< Lioka 24 >
1 Ie amy loak’andro’ i Sabotsey, nañaleñaleñe mb’an-donake mb’eo ninday o raha mandrifondrifoñe nihajarie’ iereoo.
Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, pumunta sila sa libingan, dala-dala ang pabangong ihinanda nila.
2 Zoe’ iareo te nidogeratse i vato-pikalañe i lonakeiy.
Natagpuan nilang naigulong ang bato palayo sa libingan.
3 Nizilik’ ao iereo fe tsy nahaisake ty fañòva’ Iesoà Talè.
Pumasok sila sa loob, ngunit hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoon Jesus.
4 Ie mbe nidaba amy raha zay, inge nisodehañe añ’ila’iareo eo ty ndaty roe an-tsaroñe mipelapelatse.
At nangyari na, habang sila ay nalilito tungkol dito, biglang may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na nakakasilaw ang damit.
5 Nianifañe iereo vaho nampiondre-daharam-ban-tane, fe nanoa’ iereo ty hoe. Ino ty paia’areo i veloñey an-tanen-dolo atoy?
Ang mga babae ay napuno ng takot at yumuko sa lupa, sinabi nila nila sa mga babae, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa mga patay?
6 Tsy ato re fa natroatse! Tiahio i nanoa’e ie mbe e Galilia añey
Wala siya dito, ngunit siya ay muling nabuhay! Alalahanin niyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya,
7 t’ie, Tsy mahay tsy hatolotse am-pità’ o bei-hakeoo i Ana’ondatiy, le ho peheñe an-katae ajale vaho hivañom-beloñe ami’ty andro fahatelo.
sinabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanang tao at ipapako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”
8 Le nitiahi’ iereo i saontsi’ey.
Naalala ng mga babae ang mga sinabi niya,
9 Ie nibalike boak’ an-donake ao le nitalily irezay amy folo-raik’ amby rey naho amo ila’e iabio.
at bumalik sila galing ng libingan at sinabi ang lahat ng nangyari sa labing isang alagad at lahat ng iba pa.
10 I Miriame nte-Magdalà, naho i Johana, naho i Marie rene’ Iakoba, vaho ty ila’ iereo ro nitalily amo Firàheñeo.
Ngayon, sina Maria Magdalena, Juana, Maria na ina ni Santiago, at ang iba pang mga babaeng kasama nila ang nagbalita ng mga nangyari sa mga apostol.
11 Fe nihoe kanifonifok’ am’iereo i saontsi’ iareoy, le tsy niantofa’ iareo;
Ngunit ang balitang ito ay tila walang kabuluhan sa mga apostol, at hindi nila pinaniwalaan ang mga babae.
12 fe niongake t’i Petera nihitrihitry ty lay mb’ an-donake mb’eo; ie nibokoboko, le i lamban-doloy avao ty nioni’e eo hoek’eo; vaho nimpoly, latsa amy nifetsakey.
Gayon pa man, tumayo si Pedro, at tumakbo papunta sa libingan, at yumuko siya at tumingin sa loob, nakita niya na ang mga telang lino na lamang ang naroon. Kaya umuwi si Pedro sa kaniyang tahanan, na nagtataka kung ano ang nangyari.
13 Inao! nigodañe mb’ an-drova atao Emaosy mb’eo ty roe am’ iereo amy àndro zay, eva’e ho enem-polo stadia hirike e Ierosaleme añe,
Masdan ninyo, sa araw ding iyon, dalawa sa kanila ang papunta sa nayon na tinatawag na Emaus, na animnapung stadia ang layo mula sa Jerusalem.
14 nifanaontsy ze hene nitendreke izay.
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa lahat ng nangyari.
15 Aa, ie nivesoveso naho nitsakore, le niharinea’ Iesoà vaho nitraofa’e fañavelo.
Nangyari na, habang nag-uusap sila at nagtatanungan sa isat-isa, lumapit si Jesus mismo at sumama sa kanila.
16 F’ie nitakonam-pihaino tsy hahafohiñ’ aze.
Ngunit ang kanilang mga mata ay nahadlangan upang hindi siya makilala.
17 Le nanoa’e ty hoe: Inoñe o ifanaontsia’ areo te mañavelo, kanao manahelo?
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa habang naglalakad kayo?” Huminto sila na nalulungkot.
18 le hoe ty natoi’ ty atao Kleopasy: Ihe avao hao ty ambahiny e Ierosaleme ao tsy mahafohiñe o raha nifetsak’ atoa amo andro rezaoo?
Isa sa kanila na nagngangalang Cleopas, ang sumagot sa kaniya, “Ikaw lang ba ang tao sa Jerusalem na hindi nakakaalam sa mga bagay na nangyayari doon sa mga araw na ito?”
