< Matiu 26 >
1 A, ka mutu enei kupu katoa a Ihu, ka mea ia ki ana akonga,
At nangyari nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
2 E matau ana koutou kia rua ake ra ko te kapenga, a ka tukua te Tama a te tangata kia ripekatia,
“Alam ninyo na pagkalipas ng dalawang araw darating ang Paskua, at ang Anak ng Tao ay ibibigay upang maipako sa krus”.
3 Na ka whakamine nga tohunga nui, nga karaipi, me nga kaumatua o te iwi, ki te whare o te tohunga nui, ko Kaiapa te ingoa.
At ang mga punong pari at ang mga nakatatanda ng mga tao ay nagkatipun-tipon sa palasyo ng pinakapunong pari na nagngangalang si Caifas.
4 Ka whakatakoto tikanga nanakia e mau ai a Ihu, e whakamatea ai.
Nagsabwatan sila na hulihin si Jesus ng panakaw at patayin.
5 Otira i mea ratou, Kauaka i te hakari, kei ngangau te iwi.
Sapagkat sinasabi nila, “Hindi sa araw ng pista, upang hindi magkaroon ng kaguluhan ang mga tao.
6 Na, i a Ihu i Petani i te whare o Haimona repera,
Ngayon, habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,
7 Ka haere mai tetahi wahine ki a ia me te pouaka kohatu, ki tonu i te hinu kakara utu nui, a ringihia ana ki runga ki tona matenga, i a ia e noho ana ki te kai.
habang siya ay nakasandal sa mesa, may babae na lumapit sa kaniya na may dalang isang sisidlang alabastro ng mamahaling pabango, at ibinuhos niya ito sa kaniyang ulo.
8 No te kitenga ia o ana akonga, ka riri, ka mea, Hei aha tenei maumau?
Subalit ng makita ng kaniyang mga alagad ito, sila'y nagalit at sinabi, “Anong dahilan sa pag-aaksayang ito?
9 He nui hoki te utu me i hokona tenei hinu kakara, ka hoatu ki te hunga rawakore.
Maaari sana itong ipagbili ng malaking halaga at ipamimigay sa dukha.”
10 A i mohio a Ihu, ka mea ki a ratou, He aha ta koutou e whakapawerawera i te wahine nei? he mahi pai hoki tana i mea nei ki ahau.
Ngunit si Jesus, na nalalaman ito, sinabi sa kanila, “Bakit ninyo binabagabag ang babaing ito? Sapagkat gumagawa siya ng napakabuting bagay sa akin.
11 Kei a koutou tonu hoki te hunga rawakore i nga wa katoa; tena ko ahau e kore e noho tonu ki a koutou.
Nasa inyo palagi ang mga dukha, subalit hindi ninyo ako makakasama palagi.
12 I ringihia ai hoki tenei hinu kakara ki toku tinana, he mea mo toku tanumanga.
Sapagkat nang binuhos niya itong pabango sa aking katawan, ginawa niya ito para sa aking paglilibing.
13 He pono taku e mea nei ki a koutou, Ko nga wahi o te ao katoa e kauwhautia ai tenei rongopai, ka korerotia ano ta tenei wahine i mea ai, hei whakamahara ki a ia.
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, saan man ipangaral ang magandang balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay ipagsasabi din sa pag-alala sa kaniya.”
14 Katahi ka haere tetahi o te tekau ma rua, ko Hura Ikariote te ingoa, ki nga tohunga nui,
At ang isa sa Labingdalawa na nagngangalang Judas Iscariote ay pumunta sa mga punong pari
15 Ka mea, he aha ta koutou e pai ai kia homai ki ahau, a maku ia e tuku ki a koutou? A ka paunatia e ratou e toru tekau hiriwa ki a ia.
at sinabi, “Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?” At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.
16 A no reira mai ano ia i rapu ai i te wa pai e tukua ai ia.
Mula ng panahong iyon humanap siya ng pagkakataon upang ibigay siya sa kanila.
17 Na i te ra tuatahi o te taro rewenakore ka haere nga akonga ki a Ihu, ka mea ki a ia, Ko hea tau e pai ai kia taka e matou te kapenga hei kai mau?
Ngayon sa unang araw ng tinapay na walang pampaalsa, nagsilapit ang mga alagad kay Jesus at nagsabi, “Saan mo nais na tayo ay maghanda upang iyong kainin ang pagkain ng Paskwa?”
