til Herrens hus, men han vågde ikke å fortelle synet til Eli.
Nakahiga si Samuel hanggang umaga; pagkatapos binuksan niya ang mga pintuan ng bahay ni Yahweh. Ngunit natakot si Samuel na sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain.
16 Da ropte Eli til Samuel og sa: Samuel, min sønn! Og han svarte: Ja, her er jeg.
Pagkatapos tinawag ni Eli si Samuel at sinabing, “Samuel, anak ko.” Sinabi ni Samuel, “Narito ako.”
17 Han sa: Hvad var det han sa til dig? Kjære, dølg det ikke for mig! Gud la det gå dig ille både nu og siden om du dølger for mig noget av det han sa til dig!
Sinabi niya, “Ano ang salitang kanyang sinabi sa iyo? Pakiusap huwag mo itong itago mula sa akin. Gawin nawa sa iyo ng Diyos, at higit pa, kung itatago mo ang anumang bagay mula sa akin anuman sa lahat ng salitang sinabi niya sa iyo.”
18 Så fortalte Samuel ham alt sammen og dulgte ikke noget for ham. Da sa han: Han er Herren; han gjøre hvad der er godt i hans øine!
Sinabi ni Samuel sa kanya ang lahat; wala siyang tinago mula sa kanya. Sinabi ni Eli, “Si Yahweh iyon. Hayaan mong gawin niya anuman ang sa tingin niya ay mabuti sa kanya.”
19 Og Samuel vokste til, og Herren var med ham, og han lot ikke noget av alle sine ord falle til jorden.
Lumaki si Samuel, at kasama niya si Yahweh at wala sa kanyang mga salitang inihula ang nabigong magkatotoo.
20 Da skjønte hele Israel fra Dan til Be'erseba at Samuel var betrodd å være profet for Herren.
Nalaman ng buong Israel mula Dan hanggang Beer-seba na hinirang si Samuel upang maging isang propeta ni Yahweh.
21 Og Herren blev ved å la sig se i Silo; for Herren åpenbarte sig for Samuel i Silo ved Herrens ord.
Nagpakita muli si Yahweh sa Shilo, sapagka't ibinunyag niya ang kanyang sarili kay Samuel sa Shilo sa pamamagitan ng kanyang salita.