< Lioka 15 >
1 Hene niropak’ am’ Iesoà amy zao o mpamory vili-lohao rekets’ o bey hakeoo hijanjiñe aze.
Ngayon, ang lahat ng mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan ay lumalapit kay Jesus upang makinig sa kaniya.
2 Le hoe ty fitreontreo’ o Fariseoo naho o mpanoki-dilio: Mandrambe mpanan-tahiñe t’indaty tia vaho mitrao-pilintseñe ama’e.
Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba sa isa't isa, sinasabi, “Malugod na tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at kumakain pa kasama nila.”
3 Aa le nirazaña’e ty hoe:
Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila, sinasabi,
4 Ia ama’ areo aman’ añondry zato, ie rereke ty raike, ty tsy hienga i sivampolo sive’ amby rey an-tameañe ey heike, hihitrihitry hitsoeke i motsoy ampara’ te tendreke?
“Sino sa inyo, kung mayroon siyang isang daang tupa at pagkatapos nawala ang isa sa kanila, ang hindi iiwanan ang siyamnapu't siyam sa ilang, at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan niya ito?
5 Ie isa’e, le anoe’e ega vaho ifalea’e,
Pagkatapos, kapag natagpuan niya ito, pinapasan niya ito sa kaniyang mga balikat at nagagalak.
6 le ie pok’ añ’ anjomba’e ao, atonto’e o rañe’eo naho o marineo vaho anoe’e ty hoe: Antao hitrao-kaehak’ amako, fa nitreako i añondriko nimotsoy.
Pagdating niya sa bahay, tinitipon niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, sinasabi sa kanila, 'Makisaya kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko ang aking nawawalang tupa.'
7 Itaroñako te hirebeke ty andindiñe ao ami’ty bei-hakeo misoloho te ami’ty maren-tane sivampolo sive’ amby tsy aman-kisolohoa’e.
Sinasabi ko sa inyo na gayon din, magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisisi, higit pa sa siyamnapu't siyam na taong matuwid na hindi kailangang magsisi.
8 Ia ka ty rakemba aman-tsanganolo folo, ie motso ty raike ro tsy handrehetse jiro, hipio anjomba hikodebe ampara’ te isa’e?
O sinong babaing may sampung pilak na barya, kung mawalan siya ng isang barya, ang hindi magsisindi ng ilawan, magwawalis sa bahay, at masikap na maghahanap hanggang sa matagpuan niya ito?
9 Ie zoe’e ro mamory o rañe’eo naho o mpifankarine ama’eo hanao ty hoe: Antao hitrao pinembanembañ’ amako; fa nitreako i tsanganolo nimotsoy.
At kapag natagpuan niya ito, tinitipon niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, sinasabi, 'Makisaya kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko ang baryang nawala ko.'
10 Itaroñako te firebehañe ty añatrefa’ o anjelin’ Añahareo ami’ty fibaboha’ ty mpanan-tahiñe raike.
Gayon din, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa kinaroroonan ng mga anghel ng Diyos sa isang makasalanang nagsisisi.
11 Tinovo’e ty hoe: Teo t’indaty aman’anadahy roe.
Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “May isang lalaking may dalawang lalaking anak,
12 Le hoe ty zai’e aman-drae’e: O aba, atoloro ahy ty anjara lovako. Le zinara’e am’ iereo ty fiveloma’e.
at sinabi ng nakababata sa kanila sa kaniyang ama, 'Ama, ibigay mo na sa akin ngayon ang ari-arian na nararapat na manahin ko.' Kaya hinati niya ang kaniyang kayamanan sa pagitan nila.
13 Ie modo ty andro tsy ampeampe le hene natonton-jai’e naho nifokofoko mb’an-tsietoitane añe vaho nirite’e ami’ty hatsivokarañe o fanaña’eo.
Pagkaraan ng ilang mga araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kaniyang pag-aari at pumunta sa isang malayong bansa, at doon ay winaldas niya ang kaniyang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi niya kailangan, at pag-aaksaya ng kaniyang pera sa masamang pamumuhay.
14 Ie nikapioke, nitondroke ty san-kerè mena amy taney vaho nirota.
Ngayon, nang naubos na niya ang lahat, matinding taggutom ang lumaganap sa buong bansang iyon, at siya ay nagsimulang mangailangan.
15 Aa le niavotse re, noly amy t’indaty tompo-tane nañirak’ aze hiara-dambo an-tete’e añe.
Siya ay pumunta at namasukan sa isa sa mga mamamayan ng bansang iyon, na nagpapunta sa kaniya sa kaniyang bukirin upang magpakain ng mga baboy.
16 Le naìna’e te ho nañatseke ty tro’e amo hara’e fihanen-damboo, fe tsy eo ty namahañe aze.
At nais na sana niyang kainin ang mga balat ng buto na kinakain ng mga baboy dahil walang nagbigay sa kaniya ng anumang makakain.
17 Ie nitombalin-dre, le hoe ty fisafiri’e: Firefire amo mpikarama aman-draeko añeo ro tsy enen-kaneñe, izaho mifeake ty kerè atoy!