18 Na ka mea ia, Haere ki te pa, ki a mea, ka ki atu ki a ia, E mea ana te Kaiwhakaako, Ka tata toku taima; hei a koe matou ko aku akonga mea ai i te kapenga.
Sinabi niya, “Pumunta kayo sa lungsod sa isang tao roon at sabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng Guro, “Ang panahon ko ay malapit na. Gaganapin ko ang Paskwa sa inyong bahay kasama ng aking mga alagad."”'
19 A meatia ana e nga akonga ta Ihu i whakarite ai ki a ratou; taka ana e ratou te kapenga.
Ginawa ng mga alagad kung ano ang ipinag-utos ni Jesus sa kanila, at inihanda nila ang pagkain ng Paskwa.
20 Ka ahiahi, ka noho ia me te tekau ma rua.
Nang sumapit ang gabi, umupo siya upang kumain kasama ang mga labingdalawang alagad.
21 A, i a ratou e kai ana, ka mea ia, He pono taku e mea nei ki a koutou, ma tetahi o koutou ahau e tuku.
Habang sila'y kumakain, sinabi niya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.”
22 A pouri noa iho ratou, ka anga ka korero takitahi ki a ia, Ko ahau ranei, e te Ariki?
At sila'y lubhang nalungkot, at ang bawat isa ay nagsimulang nagsipagtanong sa kaniya, “Tiyak na hindi ako, Panginoon?”
23 A ka whakahoki ia, ka mea, Ko te tangata, e toutou tahi nei o maua ringa ki te rihi, mana ahau e tuku.
Sumagot siya, “Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin.
24 E haere ana hoki te Tama a te tangata, e pera ana me te mea i tuhituhia mona: otiia aue te mate mo te tangata e tukua ai te Tama a te tangata! he pai mo taua tangata me i kaua ia e whanau.
Ang Anak ng Tao ay aalis, katulad ng naisulat patungkol sa kaniya. Ngunit aba sa lalaking iyon na magkanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak.”
25 Katahi a Hura, tona kaituku, ka oho ake, ka mea, E te Kaiwhakaako, ko ahau ranei? Ano ra ko ia ki a ia, Kua korerotia na e koe.
Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya ay nagsabi, “Ako ba, Rabi?” Sinabi niya sa kaniya. “Ikaw mismo ang nagsabi.”
26 A, i a ratou e kai ana, ka mau a Ihu ki te taro, a, ka mutu te whakapai, ka whawhati, ka hoatu ki nga akonga, ka mea, Tangohia, kainga; ko toku tinana tenei.
Habang sila'y kumakain, kumuha si Jesus ng tinapay, ipinagpasalamat ito, at pinagputol-putol. Binigay niya ito sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay ang aking katawan.”
27 Na ka mau ia ki te kapu, a, ka mutu te whakawhetai, ka hoatu ki a ratou, ka mea, Inumia tetahi wahi o tenei e koutou katoa;
Kumuha siya ng kopa at nagpasalamat, at ibinigay ito sa kanila at sinabi, “Inumin ninyo ito, kayong lahat.
28 Ko oku toto hoki enei, ko o te kawenata hou, e whakahekea ana mo te tini, hei murunga hara.
Sapagkat ito ay ang aking dugo ng kasunduan na ibinuhos para sa marami para sa ikapapatawad ng mga kasalanan.
29 Na ko taku kupu tenei ki a koutou, E kore ahau e inu i tenei hua o te waina a mua ake nei, kia taea ra ano taua ra e inumia houtia ai e tatou i te rangatiratanga o toku Matua.
Subalit sasabihin ko sa inyo, buhat ngayon hindi na ako muling iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na ako ay iinom nito ng panibago kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.”
30 A, no ka mutu ta ratou himene, ka haere ki Maunga Oriwa.
At pagka-awit nila ng isang himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.
31 Katahi a Ihu ka mea ki a ratou, Ka he katoa koutou ki ahau i tenei po: kua oti hoki te tuhituhi, Ka patua e ahau te hepara, a ka whakamararatia nga hipi o te kahui.
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Lahat kayo ay aalis ngayong gabi nang dahil sa akin, sapagkat ito ay nasusulat, 'Hahampasin ko ang pastol ng tupa at ang mga tupa ng kawan ay maikakalat.'
32 Otira, muri iho i toku aranga, ka haere ahau i mua i a koutou ki Kariri.
Ngunit pagkatapos nang aking pagkabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
33 Na ka whakahoki a Pita, ka mea ki a ia, Ahakoa he noa te katoa ki a koe, e kore rawa ahau e he.
Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit ang lahat ay aalis dahil sa iyo, ako ay hinding-hindi aalis.”