19 Ino? hoe re. Le hoe ty natoi’ iareo: Iesoà nte-Nazareta, nimpitoky fatratse am-pitoloñañe naho tsara añatrefan’ Añahare naho ondaty iabio;
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Anong mga bagay?” Sumagot sila sa kaniya, “Ang mga bagay tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, na isang propeta, na makapangyarihan sa gawa at salita sa harapan ng Diyos at ng mga tao.
20 ie nasese’ o mpisorom-beio naho o roandrian-tikañeo hafàtse ho vonoeñe, vaho pinè’ iereo.
At kung papaano siya ibinigay ng mga punong pari at mga pinuno natin upang hatulan ng kamatayan at ipako sa krus.
21 Fe ie ‘nio ty nitamà’ay hijebañe Israele; fa tovo’ iaby izay, androany ty andro faha-telo sikal’ amy nitendreha’ i he’e rezay.
Ngunit umasa kami na siya ang magpapalaya sa Israel. Oo, at maliban pa sa lahat ng ito, pangatlong araw na ngayon mula ng nangyari ang mga bagay na ito.
22 Eka! nahadaba anay ka ty roakemba’ay ila’e, ie nitsatok’ an-donak’ añe marain-tsikiake,
Ngunit bukod dito, pinamangha kami ng ilan sa mga kababaihang kasamahan namin, na pumunta sa libingan nang maaga.
23 fe tsy nioni’ iereo ao i fañòva’ey, vaho nibalike nitalily te nahaisake ty fisodehan’ anjely nitalily am’ iereo t’ie veloñe.
Nang hindi nila nakita ang kaniyang katawan, pumunta sila sa amin, sinasabing may nakita silang pangitain ng mga anghel na nagsabing siya ay buhay.
24 Niavotse mb’an-donake mb’eo ty ila’e ama’ay, le nanjo hambañe amy nitalilie’ i roakemba reiy, fe tsy nahaisak’ aze.
Pumunta sa libingan ang ilan sa mga kalalakihang kasama, at nakita nila ito na gaya ng sinabi ng mga kababaihan. Ngunit hindi nila siya nakita.”
25 Aa le hoe ty natao’e am’iereo: O ry bahimo malaon-troke, tsy mahafiantoke ze hene saontsi’ o mpitokio.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “O mga lalaking hangal at makukupad ang puso na maniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta!
26 Tsy linahatse hao te tsi-mete tsy nifeake irezay i Norizañey vaho hizilik’ amy enge’ey?
Hindi ba kinakailangang si Cristo ay magdusa ng ganitong mga bagay, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?”
27 Aa le mifototse amy Mosè naho o mpitoky iabio, le nampalangese’e ama’e o Sokitse Masiñe iabio, ze mioza ama’e ao.
At magmula kay Moises at sa lahat ng propeta, ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili sa lahat ng mga kasulatan.
28 Ie niharine amy rova homba’ iareoy, le mitse hionjomb’eo t’Iesoà.
Habang papalapit sila sa nayon, na kanilang pupuntahan, lumakad si Jesus na wari magpapatuloy pa.
29 Fe hoe ty nañosiha’iareo aze: Mañialoa ama’ay; ie ho haleñe naho fa miròñe i àndroy. Aa le nimoak’ ao re hialeñe am’iereo.
Ngunit siya ay pinigilan nila, sinasabi, “Manatili ka sa amin, sapagkat malapit nang gumabi at dumidilim na.” Kaya pumasok si Jesus upang tumuloy sa kanila.
30 Ie niambesatse am-pandambañañe mindre am’ iereo, le nandrambe mofo naho nitata naho namolake vaho nazotso’e am’ iereo.
At nangyari, nang siya ay umupong kasalo nila upang kumain, kinuha niya ang tinapay, at pinagpasalamatan ito, at pinagpira-piraso ito, at ibinigay niya ito sa kanila.
31 Nibarababeak’ amy zao ty fihaino’iareo nahafohiñe aze; f’ie nimosaoñe tsy niisake ka.
Pagkatapos, nabuksan ang kanilang mga mata, at siya ay nakilala nila, at siya ay naglaho sa kanilang paningin.
32 Aa le nifanaontsy ty hoe iereo: Tsy nimae an-trok’ ao hao tika t’ie nilañoñe amy lalañey vaho nampiborake o Sokitse Masiñeo?
At sinabi nila sa isa't-isa, “Hindi ba umaalab ang ating puso, habang kinakausap niya tayo sa daan, habang binubuksan niya sa atin ang mga Kasulatan?”
33 Niongak’ amy oray avao iereo, nibalike mb’e Ierosaleme mb’eo, le nifanjo amy folo lahy raik’ amby rey tafatontoñe ao miharo amo mpiam’ iereo,
Tumayo sila sa oras ding iyon, at bumalik sa Jerusalem. Natagpuan nila ang labing-isa na nagtipon-tipon at ang iba pang kasama nila,
34 ze nanao ty hoe: Toe natroatse t’i Talè! mbore nisodehañe amy Simona.
sinasabi, “Totoo ngang muling nabuhay ang Panginoon, at nagpakita siya kay Simon”.
