< Amahubo 16 >
1 Ngilondoloza, Nkulunkulu, ngoba ngithembela kuwe.
Ingatan mo ako, O Diyos, dahil sa iyo ako kumukubli.
2 Ngithe eNkosini: UyiNkosi yami, ukulunga kwami kakufiki kuwe.
Sinasabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; ang kabutihan ko ay walang saysay nang malayo sa iyo.
3 Kodwa kubangcwele abasemhlabeni, labahlekazi, ontokozo yami yonke ikubo.
Para sa mga taong banal na nasa daigdig, (sila) ay mararangal na tao; ang kasiyahan ko ay nasa kanila.
4 Zizakwanda insizi zabagijimela omunye unkulunkulu; kangiyikunikela iminikelo yabo yokunathwayo yegazi; lamabizo abo kangiyikuwaphatha endebeni zami.
Ang kanilang kapahamakan ay lalawig, silang naghahanap ng ibang diyos. Hindi ako magbubuhos ng inuming handog na dugo sa kanilang mga diyos o magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi.
5 INkosi iyisabelo selifa lami lesenkezo yami; wena uphethe isabelo sami.
Ikaw ang aking bahagi at ang aking kopa, O Yahweh. Hawak mo aking tadhana.
6 Imizila iwele kimi ezindaweni ezithokozisayo; yebo, ngilelifa elibukekayo.
Mga panukat na guhit ay inalagay para sakin sa mga kalugod-lugod na lugar; tiyak na magandang pamana ang inilaan para sa akin.
7 Ngizayibonga iNkosi engelulekayo; lebusuku izinso zami ziyangiqondisa.
Pupurihin ko si Yahweh na naggagabay sa akin; maging sa gabi, ang isipan ko ay nagtuturo sa akin.
8 Ngibekile iNkosi phambi kwami njalonjalo; ngoba ingakwesokunene sami, kangiyikunyikinywa.
Inuuna ko si Yahweh sa lahat ng oras, kaya't hindi ako mayayanig mula sa kaniyang kanang kamay!
9 Ngakho inhliziyo yami iyathokoza, lodumo lwami luyajabula, lenyama yami izahlala ivikelekile.
Kaya nga ang puso ko ay magagalak, ang nagpaparangal kong puso ay magpupuri sa kaniya; tiyak na mabubuhay ako nang panatag.
10 Ngoba kawutshiyanga umphefumulo wami esihogweni, njalo kawuyikunikela ongcwele wakho ukuthi abone ukubola. (Sheol )
Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay. (Sheol )
11 Uzangazisa indlela yempilo; ukugcwala kwentokozo kusebukhoneni bakho, ngakwesokunene sakho kukhona izinjabulo phakade.
Tinuturo mo sa akin ang landas ng buhay; nag-uumapaw na kagalakan ay nananahan sa iyong piling; labis na tuwa ay nananatili sa iyong kanang kamay magpakailanman!