34 Ka mea a Ihu ki a ia, He pono taku e mea nei ki a koe, Ko tenei po ano, i te mea kahore ano i tangi noa te tikaokao, ka toru au whakakahoretanga i ahau.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, sa gabing ito bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako ng tatlong beses.”
35 Ka mea a Pita ki a ia, Ahakoa kua takoto te tikanga kia mate tahi taua, e kore ahau e whakakahore i a koe. I pera ano te ki a nga akonga katoa.
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit ako ay mamatay, hindi kita ikakaila.” At ganoon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
36 Katahi ka haere ratou ko Ihu ki tetahi wahi, tona ingoa nei ko Kehemane, a ka mea ia ki ana akonga, Hei konei koutou noho ai, kia haere ahau ki koina inoi ai.
Pagkatapos, pumunta si Jesus na kasama sila sa isang lugar na tinawag na Getsemani at sinabi sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo dito habang ako ay pupunta doon at manalangin.”
37 Na ka mau ia ki a Pita ratou ko nga tama tokorua a Heperi, a ka timata te pouri, te tumatatenga.
Sinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang nalungkot at nabagabag.
38 Na ka mea ia ki a ratou, Ki tonu toku wairua i te pouri, tata pu ki te mate: hei konei koutou noho ai, kia mataara tahi tatou.
At sinabi niya sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubha na namimighati, maging sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay kasama ko.”
39 A haere ana ia ki tahaki tata atu, ka takoto tapapa, ka inoi, ka mea, E toku Matua, ki te mea e ahei, kia pahemo atu tenei kapu i ahau: otira kaua e waiho i taku e pai ai, engari i tau.
Lumakad siya nga medyo malayo, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin. Sinabi nya, “Aking Ama, kung maaari, hayaan na ang tasang ito ay lalampas sa akin. Gayunman, hindi sa nais ko kundi ayon sa nais mo.”
40 A ka haere ia ki ana akonga, rokohanga atu e moe ana, na ka mea ia ki a Pita, Ha, ko ta koutou tenei, te mataara tahi tatou kia kotahi haora?
Lumapit siya sa mga alagad at sila'y kaniyang nadatnang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Ano, hindi ba ninyo kayang magbantay kasama ko ng isang oras?
41 Kia mataara me te inoi, kei uru ki te whakamatautauranga. He hihiko te wairua, ko te kikokiko ia he ngoikore.
Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina.”
42 Ka haere atu ano ia, ko te rua o ona hokinga, ka inoi, ka mea, E toku Matua, ki te kore e ahei kia pahemo atu tenei kapu i ahau, a me inu ano e ahau, waiho i tau i pai ai.
Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, “Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap.”
43 Ko tona haerenga mai ano, na rokohanga mai e moe ana ano ratou; i taimaha hoki o ratou kanohi.
At siya'y nagbalik muli at nakita silang natutulog, sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata.
44 Na ka waiho ano ratou e ia, a haere ana ano, ka inoi, ko te toru o nga inoinga, me te whakahua i taua kupu ano.
At muli niya silang iniwan at siya'y umalis. Nanalangin siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi ang ganoon ding mga salita.
45 Katahi ia ka haere ki ana akonga, ka mea ki a ratou, Moe tonu, takoto marie: na ka tata te haora, ka tukua te Tama a te tangata ki nga ringa o te hunga hara.
Pagkatapos, lumapit si Jesus sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at namamahinga? Tingnan ninyo, malapit na ang oras, at ang Anak ng Tao ay ipagkanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
46 Maranga, ka haere tatou: nana, ka tata te kaituku i ahau.
Tumindig kayo, aalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang magkanulo sa akin.”
47 A, i a ia ano e korero ana, na ka tae mai a Hura, tetahi o te tekau ma rua, he tini hoki nga tangata i a ia, me nga hoari, me nga patu, he mea tono mai na nga tohunga nui, na nga kaumatua o te iwi.
Habang siya'y nagsasalita, si Judas na isa sa Labingdalawa ay dumating. Kasama niya ang napakaraming tao na mula sa mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao. Dumating sila na may dalang mga espada at mga pamalo.
48 Kua oti hoki tetahi tohu te whakarite ki a ratou e tona kaituku, i mea ia, Na, ko taku tangata e kihi ai, koia tena: hopukia.