Ngunit nang nakapag-isip-isip ang nakababatang anak, sinabi niya, 'Napakaraming mga upahang utusan ng aking ama ang may higit pa sa sapat na pagkain, at ako ay nandito, namamatay sa gutom!
18 Hiavotse iraho himpoly mb’ aman-draeko añe, le hanoeko ty hoe: Ry aba, aman-kakeo andindìñey naho ama’o raho
Aalis ako rito at pupunta sa aking ama, at sasabihin ko sa kaniya, “Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin.
19 le tsy mañev’ ahy te hatao ana’o, ehe apoho ho mpiamo tsimañaja’oo.
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo; gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan.'”
20 Aa le niongake re nimpoly mb’ aman-drae’e añe. Ie mbe eñe te nitalaken-drae’e naho niferenaiña’e; vaho nihitrihitry mb’ ama’e mb’eo nametreke ty fititia’e naho norofa’e.
Kaya umalis ang nakababatang anak at pumunta sa kaniyang ama. Habang siya ay malayo pa, nakita siya ng kaniyang ama, at siya ay nahabag, at tumakbo, at niyakap at hinagkan siya.
21 Fa hoe ty nanoa’ i ana’ey: O aba, aman-tahiñe andindìñey naho ama’o iraho, tsy mañeva ahy ty hatao ty hoe ana’o ka.
Sinabi ng anak sa kaniya, “Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi ako karapat-dapat na tawaging anak mo.”
22 Fe hoe ty rae’e amo mpitoro’eo: Hitrifo masika kirahe i sarimbo soay le isaroño; añombeo bange o taña’eo naho hana o tombo’eo
Sinabi ng ama sa kaniyang mga utusan, 'Kunin ninyo kaagad ang pinakamagandang balabal, at isuot sa kaniya, at lagyan ng sing-sing ang kaniyang kamay, at sandalyas ang kaniyang mga paa.
23 le endeso atoy i ana-bosy vinondrakey, lentao; naho antao hikama vaho hifale.
Pagkatapos, dalhin ninyo dito ang pinatabang guya at katayin. Tayo ay magsikain at magdiwang.
24 Amy te nihomake ty anako toy naho nivañom-beloñe, nimotso vaho nitrea. Aa le nifale iereo.
Sapagkat ang anak ko ay namatay, at ngayon siya ay nabuhay. Siya ay nawala, at ngayon siya ay natagpuan.' At sila ay nagsimulang magdiwang.
25 Tan-tetek’ añe i zoke’ey; aa ie nañarine i anjombay, le nahatsanom-peon-kafaleañe naho tsinjake.
Sa panahong iyon, ang kaniyang nakatatandang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumating at palapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan.
26 Le tsinikao’e ty mpitoroñe, naho nañontane ty foto’ o raha zao.
Tinawag niya ang isa sa mga utusan at tinanong kung ano ang mga bagay na ito.
27 Le hoe ty nanoa’ i mpitoroñey: Nivotrak’ atoy i rahalahi’oy; aa kanao nijaranjaiñe i anadahi’ey, le vinonon-drae’o i ana-bosy vinondrakey.
Sinabi ng utusan sa kaniya, 'Dumating ang iyong kapatid at nagpakatay ang iyong ama ng pinatabang guya, dahil nakabalik siya nang ligtas.'
28 Nioroñoroñe amy zao re nifoneñe tsy hizilik’ ao; aa le niakatse ty rae’e hañohò aze.
Nagalit ang nakatatandang anak, at ayaw niyang pumasok, at lumabas ang kaniyang ama, at pinakiusapan siya.
29 Fe hoe re aman-drae’e: Hete, fa haehae ty nitoroñako azo, le tsy nililareko ndra mbia’ mbia o lili’oo; fe mbe lia’e tsy nitolara’o ndra ty vi’e hifalefaleako amo rañekoo.
Ngunit sumagot ang nakatatandang anak at sinabi sa kaniyang ama, 'Tingnan mo, nagpa-alipin ako sa iyo sa loob ng maraming taon, at kailanman ay hindi ako sumuway sa iyong utos, ngunit kailanman ay hindi mo ako binigyan ng isang batang kambing upang magdiwang ako kasama ng aking mga kaibigan,
30 Ie niloneake eo i ana-dahi’o nampianto ty harea’o amo tsimirirañeoy, le linenta’o i temboay vinondrakey.
ngunit nang dumating ang iyong anak, na umubos ng iyong kabuhayan sa mga babaing nagbebenta ng aliw, nagpakatay ka ng pinatabang guya para sa kaniya.'
31 Aa hoe ty saontsin-drae’e tama’e: O anake, toe amako etoañe nainai’e irehe; fonga azo o hanañakoo.
Sinabi ng ama sa kaniya, 'Anak, lagi kitang kasama, at lahat ng sa akin ay sa iyo.
32 Fe evàe’e t’ie mifale naho mirebeke; amy te nihomake i rahalahi’oy f’ie nibodañe, nirereke fe nitendreke.
Ngunit dapat lang na tayo ay magdiwang at maging masaya, sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay, at ngayon ay nabuhay; siya ay nawala, at ngayon ay natagpuan.'”