35 Le natalili’ iareo i tan-dalañe ey rezay, naho t’ie nifohi’ iareo amy namolaha’e mofoy.
Kaya ikinuwento nila ang nangyari sa daan, at kung paano nila nakilala si Jesus nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay.
36 Mbe nitalily iereo te niloneak’ añivo’ iereo eo t’Iesoà, nanao ty hoe: Fañanintsiñe ama’areo.
Habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus mismo sa kalagitnaan nila, at sinabi niya sa kanila, “Kapayapaan ay sumainyo.”
37 Nitsekake naho nirevendreveñe iereo, hoe te nahaisak’ angatse.
Ngunit sila ay nasindak at napuno ng takot, at inakala nila na espiritu ang kanilang nakita.
38 Fe hoe re tam’iereo: Inoñ’ o mampihohokòhok’ anahareoo? naho inoñe ty mampivazobazotse ty tro’areo?
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo naguguluhan? Bakit may mga katanungan sa inyong puso?
39 Hehe o tañakoo naho o tombokoo, izaho ‘nio; itsapao vaho mahaonìña, toe tsy ama’ nofotse naho taolañe o angatseo manahake o isa’areo amakoo.
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at paa, na ako talaga ito. Hawakan ninyo ako at tingnan ninyo. Sapagkat ang espiritu ay walang buto at laman, gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
40 Ie nagado’e i saontsy zay, le natoro’e iareo o fità’eo naho o fandia’eo.
Pagkatapos niyang sabihin ito, pinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at paa.
41 F’ie mbe tsy nahafiantok’ avao fa loho ehake naho latsa; le hoe re: Aman-kaneñe hao nahareo?
Habang sila ay hindi pa rin makapaniwala dahil sa galak, at namangha, sinabi ni Jesus sa kanila, “Mayroon ba kayong anumang makakain?”
42 Le nanjotsoa’ iareo sale-fiañe naho papin-tantele.
Siya ay binigyan nila ng inihaw na isda.
43 Rinambe’e vaho nikama añatrefa’iereo.
Kinuha ito ni Jesus at kinain niya ito sa harapan nila.
44 Le hoe re am’iereo: O entañe zao ty nitaroñako t’ie mbe nitraoke, te tsi-mahay tsy ho heneke i pinatetse ty amako amy Ha’ i Mosèy ao naho amo Mpitokio vaho amo Saboo rezay.
Sinabi niya sa kanila, “Nang kasama ko kayo, sinabi ko sa inyo na lahat ng nakasulat sa kautusan ni Moises at ng mga propeta at sa Aklat ng Mga Awit ay kailangan matupad.”
45 Sinoka’e amy zao ty fivetsevetse’ iareo haharendreke o Sokitse Masiñeo.
At binuksan niya ang kanilang mga isipan upang maunawaan nila ang Kasulatan.
46 Le hoe re tam’iereo: Hoe ty pinatetse, te tsi-mete tsy holañeñe naho hivañon-ko veloñe amy andro fahateloy i Norizañey
Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, na kailangang maghirap ang Cristo, at muling mabuhay mula sa patay sa ikatlong araw.
47 vaho ho taroñeñe amy tahina’ey ty fisolohoañe naho ty fañahan-kakeo amo kilakila ondatio mifototse e Ierosaleme ao.
At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.
48 Valolombeloñe amy raha rezay nahareo.
Kayo ay mga saksi ng lahat ng ito.
49 Inao, hahitriko ama’ areo i nampitaman-dRaekoy; aa le mandiñisa an-drova Ierosaleme ao ampara’ te isaroman-kaozarañe hirik’ añ’ abo.
Tingnan ninyo, ipadadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama. Ngunit mag-hintay kayo sa lungsod, hanggang kayo ay mapagkalooban ng kapangyarihang mula sa taas.”
50 Aa le niaoloa’e pak’ e Betania Anià vaho nañonjom-pitañe, nitata iareo.
At inilabas sila ni Jesus hanggang malapit na sila sa Bethania. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at binasbasan sila.
51 Ie nitatae’e, le navik’ am’ iereo vaho naonjoñe mb’ andindiñe añe.
Nangyari na, habang sila ay binabasbasan niya, sila ay iniwan niya at siya ay dinala paakyat sa langit.
52 Nitalahoa’ iareo naho nimpoly mb’e Ierosaleme mb’eo an-kafaleam-bey,
Kaya siya ay sinamba nila, at bumalik sila sa Jerusalem nang may labis na kagalakan.
53 vaho nitolom-pandrenge naho nañandriañe an’Andrianañahare añ’ Anjomban’ Añahare ao. Amena.
Namalagi sila sa Templo, na nagpupuri sa Diyos.