Ngayon ang tao na magkanulo kay Jesus ay nagbigay ng hudyat sa kanila na nagsasabi, “Kung sinuman ang aking hahalikan, siya na iyon. Sunggaban siya.”
49 Na tika tonu ia ki a Ihu, ka mea, Tena koe, e te Kaiwhakaako; a kihi ana i a ia.
Agad-agad lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Binabati kita, Rabi” At hinalikan niya siya.
50 Na ka mea a Ihu ki a ia, E hoa, meinga tau i haere mai ai ki te mahi. Me i reira ka haere mai ratou, ka pa o ratou ringa ki a Ihu, a hopukia ana ia.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kaibigan, gawin mo kung ano ang ipinunta mo dito.” Pagkatapos, nagsidatingan sila at hinawakan si Jesus, at sinunggaban siya.
51 Na ka totoro te ringa o tetahi o nga hoa o Ihu, a unuhia ana tana hoari, ka haua iho te pononga a te tino tohunga, tapahia ana tona taringa.
Masdan ito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay inunat ang kaniyang kamay at hinugot ang kaniyang espada at tinapyas ang alipin ng pinakapunong pari, at tinagpas ang kaniyang tainga.
52 Katahi ka mea a Ihu ki a ia, Whakahokia iho tau hoari ki tona pukoro: ka mate hoki i te hoari te hunga hapai hoari.
Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ibalik mo ang espada sa kaniyang kaluban, sapagkat ang lahat ng gagamit ng espada ay masasawi sa pamamagitan din ng espada.
53 E hua koe e kore e ahei i ahau aianei te inoi ki toku Matua, a e homai e ia ki ahau he anahera maha atu i nga rihiona kotahi tekau ma rua?
Iniisip ba ninyo na hindi ko kayang tumawag sa aking Ama, at padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang pulutong ng mga anghel?
54 Nei ra, ma te aha ka rite ai ta nga karaipiture, ara ko tenei kia meatia?
Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?”
55 I taua wa ka mea a Ihu ki nga mano, He tahae ahau i haere mai ai koutou me nga hoari me nga patu ki te hopu i ahau? I a koutou ahau e noho ana i te temepara, e ako ana i tena ra, i tena ra, a kihai koutou i hopu i ahau.
Sa oras na iyon si Jesus ay nagsabi sa maraming tao, “Pumunta kayo rito na dala-dala ang mga espada at mga pamalo upang hulihin ako katulad ng isang tulisan? Araw-araw ay nakaupo ako sa templo na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli.
56 Na i meatia tenei katoa hei whakarite mo nga karaipiture a nga poropiti. Na ka whakarere nga akonga katoa i a ia, a oma ana.
Ngunit lahat ng ito ay kailangang mangyari upang ang mga sinusulat ng mga propeta ay matupad.” At iniwanan siya ng lahat ng mga alagad at sila’y tumakas.
57 Katahi ka kawea a Ihu e nga kaihopu ki te whare o Kaiapa, o te tino tohunga, i reira hoki nga karaipi me nga kaumatua e huihui ana.
Ang mga humuli kay Jesus ang nagdala sa kaniya sa pinakapunong pari na si Caifas, kung saan ang mga eskriba at mga nakatatanda ay nagkatipun-tipon.
58 Ko Pita ia i aru i a ia i tawhiti ki te marae o te tino tohunga, a tomo atu ana, noho tahi ana me nga kaimahi, kia kite i te mutunga.
Ngunit sumunod si Pedro sa kaniya na may kalayuan hanggang sa patyo ng pinakapunong pari. Pumunta siya sa loob at umupo kasama ng mga tagapagbantay upang makita ang kahihinatnan.
59 Na ka rapu nga tohunga nui, me nga kaumatua, me te runanga katoa, ki te whakapae teka mo Ihu, kia mate ai ia:
Ngayon, ang mga punong pari at ang buong Konseho ay naghahanap ng maling patotoo laban kay Jesus, upang siya'y kanilang mapatay.
60 Heoi kihai i kitea: ahakoa he tokomaha nga kaiwhakapae teka i haere mai. Muri iho ka puta nga kaiwhakapae teka tokorua,
Ngunit wala silang mahanap na kahit ano, bagamat maraming maling mga saksi ang nagsilapit. Ngunit mayamaya may dalawang lumapit
61 Ka ki, i mea ia, E taea e ahau te whakahoro te whare tapu o te Atua, a kia toru nga ra ka oti i hau te hanga.
at sinabi, “Sinabi ng taong ito, 'Kaya kong gibain ang templo ng Diyos at muling maipatayo sa loob ng tatlong araw.”'
