< Nomery 22 >
1 Nionjom-beo o ana’Israeleo nitobe an-tanemira’ i Moabe alafe’ Iardene tandrife Ierikò ey.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga tao ng Israel hanggang sa magkampo sila sa mga kapatagan ng Moab malapit sa Jerico, sa ibayo ng Ilog Jordan mula sa lungsod.
2 Ie amy zao hene nioni’ i Balak’ ana’ i Tsipore i nanoe’ Israele amo nte-Emoreoy.
Nakita ni Balak na lalaking anak ni Zippor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amoreo.
3 Aa le nirevendreveñe am’ondatio t’i Moabe kanao ninihanìha ty hamaro’e; le nanembetse i Moabe o ana’ Israeleo.
Labis na natakot si Moab sa mga tao dahil sila ay marami, at matindi ang takot ni Moab sa mga tao ng Israel.
4 Aa le hoe ty Moabe amo roandria’ i Midianeo, Fonga ho tselà’ i lahialeñey ze mañohoke an-tika manahake ty famelehan’ añombe o ahetse an-kivok’ ey. Mpanjaka’ o nte-Moabeo henane zay t’i Balak’ ana’ i Tsipore.
Sinabi ng hari ng Moab sa nakakatanda ng Midian, “Kakainin nitong napakaraming ang lahat ng nakapaligid sa atin gaya ng panginginain ng isang kapong baka sa mga damo sa isang bukirin.” Ngayon si Balak na lalaking anak ni Zippor ang hari ng Moab sa panahong iyon.
5 Le nampisangitrife’e mb’amy Balame ana’ i Beore e Petore añolon-tsaka’ an-tanen-te-Arame añe ty irake hikanjiy aze ami’ty hoe: Inao, nivotrake boake Mitsraime añe t’indaty; hehe t’ie manitsike ty ambone’ ty tane toy vaho mitobe marine ahiko etoa.
Nagpadala siya ng mga mensahero kay Balaam na lalaking anak ni Beor, sa Petor na nasa tabi ng Ilog Eufrates, sa lupain ng kaniyang bansa at kaniyang mga tao. Tinawag niya siya at sinabi, “Tingnan mo, isang bansa ang dumating dito mula sa Ehipto. Kanilang sinakop ang buong lupain at sila ay narito na malapit sa akin.
6 Mb’etoa aniany koahe, ozoño ho ahy ondatio, ie manjofake te amako. Hera ho gioheko le ho soiheñe hiakatse an-tane atoy, fa apotako te soa tata o tatae’oo vaho fatran-tane o ozoñe’oo.
Kaya pakiusap pumunta ka na ngayon at isumpa ang bayang ito para sa akin, dahil sila ay napakalakas para sa akin. Marahil kung gayon, maaari ko na silang salakayin at palayasin palabas sa lupain. Alam ko na ang sinumang pinagpapala mo ay pagpapalain, at ang sinumang isusumpa mo ay susumpain.”
7 Aa le niavotse mb’eo o roandria’ i Moabeo naho o roandria’ i Midianeo reketse ty saram-pamorehañe am-pitàñe vaho niheo mb’amy Balame mb’eo ninday ty nisaontsia’ i Balake.
Kaya umalis ang mga nakakatanda ng Moab at ng Midian, dala nila ang pambayad para sa panghuhula. Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya ang mga salita ni Balak.
8 Le hoe re tam’ iereo, mialeña atoy te anito, le hañerem-bolañ’ ama’ areo iraho, ze ho tsarae’ Iehovà amako. Aa le nialeñe amy Balame ao o roandria’ i Moabeo.
Sinabi ni Balaam sa kanila, “Mamalagi kayo rito ngayong gabi. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang sasabihin sa akin ni Yahweh.” Kaya nanatili ang mga pinuno ng Moab kay Balaam sa gabing iyon.
9 Niheo mb’amy Balame t’i Andrianañahare nanao ty hoe: Ia ondaty mitraok’ ama’oo?
Nagpunta ang Diyos kay Balaam, at sinabi, “Sino ang mga lalaking ito na nagpunta sa iyo?”
10 Le hoe t’i Balame aman’ Añahare, Nampañitrike ty saontsy toy amako t’i Balak’ ana’ i Tsipore:
Sumagot si Balaam, “Ipinadala sila sa akin ni Balak na lalaking anak ni Zippor, hari ng Moab. Sinabi niya,
11 Heheke ondaty hirike Mitsraime añeo: tsitsihe’ iareo ty ambone’ ty tane toy; aa le mb’etoa irehe, ozoño ho ahiko; hera hahalefeako aly vaho haronjeko añe.