62 Na kua whakatika te tino tohunga, ka mea ki a ia, Kahore au kupu? he aha ta enei e whakaatu nei mou?
Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi sa kaniya, “Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinapatotoo nila laban sa iyo?
63 Heoi kihai a Ihu i kuihi. Na ka ki ano te tino tohunga, ka mea ki a ia, Ko te Atua ora taku whakaoati mou, na korero mai ki a matou, ko te Karaiti ranei koe, ko te Tama a te Atua?
Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, “Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos.
64 Ka mea a Ihu ki a ia, Kua korerotia mai na e koe: otira tenei ano taku kupu ki a koutou, Tenei ake ka kite koutou i te Tama a te tangata e noho ana ki matau o te kaha, e haere mai ana i runga i nga kapua o te rangi.
Si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Ikaw na mismo ang nagsabi. Ngunit sasabihin ko sa inyo, magmula ngayon ay inyo nang makikita ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa mga ulap ng langit.”
65 Katahi ka haehae te tino tohunga i ona kakahu, ka mea, Kua kohukohu; hei aha atu ma tatou nga kaiwhakaatu? Na kua rongo nei koutou i tana kohukohu,
At pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga damit at nagsabi, “Siya ay nagsalita ng kalapastangan! Bakit kailangan pa natin ang mga saksi? Ngayon inyo nang narinig ang kalapastangan.
66 E pehea ana o koutou whakaaro? Na ka whakahoki ratou, ka mea, Ka tika kia mate.
Ano sa tingin ninyo?” Sumagot sila at nagsabi, “Siya'y karapatdapat na mamatay.”
67 Na ka tuwhaina tona mata e ratou, ka kurua ia; ko etahi i papaki i a ia,
At dinuraan nila siya sa mukha at pinagsusuntok at pinagsasampal
68 I mea, Poropiti ki a matou, e te Karaiti, Na wai koe i papaki?
at sinabi, “Hulaan mo sa amin, ikaw na Cristo. Sino sa amin ang humampas sa iyo?”
69 Na i waho a Pita e noho ana, i te marae: a ka haere mai tetahi kotiro ki a ia, ka mea, Ko koe hoki i a Ihu o Kariri.
Ngayon si Pedro ay nakaupo sa labas ng patyo at isang utusang babae ang lumapit sa kaniya at sinabi, “Kasama ka din ni Jesus na taga-Galilea.”
70 Otira ka whakahore ia i te aroaro o ratou katoa, ka mea, Kahore ahau e mohio ki tau e ki mai na.
Ngunit ikinaila niya ito sa harap nilang lahat, na sinasabi, “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”
71 A ka puta atu ia ki waho ki te whakamahau, ka kite ano tetahi atu kotiro i a ia, a ka mea tera ki te hunga i reira, I a Ihu ano o Nahareta tenei.
Nang siya ay lumabas sa isang tarangkahan, isa pang utusang babae ang nakakita sa kaniya at sinabi sa mga nandoon, “Ang taong ito ay kasama din ni Jesus na taga-Nazaret.”
72 A ka whakahore ano ia, me te oati ano, Kahore ahau e mohio ki tena tangata.
At muli niyang ikinaila na may sumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyan.”
73 A, muri tata iho, ka haere mai te hunga e tu ana, ka mea ki a Pita, Koia ano, ko koe tetahi o ratou; na tou reo koe i whakaatu.
At pagkalipas ng ilang sandali ay lumapit kay Pedro ang mga nakatayo doon at sinabi, “Tiyak na ikaw rin ay isa sa kanila, sapagkat halatang-halata ka sa iyong pananalita.”
74 Katahi ia ka timata te kanga, te oati, Kahore rawa ahau e mohio ki tena tangata. A tangi tonu iho te tikaokao.
Pagkatapos nito, nagsimula siyang magsalita ng masama at nanumpang, “Hindi ko kilala ang lalaking iyan,” at agad-agad tumilaok ang tandang.
75 Na ka mahara a Pita ki ta Ihu kupu i mea ai ki a ia, E kore e tangi te tikaokao, ka toru au whakakahoretanga i ahau. Na haere ana ia ki waho, a nui atu tona tangi.
At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus na, “Bago tumilaok ang tandang ikakaila mo ako nga tatlong beses.” At siya'y lumabas at labis na umiyak.