'Tingnan mo, ang mga taong nanggaling mula sa Ehipto ay sinakop ang aking lupain. Ngayon, pumarito ka at sumpain sila para sa akin. Marahil, maaari ko na silang kalabanin at palayasin.”'
12 Le hoe t’i Andrianañahare amy Balame, Tsy hindreza’o fañaveloañe; tsy hozoñe’o ondatio fa soa-tata.
Tumugon ang Diyos kay Balaam, “Hindi ka dapat sumama sa mga lalaking iyon. Hindi mo dapat isumpa ang mga tao ng Israel dahil pinagpala sila.”
13 Aa le nitroatse maraiñe t’i Balame nanao ty hoe amo roandria’ i Balàkeo, Mimpolia mb’ an-tane’ areo añe, amy te nifoneñe t’Iehovà tsy nañomey ahy lily hindrezako.
Kinaumagahan tumayo si Balaam at sinabi sa mga pinuno ni Balak, “Bumalik na kayo sa inyong lupain dahil hindi ako pinayagan ni Yahweh na sumama sa inyo.”
14 Aa le niongake o roandria’ i Moabeo nimpoly mb’ amy Balàke mb’eo, nanao ty hoe: Tsy nimete nindre ama’ay t’i Balame.
Kaya umalis ang mga pinuno ng Moab at bumalik kay Balak. Sinabi nila, “Tumanggi si Balaam na sumama sa amin.”
15 Nañitrik’ ana-donake indraike t’i Balake, ondaty maro naho ambone’ lohàñe te amo teoo.
Muling nagpadala si Balak ng mas maraming pinuno na mas iginagalang kaysa sa mga naunang grupo.
16 Aa le niheo mb’ amy Balame mb’eo indaty rey nanao ty hoe, Hoe t’i Balak’ ana’ i Tsipore, Ko anga’o ndra inoñ’ inoñe ty hisebañe azo tsy homb’ amako mb’etoa;
Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya, “Ito ang sinasabi ni Balak na anak ni Zippor, 'Pakiusap, wala nawang anumang bagay na hahadlang sa iyo sa pagparito sa akin,
17 toe ho rengèko vaho hanoeko ze saontsia’o. Aa le miambane ama’o t’ie homb’etoa hañozoñe ondatio ho ahiko.
dahil babayaran pa kita nang labis at bibigyan kita ng dakilang karangalan, at gagawin ko anuman ang sasabihin mong gawin ko. Kaya pakiusap pumunta ka at isumpa mo ang mga taong ito para sa akin.”'
18 Le hoe ty natoi’ i Balame amo mpitoro’ i Balakeo, Ndra te natolo’ i Balak’ amako ty anjomba’e pea volafoty naho volamena le tsy mete handilatse ty tsara’ Iehovà Andrianañahareko iraho hanao ndra inoñ’ inoñe ke t’ie bey he kede.
Sumagot si Balaam at sinabi sa mga tauhan ni Balak, “Kahit na ibibigay sa akin ni Balak ang kaniyang palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako pwedeng sumuway sa mga salita ni Yahweh, ang aking Diyos, at gawin nang walang labis o walang kulang kung ano ang sinabi niya sa akin.
19 Aa le mialeña amako etoa manahake ty nanoe’ o ila’eo haharendrehako ze tsara hatovo’ Iehovà amako.
Kung gayon, pakiusap manatili rin kayo rito ngayong gabi, upang pag-isipan kong mabuti ang anumang sinasabi ni Yahweh sa akin.”
20 Le niheo mb’ amy Balame amy haleñey t’i Andrianañahare nanao ty hoe ama’e, Aa naho nimb’ama’o mb’ atoy ondatio hikanjy azo, miavota naho indrezo; fe ze entañe hatoloko azo avao ty hanoe’o.
Pinuntahan ng Diyos si Balaam sa gabi at sinabi sa kaniya, “Yamang nagpunta ang mga lalaking ito para ipatawag ka, tumayo ka at sumama sa kanila. Ngunit gagawin mo lamang kung ano ang aking sinabing gagawin mo.”
21 Aa le nañaleñaleñe t’i Balame nanampe fitobohañe amy borìke’ey, vaho nitrao-dia amo androanavi’ i Moabeo.
Kinaumagahan tumayo si Balaam, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at sumama sa mga pinuno ng Moab.
22 Fe nampamiañe ty haviñeran’ Añahare i fañavelo’ey, vaho nijohañe hikalañe i lala’ey ty Anjeli’ Iehovà, hiatreatrea’e hoe rafelahy. Ie amy zao niningitse borìke naho nindre ama’e ty mpitoro’e roe.
Ngunit dahil sumama siya, ang galit ni Yahweh ay sumiklab. Inilagay ng anghel ni Yahweh ang kaniyang sarili sa daanan bilang isang taong hadlang kay Balaam, na nakasakay sa kaniyang asno. Ang dalawang alipin ni Balaam ay kasama din niya.
23 Nahatrea i Anjeli’ Iehovày nijohañe an-dalañe ey reketse fibara natsoak’ am-pità’e i borìkey, le nivioñe amy lalañey i borìkey nitsile mb’an-tetek’ ao, le finofo’ i Balame ty lafa hampibalik’ aze mb’amy lalañey.
Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na hawak niya ang kaniyang nakalabas na tabak. Lumihis ang asno sa kalsada at pumunta sa loob ng isang bukirin. Hinampas ni Balaam ang asno upang ipaharap sa kalsada.
24 Le nijohañe ami’ ty zitse añivo’ ty tanem-bahe roe ey i Anjeli’ Iehovày, ty kijoly etia naho ty kijoly etia.
At tumayo ang anghel ni Yahweh sa isang makipot na bahagi ng kalsada sa pagitan ng ilang ubasan, na mayroong isang pader sa kaniyang kanang bahagi at isa pang pader sa kaniyang kaliwang bahagi.
25 Ie nitrea’ i borìkey i Anjeli’ Iehovày le nioza amy rindriñey, vaho nanindry ty kitso’ i Balame amy rindriñey, aa le linafa’e indraike.
Nakita muli ng asno ang anghel ni Yahweh. Sumiksik siya sa pader at naipit ang paa ni Balaam laban dito. Muli siyang hinampas ni Balaam.
26 Nihànkañe aolo ey amy zao i Anjeli’ Iehovày nijohañe añ’ oloñoloñe ey, le tsy eo ty hivioñañe ndra mañavana ndra mañavia.
Pumunta sa mas malayo ang anghel ni Yahweh at tumayo sa isa pang makipot na lugar kung saan ay walang paraan para makaiwas sa kahit sa anumang bahagi.
27 Naho nizoe’ i borìkey i Anjeli’ Iehovày le nibabok’ ambane’ i Balame eo; tsekak’ amy zao ty haboseha’ i Balame le finofo’e an-kobai’e i borìkey.
Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh, at humiga siya sa ilalim ni Balaam. Sumiklab ang galit ni Balaam at kaniyang hinampas ng baston ang kaniyang asno.
28 Aa le sinoka’ Iehovà ty vava’ i borìkey, vaho hoe re amy Balame, Ino ty nanoeko ama’o kanao linafa’o intelo aniany?
Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang bibig ng asno para magsalita siya. Sinabi niya kay Balaam, “Ano ang aking ginawa sa iyo na nag-udyok sa iyo na hampasin ako nitong makaikatlo beses?”
29 Le hoe t’i Balame amy borìkey, Amy t’ie nanalatse ahy, le nainako te ni-reke-pibara ty tañako henaneo hamonoako azo!
Sumagot si Balaam, “Dahil ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa akin. Sana ay mayroong isang espada sa aking kamay. Kung mayroon, sa ngayon pinatay na kita.”
30 Aa le hoe i borìkey amy Balame, Tsy izaho hao o borìke’oo, i niningira’o amo hene tao’o pake henaneoy? Liliko hao ty manao zao ama’o? Aiy, hoe re.
Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba ako ang iyong asno na sinasakyan mo sa buong buhay mo hanggang sa mga araw na ito? Ugali ko bang gawin ang mga ganitong bagay sa iyo dati?” Sinabi ni Balaam, “Hindi.”
31 Aa le nampibeahe’ Iehovà ty fihaino’ i Balame naho niisa’e nijohañe amy lalañey i anjeliy, am-pibara napontsoañe am-pità’e; le nibotreke re nibabok’ an-dahara’e.
Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang mga mata ni Balaam, at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na nakalabas ang kaniyang espadang nasa kaniyang kamay. Iniyuko ni Balaam ang kaniyang ulo at nagpatirapa.
32 Le hoe i Anjeli’ Iehovày ama’e, Inoñe ty nijerà’o i borìke’oy in-telo? Nimb’ atoy iraho am-pirafelahiañe, amy te ihe manao hajangaringaria añatrefako.
Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo hinampas nitong tatlong beses ang iyong asno? Tingnan mo, naparito ako bilang isang taong galit sa iyo dahil masama ang mga ikinikilos mo sa harapan ko.
33 Nitrea’ i borìkey iraho le nivioña’e intelo. Aa naho tsy niholiara’e le toe ho nañe-doza ama’o iraho anianikey vaho ho nengako velon-dre.
Nakita ako ng iyong asno at iniwasan niya ako ng tatlong beses. Kung hindi siya umiwas sa akin, siguradong napatay kita at nailigtas ko ang buhay niya.”
34 Le hoe t’i Balame amy Anjeli’ Iehovày, Nanao hakeo iraho fa tsy napotako te nijohañe an-dalañe ey irehe hiatreatre ahy. Aa naho joy ty am-pihano’o le himpoly iraho.
Sinabi ni Balaam sa anghel ni Yahweh, “Nagkasala ako. Hindi ko alam na nakatayo ka sa kalsada laban sa akin. Ngayon kung ganoon, kung hindi katanggap-tanggap sa iyo ang paglalakbay na ito, babalik ako sa aking pinanggalingan.”
35 Aa le hoe i Anjeli’ Iehovày amy Balame, Akia, mindreza am’ondaty reo, fe ze entañe volañeko ama’o avao ty ho taroñe’o. Aa le nañavelo nindre lia amy androanavi’ i Balàke rey t’i Balame.
Ngunit sinabi ng anghel ni Yahweh kay Balaam, “Magpatuloy ka kasama ng mga lalaki. Ngunit dapat sabihin mo lamang ang mga salita na sinabi ko sa iyo.” Kaya sumama si Balaam sa mga pinuno ni Balak.
36 Ie jinanji’ i Balake te fa tsatoke t’i Balame le niavotse mb’e Ire-Moabe mb’amy efe-tane efera’ i Arnoney, ty efe’e lavitse ama’e mb’eo hifanalaka ama’e.
Nang marinig ni Balak na dumating na si Balaam, lumabas siya upang salubungin siya sa isang lungsod ng Moab sa Arnon, na nasa hangganan.
37 Le hoe t’i Balak’ amy Balame, Aa vaho tsy nimaneako hitrike naho kanjy v’iheo? Ino ty tsy nañaveloa’o mb’amako. Tsy haiko hao ty hiasy azo?
Sinabi ni Balak kay Balaam, “Hindi ba ako nagpadala ng mga tauhan upang ipatawag ka? Bakit hindi ka pumunta sa akin? Wala ba akong kakayahan na bigyan ka ng karangalan?”
38 Le hoe t’i Balame amy Balake, Intoy fa ama’o! meteko hao ty hanao ndra inoñ’ inoñe? Tsy mahay tsy ze tsara apon’ Añahare am-bavako ao avao ty ho taroñeko.
At sumagot si Balaam, “Tingnan mo, naparito na ako para sa iyo. Mayroon na ba akong karapatang magsabi ng anumang bagay? Sasabihin ko lamang ang mga salita ni Yahweh na ilagay niya sa aking bibig.”
39 Aa le nindre lia amy Balake t’i Balame vaho nipotìtse e Keriat-kozote eo.
Sumama si Balaam kay Balak, at nakarating sila sa Kiriat Husot.
40 Nisoroñe añombe naho añondry amy zao t’i Balake vaho nañitrifa’e t’i Balame naho o androanavy nindre ama’eo.
At inialay ni Balak ang mga kapong baka at tupa at binigyan niya ng kaunting karne si Balaam at ang mga pinunong kasama niya.
41 Ie amy maraiñey le nendese’ i Balake nañambone’ i Bamà-Baale t’i Balame, le eo re ro nahatalake ty indra’ ondatio.
Kinaumagahan, dinala ni Balak si Balaam sa itaas sa mga dambana ni Baal. Mula roon makikita lamang ni Balaam ang maliit na bahagi ng mga Israelita sa kanilang kampo.